Paulit–ulit na inaarok nang maigi ni Alcalde ang posibleng kinaroroonan ng sobre hanggang sa naglakbay pauwi sa bayan ng Alcala ang kanyang alaala upang muling balikan ang mga tagpo na naganap bago at nang umalis na sila roon kaya unti–unting naging malinaw sa kanyang utak na hindi pa natubog sa alak ang tunay na pangyayari ngunit ayaw pa rin maglubag ang kanyang kalooban habang hindi pa ito natatagpuan kahit alam na niya kung saan ito maaaring naiwan sa kadahilanan na hindi naman niya maipaliwanag. Mismong si Alcalde ang umaamin ngayon na talagang malayo ang posibilidad upang hawakan ni Alferez ang sobre pagkat nangabayo siya mula sa bayan ng Alcala hanggang sa bayan ng Tuguegarao nang maipagpalagay niya na kasama pala sa lakad nila si Señora Mayora kaya hindi na siya nakisakay sa karwahe dahil naihanda na rin niya ang kabayo at kailangan na nila ang umalis para mahabol pa ang misa kantada. Segurado, mahuhulog lamang ang sobre nang hindi mamalayan ni Alferez habang tumatakbo ang kabayo dahil kailangan sabayan niya ang karwahe ngunit nagbigay pa rin ito ng problema kay Alcalde pagkat hindi pa rin niya matandaan hanggang ngayon kung saan at kailan ibinalik ito sa kanya basta ang alam lamang niya ay walang hawak ang kanyang mga kamay nang pasimplenhg kinausap siya ni Gobernador Don Vicente Nepomuceno. Sapagkat maiingatan ang sobre kahit gaano pa kabilis ang takbo ng kabayo kung hawak ito ni Alcalde dahil sakay siya sa karwahe ngunit posibleng nabitawan din niya ito nang hindi niya namalayan nang napatukatok naman siya pagkat madaling–araw nang umalis sila sa bayan ng Alcala at ito ang sitwasyon na hindi rin malaman kung kunwari lamang ba na hindi niya naalaala gayong kaunting alkohol pa lang naman galing sa isang kopitang alak ang nainom niya. Subalit duda pa rin si Alcalde maski kumpirmado nang naiwan lamang sa karwahe ang sobre nang hindi niya namalayan dahil sa kanyang pagmamadali na umakyat sa palacio del gobernador pagkat naging katanungan naman ng kanyang sarili kung hindi man lamang ba napansin ito ni Zafio samantalang siya mismo ang nagsasabi na naglaho na ang tiwala niya sa kutsero kaya malayo ang pakitaan siya ng malasakit lalo’t hindi pa niya ibinibigay ang hiling nitong umento sa suweldo. Bagaman, inaasahan pa rin na ibabalik ni Zafio ang sobre sakaling napulot man niya ito ngunit walang garantiya na hindi niya maikukuwento kay Señora Mayora ang tungkol sa naging kapabayaan ni Alcalde kaya muntik nang mawala ito kahit magiging dahilan pa ito ng guerra mundial nilang mag–asawa bukas ng umaga kung hindi ito mangyayari mamayang gabi. Kunsabagay, dapat mabahala si Alcalde kung natagpuan ng guwardiya sibil ang sobre dahil tiyak na kasamang maglalaho ang mapagbentahan sa mga titulo kaya hindi bale nang matuklasan ni Zafio ang mga laman nito pagkat ordinaryong sitwasyon na lamang para sa kanilang mag–asawa ang pagkakaroon ng sudsuran sa tuwing gabi kaysa mapapabilis ang deportacion sa kanya pabalik ng bansang España. Sapagkat magbibigay ng kayamanan sa guwardiya sibil ang mga titulo ay talagang pag–iinteresan niya ito kung simpleng tapik lamang sa balikat ang magiging pabuya ng kanyang katapatan lalo’t mismong suwerte ang lumapit na sa kanya maski hindi niya ipinagdasal ito kaya hindi na siya dapat magugulat pa kung mabalitaan niya na may isang empleyado sa palacio del gobernador ang boluntaryong nagretiro dahil nakahukay ng ginto. Sana, hindi nagbibiro lamang kay Alcalde ang kamalasan pagkat masakit ang malaman na napunta pala sa mga kamay nang higit na pinagpapala ni Señor San Pedro ang mga huwad na titulo lalo’t hindi pa bumabalik hanggang ngayon si Alferez samantalang kanina pa siya bumaba hanggang sa dungaw pa siya sa bintana upang alamin kung dumating na ang espesyal na panauhin ng Gobernador ng Cagayan. Sadyang hindi nakasusumpong ng katiwasayan ang kalooban na may itinatagong kasalanan pagkat nagiging maamo sa kanya ang kamalasan na nagdudulot naman sa kanya ng kapahamakan dahil sa ganitong kaparaanan siya pinaparusahan upang iparamdam din sa kanya kung gaano kasakit ang niyuyurakan lalo’t mga mangmang pa mandin ang dumanas ng kaapihan.
Treinta minutos ang lumipas ng alas–dos nang hapon ay maliksing lumapit ang mga guwardiya sibil na halos antukin na dahil sa paghihintay sa kararating lamang na karwahe mula sa kumbento ng simbahan ni Señor San Pedro nang huminto ito sa tapat ng palacio del gobernador upang alalayan sa pagbaba ang mga lulan nito na dapat ipagpasalamat naman sa mga sikmurang muntik nang malipasan ng gutom pagkat masisimulan na rin ang komida na kanina pa pinanabikan nang lahat. Tatlo ang pasahero ng karwahe ngunit huling bumaba ang pinakamatanda sa kanila na ikinatuwa naman ng mga guwardiya sibil nang mamukhan siya pagkat dumating na rin siya makalipas ang dalawang oras at kalahati na paghihintay kahit totoong nakayanan pa rin tiisin ng mga kumakalam na sikmura ng mga panauhin ni Gobernador Don Vicente Eriberto Cachuela Nepomuceno samanatalang unti–unti nang dumarmi ang mga parokyano sa loob ng simbahan ni Señor San Pedro upang sumama sa isasagawang prusisyon mamaya. Palibhasa, isa sa mga nagpahayag ng interes upang bumili sa huwad na titulo ang panauhing pandangal kaya kailangan hintayin siya kahit pasado alas–dos nang hapon na basta huwag lamang mapupulaan si Gobernador Don Vicente Eriberto Cachuela Nepomuceno pagkat kapistahan ni Señor San Pedro pa mandin ay nararapat lamang ang maging pasensiyoso silang lahat kung wala namang may gusto sa pangyayari ngunit nakabuti naman dahil hinahanap pa rin hanggang ngayon ang sobre. Pagkatapos magmano kay Obispo Diego Eleuterio de Soria Aduarte ay nagmamadaling umakyat sa hagdan ang isang guwardiya sibil upang ipaalam kay Gobernador Don Vicente Eriberto Cachuela Nepomuceno ang tungkol sa kanyang pagdating para masimulan na rin ang komida na kanina pa inaasam ng mga panauhin para hindi ito magiging minindal na lamang sa kanila ngunit hindi naman problema sa mga nakaramdam ng matinding gutom ang oras basta makakain sila. Siyempre, maging ang mga guwardiya sibil na nagbibigay ng seguridad sa palacio del gobernador ay apektado rin sa gutom para iparamdam ang kanilang simpatiya sa mga panauhin ng Gobernador ng Cagayan kahit unang pangyayari na naging minindal ang dapat sana’y pananghalian dahil sa walang katiyakang paghihintay ngunit wala nang dapat ipaghihimutok pa ngayong dumating na ang espesyal na panauhin. Hinanap nito si Gobernador Don Vicente Eriberto Cachuela Nepomuceno dahil hindi na rin siya bumalik sa salas mula nang pumasok sa komedor ngunit lalong hindi siya pumasok sa kuwarto para magtago habang hindi pa dumarating ang kanyang espesyal na panauhin at nang hindi naman niya maisipan ang umidlip muna dulot ng panghal sa paghihintay kaya naging dahilan pa ito upang mabalam ang komeda. Kailangan maabisuhan agad si Gobernador Don Vicente Eriberto Cachuela Nepomuceno para masalubong niya si Obispo Diego Eleuterio de Soria Aduarte na patikod ang lakad habang pumapasok sa palacio del gobernador pagkat biklang yata ang kanyang mga paa maski hindi pansinin dahil sa kanyang kasuutan ngunit hindi naman naitatago ang kanyang pagiging huyad na hindi naman kataka–taka dahil walang ehersisyo ang kanyang katawan. Alalay ng dalawang baculo de obispo ang bawat hakbang ni Obispo Diego Eleuterio de Soria Aduarte upang tiyakin na ligtas ang pag–akyat niya sa hagdan na may labindalawang baitang dahil matagal pa ang kanyang jubilacion kaya hindi pa siya puwedeng magretiro mula sa kanyang tungkulin bilang Obispo ng Cagayan upang bumalik ng bansang España ngunit malinaw na naroroon pa rin ang kanyang kagustuhan na taliwas kay Alcalde. Marahil, iniinda ng kanyang katawan ang pag–akyat kaya huminto siya sa kalagitnaan ng hagdanan upang habulin ang kanyang hininga pagkat pagdarasal sa tuwing umaga at pagsasagawa ng misa ang laging ginagawa niya sa araw–araw dahil asam ng lahat nang naninilbihan sa simbahang katolika ang maging santo sila balang araw kung marapatin ng Maykapal. Hindi rin kataka–taka kung madali na siyang hingalin dahil mismong katungkulan niya bilang Obispo ng Cagayan ang nagpapahiwatig na maaaring pitumpu’t limang taon na siya ngunit taliwas kina Alcalde at ang kura paroko ng Alcala ay mejor amigo sila ni Gobernador Don Vicente Eriberto Cachuela Nepomuceno kaya hindi siya nawawala sa tuwing ipinagdirawang ang kaarawan nito maski walang magaganap na bentahan sa mga huwad na titulo pagkat nagkataon lamang ito. Sa edad niya ngayon ay puwede na sana siyang magretiro upang makapagpahinga na ang kanyang katawan na masyadong napugal sa tungkulin bilang alagad ng simbahan para magkaroon naman siya ng pagkakataon na makapiling ang kanyang mga kamag–anakan habang nabubuhay pa siya dahil kailangan mag–iwan ng magandang alaala ang kanyang pagpanaw hindi lamang sa simbahang katolika na pinaglingkuran niya sa mahabang panahon gayundin naman sa mga nagmamahal sa kanya. Desafortunadamente, kamatayan lamang ang nagiging jubilacion ng mga alagad ng simbahan dahil hindi basehan ang kanilang edad habang nagagawa pang gampanan ang kanilang mga tungkulin maski dumaranas na ng maraming karamdaman ang kanilang mga katawan pagkat ito ang pangakong inusal nila noong ginaganap ang ordinasyon sa kanila.
ITUTULOY
No responses yet