“¡Te damos gracias por Cristo . . . uestro Señor!” Marahil, narinig ni Obispo Diego Eleuterio de Soria Aduarte ang bulong ng mga nagugutom na kaluluwa dahil tinapos na niya ang dasal ngunit nanatiling pikit ang kanyang mga mata upang damhin ang presensiya ni Señor San Pedro pagkat gaganapin naman mamaya sa plasa ng Tuguegarao ang prusisyon kung hindi umulan lalo’t nagparamdam na ang tikatik sanhi ng bagyo na posibleng mararamdaman bukas ng umaga kung hindi man mamayang gabi. Maaaring minadali na lamang niya ang panalangin para hindi lumubha ang paninisi sa kanya ng mga panauhin pagkat sadyang mahirap ipagwalang–bahala ang mga matatalas na tingin kaya ginagambala naman nito ang kanyang kalooban at pangungunahan pa niya ang prusisyon mamaya kung matuloy ito dahil nagbabanta na ang makapal na dagim sa kalawakan. Ngayon pa lamang dumilat ang mga damas malvadas dahil pumikit na rin sila nang mamalas si Prinsesa Imurung habang nagdarasal nang taimtim samantalang nanatiling mulat ang mga mata ng mga ayaw maging banal pagkat hindi naman magawa ng kanilang sarili ang magparinig ng reklamo maski nagiging mahirap na sa kanila para labanan ang gutom. Lumikot ang kanilang mga kamay upang ihanda ang panyodemano habang hinihintay ang pagdilat ni Obispo Diego Eleuterio de Soria Aduarte dahil nagpasunod pa yata siya ng panalangin para naman sa sariling kagalingan pagkat kumikibot pa ang mga labi niya at maaaring idinadalangin na rin niya ang Gobernador ng Cagayan para muling maipagdiriwang ang kanyang kaarawan sa susunod na taon. Kaya napatingin kay Obispo Diego Eleuterio de Soria Aduarte ang lahat lalo na ang kanyang mejor amigo upang alamin kung dumilat na rin ba ang kanyang mga mata pagkat linubus–lubos na yata niya ang pagpapasalamat sa Maykapal samantalang siya na lamang ang hinihintay nila para masimulan na ang komida dahil isusunod pa ang bentahan sa mga huwad na titulo kung natagpuan na ang sobre. Lingid sa mga panauhin ni Gobernador Don Vicente Eriberto Cachuela Nepomuceno ay naging problema ni Obispo Diego Eleuterio Silva Aduarte ang sarili pagkat dumaranas na rin siya ng maraming karamdaman dahil talagang hindi na kayang pagalingin ng anumang gamot ang katawan na kailangan nang mapahinga nang tuluy–tuloy sa katakumba ngunit ayaw pa niyang mamatay kahit ‘yon ng natitirang paran upang magretiro na siya. Kung hindi naging malihim ang Obispo ng Cagayan kay Gobernador Don Vicente Eriberto Cachuela Nepomuceno dahil matalik na magkaibigan naman sila ay tiyak alam na rin ng huli ang tungkol dito basta duda ang dalawang baculo de obispo kung mahintay pa niya ang susunod na kapistahan ni Señor San Pedro pagkat ipinapahiwatig na sa kanyang mga galaw ang posibilidad ng pahimakas kaya my inihanda nang bolsa de cadaver ang kumbento para isasakay na lamang ito sa galyon. Samantala, tama lamang pala nang hindi sumabay si Alcalde dahil lalong mangangatal ang kanyang dibdib kung hindi pa rin natatagpuan ang nawawalang sobre pagkat hindi pa siya umaakyat sa palacio del gobernador gayong kanina pa sila naghahanap nito kung tama ang naging palagay nila na naiwan lamang ito sa karwahe kaya walang duda na ikapapahamak niya kung tuluyan nang nawala ang mga huwad na titulo dahil seguradong hahanapin na ito maya–maya lamang ni Gobernador Don Vicente Eriberto Cachuela Nepomuceno. Sapagkat maaaring hinihintay na lamang niya na matapos ang dasal ni Obispo Obispo Diego Eleuterio de Soria Aduarte para isabay na sa komida ang pagbebenta sa mga huwad na titulo upang masunod ang kanyang plano pagkat wala nang panahon kung hintayin pa niya na matapos ang kainan dahil malapit nang ihudyat ang alas–cuatro nang hapon sa munisipyo ng Tuguegarao kaya seguradong mapipilitan siya upang ipagpaliban na lamang ito kahit ayaw niya. Talagang lilikha ng malaking gulo ang magiging desisyon ni Gobernador Don Vicente Eriberto Cachuela Nepomuceno kung humilagpos na sa isip niya ang pagtitimpi dahil sa paniniwala na linoko lamang pala siya ni Alcalde kapag hindi niya nahagilap ang huli kahit malayo ang posibilidad upang mangyayari ito pagkat kailangan isaalang–alang din naman ang kanyang mga pnauhin lalo na ang Obispo ng Cagayan maski katanungan pa rin kung paano ipaliliwanag sa mga negosyante ang kanyang problema, Gayunpaman, seguradong hindi rin sisirain ng punong–bayan ng Alcala ang kanyang pangako kaya pinagsikapan niyang hanapin ang sobre dahil hindi naman lingid sa kanya na nakataya ang posisyon at dangal ng Gobernador ng Cagayan at lalong hindi madaling limutin na siya ang may plano nang lahat na sapat nang katuwiran upang madamay siya pagkat mahalaga sa mga opisyal ng pamahalaang Kasdtila ang palabra de honor.
“¡Amen!” ¡Por fin! Lumiwanag ang pag–asa sa nagugutom na mga sikmura ng mga panauhin nang luminaw ang kanilang mga mata kaya napangiti sila pagkat wala na ang anumang balakid na puwedeng pumigil pa sa pagtanggap nila sa mga grasya na kanina pa nailatag sa mesa ngayong tapos na ang dasal ni Obispo Diego Eleuterio de Soria Aduarte na tumagal lamang ng ilang sandali dahil maaaring ramdam na rin niya ang gutom. Siyempre, dahil muling sumigla ang kanilang mga katawan kaya malakas ang naging tugon nila ng pasasalamat matapos danasin ang matinding parusa samantalang pamimista lamang ang sadya nila sa palacio del gobernador ngunit mahirap pa rin ipaliwanag kahit batid nila ang naging sanhi kung bakit ginutom sila ng tatlong oras basta ang tiyak na dahilan ay hindi sila dumalo sa misa kantada. Seguro, ipagpalagay na lamang ng mga panauhin na para sa kapistahan ni Señor San Pedro ang pananghalian habang inilaan naman sa kaarawan ni Gobernador Don Vicente Eriberto Cachuela Nepomuceno ang hapunan ngunit sadyang pinagsama na ito upang minsanan na lamang ang komida nang hindi na masyadong mapapagod pa ang mga kamarera’t serbidor dahil kanina pa sila abala sa pagsisilbi nang maging kasiya–siya lamang sa kanila ang handa. Sinimulan muna nila sa paghigop ng sabaw na malasa pa rin kahit kanina pa ginagawang paliguan ng mga langaw dahil pampasarap din ito basta huwag lamang isipin kung saang parte ng palacio del gobernador madalas nagpipirmi ang mga insektong ito para hindi masisira ang gana nila pagkat ang importante naman ay mabusog sila upang hindi nila balaking libakin ang may kaarawan sanhi ng hindi kanais–kanais na karanasang dinanas nila. Pagkatapos, biglang natahimik silang lahat hanggang sa naging paspasan na ang kanilang pagsubo upang huwag mauubusan ngunit hindi rin naman pahuhuli sa liksi ang mga kamarera para tiyakin na hindi masasaid ang laman ng bawat bandehado pagkat naintindihan din nila ang kalagayan ng mga panauhin dahil talaga namang hindi biro ang gutumin sila ng tatlong oras. Naging sapat na yata kahit tatlong nguya lamang basta naramdaman ang sarap ng katakam–takam na mga putahe para hindi masasayang ang tatlong oras na ipinaghintay nila kahit wala silang sinisisi dahil hindi na dapat alamin pa kung bakit nangyari ito sa kanila sa kaarawan pa mandin ng Gobernador ng Cagayan pagkat natuloy rin naman ang komida na mas mahalaga sa ngugutom na sikmura. Pansamantala, kinalimutan muna nila ang pag–uusap para hindi madidisturbo ang kanilang konsentrasyon sa pagkain pagkat matagal pa ang susunod na taon upang mauulit ang pagkakataong ito lalo’t walang kaseguruhan kung buhay pa rin sila sa araw na ‘yon dahil mahirap ang umasa kung pagbasehan ang kasalukuyang sitwasyon lalo’t nagsisimula nang magparamdam ang himagsikan. Datapuwa, mga honroso mang naturingan kung matindi na ang nararamdamang kalam ay nalilimutan din nila ang tamang paglapag sa mga kubiyertos sa pinggan kahit lumilikha ito ng ingay na hindi kaaya–ayang pakinggan para sa isang baliw na mahilig magdiskurso sa hating–gabi dahil ayaw dalawin ng antok ngunit hindi na dapat ikagulat pa ng Gobernador ng Cagayan pagkat batid naman niya dahilan nito. Sapagkat importante ang mabultak ang kanilang mga tiyan kaya mistulang pinutakti ng mga nag–uunahang tinidor ang ulam na kalalagay pa lamang sa mesa kahit lason ang labis pa sa sobra dahil ito ang pakay nila sa palacio del gobernador lalo’t nabalam pa ang komida ay dapat lamang mahabas sila para masambot ang tatlong oras na paghihintay nila. Naturalmente! Napatingin sa mga panauhin si Gobernador Don Vicente Eriberto Cachuela Nepomuceno para alamin kung kinapos ba ang pagsisilbi ng mga kamarera hanggang sa tumayo na siya ngunit abala sa pagsubo ang lahat upang pansinin pa siya kaya umupo uli siya habang ngumingiti nang maalaala ang pangyayari hanggang sa hindi niya naiwasan ang magbitiw ng pangako pagkat hindi dapat mauulit sa susunod na taon ang kahihiyang idinulot nito kahit walang nangahas magparinig ng hinaing. Abala rin ang mga kamarera para tiyakin na laging may laman ang mga bandehado at ang mga tason nang walang maipipintas ang mga panauhin maski pinapawisan na sila pagkat maya’t maya ang labas–masok nila sa kusina upang kumuha ng mga pagkain na kisap–mata lamang ang itinatagal sa mesa ngunit napapangiti na lamang sila kahit pagod na sa pagsisilbi.
May nagpapaypay para madaling matuyo ang mga pawis na dumadalisdis sa mga mukha ng mga panauhin ngunit hindi pa yata sapat ang nalilikhang hangin pagkat ginamit na rin pamunas sa noo ang panyodemano sa halip na dukutin sa bulsa ang kanilang panyo upang huwag lamang maaabala ang kanilang pagsubo dahil waring nagkaroon ng paligsahan kung sino sa kanila ang unang umayaw kaya nabahala ang mga. kamarera kung wala nang gustong tumayo. Gamit ang mga pamaypay na sinlapad ng bilao na sadyang inorder pa mula sa Pugad Lawin kung saan naninirahan ang gumagawa ng mga abaniko dahil naging maalinsangan ang paligid kahit nanatiling makulimlim sa maghapon ang panahon pagkat nakapapagod din pala ang kumain ngunit ayaw pa rin nilang umayaw hanggang may nakikita pa sa hapag.
ITUTULOY
No responses yet