Diyata, tanggap nina Teniente Gobernador Carlos Antillano del Prado at Prinsesa Imurung ang magkalayo sila kahit bagong kasal pa lamang imbes na pagtuunan nila ang pagkakaroon ng anak para lalong tumibay ang kanilang pag–iibigan dahil posibleng magsanhi ng pagtataksil ang pangungulila nila sa isa’t isa pagkat nagiging malakas ang tukso upang subukin ang kanilang katapatan hanggang sa hindi na nila nararamdaman ang pananabik sa tuwing nagkikita sila. Hanggang sa namutawi sa mga labi ng mga damas malvadas ang ngiti nang maisip ang malisyosong kata–kata dahil wala sa hinagap nila na hahantong pala sa maagang hiwalayan ang maigsing panahon na pagsasama nina Teniente Gobernador Carlos Antillano del Prado at Prinsesa Imurung kung matuloy ang balak ng opisyal lalo’t handang magkasala ang kanilang mga puso kung siya ang magiging kapalaran nila pagkat tunay na tagos sa kaluluwa ang paghanga nila sa kanya. Katunayan, kabaliwan man ang mangarap na sana mabaling sa kanila ang pag–ibig ni Teniente Gobernador Carlos Antillano del Prado dahil tiyak hindi nila pakakawalan ang opisyal hanggang hindi sila nagkaroon ng lahi sa kanya maski magdeklara pa ng diborsiyo ang kani–kanilang mga esposo pagkat gusto rin nilang mamalas ang bagay na tanging si Prinsesa Imurung lamang ang nabigyan nito ng pagkakataon. Nang biglang sumingasing ang mga ilong ng mga damas malvadas dahil natuon na lamang kay Prinsesa Imurung ang usapan nang lalo pang naaaliw ang mga panauhin ni Gobernador Don Vicente Eriberto Cachuela Nepomuceno habang naglalaro sa isip nila ang mga balighong palagay na gumagalamgam sa kanilang mga utak samantalang hindi naman siya ang ipinunta nila sa palacio del gobernador. Segurado, kanina pa sila nagtatakbo papunta sa simbahan ni Señor San Pedro upang ipagtirik ng kandila si Prinsesa Imurung kung hindi lamang kabastusan ang tumayo na sila kaysa patuloy na pinapakinggan ang mga usapan na nagbibigay pasakit lamang sa kanilang mga kalooban pagkat waring nalimutan na rin sila ng kanilang mga esposo ngunit sayang naman ang pamutat kung maisipang ilatag ito sa mesa ng mga kamarera kung kailan umalis sila. Maging ang utak ni Obispo Diego Eleuterio de Soria Aduarte ay kinakalamkam na rin ng kung anu–anong mga imahinasyon dahil lalong nagiging mahiwaga para sa kanya ang tunay na pagkatao ni Prinsesa Imurung habang sinisikap talusin ang mukha ng Gobernador ng Batanes sa pagbabakasakali na malilinawan ang kanyang sarili pagkat talagang kaduda–duda na rin ang totoong layunin ng opisyal kung problema sa pagsisimba ang katuwiran lamang nito.
“¡Tienes razon . . . Gobernador Nepomuceno! ¡Gobernador Marasigan! ¡Para que el estado de animo de la Princesa Imurung . . . . sea pacifico! ¡La unica mujer . . . en mi vida! ¡Batanes debe estar asaltando! ¡Y . . . todos ustedes lo saben! ¿No lo es?” Walang duda na tumagos hanggang sa kaibuturan ng puso ang kasawiang nararamdaman ng mga damas malvadas dahil wala na palang dapat asahan ang sinuman sa kanila sakaling magkatotoo ang kanilang sapantaha pagkat anuman ang magiging kahinatnan sa pagsasama nina Teniente Gobernador Carlos Antillano del Prado at Prinsesa Imurung ay malayo ang posibilidad upang maghanap pa siya ng kapalit lalo’t malinaw na ipinapahiwatig sa kanyang pahayag na kamatayan lamang ang puwedeng maghiwalay sa pagmamahalan nilang dalawa. Segurado, natulig ang mga damas malvadas dahil natahimik sila matapos marinig ang pahayag ni Teniente Gobernador Carlos Antillano del Prado lalo’t nagpasunod pa siya ng maalab na halik para patunayan lamang kung gaano kamahal niya si Prinsesa Imurung kaya pumalakpak ang lahat pagkat walang nag–aakala na magkakaroon nang ganoong eksena sa palacio del gobernador hanggang sa nagtawanan na lamang sila ngunit naituwid naman sa pamamagitan ng kabigha–bighaning paraan ang mga hinala nila. Naturalmente! Talagang muntik nang himatayin ang mga damas malvadas pagkat sa pribadong silid lamang nagagawang halikan sila ng kani–kanilang mga esposo ngunit madalang pa rin maganap ang kanilang lambingan dahil abala naman sa mga gawain sa opisina ang kanilang mga querido kaya dapat magpasalamat si Señora Mayora kung nalaman lamang niya na hindi lamang pala siya ang nagkakaroon ng konsumisyon kay Alcalde. Naituwid din ang akusasyon ng Datu ng Itbayat na mamanahin ni Prinsesa Imurung ang pakay lamang ni Teniente Gobernador Carlos Antillano del Prado pagkat talaga palang suko hanggang langit ang pagmamahal niya sa kanya nang magpakasal sila maski naging balaksila ang pagkakaiba ng kanilang lahi’t pananampalataya ngunit tila hindi pa rin ito sapat na katibayan upang maniwala sa kanilang palabas ang lahat. Subalit hindi rin naman masisisi kung bakit matindi ang pagtutol ng Datu ng Itbayat pagkat uniporme lamang ang puwedeng maipagmalaki ni Teniente Gobernador Carlos Antillano del Prado nang makilala niya si Prinsesa Imurung kahit totoong may talangkas ang kanyang tikas ngunit hindi pa rin siya kumbinsido sa kakayahan niya bilang opisyal ng militar dahil mas segurado pa siya na matalas ang kampilan kaysa kanyang sable. Gayunpaman, tunay na nakatataba ng puso nang malaman ni Prinsesa Imurung na laging priyoridad ni Teniente Gobernador Carlos Antillano del Prado ang kanyang kapakanan kaya hindi niya napigilan ang humilig sa balikat ng kanyang minamahal upang iparamdam ang pasasalamat na hindi kayang bigkasin ng kanyang mga labi ngunit lalong hindi natahimik ang mga damas malvadas dahil sa kanilang nakita. Pero maisasakripisyo naman ang pagsasama nilang mag–asawa kapag natuloy ang pagpapatayo ng bahay ni Teniente Gobernador Carlos Antillano del Prado sa kapatagan ng Sierra Madre dahil seguradong magiging kaulayaw ni Prinsesa Imurung ang matinding pangungulila lalo’t hindi naman puwede na magparoo’t parito araw–araw sa bayan ng Basco ang opisyal pagkat tiyak na maaapektuhan ang kanyang tungkulin gayong siya pa mandin ang Gobernador ng Batanes kaya hindi niya basta magagawa ang umalis. Baka ang naisip niyang paraan ay lalong magpapalubha lamang sa problema nilang mag–asawa imbes na mabigyan ng kalutasan kung ito naman ang magiging dahilan upang unti–unting malalagot ang tanikala na nagbibigkis sa kanilang pagmamahalan gayong kailan lamang yata ito naibuhol sa sagradong sumpaan na tanging kamatayan lamang ang maghiwalay sa kanila. May katuwiran din si Teniente Gobernador Carlos Antillano del Prado para panatilihing pribado na lamang ang isyu pagkat kailangan protektahan din niya ang kapakanan nilang mag–asawa kaysa banggitin pa ang totoong layunin sa kanyang plano kung magiging dahilan lamang ito upang mag–isip nang kung anu–ano ang mga panauhin dahil normal lang naman ang paminsn–minsang hindi pagkakaunawaan ng mag–asawa lalo na kung pinanghimasukan pa ng kung sinong naggaling–galingan maski wala namang alam sa puno’t dulo ng kanilang problema. Kunsabagay, hindi na dapat pakialam pa nila ang plano ni Teniente Gobernador Carlos Antillano del Prado kung hindi naman sila ang apektado rito dahil dumalo sa kaarawan ni Gobernador Don Vicente Eriberto Cachuela Nepomuceno ang pakay lamang nila sa palacio del gobernador at bumili sa mga huwad na titulo ang mga gustong magkaroon ng mga lupain sa kapatagan ng Sierra Madre. Kung hindi nagpahayag ng pagtutol si Prinsesa Imurung kahit siya ang direktang maapektuhan sa plano ni Teniente Gobernador Carlos Antillano del Prado ay nararapat lamang tanggapin din nila ang kanyang paliwanag para maalis sa mga kaisipan nila ang anumang pagdududa pagkat sadyang nagkataon lamang upang maugnay sa mga huwad na titulo ang kanilang buhay. Seguro, hindi naman pangangahasan ni Teniente Gobernador Carlos Antillano del Prado ang gumawa ng desisyon nang hindi muna niya pinag–aralang mabuti ang magiging implikasyon nito lalo’t si Prinsesa Imurung ang maaaring unang pag–ibig niya maski totoo na hindi niya kalahi ang babaeng katutubo kung minahal naman niya nang higit pa sa kanyang buhy ay tiyak na handa rin siya para magsakripisyo. Aywan kung soltero pa si Teniente Gobernador Carlos Antillano del Prado bago nakilala niya si Prinsesa Imurung basta sa edad na dalawampu’t walo ay siya ang pinakabatang opisyal na itinalaga bilang gobernador dahil sa kanyang taglay na talino noong nag–aaral pa lamang siya sa Academia General Militar de España ngunit unang destino niya ang Pilipinas matapos ang kanyang pag–aaral. Baka may malalim na dahilan lamang si Teniente Gobernador Carlos Antillano del Prado kung bakit ninais niyang ilayo sa bayan ng Basco si Prinsesa Imurung ngunit hindi niya puwedeng isiwalat para hindi magiging tampulan ng pang–aalipusta silang mag–asawa lalo na siya dahil kailangan pangalagaan din niya ang sarili mula sa mga aliktiya. “¡Se nos hace dificil . . . a cruzar Cagayan! ¡Cuando el clima es malo! ¡El oceano esta demasiado agitado! ¡Y . . . tampoco me quedare mucho tiempo . . . en la provincia de Batanes!” Sa mga panauhin na bukas ang kaisipan upang tanggapin ang inilahad na mga kadahilanan ni Teniente Gobernador Carlos Antillano del Prado ay naging madali lamang sa kanila ang unawain siya pagkat lahat naman ay naghahangad ng kabutihan para sa kanilang pamilya maski nangangahulugan ito ng pagsasakripisyo ng bawat miyembro dahil hindi nakakamtan ang katuparan sa mga pangarap kung hayaang mananaig ang pag–aalala sa mga suliranin na sa isip pa lamang nagkakahugis. Malinaw sa pananalita ng Gobernador ng Batanes ang pahiwatig na plano rin niya ang magpatalaga balang araw sa lalawigan na hindi na kailangan tawirin pa niya ang dagat sa tuwing may dinadaluhang pulong para malayo siya sa peligro dahil talagang delikado ang sumakay sa lantsa kung masama ang panahon lalo’t nagsisimula pa lamang ang kanyang karera upang lisanin na niya ang mundo bukod pa ang isang prinsesa na tiyak magiging biyuda nang maagang panahon.
ITUTULOY
No responses yet