IKA – 115 LABAS

Habang abala naman sa pagsasalin sa mga kopita ang mga serbidor upang hindi mabibilaukan ng ga–palad na hiwa ng ulam ang mga panauhin dahil talagang malambot sa lalamunan ang tulak ng alak sa karne ng libay kaysa sa tubig pagkat nagmamantika ang bibig ngunit nanganganib namang maubos ang sampung kahon na inilaan ni Gobernador Don Vicente Eriberto Cachuela Nepomuceno pagkat parang bebidas carbonatadas lamang kung inumin nila ito.  Pero walang dapat ikabahala pagkat pinakuluan nang magdamag ang karne para tiyaking malambot itong nguyain dahil inaasahan na ang ganitong sitwasyon na magiging paligsahan ang kainan kahit hindi ginusto ng Gobernador ng Cagayan ang pangyayari kaya nagkaroon sila ng nakauuyot na karanasan ngunit patuloy nilang iisipin ang tungkol dito ay wala na rin silang magagawa.  Subalit nalalagay naman sa peligro ang mga rasyon para sa mga Alcalde sa lalawigan ng Cagayan dahil tiyak na hindi nila matatanggap ang alokasyon sa buwan ng Setyembre kapag kinapos ang inilaang alak para sa mga bisita ang palacio del gobernador pagkat seguradong ito na lamang ang ipainom sa kanila hanggang sa malalasing sila kahit lumikha pa ng isyu ang ganitong desisyon.  Walang palatandaan ng kabusugan ang mga panauhin ni Gobernador Don Vicente Eriberto Cachuela Nepomuceno kahit kanina pa pabalik–balik sa kusina ang mga kamarera pagkat epekto na yata sa matagal na paghihintay ang kanilang matinding gutom gayong liyad na ang kanilang mga tiyan ay ayaw pa rin magpaawat habang may nalilimas pa sa mesa dahil hindi rin naman sila puwedeng sisihin kung ipinamalas man nila ang tunay na nararamdaman ng kanilang mga katawan.  At utos din naman ni Gobernador Don Vicente Eriberto Cachuela Nepomuceno na kailangan tuluy–tuloy lamang ang paghahain sa mga pagkain hanggang sa malimas ang laman ng mga kaldero, kawali’t tulyasi para malimutan ng kanyang mga panauhin ang kahambal–hambal na karanasan kahit ipinapangako niya na hindi na dapat mauulit pa ito sa susunod na taon kung siya pa rin ng Gobernador ng Cagayan.  Samantala, hindi na dapat pagtakhan kung kaliwa’t kanan naman ang subo ni Obispo Diego Eleuterio de Soria Aduarte dahil malaki ang kanyang bodega ngunit puwedeng paniwalaan na may dulot din kabutihan ang paanyaya sa kanya ni Don Vicente Eriberto Cachuela Nepomuceno pagkat talaga yatang hindi pa siya kumain kung kasya nga lamang sa dalawampung prayle ang handa sa kumbento kaya pinilit niya ang pumunta sa palacio del gobernador kahit atrasado na nang maalaala niya ang kaarawan ng kanyang mejor amigo.  Pero walang dapat ikabahala ang mga panauhin dahil marami pa ang natitira sa sampung kaldero ng pulpo a la gallega, dalawang kawa ng gambas al ajillo at limang kaserola ng gazpacho kahit kailangan na nila ang tumayo pagkat malapit nang simulan ang prusisyon sa estatuwa ni Señor San Pedro na naging mabait pa rin sa kanila para magpasalamat naman lalo’t hindi sila dumalo sa misa kantada kaninang umaga.  At hindi pa rin inaalisan ng dapog ang mga tulyasi’t kawali upang laging mainit ang pagkain na inihahain sa mga panauhin ngunit huwag na silang umasa pa ng litson dahil hindi ito inilaan para sa kanilang kasiyahan basta makuntento na lamang sila kung ano ang mga inilalatag sa mesa ng mga kamarera na mistulang naglalaro ng taguan habang labas–pasok sa kusina.  Sapagkat inilaan lamang ito para sa mga bisita ni Gobernador Don Vicente Eriberto Cachuela Nepomuceno na mamayang gabi pa darating galing ng Maynila dala ang kanilang mga espesyal na regalo na lagi nilang ginagawa maski hindi na ipinapaalaala sa kanila bilang sorpresa sa may kaarawan na taliwas sa mga panauhing naririto dahil hindi man lamang sila nag–abalang magbigay maski isang supot ng ampaw upang masiyahan naman sana siya sa pagpapakain sa kanila.  Desde luego!  Gayunpaman, hindi rin naman hahayaan ni Gobernador Don Vicente Eriberto Cachuela Nepomuceno na kapusin ang kanyang handa lalo’t marami pa ang naghihintay para sa susunod na paghahain kabilang sina Alcalde at Alferez kung hindi pa sila umuwi sa bayan ng Alcala dahil tunay na magiging kahiya–hiya siya kapag nangyari pa ito matapos maging hapunan ang pananghalian na seguradong magiging hablar de la ciudad bukas ng umaga kahit sumabay pa ang pagdating ng bagyo.

            ¡Oh! . . . Alcalde! ¿Por que no has venido con nosotros todavia? ¿Hay algun problema? ¿Eh?”  Sapagkat banayad lamang ang subo ni Gobernador Don Vicente Eriberto Cachuela Nepomuceno kahit apektado rin siya sa gutom dahil sa tatlong oras na paghihintay nila sa kanyang mejor amigo ay napaisip siya habang sandaling tinatanong ang sarili kung sino sa mga panauhin niya ang hindi sumabay sa pagkain saka pinagala ang kanyang paningin sa dalawang mesa hanggang sa paulit–ulit upang tiyakin ang kanyang napansin.  Mabuti na lamang naging mapagmatyag siya kaya itinigil muna niya ang pagsubo bago pa tuluyang mawaglit sa isip niya si Alcalde pagkat importante man ang kanyang kaarawan ay higit ang kahalagahan ng subastahan sa mga huwad na titulo dahil sa pangakong binitiwan niya sa mga negosyante lalo’t isa rin ito sa dahilan kung bakit tinanggap nila ang kanyang paanyaya kahit nangailangn ng sakirpisyo ang mahabang biyahe mula sa lalawigan ng Bulacan hanggang sa bayan ng Tuguegarao at kay Obispo Diego Eleuterio de Soria Aduarte na rin.  At samantalahin na rin ang pagkakataon lalo’t minsan lamang ito nangyayari para mabawi ang kanyang gastos dahil pabor din naman sa kanya ang napagkasunduan nila ni Alcalde tungkol sa mapagbebentahan sa mga huwad na titulo lalo’t may karagdagang pabuya pa kung magtagumpay ang kanilang plano kaya talagang pinaglaanan niya ng malaking pondo ang selebrasyon ng kanyang kaarawan upang magigng marangya pagkat tiyak na masusulit din naman ito.  Pasimpleng tumayo ang may kaarawan upang hanapin si Alcalde pagkat iaanunsiyo na niya ang gaganaping subastahan sa mga huwad na titulo para samantalahin ang pagkakataon habang kumakain pa ang mga panauhin dahil tiyak magpapaalam na sila pagkatapos ang komida kung balak pa nila ang tumuloy sa liwasan ng Tuguegarao kahit mamayang gabi pa magsisimula ang mga palabas.  Talagang hindi mapipigilan ang kanilang pamamaalam lalo na si Obispo Diego Eleuterio de Soria Aduarte dahil pangungunahan pa niya ang gaganaping prusisyon sa hapon habang paghahandaan naman ng mga Alcalde ang baile pagkat ito ang magiging pambungad na palabas sa belada mamayang gabi gayong bisperas pa lamang ay inaabangan na ito kung hindi umulan kagabi at ang koronasyon sa Mutya ng Cagayan.  Aywan kung umakyat na sa palacio del gobernador si Alcalde dahil bumaba siya nang magsimula na ang komida upang tulungan sa paghahanap sa sobre si Alferez nang maramdaman niya ang panghal sa paghihintay sa fiduciario lalo’t iniisip na rin niya ang bumalik na lamang sa bayan ng Alcala  pagkat ‘yon na lamang ang natitirang paraan kung talagang wala nang pag–asa.  Sa salas nahanap ni Gobernador Don Vicente Eriberto Cachuela Nepomuceno si Alcalde ngunit hindi siya segurado kung nag–uusap lamang sila ni Alferez dahil parehong mataas ang tono ng boses nila kahit hindi ito naririnig sa komedor pagkat kalansing ng mga kutsara’t tinidor ang maingay roon hanggang sa tumigil din sila nang maramdaman ang kanyang paglapit kaya pala walang bakas ng ngiti ang mukha ng punong–bayan ng Alcala kundi ang kunot sa noo niya.  Subalit hindi na niya inalam ang sanhi dahil mas natuon ang interes niya sa usapan nila ni Alcalde upang masimulan agad ang subastahan sa mga huwad na titulo pagkat ito ang tamang pagkakataon habang kumakain pa lamang ang mga panauhin niya para kumpirmahin ang pangako ng mga negosyante lalo na si Obispo Diego Eleuterio de Soria Aduarte dahil pangalawang sadya lamang ng kanyang kabunyian ang dumalo sa kaarawan niya.  Sapagkat nagpahayag din ng interes na bumili ng huwad na titulo ang Obispo ng Cagayan upang maisakatuparan ang malaon nang balak ng kanyang grupo na magpatayo ng kapilya.sa kapatagan ng Sierra Madre kung natunton na ang kinaroroonan ng sobre pagkat kanina pa ito hinahanap nina Alcalde at Alferez kaya maaaring ito ang pinagdidiskusyunan nila dahil nakapaloob doon ang mga huwad na titulo.  Biglang gumaan ang pakiramdam ni Gobernador Don Vicente Eriberto Cachuela Nepomuceno nang mapansin niya ang sobre kahit hindi pa niya tiyak kung ano ang nakapaloob niyon dahil hindi ito tangan kanina ni Alcalde sa unang pag–uusap nila ngunit naging palagay pa rin niya na maaaring iyon na ang kanyang hinahanap kaya napangiti siya pagkat wala na palang dapat ipangamba.  Diyata, natagpuan din pala nina Alcalde at Alferez ang sobre makaraan ang matiyagang paghahanap nila nito ngunit dapat magpasalamat din si Gobernador Don Vicente Eriberto Cachuela Nepomuceno pagkat anong mukha ang iharap pa niya sa mga negosyante dahil tiyak wala nang magaganap na subastahan kung tuluyan nang naglaho ang mga huwad na titulo kahit magpaliwanag pa siya kung wala na rin naniniwala sa kanya maliban sa sisihin ang kanyang sarili.

            ¡Sin . . Gobernador! ¡Teniente y yo estabamos hablando! ¡Si!”  Ipagpalagay nang totoo ang hinala ni Gobernador Don Vicente Eriberto Cachuela Nepomuceno ngunit walang pagdadalawang–isip na itinanggi pa rin ito ni Alcalde na kabaligtaran naman sa kanyang hitsura ang naging tugon niya dahil hindi dapat malaman ng Gobernador ng Cagayan ang tungkol sa naging biro sa kanya ng kamalasan na muntik na niyang ipagluluksa habang tahimik lamang si Alferez pagkat ayaw rin niya na makompromiso ang punong–bayan ngAlcala.  Bagaman, may dulot na kabutihan din nang lumabas si Gobernador Don Vicente Eriberto Cachuela Nepomuceno pagkat talagang nagkaroon ng balitaktakan sina Alcalde at Alferez dahil patuloy pa rin ang sisihan nila sa isa’t isa maski malinaw naman kung sino sa kanilang dalawa ang naging pabaya ngunit malayo naman yata ang posibilidad upang humantong sa umbagan ang knilang pagtatalo lalo’t sa pagbabalik nila sa munisipyo ng Alcala ay tiyak na tuloy pa rin ang kanilang hora feliz.

ITUTULOY

Tags:

No responses yet

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *