Katunayan, gustuhin na lamang niya ang ipaghele ang sanggol kahit mahimbing na ang tulog nito dahil mahaba–haba rin ang seremonya ng pagbibinyag kaya nagmamadaling sinundan niya si Dayandang matapos inumin ang dalawang tagay ng basi. Madaling–araw natapos ang kasayahan ng mga kalalakihang Malauegs ngunit hindi sila nalango kahit sampung bote ng basi ang naubos nila dahil ginawang kanin ang mga pulutan habang nag–iinuman sila kaya nasandat sila bukod sa marami rin naman ang tumatagay. Naging mahimbing ang tulog nila matapos lunurin ng alak ang kanilang problema tungkol sa buwis at amilyaramyento ngunit hindi na yata mahahanapan pa ito ng solusyon pagkat walang nagdarasal ngayong gabi sa loob ng sagradong kubol. Mapayapang lumipas sa komunidad ng mga katutubong Malauegs ang magdamag dahil sa patnubay ni Bathala habang mahimbing ang tulog nilang lahat pagkat hindi nagparamdam sa kanilang panaginip ang ordinansa ng pamahalaang Kastila ng Alcala. Tuloy, maliwanag na nang isa–isang nagtungo sa sagradong kubol ang lupon ng mga matatandang Malauegs para sa kanilang madaling–araw na panalangin sana dahil magdamag nilang pinaghandaan kagabi ang isinagawang pagbibinyag kaya dumanas sila ng matinding kapaguran at puyat. Nang matuklasan ng mga nakatalaga sa kusina na marami pa pala ang natitira sa handaan ay naisaloob nila na maaaring wala nang kumain ng hapunan kagabi dahil maagang natulog ang karamihan maliban sa mga kalalakihang Malauegs.
Walang duda na hindi pa gaanong katagalan ang lumipas na limang buwan mula nang ipinanganak si Bag–aw upang tuluyan nang malimutan ni Alcalde ang tahasang pagsuway ng mga katutubong Malauegs sa ipinapatupad na ordinansa ng pamahalaang Kastila ng Alcala. Katunayan, kasalukuyang kinakausap ni Alcalde si Alferez upang hingin ang opinyon nito kaugnay sa kanyang plano maski imposible ang pagsasakatuparan nito ngunit kailangan mangyayari dahil dapat maipapatupad ang ordinansa ng pamahalaang Kastila ng Alcala. Parehong nakatayo sa harap ng malaking mapa ng munisipalidad ng Alcala ang dalawang opisyal habang binabalangkas nila ang isang plano na matagal nang nang–uulot sa utak ni Alcalde mula nang matuklasan ng tropa ni Sarhento Valeriano Guztavo dela Paz ang komunidad ng mga katutubong Malauegs. Kanina pa pinag–aaralan ni Alcalde ang kahulugan ng iba’t ibang guhit sa malaking mapa sa tulong ni Alferez dahil nais niyang hanapin doon ang eksaktong lokasyon ng komunidad ng mga katutubong Malauegs sa kabundukan ng Sierra Madre kahit wala siyang balak dumayo roon. Naging basehan ni Alferez ang kabundukan ng Sierra Madre habang itinuturo niya ang lokasyon ng komunidad ng mga katutubong Malauegs upang magiging malinaw ito sa paningin ni Alcalde kahit kanina pa tinutunghayan nito ang malaking mapa sa pagsisimula ng kanilang usapan. Sa malaking mapa rin nagkaroon ng kuru–kuro noon si Alferez upang magpalabas ng misyon na pinamunuan ni Sarhento Valeriano Guztavo dela Paz kahit walang basbas mula kay Alcalde para kumpirmahin ang kanyang hinala na may mga katutubo ang naninirahan sa kabundukan ng Sierra Madre. Dahil sa pagkakatuklas ng tropa ni Sarhento Valeriano Guztavo dela Paz sa komunidad ng mga katutubong Malauegs ay nakumpirma ang hinala ni Alferez tungkol sa kanilang paninirahan sa kabundukan ng Sierra Madre ngunit tiyak na hindi alam ng mga soldados kung anong tribu ang kanilang natunton. Kaagad namang iginuhit ni Alferez sa malaking mapa ang mga impormasyon upang madali na lamang hanapin ito lalo’t huling pumunta roon ang tropa ni Sarhento Valeriano Guztavo dela Paz ay noong ibinando nila sa mga katutubong Malauegs ang ordinansa ng pamahalaang Kastila ng Alcala. Palibhasa, limang taon nag–aral sa Academia General Militar de España si Teniente Teomatico Gaviola de Pared ay bihasa siya sa pagbabasa ng mapa kaya nagawaran siya ng medalya na laging dala–dala niya dahil kabilang siya sa mga magagaling na nagtapos ng kurso kahit borracho. Talagang hindi matatawaran ang kakayahan niya pagkat dalawang taon din ang itinagal niya sa Africa kung saan antropofago ang mga kalaban nila na nagpapahirap sa kanilang sitwasyon doon bago siya naidestino ng Pilipinas. Sadyang binilugan niya ng pula ang coordenada de cuadricula para madali nang mahanap kapag kailangan niya ang magdagdag ng impormasyon pagkat informe de operacion na isinumite ni Sarhento Guztavo Valeriano dela Paz ang huling pinagbatayan lamang niya ngunit kulang pa ito kung tuusin. Entonces, naintindihan din naman niya kung bakit hungkag ang utak ni Alcalde tungkol sa pagbabasa ng mapa kahit ulit–ulitin pa niya ang paliwanag pagkat karaniwang empleyado ng gobyerno lamang siya sa bansang España bago pumunta ng Pilipinas. Kasi, hindi iginuhit sa mga etiketa ang mapa ng mga bansa na pinanggalingan ng kahun–kahong mga alak dahil rasyon lamang ito na tinatanggap niya mula sa palacio del gobernador tuwing katapusan ng buwan bilang pakunsuwelo sa kanya ng Gobernador ng Cagayan. Mas eksperto si Alcalde sa bawat lasa ng alak kahit nakapikit pa ang kanyang mga mata pagkat sa simsim pa lamang ng kanyang mga labi ay alam na niya ang pinanggagalingang bansa dahil dito bihasa ang kanyang dila.
Base sa topograpiya ng malaking mapa ay talagang mahirap hanapin ang komunidad ng mga katutubong Malauegs pagkat matatagpuan ito sa kagubatan ng Sierra Madre kaya maaaring kinasiyahan lamang ng suwerte ang pangkat ni Sarhento Valeriano Guztavo dela Paz nang hindi sinasadyang narating nila ito. Bagaman, hindi umaasa ng positibong resulta ang pangkat ni Sarhento Valeriano Guztavo dela Paz dahil ang talagang pakay ng kanilang misyon noon ay tiyakin lamang ang naging sapantaha ni Alferez na sa kabundukan Sierra Madre naninirahan ang mga katutubo na madalas bumababa sa bayan ng Alcala. Samakatuwid, posibleng nabighani dahil sa kagila–gilalas na anyo ng mga soldados ang mga diwata lalo’t hindi hamak na matitikas ang kanilang mga uniporme kung ikumpara naman sa mga bahag ng mga kalalakihang Malauegs habang nangangaso sila sa kagubatan. Naturalmente! Sapagkat limitado lamang sa kagubatan ang mundo ng mga diwata ay may dahilan upang magiging salawahan ang kanilang mga puso kahit kataksilan nang itinuro nila sa mga soldados ang komunidad ng mga katutubong Malauegs. Samantalang segurado naman sina Alcalde at Alferez na hindi pa nararating ng sibilisasyon ang kabundukan ng Sierra Madre mula nang itinatag ang gobierno revolucionario kahit may mga katutubo ang naninirahan doon dahil masyadong malayo ang pook mula sa bayan ng Alcala. Marapat pala aprubahan na ni Alcalde ang promosyon ni Sarhento Valeriano Guztavo dela Paz pagkat naging masigasig siya nang walang pakundangan sa sariling kaligtasan habang tinatawid ang maraming ilog upang marating lamang ang komunidad ng mga katutubong Malauegs. Balak ni Alcalde ang magtayo ng makabagong pamayanan kaysa hayaang nakatiwangwang lamang ang malawak na lupain sa kapatagan ng Sierra Madre ngunit posibleng sasaklawin din ng kanyang plano ang kasalukuyang komunidad ng mga katutubong Malauegs kung magpatuloy ang pagwawalang–bahala nila sa ordinansa ng pamahalaang Kastila ng Alcala. Kailangan lamang magkaroon muna ng mga titulo ang malawak na kalupaan sa kapatagan ng Sierra Madre upang mahikayat bumili ang maraming negosyante kung talagang desidido si Alcalde sa kanyang plano na magtayo ng bagong bayan doon. Lalong kailangan ng mga negosyante ang mga destacamento de tropas upang hindi makokompromiso ang kanilang seguridad sakaling guluhin sila ng mga katutubo pagkat akma sa klima ang anumang negosyo na naisin nilang itatayo sa kapatagan ng Sierra Madre lalo’t tahimik ang paligid. Bumalatay sa mukha ni Alcalde ang ngiti na mas matamis pa kaysa pulut–pukyutan matapos mabuo sa kanyang utak na mamad ng alak ang isang plano dahil seguradong mapapakinabangan niya ang katuparan nito habang siya ang punong–bayan ng Alcala pagkat kontrolado naman niya ang sitwasyon. Dahil sa bawat halaga ng titulo ay walang duda na mapupunta sa kanyang bulsa ang mapagbilhan kaysa ipagkakatiwala pa niya sa tesorero kung kailangan din naman nito ang kanyang pahintulot upang maglabas ng pondo. Sapagkat kailangan pa rin ang kanyang pirma sa pagpapalabas ng pondo ay pareho lamang ang magiging suma–tutal kung siya ang humahawak sa mapagbilhan ng mga titulo imbes na ipapaubaya pa sa tesoro para magiging karagdagang laman ng kabang–bayan ng pamahalaang Kastila ng Alcala. Talagang hindi nagkamali ang desisyon ng mag–asawang Alcalde at Señora Mayora nang ipasya nila ang makipagsapalaran sa Pilipinas pagkat dito lamang pala magkakaroon ng katuparan ang kanilang mga pangarap sa buhay na hindi nila nasumpungan sa bansang España. Napailing si Alferez nang mapansin niya ang pananahimik si Alcalde dahil tiyak na gumagana na naman ang utak nito ngunit hindi dapat magtagal sila sa harap ng malaking mapa pagkat wala nang laman ang kanyang kopita.
Naglalaro sa siwal na utak ni Alcalde ang posibleng senaryo sakaling iparating ng mga katutubong Malauegs sa pamahalaang Kastila ng Alcala ang kanilang mga karaingan maski malayo ang posibilidad dahil ginawa na sana ito ng lupon ng mga matatandang Malauegs sa pangunguna ni Lakay Awallan kaysa pinalipas pa nila ang limang buwan. Sapagkat batid ng mga katutubong Malauegs na desisyon ni Alcalde ang laging nasusunod dahil siya ang kinikilalang punong–bayan ng Alcala kaya hindi nila basta pangangahasan ang dumulog sa kanya kung sa simula pa lamang ay alam na nila ang magiging kahinatnan nito. Lalo’t pirmado pa niya ang ordinansa ng pamahalaang Kastila ng Alcala tungkol sa buwis at amilyaramyento ay imposible naman upang labagin niya ang sariling patakaran para pagbigyan lamang ang mga katutubong Malauegs kahit wala siyang mahihitang pakinabang mula sa kanila. Kahit anong pagsisikap ang gawin pa ng mga katutubong Malauegs ay tunay na napiringan ang mga mata ng katarungan para sa kanila dahil pakana mismo ni Alcalde ang ordinansa ng pamahalaang Kastila ng Alcala upang mapipilitan silang lisanin ang mga lupain nila sa kabundukan ng Sierra Madre. Malaki pa ang posibilidad upang danasin din ng mga katutubong Malauegs ng Sierra Madre ang naging kapalaran noon ng mga katutubong Malauegs ng Calantac dahil ang balak upang resolbahin ang problema sa maayos na paraan para maiiwasan ang kaguluhan ay malayo na sa realidad. Bumalik sa upuan si Alcalde para salinan din ng alak ang kanyang kopita dahil kanina pa nasaid ang laman nito nang mabuhos sa pagbabasa sa malaking mapa ang kanyang pansin upang hanapin doon ang komunidad ng mga katutubong Malauegs. Mabilis na tinungga ni Alferez ang kanyang kopita upang magpanibagong tagay para sabayan si Alcalde kahit siya na lamang ang halos umubos sa panlimang bote ng alak pagkat mistulang umiinom lamang siya ng tubig. Pagkatapos ilapag sa mesa ang kanyang kopita ay sinundan niya si Alcalde na bumalik sa malaking mapa dahil may naalaala yata siya na kailangan mabigyan ng linaw habang hindi pa tumatalab sa kanya ang alak. Seguro, makabubuti ang huwag sunud–sunurin ni Alferez ang pagtungga ng alak para malinaw pa rin ang kanyang mga mata habang inaalalayan niya sa pagbabasa sa malaking mapa si Alcalde pagkat siya na rin ang nagpapatunay na sadyang pulpol ang punong–bayan ng Alcala. Puwes, tulungan na lamang niya si Alcalde dahil segurado naman ang magiging kapakinabangan niya pagkat walang duda na maisakakatuparan din ng kanyang plano ang magtatag ng bagong bayan sa kapatagan ng Sierra Madre habang siya pa ang punong–bayan ng Alcala.
”¡Seguro! ¡Ahora se puede basar en el mapa! ¡Emision de titulos para terrenos ubicados en las montanas de la Serra Madre! ¿Que opinas? ¿Eh? ¿Teniente? ¿Es eso posible? ¿Eh?” Ano?! Imposible naman yata upang ibabase lamang sa malaking mapa ang paggawa ng titulo dahil hindi ito ang aktuwal na sukat ng lupain upang magiging pihado ang mga impormasyong nakapaloob dito kaya puwedeng kuwestiyunin ito sa korte. Habang tinititigan ng mga mata ni Alcalde ang malaking mapa ay tila sinusukat naman ng kanyang utak ang lawak ng mga lupain na sinasakop ng komunidad ng mga katutubong Malauegs base sa coordenada de cuadricula lamang kahit hindi pa naisasagawa rito ang inspeccionando el lote. Baka hindi pa nga niya naiintindihan ang kahulugan ng mga coordenada de cuadricula na ipinapakita sa malaking mapa upang isipin niya nang buong kapangahasan na puwede nang gumawa ng titulo base sa kanyang sariling palagay. Kahangalan naman kung ituloy pa rin niya ang plano pagkat talagang malaki ang pagkakaiba sa aktuwal na lawak ng mga lupain dahil naaapektuhan din ito sa galaw ng mundo kung ikumpara sa mga nakikita sa coordenada de cuadricula sa malaking mapa. Sapagkat may nagaganap na pagbabago sa kalupaan sa bawat dekada habang umiinog ang mundo ay makatuwiran lamang ang huwag pagbabasehan ang mga prominenteng palatandaan dahil nawawala rin ang mga ito nang hindi namamalayan. Tiyak na maraming mga palatandaan ang hindi na matatagpuan sa malaking mapa lalo’t galing pa ito sa bansangEspaña kaya hindi madaling tiyakin ang mga bagong impormasyong nakapaloob dito hanggang hindi aktuwal na namamalas ito. Samakatuwid, talagang kailanganin pa rin ni Alcalde ang agrimensor upang isagawa nito ang aktuwal na pagsusukat sa mga lupain na pagmamay–ari ng mga katutubong Malauegs dahil hindi malalaman ang mga eksaktong impormasyon kung ibase lamang sa mapa ang inspeccionando el lote. Mangyari, may mga sapa o ilog sa kapatagan ng Sierra Madre na posibleng hindi nailalarawan sa mapa ngunit magiging kabawasan ito sa isasagawang pagsusukat ng mga lupain dahil hindi puwedeng magtayo doon ng kubol kahit maisasama pa ito sa mga napatituluhan. Kaya inaalisa nang mabuti ng agrimensor ang tamang sukat ng mga lupain upang tiyakin na magiging lindero na lamang ang mga sapa at ilog kapag ginagawa na niya ang mga titulo ngunit may problema pa rin si Alcalde. Papayag naman kayang umakyat sa kabundukan ng Sierra Madre ang agrimensor para lamang isagawa mag–isa ang inspeccionando el lote sa mga lupain ng mga katutubong Malauegs kung maging problema naman niya ang paghingi ng saklolo sakaling may nangyaring masama sa kanya dahil sa layo ng bayan ng Alcala? Siyempre, kailanganin niya ang isang batalyon ng mga soldados upang bigyan siya ng proteksiyon habang isinasagawa niya ang inspeccionando el lote sa mga lupain ng mga katutubong Malauegs na posibleng magtatagal ng isang buwan. Kunsabagay, nagagawan ng paraan ang lahat nang problema dahil puwede nang pagbabasehan ang litrato ng malawak na kapatagan ng Sierra Madre sa paggawa ng mga titulo kahit magiging kuwestiyonable pa rin ito basta walang magrereklamo kung naibenta na. Sapagkat utak at mapa ang pinanggagalingan lamang ng mga datos ay walang duda na kulang o sobra ang mga sukat na nakapaloob sa mga titulo kaya tiyak na magtataka ang mga minalas habang natutuwa naman ang mga sinuwerte sa araw ng bentahan. Seguro, pinagdudahan din si Alcalde ang sariling plano ngunit wala pala sa kanyang tabi si Alferez para matanong sana kaya kumunot ang kanyang noo nang makitang papunta sa estante ang mga hakbang nito nang walang pasabi. “¡Teniente! En tu opinion! ¿Cuantas hectareas de tierra poseen esos nativos? ¡Excepto esta parte! ¡Parece estar cruzando el rio! ¿Estoy mojado verdad? ¿Teniente? ¿Eh?” Lingid kay Alcalde ay bumalik sa mesa si Alferez upang salinan ng alak ang kanyang kopita ngunit said na pala ang laman ng bote kaya siya na ang pumunta sa estante kahit walang paalam dahil ginagawa na niya ito dati. Sapagkat hindi dapat matigil ang inuman kahit abala ang kanilang mga kaisipan sa pagbabalangkas ng plano dahil sa paniniwala na wala pa namang katiyakan ang tagumpay nito samantalang ang alak ay isasalin na lamang sa mga kopita. Tuloy, nagulat si Alcalde ngunit nagtimpi na lamang siya habang hinihintay ang paglapit ni Alferez na binubuksan ang bote ng alak upang sagutin nito ang tanong niya na may kaugnayan pa rin sa kanyang mga plano. Pagkatapos, nagmamadaling lumapit si Alferez dala ang bote ng alak para salinan din ang kopita ni Alcalde na hindi man nagparinig ng tayutay ngunit halata namang galit sa kanya dahil kumunot ang noo nito habang umiiling nang mariin. Kaagad binalingan ni Alferez ang mapa upang alamin kung simbolo ng ilog ang itinuturo ni Alcalde ngunit matindi na yata ang talab ng alak sa kanyang utak pagkat sumusulimpat na ang kanyang paningin sa mga kulay. Palibhasa, sagad na sa utak ang alak na tumubog sa kanyang katawan ay halos iduldol naman sa malaking mapa ang kanyang mukha para matiyak lamang ang tinitignan niya dahil malaking kahihiyan kung siya pa ang nagkamali. Samantalang, limang tagay pa lamang yata ang nainom ni Alcalde dahil masyadong nabuhos sa pagbabasa sa malaking mapa ang kanyang pansin habang pamaya–maya lamang ang simsim ng alak kaya malinaw pa rin ang isip niya. Walang katiyakan kung tugma sa itinuturo ni Alcalde ang tinitignan ni Alferez basta natagalan ang kanyang tugon pagkat naging Sierra Madre na ang malas niya sa malaking mapa dahil ramdam na ng kanyang utak ang matinding epekto ng alak. Hanggang sa sumasabay na rin sa bagsak ng mga talukap niya ang yukayok ng kanyang ulo dahil hindi na niya kayang kontrolin ang sariling galaw habang dumadaloy sa kanyang katawan ang alkohol na taglay ng alak. Nang biglang sinikil siya ni Alcalde para ipaalaala na kanina pa kinaiinipan nito ang paghihintay sa kanyang tugon ay mistulang naalimpungatan naman siya sabay pilig ng kanyang ulo upang iwagwag ang antok.
“¡Leiste bien . . . Alcalde! ¡Ese color azul es un simbolo del rio! Sabes leer un mapa! ¿Eh? ¡Alcalde! ¡JA!JA!JA! ¡Ustedes son faciles de ensenar!” Tugon na walang katiyakan kung naging nakatanggap–tanggap basta umaasa si Alcalde na hindi nagsisinungaling si Alferez kahit dapat pagdudahan niya dahil araw–gabing mamad sa alak ang kanyang utak ngunit sa tagal ba naman niya sa serbisyo ay seguradong gamay na rin niya ang pagbabasa ng mapa. Naturalmente! Talagang hindi basta ipapahamak ni Alferez ang sarili dahil tiyak na siya rin ang sisihin ni Alcalde kung malaman nito na mali pala ang mga impormasyon na binabanggit niya kaya kabalintunaan ang naging resulta ng kanilang plano. Dahil batid naman niya na hindi magiging kapani–paniwalang katuwiran kahit kailan ang anumang pagkakamali sanhi ng kalasingan pagkat nagbibigay lamang ito ng masamang ehemplo sa mga subalterno pagkat siya ang kanilang huwaran. Lalo’t ipinagpapalagay pa mandin ng mga guwardiya sibil at ng mga soldados na laging tama ang bawat kataga na binibigkas niya dahil sa kanyang posisyon bilang un Comandante del Ejercito de Alcala ay sapat nang katuwiran upang ingatan ang tiwala na ipinamalas nila sa kanya. Bagaman, normal lamang sa tao ang nagkakamali ngunit hindi dapat mangyayari ito sa panahong nasa impluwensiya siya ng alak dahil seguradong hindi niya maipapaliwanag kung paanong nilabag niya ang panuntunan ng isang opisyal sa militar. Habang ang pagkakamali na nagawa niya sa panahon na maaliwalas ang kanyang isip ay maipapaliwanag niya nang malinaw ang rason kung bakit nangyari ang bagay na ‘yon upang maintindihan ng mga subalterno ang kanyang katuwiran. Kabutihan naman kay Alferez dahil muling dumako sa malaking mapa ang namumungay niyang mga mata para maagapan ang pagtutuwid sakaling nagkamali ang unang pagbasa niya imbes na binalewala niya ito. Sapagkat siya rin ang mapulaan ni Alcalde hanggang sa magiging limitado na lamang ang hora feliz nila upang hindi na mauulit ang pagkakamali ngunit tiyak na maaapektuhan naman ang kanyang sarili pagkat nagiging almusal, pananghalian at hapunan na niya ang alak. Baka madamay pa ang magiging kapakinabangan niya sakaling nagtagumpay ang mga plano ni Alcalde kaya nararapat lamang ang maging tapat siya bilang fiduciario pagkat tiyak na silang dalawa pa rin ang magtulungan sa panahon nang kagipitan. Pagkatapos, patangu–tangong kinumpirma niya ang itinuturo ni Alcalde ngunit hindi na niya kayang tantiya kung ilang ektarya ang mga lupain ng mga katutubong Malauegs base sa ipinapakita sa malaking mapa dahil nagsasalubong na ang kanyang paningin. Sa mesa ipinagpatuloy ni Alcalde ang pag–uusap nila ni Alferez dahil ramdam na niya ang pamimintig ng kanyang mga paa ngunit hindi natuloy ang pagsalin niya ng alak pagkat wala nang laman ang bote nang angatin niya ito. “¡Asi es exactamente como esta en el mapa! ¡Alcalde! ¡Por diferentes colores! ¡Informacion importante encontrada en el mapa!” Sa halip na magalit si Alcalde ay sumandal na lamang siya sa upuan upang ipahinga ang sarili dahil wala na yata siyang balak patagalin pa ang kanilang inuman pagkat malapit nang ihudyat sa orasan ng opisina niya ang alas–doce ng hating–gabi. Kahit maaga pa ang hating–gabi sa karaniwang uwi niya pagkat tumatagal hanggang madaling–araw ang hora feliz nila ni Alferez ngunit minabuti niya ang magpahinga na upang hindi siya masyadong mapupuyat dahil naghihintay pa sa kanya si Señora Mayora. Ah! Segurado, gising pa si Señora Mayora dahil batid na niya ang tungkol sa kanyang plano kaya balak niya ang bumili ng sampung baul upang may mapaglalagyan siya ng mapagbebentahan ng mga titulo kahit hindi pa nasisimulan ang pagsasakatuparan nito. Kunsabagay, tama lamang ang naging desisyon ni Alcalde pagkat panahon na rin upang bigyan niya ng konsuwelo si Señora Mayora dahil wala pa silang tagapagmana hanggang ngayon samantalang limang taon na silang nagsasama bilang mag–asawa. Sa halip na pansinin ang tanong kung bakit mabilis naubos ang laman ng panlimang bote gayong silang dalawa ni Alferez lamang ang umiinom ng alak ay mabuti pa nga ang umuwi na lamang para sabayan niya a pagtulog si Señora Mayora.
ITUTULOY
No responses yet