Walang duda na magdudulot ng problema sa mga katutubong Malauegs ang plano ni Alferez dahil hindi na sila puwedeng bumalik sa kanilang komunidad kahit kilala nila si Sarhento Valeriano Guztavo dela Paz kung siya ang italaga upang pamunuan ang maiiwang pangkat.
Nawalan ng kabuluhan ang ginawang paghahanda ng mga kalalakihang Malauegs nang matulig sila dahil sa rapido ng mga putok habang humahaging sa kanilang mga ulo ang haginghing kahit hindi nila mawari pagkat ikamamatay nila ang tumingala. Talagang kinilabutan sila dahil humahaginit ang apoy habang walang humpay ang pamamaril ng mga soldados kahit nasa posicion defensiva sila kaya hindi magamit ang kanilang busog at tunog upang gumanti. Nayayanig ang kanilang mga kaluluwa habang sumasagpak ang rapido ng mga putok mula sa mga fusil ng mga soldados dahil madali palang nalalayot ang tapang sa harap ng kamatayan kahit anong tatag ng kanilang mga kalooban. Bumibilis ang pitlag ng kanilang mga puso habang pinipilit ibaon sa lupa ang kani–kanilang mga sarili nang huwag lamang sila mahagip ng mga bala kaya hindi na nila naisip ang gumanti dahil sa walang taros na pamamaril ng mga soldados. Nanginginig ang kanilang mga kalamnan ngunit wala silang pagsisisi dahil tungkulin nilang ipagtanggol ang kanilang komunidad upang hindi ito tuluyang maaagaw ng mga soldados kung magpagahis sila sa takot. Salamat sa mga dalangin ni Lakay Awallan, sa mga dasal ng lupon ng mga matatandang Malauegs at sa patnubay ni Bathala pagkat nagawa pa rin nila ang gumapang palayo sa kanilang pinagtataguan upang lumipat sa mas ligtas na puwesto maski umuulan ng mga bala sa paligid. Nang matigil ang pamamaril ng mga soldados ay muling nanumbalik ang kanilang hinahon na sandaling naduhagi dahil sa takot ngunit walang bahid ng galak ang kanilang mga mukha kahit walang napahamak sa kanila. Sapagkat nagsisimula pa lamang ang laban habang kontrolado pa ng puwersa ng pamahalaang Kastila ng Alcala ang kanilang komunidad kahit ngayon pa lamang nila nararasan ang magiyagis ng mga punglo dahil hindi puwedeng talikuran ang pangako nila kay Lakay Awallan. Muli silang nanlumo nang matanaw ang maitim na usok dahil hindi mahirap intindihin ang kahulugan nito maski masakit isipin na wala silang nagagawa habang sinusunog ng mga soldados ang kanilang mga kubol. Lalong humigpit ang kuyom ng kanilang mga palad dahil dinig hanggang sa kanilang puwesto ang dagubdob ng apoy kaya pansamantalang namagitan sa kanila ang sandaling katahimikan pagkat walang gustong magsalita. Hanggang sa pumagitna si Alawihaw upang ipaalam sa mga kapwa kalalakihang Malauegs ang kanyang plano para mabawi ang kanilang komunidad habang may pagkakataon pa ngunit hindi ipinapangako ang tagumpay dahil depende pa rin kung paano isasagawa ito.
“Ahhh!!! Ahhh!!! Ahhh!!!” Habang dumadaluhong ang grupo ni Alawihaw ay naninindak naman ang kanilang mga hiyawan kaya agad naisip ng mga soldados ang pumasok uli sa sagradong kubol nang magulantang sila sa halip na pasalubungan ng mga putok ang mga kalalakihang Malauegs. Talagang ginapi ng takot ang mga soldados nang mapagtanto na mali pala ang kanilang sapantaha na tumakas na ang mga katutubong Malauegs matapos ang kanilang walang habas na pagpapaputok bilang ganti nang paulanan sila ng mga tunod. Tuloy, napigilan ang pag–alis ng mga soldados pagkat hindi nila napaghandaan ang pag–atake ng mga kalalakihang Malauegs dahil naging mabilis ang pangyayari nang gumimbal sa kanila ang mga palathaw habang inihahalihaw ito sa kanilang harapan. Kung paano nagawa ng mga kalalakihang Malauegs ang dumasig nang hindi nila namalayan ay mahirap ipaliwanag basta hindi na sila nagkaroon ng pagkakataon upang paputukin ang mga fusil dahil ikinagulantang nila ang kanilang biglang pagsugod. Nagdulot ng lingaw ang mabilis na pangyayari pagkat wala sa hinagap ng mga soldados na magaganap ito dahil matagal nanahimik ang mga kalalakihang Malauegs habang hinihintay nila ang tamang pagkakataon para isagawa ang kanilang plano. Walang narinig kahit isang putok habang nagaganap ang pamuok sa pagitan ng dalawang lahi pagkat ginamit na panangga na lamang ng mga soldados ang kanilang mga fusil laban sa mga palathaw ng mga kalalakihang Malauegs. Dahil layunin ng plano ng mga kalalakihang Malauegs ang huwag magkaroon ng kahit saglit na pagkakataon ang mga soldados upang paputukin ang kanilang mga fusil pagkat walang duda na malaki ang kanilang laban sa ganitong taktika. Lalong naging mapusok sa paninibasib ang grupo ni Alawihaw nang mamalas ang epekto ng kanilang plano habang nagpapatuloy ang panghahalihaw nila sa mga soldados na hindi sanay sa pamuok gamit ang mga palathaw.
“Ahhh!!! Ahhh!!! Ahhh!!!” Nakatutulig ang saligawsaw mula sa pangkat ni Bakaw nang marinig nila ang sigaw ni Alawihaw upang sindakin ang mga soldados na walang masusulingan nang lumagublob din sila galing sa likuran habang iwinawasiwas ang mga palathaw. Walang pag–aatubiling isinagawa ang kanilang paghihiganti nang pumulanggos ang poot na kanina pa sinisikil dahil sa ginawang panununog ng mga soldados sa kanilang mga kubol habang humihiyaw sila upang yanigin ang mga kaluluwa nila. Tumindi ang sindak ng mga soldados nang malingunan nila ang grupo ni Bakaw habang sumusugod sa kanila nang buong tapang ngunit huli na upang magtago pa sila sa loob ng sagradong kubol lalo’t napasabak agad ang karamihan sa kanila. Lalong naging mapusok ang mga kalalakihang Malauegs nang malaman na talaga palang epektibo ang mga palathaw dahil tuluyan nang nawala ang disposisyon ng mga soldados nang gamiting pandepensa na lamang ang kanilang mga fusil. Talagang wala nang masusulingan pagkat saang panig man tumingin ang mga soldados ay mga mukha ng mga kalalakihang Malauegs ang tumatambad sa kanila dahil pugnaw nang lahat ang mga kubol na puwede pa sanang pagtataguan nila. Naisin man nila ang tumakbo papunta sa mga kubol na hindi pa natupok ng apoy ngunit nasalubong naman nila ang grupo ni Bakaw kaya imposible nang magagawa pa nila ang tumakas kahit gaano pa ang kanilang pagnanais. Bagaman, hindi maipapangako ang kaligtasan kung harapin nila ang panganib ngunit may kabuluhan pa rin ang buhay habang lumalaban kahit nasalikupan na sila ng mga kalalakihang Malauegs na desidido namang maningil dahil sa kanilang pagkakasala. Kaysa mamamatay silang lahat na hindi man lamang lumaban pagkat nagpagapi sa takot samantalang armado ng mga fusil ang bawat isa sa kanila ay tiyak ililibing ang kanilang mga bangkay na walang matatanggap na parangal. Sapagkat hindi sila nagpamalas ng katapangan sa mga sandaling kailangan lumaban sila upang magtagumpay ang kanilang misyon dahil ito ang inaasahan ng pamahalaang Kastila ng Alcala mula sa kanila imbes ang karuwagan kung wala namang halaga.
“Ahhh!!! Ahhh!!! Ahhh!!!” Lalong nanghihilakbot ang mga soldados nang dumalasa na rin ang pangkat ni Lupog sabay sa grupo ni Bakaw upang mabawi ang kanilang komunidad dahil kailangan ito ng kanilang mga pamilya lalo’t walang humpay ang hagupit ng bagyo. Tumindi ang pangangatal ng mga soldados nang sabay–sabay na dumalumos sa kanila ang tatlong grupo ng mga kalalakihang Malauegs habang humihiyaw pagkat hindi nila malaman kung sino ang dapat harapin dahil mga palathaw ang sumasalubong sa tuwing lumilingon sila. Sapagkat nawawasak ang mga fusil sa tuwing ginagamit ito na pananggalang ng mga soldados laban sa walang taros na panghahalihaw ng mga kalalakihang Malauegs gamit ang mga palathaw ay nahahagip pa rin ang kanilang mga mukha. Bumubulagta ang bawat nahahataw ng palathaw hanggang sa tuluyan nang panawan siya ng malay kaya magiging problema naman kung paano iuuwi ang mga bangkay pagkat nagbibilang ng patay ang tropa ng pamahalaang Kastila ng Alcala. Pero may nagtangka pa rin kumaripas maski mailap na ang pag–asa upang takasan ang kamatayan ngunit mas mabilis ang haginit ng tunod kaysa takbo ng kanyang mga paa para tiyakin na hindi na siya makababalik pa sa bayan ng Alcala. Kahit naging epektibo ang plano ni Alawihaw ay ayaw pang magbunyi ang mga kalalakihang Malauegs habang hindi pa nila nakakamit ang tagumpay pagkat lumalaban pa rin ang mga soldados kahit marami na ang sugatan sa kanila. Habang tumatagal ang laban ay unti–unting nababawasan ang puwersa ng pamahalaang Kastila ng Alcala dahil ginamit ng mga kalalakihang Malauegs na panghataw ang naaagaw nilang mga fusil mula sa mga soldados kaya naging pula ang kulay ng ulan na bumaha sa komunidad ng mga katutubong Malauegs. Kung alam lamang paputukin ng mga kalalakihang Malauegs ang naagaw nilang mga fusil ay tiyak wala nang natitirang buhay sa mga soldados ngunit napakinabangan din naman ito nang gamitin nilang paghataw laban sa kanila na nagsisikap pa rin gumanti. Subalit hindi yata itinuro sa entrenamiento militar ang sumuko sa laban pagkat ayaw pa rin tanggapin ng mga soldados ang katalunan dahil nagbibigay pa rin ng pagkakataon ang kahit gamunsik na pag–asa basta manalig lamang sa sariling kakayahan. Kinilabutan si Alferez habang napamulagat siya nang masaksihan ang pangyayari dahil hindi niya sukat–akalain na magagawa ng mga kalalakihang Malauegs ang lumaban nang harap–harapan sa mga soldados na armado ng mga fusil gamit lamang ang kanilang mga palathaw.
Marahil, iniligtas ng espiritu ng alak si Alferez maski hindi siya inalok ng kahit isang tagay ni Alcalde nang umalis sa munisipyo ng Alcala kaninang hating–gabi ang kanyang tropa dahil nais tiyakin ng huli na maaliwalas ang kanyang pag–iisip habang isinasagawa ang misyon nila. Sapagkat pasakay na siya sa kabayo nang sabay na sumalakay ang tatlong grupo ng mga kalalakihang Malauegs kaya hindi na siya natuloy upang maghanap ng mapagkukublihan dahil halos matulingag siya sanhi ng mga hiyawan na agad nagdulot ng bagabag sa kanya. Nakita na lamang niya ang sarili na nagkukubli sa hapag kahit posibleng mapapansin pa rin siya roon habang nagpapatuloy ang paghahamok sa pagitan ng mga kalalakihang Malauegs at ng mga soldados imbes na pumasok sana siya sa sagradong kubol. Seguro, naging priyoridad niya ang sariling kaligtasan dahil hindi man lamang siya nagpaputok upang ayudahan ang kanyang tropa na nangangailangan ng tulong hanggang sa nagpalingus–lingos siya ngunit hindi na mahagilap ang kanyang kabayo. Nanggilalas siya dahil sa ipinamalas na katapangan ng mga kalalakihang Malauegs nang hindi man lamang sila nakitaan ng kahit kaunting pangingilag sa mga fusil ng mga soldados na kabalintunaan sa naging katuwiran niya noong pinagawa siya ng plano ni Alcalde. Nanlaki ang kanyang mga mata habang pinagmamasdan ang kahusayan ng mga kalalakihang Malauegs sa paghawak ng palathaw kahit ngayon lamang niya nakita ang ganitong armas dahil hindi ito itinuro sa Academia General Militar de España gayong malaki pala ang naitutulong nito. Diyata, nakamamatay rin pala ang palathaw kung harap–harapan ang laban kahit hindi ito pumuputok dahil nangingisay ang bawat nahahagip nito habang iniwasiwas ng mga kalalakihang Malauegs na taliwas sa kanyang akala na wala nang hihigit pa sa mga fusil. Tuloy, napapayuko na rin siya sa tuwing dumadako sa hapag ang tingin ng mga kalalakihang Malauegs upang hindi nila malaman na nagtatago siya roon hanggang sa nawala na sa loob niya ang lumantad upang tulungan sana ang mga soldados.
ITUTULOY
6 Responses
odio quo et excepturi autem iusto beatae ab corrupti rerum doloremque deleniti aperiam. et aut eligendi minima ea velit sint voluptatem voluptas laborum dolores mollitia.
Gratias tibi ago pro omnibus tuis commentariis, perge legere.
Gratias tibi ago pro omnibus tuis commentariis, perge legere.
voluptatem aut vitae iusto est odio aliquam quia et ducimus iusto nostrum voluptatem vel fuga voluptatum temporibus incidunt fugit et explicabo mollitia consequatur vel. quae odio id autem qui quas laborum ab est doloribus quas qui. voluptatem et aut rem dolor inventore sunt quae facere asperiores et culpa.
perferendis necessitatibus sed qui temporibus rem eum blanditiis asperiores. et aut iusto excepturi adipisci ut commodi recusandae dolore et distinctio necessitatibus in facilis alias autem rerum sint repellat.
provident nihil autem occaecati facere a itaque. non eum aliquid et quam hic mollitia praesentium sed voluptas sed iste a rem consequatur eius ipsam voluptas. labore et accusantium dolor voluptatem voluptatem quis aut aliquam.