IKA – 125 LABAS

Para matuloy na rin ang balak ni Alcalde na magtatag ng bagong bayan ngunit hiwalay sa bayan ng Alcala upang paigtingin ang sibilisasyon sa liblib na pook ng Sierra Madre dahil ang nais niya’y magiging kauna–unahang punong–bayan kapag inaprobahan ng Gobernador ng Cagayan ang resolusyon pagkat wala na siyang planong bumalik pa ng bansang España ngayong natagpuan na niya ang balong ng kayamanan na matagal nang hinahanap niya.

                     ¡Eso es lo que estoy pensando yo tambien . . . Gobernador Nepomuceno! ¡Los nativos podrian molestarnos! ¡Debe haber soldados en la zona! ¡Para cuidarnos!”  Dahil hacienda ang balak itayo ni Don Flavio Engracio San Francisco de Muelle ay nararapat lamang tiyakin niya ang seguridad sa paligid ng mga lupain na binili niya upang hindi pag–iinteresan ng ladrones de ganado ang mga pangarerang kabayo pagkat mapapabayaan naman ng mga bakero ang kanilang mga tungkulin kung ipagkatiwala rin sa kanila ang pagmamatyag sa mga masasamang loob sa gabi maliban na lamang kung magtalaga ng maraming trabahador ang negosyanteng Bulakeño.  Segurado, isasagawa sa gabi ng ladrones de ganado ang paglusob sa hacienda upang samantalahin ang pagkakataon habang natutulog ang mga bakero ngunit malayong mangyayari ito kung may naitatayo nang mga destacamento de tropas ang pamahalaang Kastila ng Alcala para hindi maisipan ng mga negosyante ang volverse atras dahil wala nang dapat ikabahala sa seguridad ng kanilang mga negosyo.  Pero natuwa si Alcalde dahil nahikayat bumili sa mga huwad na titulo ang lahat nang mga negosyante mula sa lalawigan ng Bulacan hanggang sa naisaloob niya na tiyak marami pa ang gustong magkaroon ng mga lupain sa kapatagan ng Sierra Madre kung hindi lamang naging problema ang mga katutubong erehe kaya naisip niya ang kausapin mamaya ang ngoberador ng Cagayan kapag tapos na ang negosasyon upang imungkah ang agarang pagtatayo sa mga destacamento de tropas.  Tuloy, napausal ng pasasalamat si Gobernador Don Vicente Eriberto Cachuela Nepomuceno pagkat hindi naapektuhan ang ginanap na subastahan sa mga huwad na titulo maski naging isyu ng mga negosyante ang seguridad sa kapatagan ng Sierra Madre dahil talagang delikado pa ang maglagay ng negosyo roon kung tuusin habang wala pang mga destacamento de tropas na magkakaloob sa kanila ng proteksiyon.  Kaya napalingon si Alcalde kay Alferez pagkat kailangan mapag–usapan agad nila ang pagpapatayo sa mga destacamento de tropas para lalong darami pa ang magkaroon ng interes sa susunod na bentahan sa mga huwad na titulo nang maalaala niya ang kabundukan ng Sierra Madre pagkat ito naman ang kanyang pagtutuunan upang mapapabilis ang pagsakatuparan sa kanyang plano na magtatag ng bagong bayan doon.  Sapagkat mga lupain na sakop ng dating komunidad ng mga katutubong Malauegs ng Calantac at ang komunidad ng mga katutubong Malauegs ng Sierra Madre ang napatituluhan pa lamang kaya malawak pa ang pagkukunan ng kayamanan ni Alcalde habang siya pa ang punong–bayan ng Alcala upang muling magtakda ng subastahan ngayong natuklasan niya na madali lamang palang ibenta ang mga huwad na titulo.  Talaga palang malaki ang posibilidad upang magkaroon ng bagong bayan sa liblib na kapatagan ng Sierra Madre kapag dumami pa ang magkaroon ng mga lupain doon basta madaliin lamang nina Alcalde at Alferez ang pagpapatayo sa destacamento de tropas para hindi magiging problema ang seguridad sa paligid at nang matuloy na rin ang pagpapatayo ng kapilya ni Señor San Jose.  Kapag naihanda na ang hacienda ni Don Flavio Engracio San Francisco de Muelle habang magiging granero de arroz naman ang malawak na mga lupain ni Señor Vittorio Vicente Santores Marasigan ay walang duda na magtuluy–tuloy ang progreso sa kapatagan ng Sierra Madre dahil sa mga negosyante na handang mamumuhunan doon basta ipangako lamang sa kanila ang seguridad upang mapanatag naman ang kanilang mga kalooban pagsapit ng gabi.  Sana, malayo ang posibilidad upang magkatotoo ang kinakatakutan ng mga may lupain sa kapatagan ng Sierra Madre dahil mga anak ng mga dating mandirigmang Malauegs na pinatay ng mga soldados ang tanging nakababatid kung kabilang ba sa kanilang mga balak ang paghihiganti pagdating ng araw laban sa pamahalaang Kastila ng Alcala partikular kay Alcalde pagkat ang mga lupaing dapat mamanahin nila ay nailipat na sa mga negosyante ang pagmamay–ari nito.

            “No te preocupes! Mañana tambien . . . arrancara el gobierno de Alcala . . . la construccion del destacamento de tropas en las llanuras de la Sierra Madre! Porque es necesario . . . para darte proteccion! Si! Ademas de tus posesiones!”  Tuloy, napangiti si Alferez nang marinig ang pahayag ni Gobernador Don Vicente Eriberto Cachuela Nepomuceno dahil talagang plano niya ang ilipat sa kapatagan ng Sierra Madre ang Cuartel General del Ejercito de Alcala ngunit hindi na pala kailangan ang pahintulot ng Gobernador ng Cagayan ngayong siya mismo ang nangako sa mga negosyante habang patangu–tango naman si Alcalde maski wala pang katiyakan pagkat pag–uusapan pa lamang nilang dalawa ang tungkol dito.  Sapagkat nagiging problema ng mga soldados ang bumabalik pa sila sa munisipyo ng Alcala maski patang–pata na ang kanilang mga katawan sanhi nang tuluy–tuloy na paglalakad sa tuwing natatapos ang kanilang operasyon na tumatagal nang mahigit sa isang linggo kaya kailangan ang mahaba–habang pahinga bago maglunsad  ng panibagong operasyon.  Pero tutuparin niya ang planong ito para sa kapakanan ng mga soldados pagkat matagal nang hinihintay ng kanyang tropa ang pagkakataong ito upang mapapadalas ang pagsasagawa nila ng operasyon sa kabundukan ng Sierras Madre dahil mistulang narinig ni Gobernador Don Vicente Eriberto Cachuela Nepomuceno ang bulong ng isip niya nang magbigay siya ng garantiya alang–alang sa kaligtasan ng mga negosyante na may mga lupain sa kapatagan ng Sierra Madre.  Gayunpaman, dapat bang asahan ni Alferez ang pahayag ni Gobernador Don Vicente Eriberto Cachuela Nepomuceno kung maaaring napilitan lamang magbitiw ng pangako ang may kaarawan upang lalong himukin ang mga negosyante dahil tiyak na kailanganin ng pamahalaang Kastila ng Alcala ang refuerzo ng maraming soldados para italaga sa kapatagan ng Sierra Madre pagkat desinflado na ang kanyang tropa.  Katunayan, pinagsanib na lamang niya ang puwersa ng mga soldados at ng mga guwardiya sibil para matiyak ang tagumpay sa kanilang pangalawang operasyon dahil hindi pa puwedeng isabak sa laban ang mga nagpapagaling sa pagamutan ng Alcala matapos dumanas ng maraming herido ang kanyang tropa noong unang sinalakay nila ang komunidad ng mga katutubong Malauegs.  Matapos maisip ni Alferez ang mga kakulangan sa kanyang tropa ay naisaloob niya na sana kusang magpapadala ng refuerzo si Gobernador Don Vicente Eriberto Cachuela Nepomuceno para matuloy ang kanyang gagawing paglilipat ng Cuartel General del Ejercito de Alcala sa kapatagan ng Sierra Madre mula sa munisipyo ng Alcala upang madali na lamang imonitor ng mga soldados ang sinumang maghasik ng kaguluhan.  Subalit hindi niya tinangka ang sumabad sa usapan upang iparinig ang kanyang suhestiyon dahil maaaring may napagkasunduan na sina Alcalde at ang Gobernador ng Cagayan nang lingid sa kanya kaya hihintayin na lamang niya na manggagaling sa kanila ang utos para matiyak niya ang katuparan nito kaysa pangunahan niya ang kanilang plano.  Pagkatapos tunggain ang laman ng kanyang kopita ay tumayo siya hanggang sa dumako ang kanyang mga mata kay Alcalde na hindi pa kumakain kahit alas–cinco nang hapon na pagkat wala na rin pagkain sa mesa maliban sa mga kopita na hawak pa ng mga panauhin ngunit hindi niya intensiyon ang tumingin sa kanyang kainuman sa horas feliz dahil minabuti niya ang bumaba na para umidlip muna sa karwahe habang hinihintay ang pagtatapos ng aktibidad sa palacio del gobernador.  Sapagkat lalong bumibigat ang kanyang mga talukap sanhi ng matinding antok pagkat hindi yata masigla ang daloy ng kanyang dugo habang pinapakinggan niya ang mga pangakong inuusal ng Gobernador ng Cagayan dahil hindi rin siya segurado kug alin doon ang magkakaroon ng katuparan basta nakatuon lamang sa pagpapatayo sa mga destacamento de tropas ang kanyang interes   Maya–maya, lumakad palabas ng komedor si Alferez hanggang sa narating ng kanyang marahang hakbang ang hagdanan ngunit huminto muna siya para tiyakin na walang sumusunod sa kanya dahil may mangilan–ngilang panauhin sa salas na hindi niya kilala dapwa tama ang kanyang naging palagay na mga bagong dating sila galing ng Maynila.  Husto namang naalaala ni Alcalde si Alferez ngunit wala na sa pangalawang mesa ang kanyang hinahanap kaya napailing na lamang siya nang maisip na maaaring nauna nang bumalik sa bayan ng Alcala ang fiduciario samantalang ang totoo’y naghihilik na sa karwahe ang opisyal nang lingid sa kanya dahil nauntol ang gana nito sa pag–inom ng alak na pinalulubha pa ng gutom.  ¡Los soldados asignados alli seran permanentes! ¡Si! ¡Hasta que la civilizacion se establezca en ese lugar! ¡A veces . . . tambien visitare las llanuras de la Sierra Madre! ¡Para conocer el estado de seguridad alli!”  Kahiman walang katiyakan ang katuparan sa pangako basta maibebenta lamang ang mga huwad na titulo kaay nahikayat na rin bumili ang ilang Alcalde maski wala sa plano nila ang magkaroon ng mga lupain sa kapatagan ng Sierra Madre pagkat dumalo sa kaarawan ni Gobernador Don Vicente Eriberto Cachuela Nepomuceno ang talagang pakay lamang nila sa palacio del gobernador ngunit labis namang ikinagagalak ito ng mga damas malvadas saka sabay–sabay na sumulyap nang pailalim sa babaeng katutubo.  Talagang hindi nagkamali si Gobernador Don Vicente Eriberto Cachuela Nepomuceno nang isinabay sa selebrasyon ng kanyang kaarawan ang subastahan sa mga huwad na titulo pagkat mismong mga Alcalde ang nagpamalas ng kanilang pakikiisa sa kanyang layunin upang paunlarin ang kapatagan ng Sierra Madre para marami ang mahimok manirahan doon kaya sinalubong nang malakas na palakpakan ang kanilang ipinakitang una señal de amistad.

TUTUTLOY

Tags:

No responses yet

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *