Tumango lamang ni Lakay Awallan kahit hindi niya naintindihan ang tanong ngunit muling nabahala ang mga katutubong Malauegs nang karingat–dingat lumapit sa kanya si Sarhento Valeriano Guztavo dela Paz habang bakas sa mukha nito ang ngiti na mahirap bigyan ng tamang kahulugan. Aywan kung ikinagalak ni Lakay Awallan ang pakipagkamay sa kanya ni Sarhento Valeriano Guztavo dela Paz pagkat nanatiling pormal ang kanyang mukha habang umiiling na lamang ang mga katutubong Malauegs dahil sa maling sapantaha na may gagawing masama sa kanilang Punong Sugo ang ayudante ni Alferez. Para naman kay Sarhento Valeriano Guztavo dela Paz ay magandang pagkakataon ang makilala niya ang namumuno ng tribung Malauegs pagkat magiging madali na lamang sa panig nila ang makipag–ugnayan sa mga katutubong Malauegs dahil tiyak naman na mauulit pa ang pagpunta nila sa kanilang komunidad. Puwes, alam na niya kung sino ang dapat lapitan upang kausapin ang mga katutubong Malauegs pagkat wala nang dahilan upang naisin pa rin nila ang magtago sa tuwing dumarating ang kanilang tropa kung wala naman silang itinatagong lihim. Kung pinalakpakan ng mga soldados ang pakipagkamay ni Sarhento Valeriano Guztavo dela Paz kay Lakay Awallan ay binigyan naman ng masamang kahulugan ng mga katutubong Malauegs ang pakipagkaibigan niya sa kanila dahil lalo lamang ibinabalik nito ang alaala ng dating komunidad ng Calantac. Baka pakitang–tao lamang ang ipinamalas na pakipagkaibigan ng mga soldados para madali nang mapapahinuhod sa totoong layunin nila ang mga katutubong Malauegs dahil sa paniniwala na kaya nilang linlangin ang kanilang kamangmangan. “¿Como te llamas? ¿Señor?” Dahil nabahala si Alawihaw nang magpasunod ng katanungan si Sarhento Valeriano Guztavo dela Paz ay hindi na siya nagdalawang–isip lapitan si Lakay Awallan para paalaalahanan pagkat maaaring ikapapahamak lamang ng kanilang tribu ang kanyang sagot dahil hindi niya alam ang wikang Español. Kanina pa hinihintay niya na tumingin sa kanyang dako si Lakay Awallan upang ipaalaala na hindi siya dapat nagbibigay ng anumang impormasyon na may kinalaman sa tribung Malauegs pagkat puwedeng gamitin ito ng pamahalaang Kastila ng Alcala laban sa kanila sa hinaharap. Kaya pinagsisihan niya nang hindi siya agad tumabi kay Lakay Awallan lalo na ngayong natuon sa kanya ang pagtatanong ni Sarhento Valeriano Guztavo dela Paz na ikinabahala naman niya pagkat walang magbibigay ng payo sa kanya dahil papunta pa lamang siya sa tabi niya. Segurado siya na kakailanganin ni Lakay Awallan ang payo pagkat hindi pa niya naranasan ang makipag–usap sa mga banyaga lalo na sa mga soldados dahil sa komunidad lamang naglalagi siya habang nagdarasal nang maghapon sa loob ng sagradong kubol. Sa halip na magmano siya ay siningkil na lamang niya ang siko ni Lakay Awallan upang ipaalam ang kanyang paglapit para hindi siya ang magiging dahilan ng kaabalahan kahit ang totoo’y hindi rin niya naiintindihan ang tanong ni Sarhento Valeriano Guztavo dela Paz. Nagpasalamat naman si Lakay Awallan nang lumapit si Alawihaw dahil naituwid ang kanyang maling akala na maaga siyang pumasok sa kagubatan dahil kanina pa niya inaasahan ang paglapit ni Assassi upang may umalalay sana sa kanya. Tuloy, napansin ni Sarhento Valeriano Guztavo dela Paz si Alawihaw na kahit karaniwan lamang ang tangkad ay matikas naman ang katawan niya basta huwag lamang punahin ang kanyang sunog na kutis para hindi siya magdamdam. Matatag ang pagkakatayo ni Alawihaw habang palihim na hinahagilap niya ang kamay ni Lakay Awallan upang iparamdam ang kanyang mensahe na hindi puwedeng bigkasin sa harap ni Sarhento Valeriano Guztavo dela Paz kahit hindi naiintindihan nito ang katutubong dialekto. Matapos niyang pisilin nang mahigpit ang palad ni Lakay Awallan ay bumulong siya upang ipaalaala sa kanya ang tinuran noon ni Lupog na hindi sila dapat nagtitiwala sa mga banyaga pagkat mahirap balewalain ang sinapit ng mga katutubong Malauegs ng Calantac. Hindi namamalas sa dalawang nagkakamayan ang tunay nilang saloobin kahit gaano pa ito kahigpit dahil hindi naaarok ng sinuman ang nagkakanlong na damdamin sa kani–kanyang puso’t isipan lalo’t magkaiba ang lahi ay tiyak na magkasalungat din ang adhikain.
“L–Lakay A . . . Awallan! Ang . . . pangalan ko! Señor!” Sapagkat kaugalian na ng mga katutubong Malauegs ang nagpapakilala sa kanilang panauhin ay ito naman ang naging katuwiran ni Lakay Awallan dahil sa akala na nais lamang alamin ni Sarhento Valeriano Guztavo dela Paz ang kanyang pangalan kahit hindi niya nauunawaan ang tanong sa wikang Español. Ipinagpalagay na lamang niya na wala namang masama kung malaman ni Sarhento Valeriano Guztavo dela Paz ang kanyang pangalan kaysa magkukunwaring bingi dahil lamang hindi niya naiintindihan ang wikang Español kahit magiging kapulaan ito sa kanyang pagkatao. Kunsabagay, normal na ang ganitong pagtatanong mula sa mga soldados dahil ngayon lamang nila nakasalamuha ang mga katutubong Malauegs kaya obligadong magpakilala sa kanila si Lakay Awallan bilang Punong Sugo ng tribung Malauegs ngunit hindi na siya nagbigay ng karagdagang impormasyon. Nakatulong naman ang pasimpleng singkil ni Alawihaw dahil nabigyan niya ng babala si Lakay Awallan na sumulyap pa sa kanya pagkat posibleng makokompromiso ang kanilang tribu kung hindi siya magiging maingat sa pagsasagot sa mga tanong ni Sarhento Valeriano Guztavo dela Paz. Mangyari, ang pinangangambahan naman ni Alawihaw ay posibleng samantalahin ni Sarhento Valeriano Guztavo dela Paz ang pagkakataon sa pamamagitan ng pakipag–usap kay Lakay Awallan upang mangalap ng maraming impormasyon na puwedeng gamitin ng pamahalaang Kastila ng Alcala laban sa kanila. Nagpasalamat din siya pagkat hindi inalam ni Sarhento Valeriano Guztavo dela Paz ang kanyang pangalan dahil may katuwiran naman kung hindi niya sagutin ang tanong kahit magkatabi sila ni Lakay Awallan ngunit mas matutuwa siya kung magpaalam na ang mga soldados. Ngunit nagkamali pala sina Lakay Awallan at Alawihaw nang maipagpalagay nila na hindi na magpapasunod ng katanungan si Sarhento Valeriano Guztavo dela Paz pagkat may napansin na naman ang kanyang mga mata sa halip na basahin niya ang ordinansa ng pamahalaang Kastila ng Alcala.
“¡Tal vez! ¡Tu comunidad se ha establecido desde hace mucho tiempo! ¿Estoy en lo correcto? ¿Eh? ¿Lakay Awallan?” Baka katatapos pa lamang likhain ni Bathala ang mundo nang magkaroon ng komunidad ang mga katutubong Malauegs pagkat hindi pa isinilang si Lakay Awallan ay may tribung Malauegs na ngunit hindi lamang matiyak kung si Lakay Bangkuwang ang unang pinuno nila noong mga panahong ‘yon. Talagang may katuwiran pala si Alawihaw para payuhan ang kanilang Punong Sugo na huwag basta sumagot sa tanong ni Sarhento Valeriano Guztavo dela Paz dahil malaki ang posibilidad upang magkamali ang kanyang tugon pagkat hindi naman niya nauunawaan ang wikang Español. Malinaw ang pagkakamali ni Lakay Awallan nang ipakilala ang kanyang sarili pagkat naging panimula lamang ito upang samantalahin ni Sarhento Valeriano Guztavo dela Paz ang pakipag–usap sa kanya para mangalap ng impormasyon kahit magdulot ng kasiraan sa tribung Malauegs. Gayunpaman, sinikap na lamang unawain ni Alawihaw ang naging desisyon ni Lakay Awallan pagkat nararapat lamang pakiharapan niya ang mga soldados dahil tungkulin niya bilang Punong Sugo ng tribung Malauegs kahit marami na silang naririnig tungkol sa kanilang hindi makatuwirang gawain na dapat nilang ikabahala. Kaya sa sumunod na tanong ni Sarhento Valeriano Guztavo dela Paz ay napaisip si Lakay Awallan habang tinatanong ang sarili kung dapat bang sumagot pa siya matapos mapaglimi ang kanyang pagkakamali hanggang sa sumiglaw siya kay Alawihaw upang magpatulong. Umiling nang mariin si Alawihaw nang magsalubong ang kanilang mga paningin dahil hindi dapat masundan pa ang minsang pagkakamali lalo’t walang nakaiintindi sa wikang Español sa kanilang tribu para mapayuhan sana sila. Lingid kay Lakay Awallan ay napangiti na lamang si Sarhento Valeriano Guztavo dela Paz habang pinagmamasdan nito ang kanyang reaksiyon dahil sa pag–aakala na naging mahirap para sa kanya upang balikan ang mga nagdaang taon pagkat nabalam ang pagsagot niya. Hindi naman nagkamali ang tantiya ni Sarhento Valeriano Guztavo dela Paz na maaaring daang taon na ang lumipas mula nang maitatag ang komunidad ng mga katutubong Malauegs pagkat napapaligiran ito ng mga nagtatayugang puno na posibleng sila rin ang nagtanim. At panlimang henerasyon na yata si Lakay Awallan sa lipi ni Lakay Bangkuwang mula nang matuklasan sa kabundukan ng Sierra Madre ang tribung Malauegs ngunit ngayon pa lamang ito narating ng mga banyaga sapul nang mapasailalim sa gobierno revolucionario ang dating pueblo Fulay na naging bayan ng Alcala sa kasalukuyang panahon.
“P–Paumanhin po . . . Señor! Kasi po . . . ! H–Hindi ko po . . . ! Hindi ko po naintindihan . . . ang tanong po ninyo!” Mabuti pa ang aminin na lamang ang kahinaan kaysa magkunwaring may alam kahit hindi naman ito napapakinabangan dahil hiram lamang kaya kapahamakan ang madalas nagiging hantungan ng kaunting karunungan. Sapagkat katutubong dialekto ang nagisnang lengguwahe ng mga katutubong Malauegs ay hindi nakapagtataka kung naging mahirap talusin sa malak nila ang wikang Español ngunit hindi nila dapat ikahihiya ang pagsasabi ng totoo dahil naririto sila sa sariling paraiso – ang kabundukan ng Sierra Madre. Unang narinig nila ang wikang Español noong idineklara sa pueblo Fulay ang gobierno revolucionario ngunit hindi sila nagkaroon ng interes upang pag–aralan ito maski madalas silang bumababa sa kabayanan pagkat wala rin naman nagmagandang–loob mula sa mga katutubong binyagan para turuan sana sila. Hanggang sa itinatag ang pamahalaang Kastila ng Alcala nang maging ganap nang bayan ng Alcala ang dating pueblo Fulay ngunit mabibilang lamang sa mga katutubo ng Sierra Madre ang nahikayat magpabinyag kahit naging puspusan na noon ang pagpapalaganap ng mga prayle sa pananampalataya. Mga katutubong binyagan lamang ang naging interesado sa wikang Español pagkat kailangan matutunan nila ang kahulugan ng bawat dasal na itinuturo sa kanila ng kura paroko ng Alcala pagkat pagmumultahin sila kung hindi maisaulo ito kaya dumami ang mga baliw sa bayan ng Alcala. Ngunit minabuti ng mga katutubong binyagan ng tribung Malauegs ang manirahan na lamang sa bayan ng Alcala para hindi sila mapapagalitan ng mga prayle pagkat hindi nila magagawa ang magsimba araw–araw kung manatili sila sa komunidad na lubhang malayo mula sa simbahan ng Alcala. Kabaligtaran ang mga katutubong binyagan ng Calantac pagkat ginusto pa rin nila ang manirahan sa kanilang komunidad dahil karatig lamang nito ang bayan ng Alcala ngunit aywan kung nanatili pa rin ang kanilang pananampalataya matapos ang nangyaring pananalakay sa kanila ng mga soldados. Nakabuti rin ang pagiging tapat ni Lakay Awallan dahil seguradong nagtuluy–tuloy na ang pagtatanong ni Sarhento Valeriano Guztavo dela Paz kahit hindi niya nauunawaan ang katutubong dialekto ngunit tiyak natatandaan naman niya ang kanyang mga tugon na maaaring ihingi niya ng kahulugan sa pagbabalik nila sa bayan ng Alcala. Ramdam ni Sarhento Valeriano Guztavo dela Paz ang kabiguan nang wala na siyang nakuhang impormasyon mula kay Lakay Awallan kahit ang tungkol man lamang sana sa kanilang populasyon dahil naniniwala siya na higit pa sa kanyang nakikita ngayon ang aktuwal na bilang nila. Kunsabagay, sapat nang ebidensiya nang makaharap nila ang mga katutubong Malauegs pagkat napatunayan niya na talaga palang may naninirahan sa mga kubol na napagkamalan pa nina Alcalde at Alferez ay pahingahan lamang ng mga mangangaso. At nakadaupang–palad pa niya si Lakay Awallan na tandisang umamin na siya ang pinuno ng tribung Malauegs na makatutulong nang malaki sa mga susunod na operasyon nila pagkat batas sa kabundukan ng Sierra Madre ang kanyang mga salita. Mga ebidensiya na puwede nang maipagmamalaki kina Alcalde at Alferez upang hindi sila mag–aalinlangang ipagkaloob ang promosyon na kaytagal na niyang inaasam para magiging inspirado siya sa pagtupad ng kanyang tungkulin kahit gaano pa ito kahirap.
Dahil wala nang maisip na tanong si Sarhento Valeriano Guztavo dela Paz ay saka pa lamang inilabas mula sa kanyang mochila ang sobre na may tali pa ng pulang laso kaya animo regalo mula sa pamahalaang Kastila ng Alcala ang laman nito para sa mga katutubong Malauegs kahit malayo pa ang pasko. Pagkatapos, dahan–dahan namang inilalabas niya mula sa sobre ang nakatiklop na dokumento ngunit muli niyang binasa ito upang tiyakin na talagang ordinansa tungkol sa buwis at amilyaramyento ang kanyang hawak para maiiwasan ang pagkakamali. Bagaman, maraming beses nang nabasa niya ang ordinansa ng pamahalaang Kastila ng Alcala ay ninais pa rin niya ang maneguro lalo’t kanina pa siya pinagmamasdan ng mga katutubong Malauegs na kinaiinipan na rin yata ang paghihintay kahit hindi nila naiintindihan ang wikang Español. Kahit nakatakdang ipatupad sa mga mamamayan ng Alcala ang ordinansa tungkol sa buwis at amilyaramyento ngunit ngayon pa lamang nangyayari na unang ibinando ito sa mga katutubong Malauegs maski naging mahirap para sa mga soldados ang implementasyon nito. Sapagkat kailangan suungin ng mga soldados ang panganib habang sinusugabang nila ang kabundukan ng Sierrra Madre para maipapatupad lamang ang ordinansa ng pamahalaang Kastila ng Alcala kahit hindi naiintindihan ng mga katutubong Malauegs ang wikang Español na naging problema ngayon ni Sarhento Valeriano Guztavo dela Paz. Madali nang maunawaan ang dahilan kung bakit walang interes ang mga katutubong Malauegs upang basahin ang mga papel na karaniwang ginagawang pambalot sa mga paninda sa pamilihan ng Alcala maski maaaring magbibigay ito ng mahalagang kaalaman sa kanila. Pero napuspos ng pagtataka ngayon ang mga katutubong Malauegs dahil sa papel na hawak ni Sarhento Valeriano Guztavo dela Paz habang nagtatanong ang kanilang mga sarili kung gaano ba kahalaga ito upang ipaloob pa sa sobre dahil sa sobrang pag–iingat para hindi malamukos. Hanggang sa lumikha ng amil ang kani–kanilang katanungan kung ano ang kaugnayan ng papel sa pagparito ng mga soldados sa kanilang komunidad kaya kinailangan pa nila ang dumaan sa talampas upang hindi nila mamalayan. Nang ibulong ni Alawihaw ang kanyang kagustuhan upang lapitan si Sarhento Valeriano Guztavo dela Paz para alamin ang isinasaad sa papel maski hindi siya marunong bumasa ay umiling si Lakay Awallan dahil makabubuti ang maghintay na lamang sila kaysa magmumukhang palalo. Matapos huminga nang malalim ni Sarhento Valeriano Guztavo dela Paz ay muling dumako sa mga katutubong Malauegs ang kanyang mga mata kaya kaagad napansin niya ang kanilang masidhing pananabik na marinig ang nilalaman ng dokumento na sisimulan pa lamang niyang basahin. Subalit basahin man niya ng malakas ang ordinansa ng pamahalaang Kastila ng Alcala kung hindi naman nila naiintindihan ang wikang Español ay wala rin saysay ngunit kailangan ituloy niya pagkat ito ang dahilan kung bakit naririto sila ngayon sa kanilang komunidad.
“¡Ahora tengo la ordenanza! ¡Si! ¡Ordenanza firmada por Alcalde!” Sadyang iwinagayway ni Sarhento Valeriano Guztavo dela Paz ang dokumento upang patunayan ang kanyang pahayag kahit alam na ng mga katutubong Malauegs pagkat kanina pa nang tumayo siya sa hapag ay sinusundan na nila ang bawat galaw ng kanyang mga kamay. Kapagdaka, napawi ang masidhing pagnanais ng mga katutubong Malauegs pagkat tama ang katuwiran ni Sarhento Valeriano Guztavo dela Paz na maski pasigaw pa ang pagbabasa niya sa ordinansa ng pamahalaang Kastila ng Alcala kung hindi naman nila naiintindihan dahil nakasulat ito sa wikang Español ay mawawalan din ng katuturan. Labis naman ang paghihimutok ng kalooban ni Lakay Awallan habang inaamin niya na walang sinuman sa kanila ang marunong ng wikang Español para maisasalin sana niya sa katutubong dialekto ang ordinansa upang malaman agad nila ang nais ipatupad ng pamahalaang Kastila ng Alcala. Baka nalalagay na pala sa kapahamakan ang buhay nila dahil wala silang muwang sa wikang Español na ginamit sa ordinansa ng pamahalaang Kastila ng Alcala ay walang duda na magkakaroon ng digmaan sa kabundukan ng Sierra Madre kahit mga katutubong armas ang mayroon lamang sila laban sa mga soldados. Entonses! Ano pa ang saysay para sa kanila ang ordinansa ng pamahalaang Kastila ng Alcala kung mistulang nasadlak sila sa pasukit na karimlan pagkat sa simula pa lamang ay wala silang nawawaan sa wikang Español kahit maghapon pang paulit–ulit basahin ito ni Sarhento Valeriano Guztavo dela Paz. Subalit sinikap pa rin magpakita ng interes ni Lakay Awallan kahit hindi niya maiintindihan ang isinasaad sa ordinansa ng pamahalaang Kastila ng Alcala dahil balak niya ang magpasaklolo na lamang sa mga katutubong binyagan sa bayan ng Alcala para may magagawa silang desisyon kung kinailangan. Nararapat lamang malaman agad nila habang may panahon pa pagkat ayaw niyang isipin na katulad din sa ordinansa na naging dahilan ng kasawian ng mga katutubong Malauegs ng Calantac ang gustong iparating sa kanila ng pamahalaang Kastila ng Alcala sa pamamagitan ni Sarhento Valeriano Guztavo dela Paz. Sapagkat hindi dapat ikatuwiran ang kanilang kamangmangan dahil may dangal din sila na dapat nilang pahahalagahan kaya walang rason upang ituring silang mga hayop kahit sa kabundukan ng Sierra Madre sila naninirahan ngunit busilak naman ang kanilang mga kalooban. Kahit hindi sila marunong magbasa at magsulat ay nagagawa pa rin nila ang makipagtalastasan sa mga kapwa katutubo ng Sierra Madre at sa mga katutubong binyagan dahil sariling dialekto ang nakasanayan na nila sa pakipag–usap bago pa man nasakop ng mga banyaga ang bayan ng Alcala. Sapagkat nananalig sila na likha ni Bathala ang nagisnan nilang mga batas ng kalikasan para magsilbing gabay upang ikalulugod pa rin nila ang pamumuhay sa kabundukan ng Sierra Madre kahit salat sila sa karunungan ngunit sagana naman sa biyaya. “Leere el contenido de la ordenanza! Solo para tu informacion! Pooh! Escuchen todos!” Paano ipapaliwanag sa mga kaisipan na hindi nakaiintindi ng wikang Español ang nais ipapatupad ng pamahalaang Kastila ng Alcala kung hindi rin kayang isalin ng mga soldados sa katutubong dialekto ang ordinansa dahil hindi man lamang nila pinaghandaan ang problemang ito? Walang duda na naghihintay na ang karsel para sa mga katutubong Malauegs pagkat malaki ang posibilidad na malalabag nila ang ordinansa kapag nabalam din ang pagtalima nila habang hindi ito naipapaliwanag nang lubos sa kanila. Nagtatanong sa isa’t isa ang tingin ng mga katutubong Malauegs kung sino ang maaaring magsalin sa ordinansa upang maintindihan nilang lahat ang nilalaman nito ngunit pumiksi lamang ang mga madalas naglalako ng mga gulay sa bayan ng Alcala. Kung may alam man sa wikang Español ang mga kababaihang Malauegs dahil madalas sila sa bayan ng Alcala ay tiyak na may kaugnayan sa negosyo kaya ayaw nilang pangahasan ang magboluntaryo pagkat magdudulot lamang ng kahihiyan ang kanilang kaunting nalalaman. Napilitan si Sarhento Valeriano Guztavo dela Paz upang ituloy ang pagbabasa sa ordinansa nang matiyak niya na talaga palang walang katutubong Maluegs ang marunong sa wikang Español dahil mas mahalaga ang kanilang misyon kaysa kapakanan nila kung wala rin siyang naisip na paraan. Ngunit wala sa kanya ang pansin ng mga kalalakihang Malauegs dahil kanina pa naghihimutok ang kanilang mga kalooban kaya sa tingin na lamang ipinararamdam ang saloobin ng bawat isa pagkat wala silang kakayahan upang isatinig ito. Walang duda na ipinatigil na nila ang pagbabasa ni Sarhento Valeriano Guztavo dela Paz kung hindi lamang napaligiran sila ng mga soldados pagkat pagsasayang lamang ng oras ang makinig dahil hindi rin naman nila naiintindihan ang ordinansa ng pamahalaang Kastila ng Alcala. Sadyang mahirap hanapan ng solusyon ang problema pagkat hindi puwedeng ipilit ang isang bagay kahit gaano pa kaimportante ito kung hindi naman nagkakaunawaan ang magkabilang panig dahil sa magkaiba ang kanilang lengguwahe. Hanggang sa humigpit ang kuyom ng mga palad ni Alawihaw habang sinisikap pigilin ang kanyang sarili upang hindi siya ang pagmumulan ng kaguluhan pagkat hindi man lamang inalagata ang kanilang debilidad sa wikang Español. Maya’t maya ang iling ng mga kalalakihang Malauegs upang ipamalas ang kanilang pagtutol habang binabasa ni Sarhento Valeriano Guztavo dela Paz ang ordinansa ng pamahalaang Kastila ng Alcala kahit hindi nila ito naiintindihan ngunit wala naman sa kanila ang pansin ng mga soldados pagkat nakikinig din sila. Napapadalas ang kanilang buntung–hinga upang sikilin ang naglalatang na poot sa kanilang mga dibdib hanggang sa lalong natigatig ang kanilang mga damdamin nang dumako ang kanilang paningin sa mga kabataang Malauegs na walang malay sa pangyayari. Ramdam nila ang matinding pagkahabag sa kanilang mga anak na matamang pinakinggan ang pagbabasa ni Sarhento Valeriano Guztavo dela Paz sa ordinansa pagkat sila ang higit na maaapektuhan kapag nagkaroon ng problema sa pamahalaang Kastila ng Alcala ang kanilang tribu. Muling lumikha ng amil ang kanilang anasan pagkat hindi na napanatag ang kanilang mga kalooban dahil waring nararamdaman na nila ang masamang epekto ng ordinansa kahit wala silang naiintindihan habang binabasa ito ni Sarhento Valeriano Guztavo dela Paz. Aywan kung bakit lalong lumalakas ang sintog sa kanilang mga dibdib kapag napapatingin sila kay Sarhento Valeriano Guztavo dela Paz sa tuwing binabasa nito ang magiging kaparusahan sa sinumang lumalabag sa ordinansa gayong wala naman silang alam sa wikang Español.
Gobierno de España de Alcala Municipio de Alcala Provincia de Cagayan Mandamiento Numero 10 Introduccion: 1 – En relacion a la revision realizado por el tesorero del pueblo de Alcala! El año pasado parecia que el tesorero de Alcala estaba perdiendo dinero. 2 – Cada año se pierden miles de peso en el erario! Por el fraude de los empresarios! Jugadores! Y la gente de Alcala. 3 – Siguen violando la ley sin considerar su impacto en nuestra sociedad. 4 – Es deber de los ciudadanos de Alcala pagar impuestos! No importa lo poco que gane. 5 – Independientemente de la fuente de sus ingresos! Ya no sera la base para pagar impuesto. 6 – Lo importante! Paga impuestos segun el decreto del gobierno Español! Como ciudadano responsable de Alcala. 7 – Obligacion de los ciudadanos de Alcala! El pago del impuesto terrtorial de sus respectivas tierras. 8 – Pago del impuesto territorial cada fin de año. 9 – Basado en el registro del tesorero! Muchos no pagan el impuesto territorial. 10 – Incluidos los nativos de la Sierra Madre. 11 – Entonces el poderoso consejo del gobierno Español de Alcala ordeno lo siguiente: Las Normas: 1 – A partir del proximo domingo 1 de Agosto del año 1845, todos los ciudadanos de Alcala deban pagar impuesto. 2 -Este decreto cubre a los pueblos indigenas que viven en las montañas de la Sierra Madre. 3 – Quienes habitan en los terrenos que abarca el municipio de Alcala estan obligados a cumplir la orden numero 10. 4 – El poderoso consejo tambien exigio a todos pagar el impuesto territorial anualmente. 5 – El ayuntamiento considera que los ciudadanos deben los impuestos sobre la tierra que no se durante los ultimos cinco años. Sanciones: Quien viole esta orden sera castigado segun lo prescrito en la ordenanza – 1 – Se enfrenta a entre un año y cinco años de prision por el primer delito. 2 – Se enfrenta a entre seis y diez años de prision por una segunda infraccion. 3 – Cadena perpetua por tercera infraccion. Procurador Naviero dela Alteza Alcalde de Alcala |
ITUTULOY
No responses yet