Sa halip na karaka–rakang hinahanapan nila ng titulo ang mga katutubong Malauegs ng Calantac ay talagang wala silang maipapakita pagkat hindi ito ang kaugalian na namulatan nila mula sa kanilang mga ninuno na wala rin naman alam tungkol dito. “¡Señor! ¡No lo negamos! ¡Realmente no lo sabemos! ¡Sobre el titulo! ¡Especialmente no lo sabemos! ¡Lo que es! ¿Por que lo buscas? ¡Pooh! ¡Te lo rogamos! ¡Señor! ¿Puedes explicarnos? ¿Cual es el titulo? ¡Por favor!” Nang marinig ang pakiusap ng katutubong binyagan ay saka pa lamang natigil ang bulungan ng mga katutubong Malauegs ng Calantac upang hintayin ang magiging tugon ni Alferez na dahan–dahan namang humakbang pabalik para pagbigyan ang kahilingan nito. Tumingin muna si Alferez sa agrimensor na kasalukuyang abala sa pagsusukat ng mga lupaing saklaw ng komunidad ng Calantac pagkat hindi siya ang dapat hingan nila ng paliwanag tungkol sa titulo dahil tagapagpatupad lamang siya ng batas ng pamahalaang Kastila ng Alcala. Subalit hindi na siya nagdalawang–isip upang akuin na lamang ang pagpapaliwanag tungkol sa titulo imbes na hintayin pa ang agrimensor na tinawag ng guwardiya sibil dahil hindi na nawaglit sa kanya ang tingin ng mga katutubong Malauegs ng Calantac habang naghihintay sila. Baka wala rin dalang kopya ng titulo ang agrimensor dahil hindi naman nila inaasahan na itatanong pala ito ng mga katutubong Malauegs ng Calantac ngunit mainam pa rin sana kung may naipakita siya para magiging madali na lamang ang pagpapaliwanag. Pagkatapos huminga ni Alferez ay nilirip muna niya ng tingin ang mga katutubong Malauegs ng Calantac hanggang sa naisaloob niya na hindi naman pala ganoon karami ang mga naninirahan sa komunidad ng Calantac kung pagbatayan ang mga naroroon sa harapan niya. Pero napahanga naman siya nang malaman na may mga binyagan pala sa tribung Malauegs ng Calantac ang marunong din sa wikang Español kaya hindi naging mahirap para sa kanya ang makipag–usap sa kanila kahit mabibilang lamang sila ngunit nakatulong naman. Subalit ang tanong kung handa ba siya upang pag–aralan din ang katutubong dialekto para magiging madali na lamang sana ang pakipag–usap niya sa mga katutubong Malauegs ng Calantac ay ayaw pa rin niyang sagutin maski malaking tulong ito sa kanyang tungkulin. Mula noong nanombrahan bilang Comandante del Ejercito de Tierra ng Alcala si Alferez ay si Alcalde at ang mga guwardiya sibil ang laging kausap niya pagkat wala pa namang dahilan upang pag–ukulan niya ng konsentrasyon ang kapatagan ng Sierra Madre kaya hindi siya nagkaroon ng interes sa dialekto ng mga katutubo ng Sierra Madre. Lalo’t abala rin siya sa pagmomonitor kaugnay sa isinasagawang operasyon ng mga soldados ngunit ang layunin naman nito ay maghanap ng ubicaciones estrategica para sa itatayong mga destacamento de tropas upang hindi na sila bumabalik pa sa bayan ng Alcala sa tuwing natatapos ang kanilang operasyon. Bagaman, plastado na sa mapa ang ubicaciones estrategica na planong pagtatayuan ng mga destacamento de tropas ngunit kailangan pa rin matukoy ang emplazamiento upang tiyakin kung angkop ito para pagkukutaan ng mga soldados na itatalaga sa kapatagan ng Sierra Madre upang pangasiwaan ang seguridad doon. Ngunit mainam pa rin sana kung pinag–aralan din ni Alferez ang katutubong dialekto dahil sa kanyang tungkulin lalo’t bumababa sa bayan ng Alcala sa tuwing araw ng palengke ang mga katutubo ng Sierra Madre para hindi na magiging problema pa ang pakipagtalastasan niya sa kanila.
“¡El titulo es un documento! ¡Si! ¡Pero esto no es solo un simple documento! ¡Porque tierne la firma del Alcalde! ¡Y la firma del topografo! ¡Si! ¡Esto prueba la propiedad de uno! ¡El terreno indicado en el titulo! ¡El documento es importante! ¡Asi que es logico que todos lo tengan! ¿Claro?” Pinagbasehan lamang ni Alferez ang sariling pagkaiintindi kung ano ang titulo para hindi na humaba pa ang kanyang paliwanag ngunit hindi naman niya nabanggit sa mga katutubong Malauegs ng Calantac ang paraan kung paano sila magkakaroon nito. Kahit marunong ng wikang Español ang mga katutubong binyagan ngunit ang nakararaming mga katutubong Malauegs ng Calantac ay walang duda na nangangailangan pa rin ng gabay ang kanilang pagiging mangmang upang masabayan nila ang pagbabago na gusto namang ipatupad ng pamahalaang Kastil ng Alcala. Tiyak na tatalima sa kautusan ng pamahalaang Kastila ng Alcala ang mga katutubong Malauegs ng Calantac nang bukal sa kanilang kalooban kung kapayapaan naman ang hatid ng pagkakaroon ng titulo dahil ayaw rin naman nila na magkaroon ng problema ang kanilang mga lupain. Pero hindi tiyak kung magpasunod pa ng karagdagang paliwanag si Alferez upang lalo pa sanang mauunawaan ng mga katutubong Malauegs ng Calantac ang kahalagahan sa titulo pagkat humakbang na siya patungo sa guwardiya sibil na may pigil ng kanyang kabayo. Subalit kailangan hintayin pa ang agrimensor dahil hindi pa tapos ang pagsusukat niya sa mga lupain ng komunidad ng Calantac pagkat malawak din pala ang sinasakop nito kahit maliit lamang kung ikumpara sa mga komunidad ng mga katutubo na matatagpuan sa kabundukan ng Sierra Msadre. Sapagkat kulang sa detalye ang paliwanag ni Alferez ay muling umiral ang bulungan ng mga katutubong Malauegs ng Calantac dahil sila–sila na lamang ang nagtatanungan gayong wala naman sa kanila ang may alam tungkol sa titulo kahit ang mga katutubong binyagan. Kunsabagay, balewala para kay Alferez kung hindi nila naintindihan ang kanyang paliwanag pagkat tungkulin ng agrimensor ang magbigay ng impormasyon tungkol sa titulo habang responsibilidad naman niya ang magpatupad sa mga utos ni Alcalde. Seguro, kinainipan niya ang paghihintay sa grimensor pagkat bumalik din siya nang mapansin ang kanilang reaksiyon nang basta na lamang siya tumalikod sa halip na pinakinggan pa ang kanilang karagdagang karaingan. Muling hinarap ng opisyal ang mga katutubong Malauegs ng Calantac para ituloy ang kanyang paliwanag habang hinihintay ang agrimensor na abala pa rin sa isinasagawang inspeccionando el lote sa katutubong Malauegs ng Calantac. Aywan kung dapat bang ipagpasalamat ng mga katutubong Malauegs ng Calantac ang naging desisyon niya basta natahimik silang lahat nang muli siyang tumayo sa kanilang harapan upang ituloy ang kanyang pagpapaliwanag tungkol sa titulo kahit wala na sanang balak upang gawin niya ito. “¡Que importancia tiene la oracion para los bautizados! ¡Para salvar sus almas del infierno! ¡Por tanto . . . el titulo es aun mas importante! ¡Porque esto demuestra que eres el mismo dueño! ¡En el terreno indicado en titulo! ¿Lo entiendes? ¿Eh?” Marahil, naunawaan na ng mga katutubong binyagan ang kahalagahan ng titulo pagkat tumatango sila matapos marinig ang karagdagang paliwanag ni Alferez habang nagtatanong pa rin ang tingin ng mga katutubong erehe kabilang na si Lakay Lumbang. Seguro, ipapaliwanag na lamang mamaya ng mga katutubong binyagan upang lubos na maintindihan ni Lakay Lumbang ang problema tungkol sa titulo dahil tuluyan nang tumalikod si Alferez nang mapansin nito ang pagdating ng agrimensor at ng dalawang guwardiya sibil. Yaong sakay ni Alferez ng kanyang kabayo ay nagsunuran na rin ang mga guwardiya sibil at ang agrimensor habang kipit ang listahan ng isinagawa niyang inspeccionando el lote sa komunidad ng Calantac upang isumite kay Alcalde na kaninang umaga pa naghihintay sa kanila. Segurado, matutuwa si Alcalde kapag nalaman niya mula kay Alferez na tama pala ang kanyang sapantaha na hindi pa titulado ang mga lupain na pagmamay–ari ng mga katutubong Malauegs sa komunidad ng Calantac kahit deka–dekadang taon nang pinamahayan ng kanilang mga ninuno. Ngunit hindi pa rin maituturing na pagmamay–ari nila ang mga lupain dahil hindi basehan ang pamana kung wala namang titulo na nagpapatibay sa kanilang reklamasyon kaya may karapatan ang pamahalaang Kastila ng Alcala upang kumpiskahin ito. Aywan kung natapos ng agrimensor ang pagsusukat sa mga lupain ng komunidad ng Calantac ngunit mabuti na ang may maisusumiteng ulat kay Alcalde dahil ito ang dahilan kung bakit ninais nito ang sumama siya sa kay Alferez. Lalong hindi matiyak kung nagkaroon ng sariling palagay ang mga katutubong Malauegs ng Calantac kung bakit isinagawa ng agrimensor ang inspeccionando el lote sa kanilang komunidad kahit walang permiso mula sa kanilang Punong Sugo pagkat hindi ito nabanggit sa paliwanag ni Alferez. Pero seguradong babalik pa sa komunidad ng Calantac ang grupo ni Alferez upang isakatuparan ang susunod na utos ni Alcalde ngunit hindi lamang malaman kung kailan dapwa ito ang dapat paghandaan sakaling magkatotoo ang hinala ng mga katutubong Malauegs ng Calantac. Maliban na lamang kung para sa kanilang kapakanan ang layunin ni Alcalde ngayong nalaman na niya na hindi pala titulado ang mga lupain na pinamahayan nila ngunit nangangailangan pa rin ito ng taimtim na dasal ng mga katutubong binyagan. Sa sitwasyon ngayon ng mga katutubong Malauegs ng Calantac ay imposible na maisasalba pa sila ng himala kahit idulog pa yata nila sa kura paroko ng Alcala ang problema pagkat hindi nila kalahi ang mga opisyal kaya malayong mararamdaman nila ang simpatiya ng pamahalaang Kastila ng Alcala. “¡Bien! ¡Nos despedimos! ¡Despues de todo! ¡Te lo dije! ¡Sobre el titulo! ¡Pooh! !Tu decides! ¿Como se consigue un titulo? ¡Adios!” Maliwanag sa pananalita ni Alferez na hindi magkakaloob ng tulong ang pamahalaang Kastila ng Alcala upang magkaroon sana ng titulo ang mga lupain ng mga katutubong Malauegs ng Calantac na taliwas sa palagay nila kaya malinaw na problema ang dulot nito para sa kanila. Nasundan na lamang ng tingin ng mga katutubong Malauegs ng Calantac ang paglisan ng grupo ni Alferez hanggang sa naglaho sila ngunit hindi pala dapat ikatuwa ang pagdalaw ng mga ito sa kanilang komunidad dahil problema lamang ang kanilang iniwan. Kung gaano kaingay kanina ang kanilang bulungan habang kaharap nila si Alferez ay tahimik naman sila ngayon pagkat nagtatanong ang kanilang mga sarili kung ano ang dapat gawin upang magkaroon sila ng titulo. Ayaw rin naman nila ang basta na lamang agawin ng pamahalaang Kastila ng Alcala ang kanilang mga lupain dahil wala silang maipakitang titulo pagkat tiyak na dadanak ang dugo sa komunidad ng Calantac kung kinailangan upang ipaglaban ang kanilang mga karapatan. Marahil, nagulantang si Lakay Lumbang pagkat mas madali pang isipin ang posibilidad na mawawalan sila ng komunidad kapag nagkataon dahil ito ang ipinapahiwatig sa iniwang salita ni Alferez kaya paano na lamang ang kanilang tribu. Hindi mawari ng mga katutubong Malauegs ng Calantac ang kahulugan ng pananahimik ng kanilang Punong Sugo pagkat tunay na hindi simpleng problema ang kawalan nila ng titulo ngunit sa tulong ni Bathala ay umaasa sila na may maiisip siyang solusyon. Nang makita ng mga kalalakihang Malauegs ng Calantac ang pagpasok ni Lakay Lumbang sa sagradong kubol ay sumunod sila sa kanya sa pagbabakasakali na magpapatawag siya ng pulong upang talakayin ang problema dulot ng titulo dahil sila ang katuwang niya sa paglikha ng mga desisyon. Gusto nilang marinig ang kanyang saloobin pagkat sila man ay nagugulumihanan din dahil malinaw sa paliwanag ni Alferez na hindi batayan ang pamana upang ariing tunay na sa kanila ang mga lupain kahit walang titulo. Mahirap itanggi ang totoong nararamdaman na talagang ikinabahala nila ang posibilidad na mawawalan sila ng mga lupain nang dahil lamang sa titulo pagkat direktang maaapektuhan ang kani–kanilang mga pamilya. Problema na seguradong sama–samang daranasin ng mga katutubong binyagan at mga katutubong erehe dahil iisa ang komunidad na kanilang tinitirhan kaya may kabuluhan pa ba ang pananampalataya kung maging bagamundo naman sila sa sariling bayan. Naghintay na lamang sa labas ng sagradong kubol ang mga kalalakihang Malauegs ng Calantac dahil inabutan nila si Lakay Lumbang habang nagdarasal pagkat sila ang laging ipinapatawag niya sa tuwing may problema ang kanilang komunidad upang sama–sama nilang hanapan ito ng kalutasan.
Nanganganib pala na mapapalayas ang mga katutubong Malauegs ng Calantac dahil sa kawalan ng titulo upang patunayan ang legalidad ng kanilang pagmamay–ari sa mga lupaing inaangkin nila pagkat hindi pala katuwiran ang pamana para tanggapin ng pamahalaang Kastila ng Alcala ang ganitong argumento. Kung laliman lamang ng pamahalaang Kastila ng Alcala ang pag–unawa ay walang duda na maiisip nito na hindi sibilisado ang mga naninirahan sa bayan ng Alcala noong dumating sila upang ipantay sa kanilang kaalaman ang mga kakayahan ng mga ito. Noong ika 20 ng Julio taon 1789 nang maging ganap nang bayan ang dating pueblo Fulay ay walang ginawang hakbang ang gobierno revolucionario upang baguhin ang mga kaugalian ng mga katutubo pagkat naging priyoridad nito ang pagpapalaganap ng pananampalataya. Dahil sa paniniwala na magiging madali na lamang ang pagpapatupad ng pagbabago kung binyagan na ang lahat nang mga katutubo sa bayan ng Fulay lalo na ang mga naninirahan sa kabayanan pagkat ito ang nakikitang susi para magkaroon ng sibilisasyon. Naturalmente! Nagpapalit ang mga pamunuan ng gobierno revolucionario sabay sa paglipas ng mga taon kaya normal lamang kung nagsipagretiro na ang mga dating opisyal pagkaraan ang limapu’t apat na taon na walang pumansin sa mga lupain ng mga katutubo sa bayan ng Alcala. Hanggang sa itinatag na rin noon ang pamahalaang Kastila ng Alcala kapalit sa gobierno revolucionario nang maging bayan ng Alcala ang dating pueblo Fulay ngunit sampung taon pa ang lumipas bago ang panunungkulan ni Alcalde Procurador Naviero dela Alteza, ang bagong punong–bayan kaya muling isinulong nito ang pagbabago na hindi nabigyan nang katuparan ng mga nagdaang administrasyon. Siya ang nagkaroon ng interes upang alamin kung titulado ba ang mga lupain na pagmamay–ari ng mga katutubo sa kapatagan ng Sierra Madre maging ang mga naninirahan sa kabayanan kahit naroroon ang posibilidad na pagmumulan lamang ito ng kaguluhan. Seguro, puwede pa naman magsumite ng kahilingan sa opisina ng agrimensor ang mga katutubong Malauegs ng Calantac kung pagbigyan sila upang magkaroon ng titulo ang kanilang mga lupain dahil ito lamang ang nakikitang solusyon sa kanilang problema. Tutal, maliit lamang ang sinasakop ng komunidad ng Calantac ay tiyak na hindi gugugol nang ganoon katagal ang proseso pagkat nasukat na rin ng agrimensor ang mga lupain ng mga katutubong Malauegs ng Calantac kaya madali na lamang ang magpalabas siya ng titulo. Seguro, puwedeng pakiusapan ni Lakay Lumbang ang mga katutubong binyagan upang sila ang lumapit sa agrimensor pagkat nagagawa naman nila ang makipagtalastasan gamit ang wikang Español para mapapadali ang pagpapalabas sa titulo bago pa magiging huli ang lahat dahil kailangan pala ito. Sakaling humiling ng diyas ang agrimensor ay bahala naman maghanap sa kagubatan ng mga pasalubong ang mga kalalakihang Malauegs ng Calantac para hindi magagawang tanggihan nito ang kanilang kahilingan dahil normal na lamang ang ganito sa pamahalaang Kastila ng Alcala. Maaari rin namang magpatulong sila sa kura paroko ng Alcala kahit walang katiyakan dahil hindi naman ganoon kalakas ang impluwensiya nito sa pamahalaang Kastila ng Alcala ngunit mabuti na ang magbakasakali pagkat kailangan isipin nila ang lahat nang posibilidad. Maliban na lamang kung talagang bahagi ng plano ng pamahalaang Kastila ng Alcala ang kamkamin ang mga lupain sa komunidad ng mga katutubong Malauegs ng Calantac ay tiyak wala nang paraan kahit magpamalas pa ng kagandahang–loob sa kanila ang agrimensor pagkat karaniwang empleyado lamang siya. Tiyak hindi na magbibigay ng palugit ang pamahalaang Kastila ng Alcala upang magkaroon lamang ng sapat na panahon ang mga katutubong Malauegs ng Calantac para ikuha ng titulo ang kanilang mga lupain dahil hindi puwedeng suwayin ng kahit sino si Alcalde habang siya ang punong–bayan ng Alcala. Gayunpaman, ayaw pa rin isipin ng mga katutubong Malauegs ng Calantac na talagang wala nang solusyon ang kanilang problema maski ramdam na nila ang posibleng mangyari sa kanilang mga lupain kaya napapahinagpis na lamang nang buong kapaitan silang lahat. Tuloy, lalong nababalisa ang kanilang mga kalooban pagkat malaki ang posiblidad upang magkatotoo ang kanilang pinangangambahan ngunit hanggang hindi pa nila naririnig ang pahayag ni Lakay Lumbang ay panghahawakan pa rin nila ang gahiblang pag–asa. Bagaman, ayaw rin naman nila na humantong sa karahasan ang problema ay tiyak na mapipilitan sila upang tumalima sa ganitong desisyon kung talagang wala nang ibang paraan kaysa puwersahan silang paalisin sa kanilang komunidad. Hindi nila hahayaan na tuluyang mawawala ang mga lupain kung saan sila isinilang, lumaki at tumanda kaya nararapat lamang ipaglalaban nila ang karapatang ito kaysa isusuko sa pamahalaang Kastila ng Alcala dahil lamang wala silang titulo.
“Ngayon ko lamang narinig . . . ang tungkol sa titulo!” Tapos na pala sa pagdarasal si Lakay Lumbang nang hindi namalayan ng mga kalalakihang Malauegs ng Calantac pagkat lubhang napalalim yata ang kanilang paglulurok sa problema dahil hindi ito puwedeng ipagwalang–bahala kung ayaw nilang mawalan ng mga lupain. Kadalasan, sa sagradong kubol nagtipun–tipon ang mga kalalakihang Malauegs ng Calantac sa pangunguna ni Lakay Lumbang ngunit hindi naman tumatagal hanggang gabi ang kanilang pag–uusap pagkat mga karaniwang problema na madaling lutasin ang laging idinudulog sa kanila kaya payapa ang kanilang komunidad. Walang lupon ng mga matatandang Malauegs ang tribung Malauegs ng Calantac ngunit aktibo ang mga kalalakihang Malauegs ng Calantac sa tuwing nagpapatawag ng pulong ang kanilang Punong Sugo kahit ang mga katutubong binyagan ay priyoridad pa rin ang kanilang mga responsibilidad sa komunidad kaysa pagsisimba. Sa sagradong kubol nagpapalitan sila ng mga kuru–kuro habang binabalangkas nila ang mga solusyon para sa ikalulutas ng mga problema sa gabay ni Lakay Lumbang pagkat sa kanya pa rin nanggagaling ang pagpapahayag ng desisyon bilang Punong Sugo ng kanilang tribu. Ngayon, naririto na naman sila kahit walang tiyak na palagay dahil hindi puwedeng ihalintulad ang titulo sa mga nagdaang problema na madaling hanapan ng kalutasan pagkat hindi ito nalalayo sa kanilang araw–araw na pamumuhay. Kaya nagdulot ng linggatong sa kanila ang titulo dahil may kaugnayan ito sa kanilang kinabukasan kahit alam nila na naroroon lamang sa munisipyo ng Alcala ang kalutasan nito ngunit katanungan naman kung paano sila magkakaroon ito. Yamang unang nagsalita si Lakay Lumbang ay minabuti ng mga kalalakihang Malauegs ng Calantac ang pakinggan na lamang siya pagkat kanina pa gusto nilang marinig ang kanyang desisyon dahil seguradong may naisip na siya matapos ang sandaling pagdarasal. Dahan–dahang lumapit sa bilog na mesa si Lakay Lumbang kung saan naghihintay sa kanya ang mga kalalakihang Malauegs ng Calantac na lipos ng pangamba mula nang malaman nila na ang kawalan ng titulo ay tiyak na magiging dahilan upang mawawalan sila ng mga lupain. Aywan kung naisip pa nila ang pangangaso kahit puwede pa silang pumasok sa kagubatan dahil hindi rin naman sila magkakaroon ng konsentrasyon kung taglay nila ang problema kaya magsasayang lamang sila ng araw. Nakasunod hanggang sa pag–upo ni Lakay Lumbang ang tingin ng mga kalalakihang Malauegs ng Calantac dahil maituturing na pinakamahalaga sa lahat nang naging desisyon niya ang kanyang magiging kapasyahan pagkat hindi simpleng problema ang dumating sa kanila. Sapagkat hindi lamang ang legalidad ng kanilang pagmamamy–ari sa mga lupain na kinukuwestiyon ngayon ng pamahalaang Kastila ng Alcala ang nakasalalay sa kanyang desisyon dahil nanganganib din maglaho ang kinabukasan nilang lahat. Inaasahan ng mga kalalakihang Malauegs ng Calantac na pinakinggan ni Bathala ang dasal ni Lakay Lumbang pagkat sadyang kailangan nila ang kanyang gabay kahit totoong malawak pa ang kalupaan ng Sierra Madre ngunit sa komunidad ng Calantac unang pumintig sa sinapupunan ng kanilang mga ina ang kanilang buhay. “Mismo . . . ang aking amang Bangkuwang! Walang nabanggit tungkol sa titulo . . . . kaya minana ko . . . ang komunidad ng Calantac! Kahit . . . wala akong pinanghahawakang titulo! Oo! Kaya . . . hindi ko lubos maintindihan! Kung . . . bakit hinahanapan tayo ng titulo?! Diyata . . . mahalaga pala ito! Upang obligahin tayo ng pamahalaan . . . para magkaroon nito! Pero . . . ?! Bakit ngayon lamang sinabi sa atin . . . ang tungkol dito?!” Pagkatapos, umiling nang mariin si Lakay Lumbang pagkat totoo naman na wala silang kakayahan upang suwayin ang pamahalaang Kastila ng Alcala maski masakit sa kanilang kalooban ang mawalan ng mga lupain dahil sa isyu ng titulo ay kailangan tanggapin nila ang katotohanan. Lalo’t hindi niya tiyak kung paano nila tutuparin ang utos ng pamahalaang Kastila ng Alcala dahil hindi rin naman nila batid kung sino ang dapat lapitan upang matulungan sana sila sa problemang ito nang mapadali ang pagkakaroon nila ng titulo. Pagsunod sa utos ang naisip niyang solusyon maski sukal sa kanilang kalooban upang malayo sa kapahamakan ang tribung Malauegs ng Calantac bago pa mawala sa kanilang pagmamay–ari ang mga pamana na libong taon na nilang pinagyaman. Hindi bale nang magsakripisyo sila basta kapayapaan ang magiging kapalit habang nabubuhay sila pagkat walang pangalawang pagkakataon upang ituwid ang pagkakamali kung magpamalas naman sila ng pagtutol. Upang maiwasan na rin ang pagdanak ng dugo na posibleng magaganap kung ang natitirang kaparaanan ay ang pakipaglaban kaya hindi ito ang tamang solusyon lalo’t masyado silang dehado kung ikumpara sa puwersa ng pamahalaang Kastila ng Alcala. Walang kabuluhan ang paggamit ng dahas pagkat hindi pa rin maituturing na tagumpay ang panalo sa laban kung marami naman ang nagdurusa sa pangungulila dahil sa paglaho ng kanilang mga mahal sa buhay. Basta ang malinaw sa paniniwala ni Lakay Lumbang ay huwag lamang mangyayari na sila ang salakayin ng pamahalaang Kastila ng Alcala pagkat obligado rin sila para ipagtanggol ang komunidad ng Calantac kahit armado lamang ng mga tunod at busog ang mga kalalakihang Malauegs ng Calantac ngunit hindi sila magpapasindak. Dapat may magagawa silang solusyon maski tumagal hanggang hating–gabi ang kanilang pag–uusap dahil hindi rin nila mararamdaman ang kahimbingan sa pagtulog pagkat mahirap iwaksi sa isip ang problema. Dagdag pa sa problema ng mga katutubong Malauegs sa komunidad ng Calantac ang hindi pagtakda ng taning ni Alferez kung hanggang kailan dapat magkaroon ng titulo ang kanilang mga lupain pagkat depende pa rin ito sa magiging desisyon ni Alcalde. Aywan kung maramdaman pa nila ang gutom, kung naisin pa nila ang matulog, kung magkaroon pa ng kapanatagan ang kanilang mga kalooban kung laging nagpaalaala ang problema tungkol sa titulo kahit saan sila bumaling.
“Apong Lumbang! Ano po . . . ang naisip ninyong solusyon?!” May naisip na kayang solusyon si Lakay Lumbang matapos ang kanyang taimtim na panalangin upang hingin ang patnubay ni Bathala pagkat ito ang inaasahan ng mga kalalakihang Malauegs ng Calantac dahil siya ang lagi nilang pinapakinggan lalo na ngayon. Kasamaang–palad, hindi maaninag sa kanyang mukha ang tugon sa kanyang panalangin pagkat mismong si Bathala ay hindi rin yata alam kung ano ang kaugnayan ng titulo sa mga lupain na ipinamana ng kanilang mga ninuno. Basta napatingin lamang sa kanila si Lakay Lumbang sa halip na sagutin ang nagtatanong sa kanya pagkat hindi naman harap–harapang nag–uusap sila ni Bathala habang nagdarasal siya upang kisap–matang maririnig niya ang tugon nito. Nabaghan ang mga kalalakihang Malauegs ng Calantac dahil nabigyan nila ng negatibong kahulugan ang pananahimik niya lalo’t nagpasunod pa siya ng iling kaya nagkatinginan sila habangmatindi ang panlulumo dahil ngayon lamang hindi siya nagbigay ng pahayag.
ITUTULOY
No responses yet