Handa niyang batahin ang lahat kahit dumanas pa siya ng ibayong paghihirap pagkat si Bag–aw na lamang ang tanging alaala ng mag–asawang Alawihaw at Dayandang na dapat niyang mahalin nang higit pa sa sarili niya upang hindi mananangis ang mag–asawa dahil malakas ang kanyang paniniwala na seguradong sinusubaybayan nila ang magiging buhay ng kanilang anak. Dahil walang mapagbalingan ang isip ni Lakay Awallan ay ipinasya niya ang magdasal habang naglalalakad para ituro sana sa kanila ni Bathala ang pook na akmang pagtatayuan ng bagong komunidad upang hindi na tumagal pa ang kanilang paghahanap kaysa patatagalin pa nito ng maraming araw ang kanilang paghihirap pagkat lubhang kahabag–habag ang mga may pamilya. Subalit hindi pa rin mabilisan ni Assassi ang paglalakad kahit pangko na ni Luyong si Bag–aw pagkat inaalalayan naman niya si Lakay Awallan na nagdarasal ngunit hindi siya naringgan ng reklamo dahil alam naman niya na talagang matanda na ang kanilang Punong Sugo at may sanggol pang inaalagan ay sadyang siya na lamang ang puwedeng asahan ng kanyang apong. Nang mapasulyap si Lakay Awallan kay Assassi pagkat segurado na magiging problema niya ang pagpapalaki kay Bag–aw kung darating ang araw na naisin na rin ng binatilyo ang magkaroon ng sariling pamilya lalo’t siya lang ang inaasahan niya ngunit ipinagkibit–balikat na lamang niya ang alalahaning ito dahil malayo pang mangyari ‘yon upang isipin na niya ngayon kaya itinuloy niya ang pagdasal. Kahit balot ng balabal si Bag–aw ay minabuti ni Luyong ang ipandong pa rin sa sanggol ang salampay na bigay sa kanya ni Naga upang hindi siya matampak sa araw habang sinasabayan niya sa paglalakad sina Lakay Awallan at Assassi dahil talagang sumasalab ang init ng araw sa tanghaling–tapat ngunit hindi naman nila magawa ang huminto pansamantala pagkat walang puno na puwedeng silungan nila. Maya–maya, sumigla ang pakiramdam ni Luyong nang maulinigan niya ang lagaslas kaya bumilis nang kaunti ang kanyang mga hakbang pagkat gusto na rin niya ang uminom ng tubig sanhi ng matinding uhaw saka ipinaalam niya kay Lakay Awallan upang maibsan ang naramdamang hirap nito kahit hindi na tanungin dahil walang duda na nais na rin ng lahat ang magpahinga muna para palipasin ang sumasalab na init ng araw.
“Huwag po kayo mag–aalala . . . Apong Awallan! Naririnig ko na po . . . ang aliw–iw ng tubig! Segurado . . . nanggagaling po ‘yon sa ilog! Puwede na po tayong magpahinga muna roon . . . Apong Awallasn!” Dinatnan nina Lakay Awallan, Luyong at Assassi ang mga kabataang Malauegs na tuwang–tuwa habang nagtatampisaw sa tubig dahil hindi nila nagawa kahapon ang maligo pagkat mahigpit ang ginawang pagbabawal ng kanilang mga magulang na pumunta sa ilog upang hindi maiisipan ng mga soldados ang sundan sila hanggang sa matutuklasan ng mga ito na may nakaligtas palang mga katutubong Malauegs. Nang inako na ni Lakay Awallan ang pagkandong kay Bag–aw mula kay Luyong habang nagpapahinga siya sa ibabaw ng malapad na bato ay napansin niya ang mga paa ng sanggol na tila gusto rin maligo pagkat pinipilit nito ang bumaba mula sa kanyang mga bisig ngunit ngumiti na lamang siya dahil talagang ayaw magpapigil hanggang sa umiyak kaya hinayaan na lamang niya. Kinuha ni Assassi ang sanggol upang ilunoy sa tubig ang mga paa saka hinaplot lamang niya ang kanyang mukha sa halip na basain ang kanyang buong katawan kahit dalawang araw nang hindi siya napaliguan dahil nabilad sila sa araw habang naglalakad ngunit may dahilan pala ang kanyang pag–alumihit pagkat napayapa siya matapos pasusuhin ni Naga. Pagkatapos, ibinalik din ni Naga kay Lakay Awallan si Bag–aw ngunit talaga yatang naiinggit sa mga kabataang Malauegs ang sanggol dahil masaya sila sa tuwing sumisisid na hindi nila nagawa kahapon habang naroroon pa sila sa yungib pagkat nakasanayan na nila ang maligo sa ilog araw–araw kaya marami sa kanila ang nalilipasan ng gutom kung hindi pa sunduin ng kanilang inang na may dalang pamalo. Abala naman sa paghahanda ng pananghalian ang mga kababaihang Malauegs saka isinabay sa kanilang paglusong sa tubig ang pagsalok ng inumin habang hinihintay ang mga kalalakihang Malauegs na pumasok sa kasukalan sa halip na magpahinga pagkat hindi dapat sayangin ang bawat pagkakataon dahil simula pa lamang ito sa maraming araw na kailangan paghandaan nila. Naging pahinga naman ng mga kalalakihang Malauegs ang paghahanap ng mga bungang–kahoy upang hindi mararamdaman ng kanilang mga anak ang gutom dahil maraming araw pa ang dapat tiiisin nila bago marating ang pusod ng kagubatan pagkat doon nila balak itayo ang kanilang bagong komunidad kahit hindi pa nila tiyak kung saan ito matatagpuan basta malapit sa ilog para hindi magiging problema nila ang pagkukunan ng inumin. Marahil, gising na si Bathala pagkat natagpuan ng mga kalalakihang Malauegs ang mga papaya na nahihinog sa puno, mga bayabas na abot–kamay lamang at mga naninilaw na saging kaya bumalik sila sa ilog na punung–puno ng mga prutas ang kanilang mga pangnan ngunit hindi muna sila nangangaso dahil maliwanag ang paligid at mainit ang panahon ay seguradong nagkanlong na sa mga lungga ang mga hayop. Seguro, narinig ni Bathala ang dasal ni Lakay Awallan na kanyang sinimulan mula pa kahapon hanggang kanina habang naglalakad siya dahil hindi pa rin niya pinababayaan ang mga katutubong Malauegs lalo’t kailangan nila ang patnubay niya ngayong naghahanap sila ng malilipatan basta huwag lang niya maisipan ang matulog uli para mapakinggn niya ang mga haluyhoy ng mga nananalig sa kapangyarihan niya. Pagkatapos ang kanilang pananghalian ay mga kalalakihang Malauegs naman ang lumusong sa tubig para pawiin ang dagandang ng init sa kanilang mga katawan ngunit hinaplot lamang ni Lakay Awallan ang kanyang mukha kahit nais rin sana niya ang maligo pagkat mas gusto niya ang umidlip upang ihanda ang sarili sa panibagong hirap na susungin nila. Palibhasa, nagising sila ng madaling–araw kanina ay nagtagal pa sila sa tabi ng ilog para ipikit muna kahit sandali ang kanilang mga mata lalo’t kaagad naidlip ang mga kabataang Malauegs matapos ang pananghalian at pinalipas na rin nila ang matinding init ng tanghaling–tapat upang hindi nila masyadong maramdaman ang kapaguran kapag itinuloy na nila ang paglalakad. Sandali lamang nang maidlip din sina Lakay Awallan at Assassi habang pinapasuso nang sabay ni Naga ang kanyang bunso at si Bag–aw dahil mahaba–haba pa ang kailangang lakarin nila para mahanap ang pook na paglilipatan ng kanilang komunidad ngunit sa tantiya ng mga kalalakihng Malauegs ay aabutin pa ng limang araw ang paghahanap nila kung manatiling maaliwalas ang panahon. Sapagkat muling ipinagpatuloy ang kanilang paglalakad upang tumigil uli sa mga ilog para matighaw ang kanilang matinding uhaw at isinabay na rin ang pagluluto sa kanilang hapunan kahit gabi at ube na naman basta huwag lamang silang matulog nang gutom lalo na ang kanilang mga anak dahil inaasahan na nila ang ganitong sitwasyon ngunit handang magsakripisyo ang lahat pagkat ito ang naging pangako nila bago lumabas sa yungib may tatlong araw na ang nakalipas. Sanhi ng dinanas nilang kapaguran dahil sa maghapong paglalakad ay hindi sapat ang aluy–oy ng agos upang magambala ang kanilang kahimbingan na hindi nila naramdaman sa loob ng yungib pagkat pikit man ang kanilang mga mata kung gising pa rin ang kanilang diwa kahit nagbabantay sa labas ang mga kalalakihang Malauegs para bigyan ng proteksiyon ang kanilang kaligtasan. Habang natutulog sa ibabaw ng mga bato ang mga katutubong Malauegs ay naging tanglaw naman nila ang liwanag ng buwan na ayaw pa rin lisanin ang kalangitan maski tinutugis na ito ng dagim dahil nais yatang tiyakin nito na walang gumagambala sa kanilang kahimbingan kaya mas malakas pa ang kanilang mga hilik kaysa tilaok ng mga labuyo sa kagubatan. Mabuti na lamang hindi umulan sa magdamag pagkat malaki ang posibilidad upang malagay sa pangnib ang kanilang buhay kung bumuha nang hindi nila namalayan ngunit maliwanag na nang magising silang lahat upang apurahin ang pagluluto ng kanilang almusal dahil kailangan ituloy ang kanilang paglalakad hanggang hindi pa natatagpuan ang pook na paglilipatan nila. Ipinagpatuloy nila ang paglalakad sa pangatlong araw hanggang sa muling sumapit ang takip–silim kaya pinalipas na naman nila sa pasigan ang gabi para paghandaan ang pang–apat na araw kahit marami na ang nanghihina dahil sa pagod at init ng araw ngunit hindi sila dumaing pagkat ngayon pa ba sila susuko kung kailan ramdam na nila ang pag–asa sa tulong ni Bathala. Pagkatapos ang almusal sa ikaapat na araw ay kaagad naglakad ang mga katutubong Malauegs kahit agaw–dilim pa lamang dahil maaga rin naman nagluto ng pagkain ang kababaihang Malauegs pagkat ito ang bilin sa kanila ng mga kalalakihang Malauegs upang samantalahin ang lamig sa umaga para hindi nila indain ang init ng araw kung nasa tabing ilog na silang lahat pagsapit ng tanghaling–tapat. Muling sinimulan ng maaga ang paglalakad ng mga katutubong Malauegs nang dumating ang ikalimang araw ngunit nagdasal na rin ang mga kababaihang Malauegs sa payo ng mga kalalakihang Malauegs sa pagbabakasakali na pansinin na sila ni Bathala dahil nag–iisang boses ng panambitan ni Lakay Awallan ang maaaring naririinig lamang niya.
Hapon ng ikalimang araw nang mapasok ng mga katutubong Malauegs ang pusod ng kagubatan makaraan ang kanilang walang tigil na paglalakad kaya malaki ang pasasalamat nila pagkat natapos na rin ang kanilang paghihirap sa paghahanap ng matatayuan sa bagong komunidad na angkop pamamahayan dahil malapit din sa ilog at hindi madaling tuntunin sakaling tangkain ng kahit mga katutubo mula sa ibang tribu ang dumayo para maprotektahan muna ang kanilang tribu upang magiging lubos ang paniniwala ng pamahalaang Kastila ng Alcala na walang nabuhay sa isinagawang pananalakay ng mga soldados sa kanilang dating komunid matapos nilang sunugin ang mga kubol. Kaagad pumutol ng mga sanga ang mga kalalakihang Malauegs saka isang kubol muna ang kanilang pinagtulung–tulungan itayo para may matutulugan lamang ngayong gabi ang kanilang mga pamilya lalo na si Lakay Awallan dahil kay Bag–aw pagkat malapit nang sumapit ang gabi habang pagluluto ng pagkain ang hinarap agad ng mga kababaihang Malauegs dahil seguradong mapapaaga ang kanilang pamamahinga pagkatapos ang hapunan mamaya. Subalit sadyang malawak ang itinayong kubol ng mga kalalakihang Malauegs upang hindi magiging problema nila ang pagtutulugan kahit sama–sama muna silang lahat sa loob ngayong gabi dahil gahol na sa oras kung magpahabol pa sila ng marami gayong puwede namang ituloy bukas ang paggawa lalo’t nagsimula nang bumaba sa lupa ang makapal na ulop kaya walang duda na matindi ang hamog sa hating–gabi pagkat naririto sila sa pusod ng kagubatan. Gayunpaman, hindi na sumukob sa kubol ang mga kalalakihang Malauegs kahit kasya naman yata silang lahat sa loob pagkat nagsilbing bantay na lamang sila sa buong magdamag dahil hindi pa nila kabisado ang pook kaya kailangan pakiramdaman muna nila ang paligid upang hindi sila mabibgla sakaling gambalain ng mga diwata ang kanilang kahimbingan. Kainaman, magdamag na hindi umulan kahit nagbabanta ang kulog hanggang sa naidlip na rin ang mga kalalakihang Malauegs nang hindi na mapigilan ang kanilang antok sanhi nang matinding kapaguran dulot ng walang tigil na paglalakad sa loob ng limang araw pagkat kailangn din nila ang gumising nang maaga bukas upang ituloy ang paggawa sa mga kubol at napagkasunduan din nila ang mag–alay para hindi ikagagalit ng mga diwata kung simulan na nila ang pangangaso. Tuloy, ang dapog na iniwan nilang naglalagablab kanina ay natugnaw nang hindi nila namalayan dahil sa kanilang kahimbingan na hindi nila naramdaman habang naroroon pa sila sa yungib sanhi ng labis na pangangamba pagkat hindi na rin umalis sa dating komunidad ang mga soldados mula nang isinagawa ng mga ito ang pananalakay sa kanila kaya napilitan silang maglakad ng limang araw upang tuluyang takasan ang panibagong banta sa kanilang buhay. Tunay na napuspos ng kapayapaan ang mga damdamin ng mga katutubong Malauegs habang natutulog sila lalo’t tahimik ang gabi kaya tiyak na bakas sa kanilang mga mukha ang saya sa paggising nila bukas ng umaga pagkat naparam na sa puso nila ang pangamba ngunit handa na ang kanilang mga kalooban upang harapin ang panibagong panimula sa bagong komunidad dahil nanatiling matatag ang kanilang paniniwala na hindi sila pababayaan ni Bathala.
ITUTULOY
No responses yet