Kanina, habang kumakain ng almusal ang mga katutubong Malauegs ay iniutos sa kanila ni Lakay Awallan ang tumuloy sa harapan ng sagradong kubol para sa mahalagang pag–uusap matapos niyang mapakinggan ang salaysay nina Nangalinan at Bacagan na maagang nakipagkita sa kanya. Hiniling din niya sa mga kalalakihang Malauegs ang pagpapaliban sa pangangaso kahit pangalawang araw na ngayon na hindi sila pumasok sa kagubatan dahil kailangan ang kanilang presensiya sa gaganaping pulong pagkat sila ang tagapagtanggol ng tribung Maluaegs. Dapat marinig nila ang ulat nina Nangalinan at Bacagan mula sa mga katutubong binyagan sa bayan ng Alcala upang makapagbigay sila ng mungkahi pagkat sila ang direktang maapektuhan bilang mga mandirigmang Malauegs sakaling lumubha ang sitwasyon sa pagitan nila at ng pamahalaaang Kastila ng Alcala. Madilim pa nang iparating nina Nangalinan at Bacagan kay Lakay Awallan ang ulat dahil halos hindi rin naman naidlip ang dalawa pagkat nabahala sila kung tanghaliin nang gising kaya inagahan na lamang nila ang pagpunta sa sagradong kubol. Tutal, puwede naman silang matulog basta naisumite na nila kay Lakay Awallan ang resulta ng kanilang misyon dahil ito ang pag–uusapan ngayong umaga upang malaman nang lahat ang magiging epekto sa kanilang buhay ng ordinansa ng pamahalaang Kastila ng Alcala. Dahil nasa loob ng sagradong kubol ang lupon ng mga matatandang Malauegs ay napakinggan din nila ang paliwanag nina Nangalinan at Bacagan tungkol sa ordinansa ng pamagalaang Kastila ng Alcala ngunit tahimik lamang sila matapos malinawan ang mga sarili nila kaugnay sa kahulugan ng buwis at amilyaramyento. Sapat na ang malaman nila na maging ang mga katutubong binyagan sa bayan ng Alcala ay obligado rin magbayad ng buwis at amilyaramyento dahil makukulong pala ang sinumang sumuway sa ordinansa ng pamahalaang Kastila ng Alcala. Dahilan upang hindi maiwasang isipin ng lupon ng mga matatandang Maluegs na may katuwiran naman pala nang tanggihan nila ang pananampalataya na ipinalaganap ng mga prayle kung apektado rin pala sa problema dulot ng ordinansa ang mga binyagan. Pagkatapos, ipinagpatuloy ng lupon ng mga matatandang Malauegs ang pagdarasal pagkat gusto nilang hingin muna ang patnubay ni Bathala upang magkaroon ng tanglaw ang kanilang mga kaisipan para magagawa nila ang katanggap–tanggap na desisyon. Sa gabay ni Bathala ay nais nilang hanapin sa sulok ng kanilang mga malak ang solusyon sa kanilang problema dahil labis nilang ikinabahala ang ordinansa ng pamahalaang Kastila ng Alcala matapos marinig ang ulat nina Nangalinan at Bacagan. Batid ng lupon ng mga matatandang Malauegs na desisyon nila ang laging pinapakinggan ng mga katutubong Malauegs dahil sila ang nagsisilbing salamin ng tribung Malauegs sa tuwing nagkakaroon sila ng problema ngunit sa sitwasyon ngayon ay hindi sila mangangako. Marapat naaayon sa matuwid na paniniwala ang kapasyahan upang magiging katanggap–tanggap ito sa kanilang lahat pagkat higit na maaapektuhan dito ang kasalukuyang henerasyon kung taliwas sa dapat asahan ang naging kahinatnan. Habang nagdarasal si Lakay Awallan ay sumasabay rin ang mga patak ng pawis sa kanyang mukha pagkat hindi simpleng problema ang idinudulog nila kay Bathala dahil wala sa kanilang mga kamay ang kalutasan nito. Hindi puwedeng ipagpaliban niya ang pagtatalakay sa ordinansa ng pamahalaang Kastila ng Alcala dahil nasabihan na niya ang mga katutubong Malauegs na kagabi pa hinihintay ang pagdating nina Nangalinan at Bacagan dahil sa kagustuhan na marinig ang kanilang ulat. Pero nagtatanong pa lamang ang kanyang sarili kung paano sisimulan ang pagpapaliwanag sa buwis at amilyaramyento na binanggit sa ordinansa ng pamahalaang Kastila ng Alcala para hindi tuluyang sumiklab ang galit na kahapon pa nagkakanlong sa mga damdamin nila. Minabuti niya ang hingin muna ang sariling opinyon ng bawat miyembro ng lupon ng mga matatandang Malauegs matapos ang kanilang pagdarasal kahit hindi siya segurado kung ano ang kani–kanilang paninindigan tungkol sa ordinansa ng pamahalaang Kastila ng Alcala. Upang may batayan ang kanyang paliwanag sa pulong mamaya maski naroroon ang palagay na maaaring may kani–kanilang interpretasyon sila kapag naipaliwanag na sa kanila ang totoong layunin sa ordinansa ng pamahalaang Kastila ng Alcala. Kunsabagay, hindi pa nila tinatalakay ang ordinansa ng pamahalaang Kastila ng Alcala dahil kailangan maipapaalam muna sa mga katutubong Malauegs ang kahulugan sa buwis at amilyaramyento upang mapag–aaralang mabuti ang mga epekto na idudulot nito sa kanilang buhay. Subalit lalong nabagabag ang kalooban ni Lakay Awallan pagkat sa pakiwari niya ay nagsimula na ang problema sa hanay pa lamang ng lupon ng mga matatandang Malauegs dahil lumalabas na magkasalungat pala ang kanilang pananaw tungkol sa ordinansa ng pamahalaang Kastila ng Alcala. May nagmungkahi na kailangan sundin na lamang nila ang ordinansa ng pamahalaang Kastila ng Alcala upang hindi sila patawan ng parusa maski magiging pabigat para sa kanila ang pagbabayad sa buwis pagkat paglalako ng mga gulay ang ikinabubuhay lamang nila. Dagdag pang katuwiran sa mga pumapayag ay posible na mangyayari rin sa kanila ang naging kapalaran ng mga katutubong Malauegs ng Calantac kung labagin nila ang ordinansa ng pamahalaang Kastila ng Alcala kahit walang katiyakan kung ang pagtalima rito ay magdudulot ng kabutihan sa kanila. Para naman sa mga tumututol ay pagpapakita lamang ng karuwagan ang pagtalima sa ordinansa ng pamahalaang Kastila ng Alcala pagkat hindi na makatuwiran ang singilin pa sila ng buwis gayong kaunti lamang ang kinikit nila mula sa paglalako ng mga gulay. Kapag tinanggap nila ang ordinansa kahit labag ito sa kanilang kalooban ay tiyak na aabusuhin lamang sila ng pamahalaang Kastila ng Alcala upang magpalabas ng kung anu–anong batas para samantalahin ang maling palagay na pumapayag sila.
Kunsabagay, normal lamang sa isang lupon ang pagkakaroon ng magkasalungat na opinyon pagkat maaaring may dahilan ang bawat miyembro kahit hindi ito tanggap ng kanyang kapwa ngunit kailangan igalang pa rin ang kanyang paniniwala. Gayunpaman, kahit totoo na mahalaga ang pagbibigay respeto sa rason ng bawat miyembro ng lupon ng mga matatandang Malauegs ngunit depende pa rin sa sitwasyon upang magiging katanggp–tanggap ang katuwirang ito lalo’t mga banyaga pa mandin ang nagdulot ng problema sa kanila. Dahil posible na magiging dahilan lamang ito upang hindi sila makabuo ng makabuluhang desisyon na kailangan ng mga katutubong Malauegs pagkat sa kanila dapat nagsisimula ang pagkakaisa bilang ehemplo ng matatag na paninindigan. Kung naging madalas ang pingkian ng kanilang mga punto sa mga nagdaang isyu ay hindi nararapat paiiralin sa pagkakataong ito ang katuwirang ‘yon dahil kailangan ang nagkakaisang boses upang lalong magiging matatag ang kanilang paninindigan laban sa mga manlulupig. Huwag nilang idahilan ang naging kapalaran ni Lakay Lumbang ng tribung Malauegs ng Calantac pagkat seguradong babangon siya upang samahan sila sa laban lalo’t uhaw sa katarungan ang kanyang kaluluwa dahil walang kalayaan kung magpaalipin sila sa mga banyaga. Hayaan nang mauulit sa kanila ang sinapit ng mga katutubong Malauegs ng Calantac dahil kailangan ipaglaban ang kanilang karapatan kahit kamatayan din ang magiging hantungan nilang lahat pagkat walang sinuman ang puwedeng yumurak sa kanilang karangalan. Tumagal pa sa loob ng sagradong kubol ang lupon ng mga matatandang Malauegs pagkat naging mahirap para sa kanila ang lumikha ng desisyon na dapat pumabor sa kanilang tribu dahil sa kanilang nagkakasalungat na opinyon lalo’t suportado din naman ang kani–kanyang katuwiran. Sumentro ang argumento ng lupon ng mga matatandang Malauegs sa kakapusan ng pera pagkat paglalako lamang ng mga gulay ang pinagmumulan ng kanilang kita gayong malaking halaga mula sa limang taong pagkakautang ang nais singilin sa kanila ng pamahalaang Kastila ng Alcala. Kahit bigyan pa sila ng isang taon na palugit ng pamahalaang Kastila ng Alcala ay talagang hindi nila kayang pag–ipunan ang ganito kalaking halaga dahil mismong kalagayan nila ang nagpapatunay kaya tiyak pa rin ang posibilidad na masasadlak sa kulungan silang lahat. Bagaman, malaki ang posibilidad upang pagdusahan nila ang pagtutol sa ordinansa ng pamahalaang Kastila ng Alcala ngunit hindi naman puwede na pikit–matang tatalima na lamang sila pagkat hindi rin dapat ipagwalang–bahala ang katotohanan na paniniil sa kanilang karapatan ang layunin nito. Sa halip na mamamatay silang lahat dahil sa gutom pagkat naging priyoridad nila ang pagbabayad sa buwis at amilyaramyento ay mabuti pa ang lumaban na lamang sila para magkaroon ng marangal na dahilan ang kanilang kamatayan. Samakatuwid, priyoridad pa rin ng lupon ng mga matatandang Malauegs ang kapakanan ng tribu nila ngunit magkasalungat nga lamang ang paraan kung paano lutasin ang kanilang problema kaya si Bathala na lamang ang natitirang pag–asa sa sitwasyong ito. Bakasakaling makatulong ang kanilang walang kapagurang pagsasamba kay Bathala pagkat wala na silang masusulingan pa maliban sa kanya upang ibulong niya ang hinahanap nilang solusyon sa kanilang problema. Aywan kung may natitirang paraan pa upang mabago sa magdamag na pagdarasal ang itinakda ng pamahalaang Kastila ng Alcala lalo’t si Alcalde ang may pakana sa problema nila nang malaman niya na may naninirahan pala sa kabundukan ng Sierra Madre nang lingid sa kanya. Muling ipinagpatuloy ng lupon ng mga matatandang Malaueg ang pagtalakay sa ordinansa ng pamahalaang Kastila ng Alcala pagkat hindi sila puwedeng lumabas sa sagradong kubol kung magkaiba pa rin ang kanilang desisyon dahil seguradong itatanong ito ng mga katutubong Malauegs na kanina pa naghihintay kay Lakay Awallan. Hanggang sa ipinasya ni Lakay Awallan ang lumabas ng sagradong kubol upang hilingin na rin ang mungkahi ng mga kalalakihang Malauegs para malaman niya ang kani–kanilang posisyon tungkol sa buwis at amilyaramyento pagkat mga pamilya naman nila ang direktang maapektuhan nito.
Hinatid muna ni Alawihaw si Dayandang sa kanilang kubol pagkatapos ang kanilang almusal ngunit nagmamadali rin siyang lumabas nang marinig ang pagsasalita ni Lakay Awallan upang mapakinggan niya ang mensahe nito dahil hindi sila nagkausap bago sinimulan ang pulong. Kanina, nang malaman niya na dumating na sina Nangalinan at Bacagan ay basta sumilip lamang siya sa pintuan ng sagradong kubol sa halip na tumuloy pa sa loob para tanungin sana si Lakay Awallan nang hindi na niya inabutan doon ang dalawa. Sapagkat kasalukuyang nagaganap ang pag–uusap ng lupon ng mga matatandang Malauegs tungkol sa ordinansa ng pamahalaang Kastila ng Alcala ay umalis na lamang siya upang hindi makadisturbo sa kanila kahit hindi niya nakausap si Lakay Awallan dahil naghihintay rin sa kanya si Dayandang sa hapag. Segurado, natanggap na ni Lakay Awallan ang ulat mula kina Nangalinan at Bacagan ngunit gusto naman niyang kumpirmahin kung totoo ang mga sinasabi ng mga kalalakihang Malauegs tungkol sa ordinansa ng pamahalaang Kastila ng Alcala habang sama–sama silang kumakain ng almusal. Dahil hindi sumabay sa kanilang almusal ang dalawa para sa kanila na lamang sana siya magtatanong ngunit maaaring natutulog na sila sa pahintulot ni Lakay Awallan pagkat nalaman niya na madaling–araw na nang dumating sila sa komunidad. At gusto rin sana niyang alamin kung nagpalabas na ng desisyon ang lupon ng mga matatandang Malauegs dahil tumagal ang kanilang pag–uusap sa loob ng sagradong kubol ngunit taliwas sa kanyang inaasahan ang nasilip niya pagkat tinatalakay pa lamang nila ito. Kanina, pinakinggan lamang niya ang iba’t ibang opinyon ng mga kalalakihang Malauegs kahit magkaiba ang dahilan kung bakit tinututulan nila ang ordinansa ng pamahalaang Kastila ng Alcala dahil nais niya na sina Nangalinan at Bacagan mismo ang kanyang makausap. Seguro, naikuwento na sa kanila nina Nangalinan at Bacagan ang tungkol sa ordinansa ng pamahalaang Kastila ng Alcala ngunit ayaw niyang sang–ayunan ang kanilang katuwiran hanggang hindi niya narinig ang paliwanag ng dalawa base sa nakuha nilang ulat mula sa mga katutubong binyagan sa bayan ng Alcala. Nagdududa ang kanyang sarili kung totoo ang sinasabi ng mga kalalakihang Malauegs na pahirap lamang sa kanila ang ordinansa ng pamahalaang Kastila ng Alcala ngunit hindi siya nagparinig ng sariling saloobin dahil ayaw niyang pangungunahan ang lupon ng mga matatandang Malauegs lalo’t pinamunuan sila ng kanyang amang. Talagang sinisikap niya ang huwag basta magbigay ng pahayag bilang respeto sa lupon ng mga matatandang Malauegs maliban na lamang kung mismong si Lakay Awallan ang humihikayat sa kanya upang magsalita ngunit nangyayari lamang ito kung silang mag–amang ang nag–uusap. Kagabi pa itinatanong ng kanyang sarili ang tungkol sa ordinansa ng pamahalaang Kastila ng Alcala hanggang sa napuyat lamang siya dahil sa pag–iisip sa sagot kaya hindi niya naagapan ang pumunta ng sagradong kubol pagkat maliwanag na nang magising siya. Talagang pinanghinayangan niya ang pagkakataon nang hindi niya nakausap sina Nangalinan at Bacagan pagkat aminado naman siya na totoong hindi rin niya naintindihan ang mga sinasabi ni Sarhento Valeriano Guztavo dela Paz tungkol sa ordinansa ng pamahalaang Kastila ng Alcala. Sana, nabulungan muna niya si Lakay Awallan bago nagsimula ang pulong ng lupon ng mga matatandang Malauegs upang alam nito na tinututulan din niya ang ordinansa ng pamahalaang Kastila ng Alcala kahit kailangang kumpirmahin pa niya kung totoo ang usap–usapan kanina sa hapag ng mga kalalakihang Malauegs. Muling natigil ang kanyang paglalakad nang mapaisip nang malalim dahil biglang sumalimbay sa kanyang utak ang maraming katanungan hanggang sa napatakbo siya papunta sa sagradong kubol upang mahabol pa niya ang pagsasalita ni Lakay Awallan. Paano kung ang naging desisyon ng lupon ng mga matatandang Malauegs ay sumasang–ayon pala sa ordinansa ng pamahalaang Kastila ng Alcala kahit hindi pa nila napakinggan ang damdamin ng mga katutubong Malauegs dahil sila ang higit na maapektuhan kapag pinagbayad sila ng buwis at amilyaramyento pagkat pamilyado ang karamihan sa kanila?
Lumabas na rin ng sagradong kubol ang lupon ng mga matatandang Malauegs upang sundan si Lakay Awallan sa halip na ipinagpatuloy nila ang pag–uusap kahit wala siya sa pagbabakasakali na mararating nila ang pulidong desisyon pagkat ito ang kailangan ngayon ng kanilang tribu. Pero mainam kung ipinagpatuloy na lamang nila ang pagdarasal para ituro sa kanila ni Bathala ang solusyon sa kanilang problema dahil talagang humihina na ang kanilang kakayahan sa pag–iisip habang tumatanda sila. Tutal, si Lakay Awallan lamang ang kailangan magsalita sa harap ng mga katutubong Malauegs na matiyagang naghihintay sa labas ng sagradong kubol mula pa kaninang umaga pagkatapos ang kanilang almusal dahil bahagi ng kanyang tungkulin bilang Punong Sugo ng tribung Malauegs ang impormahan sila. Pagkatapos ang kanilang almusal kanina ay dumeretso agad sila sa labas ng sagradong kubol ngunit mataas na ang araw nang harapin sila ni Lakay Awallan dahil naging problema rin nito ang mga kapwa matatandang Malauegs pagkat sila mismo ay hindi nagkakasundo ng desisyon. Naging katanungan ng mga katutubong Malauegs kung may nalikha na bang desisyon ang lupon ng mga matatandang Malauegs makaraan ang mahaba–habang oras ng kanilang pag–uusap ngunit sa kasamaang–palad ay kailangan pa nila ang magdamag na patnubay ni Bathala upang malilinawan ang kanilang mga kaisipan. Naunawaan naman nila kung bakit tumagal ang pag–uusap ng lupon ng mga matatandang Malauegs dahil talagang maselan ang problema na kanilang tinatalakay ngunit handang maghintay ang lahat kung kinailangan dahil sila naman ang laging pinapakinggan nila. Ngunit ang hindi batid ng mga katutubong Malauegs ay napagpasyahan ng lupon ng mga matatandang Malauegs ang lumabas muna ng sagradong kubol kahit hindi pa nagkakaisa ang kanilang pananaw samantalang kaninang umaga pa nagsimula ang kanilang pagtatalakay sa ordinansa ng pamahalaang Kastila ng Alcala. Upang ipahinga na rin ang kanilang mga sarili na kanina pa hindi matali sa loob ng sagradong kubol pagkat umaagaw sa kanilang konsentrasyon ang pangamba kaugnay sa posibleng mangyayari sa kanilang tribu kaya hindi sila makaisip ng solusyon. Kailangan din naman marinig nila ang pahayag ng mga kalalakihang Malauegs dahil seguradong may kani–kanyang palagay ang bawat isa sa kanila tungkol sa ordinansa ng pamahalaang Kastila ng Alcala upang magiging batayan nila sa pagbabalangkas ng desisyon. Baka may mga punto ang mga kalalakihang Malauegs na hindi nila naiisip sanhi ng kanilang katandaan ngunit makatutulong naman sa kalutasan sa problema dahil obligadong magbigay ng pahayag ang lahat pagkat mismong tribu nila ang apektado. Marahil, nag–alay muna ng maikling dasal si Lakay Awallan upang hingin ang gabay ni Bathala pagkat tumingala siya sa langit matapos maglakbay ang kanyang paningin hanggang sa natanaw niya si Alawihaw na tumango lamang imbes na lumapit sa kanya.
“Gaano man . . . ang pagnanais ko! Upang batiin kayong lahat . . . ng magandang araw! Ngunit . . . hindi ko ito magagawa! Habang may balais . . . ang aking damdamin! Oo! Hindi angkop . . . upang sabihin ko! Maganda ang araw ngayon . . . para sa ating lahat! Ano . . . ang maganda sa araw?! Kung problema . . . ang hatid nito sa atin?! Wala! Baka ito pa . . . ang posibleng magpahamak . . . sa ating lahat! Kung hindi pala natin . . . pinagsikapan! Upang alamin! . . . ang totoong layunin ng ordinansa! Gayunpaman! . . . wala pa rin tayong dapat . . . ipagpasalamat!” Tuloy, lalong naligalig ang mga katutubong Malauegs pagkat malinaw sa mga pangungusap ni Lakay Awallan ang posibleng mangyari kung binalewala nila ang ordinansa ng pamahalaang Kastila ng Alcala sanhi ng kanilang kamangmangan dahil kaakibat pala nito ang mga parusa nang lingid sa kanilang lahat.
ITUTULOY
No responses yet