Natahimik din si Bag–aw habang inaarok niya ang tunay na layunin ng pamahalaang Kastila ng Alcala kung bakit iniutos nito sa mga mamamayan ng Alcala ang pagkakaroon ng cedula pagkat tiyak na may dahilan lalo’t biglaan ang ginawang pagbabando tungkol dito sa halip na nagbigay sana ng palugit upang mapag–usapan muna nila ang mga dapat isaalang–alang hanggang sa nasisi pa niya ang sarili dahil hindi siya lumantad agad kanina para na naiparating ang maraming tanong na kumislap sa isip niya. Baka matagal nang iniutos ng pamahalaang Kastila ng Alcala sa lahat nang mga mamamayan ng Alcala ang pagkakaroon ng cedula ngunit maaaring ngayon pa lamang naging mahigpit ang pagpapatupad nito upang madali na lamang kilalanin ng mga guwardiya sibil ang mga pumapasok sa bayan ng Alcala para mahadlangan ang banta ng himagsikan dahil batid naman ni Alferez ang tunay na sitwasyon sa kasalukuyan. Seguro, pinalawak na lamang ang implementasyon ng kautusan tungkol sa cedula kung hindi pa saklaw noon ang mga katutubo ng Sierra Madre kaya malayang nagagawa ng mga kababaihang Malauegs ang paglalako ng mga gulay sa bayan ng Alcala nang walang pag–aalala dahil hindi naman ito hinahanap sa kanila ngunit tiyak na magiging problema nila ito ngayong mahigpit nang ipinapatupad ang ordinansa. Maaaring naging palagay ng pamahalaang Kastila ng Alcala na kailangan hanapan ng cedula ang lahat nang mga mamamayan ng Alcala maging ang mga dumarayo sa araw ng palengke para walang maglalakas–loob salakayin ang bayan ng Alcala dahil posibleng gawin ito ng mga nagsusulong ng himagsikan kung hindi maging handa ang mga guwardiya sibil. Bagaman, hindi apektado sa problemang ito si Bag–aw dahil mas gusto pa niya ang pumapasok sa kagubatan upang mangangaso kahit walang cedula ngunit hindi saklaw sa katuwirang ito ang posibleng mangyayari sa darating na mga araw kapag kailangan niya ang bumaba sa bayan ng Alcala pagkat normal na sa tao ang pag–aaligando basta nabigyan ng pagkakataon. Lalo’t hindi pa niya nararating ang bayan ng Alcala hanggang ngayong binata na siya ngunit hindi naman niya itinatanggi na gusto rin niya ang mamasyal doon kung magkaroon ng pagkakataon upang kumpirmahin ang mga kuwento na naririnig niya tungkol sa mga magagandang tanawin na hindi namamalas sa kabundukan ng Sierra Madre kaya marami ang nahihikayat bumaba nang walang paalam sa kanilang Punong Sugo. Dapat mang panghinayangan ngunit tiyak hindi na niya magagawang pagkumparahin pa kung ano ang mayroon sa bayan ng Alcala na wala ang kabundukan ng Sierra Madre dahil kailangan na pala kumuha siya ng cedula para marating niya ang plasa ng bayan at ang pamilihang bayan na sinasabing sentro ng kalakalan base sa mga kuwento ng mga mistad niya. Kahit hindi na niya pasukin ang simbahan ng Alcala para hindi magagalit sa kanya ang kura paroko ng Alcala pagkat hindi naman siya katutubong binyagan at lalong huwag niyang tangkain ang dumaan sa tapat ng munisipyo ng Alcala upang hindi siya hulihin ng mga guwardiya sibil dahil mainit ang tingin nila sa bahag kaya mananatiling pangarap na lamang ang lahat nang ito. Tanggap naman niya na masuwerte ang kanyang mga mistad dahil nagagawa nila ang sumabay sa tuwing bumababa sa bayan ng Alcala ang kanilang mga inang ngunit sumupang sa kanyang isip ang tanong kung itigil na rin ba nila ang sumama pagkat tiyak na mga naglalako ng mga gulay ang bigyan priyoridad ni Lakay Awallan kaysa iutos sa lahat ang pagkuha ng cedula kung magiging problema naman nila ang malaking halaga. Tuloy. napailing na lamang siya nang maisaloob na mananatiling pangarap na lamang ang balak niya upang bumaba sa bayan ng Alcala dahil sayang din naman ang kaunting halaga kung ‘yon lamang ang paggagastusan niya hanggang sa pinagdudahan niya ang totoong layunin sa pagpapatupad ng ordinansa na may kaugnayan sa cedula nang sumagi sa kanyang alaala ang kuwento ni Lakay Awallan tungkol sa kanyang mga magulang pagkat maaaring ito naman ang naisip na paraan ng pamahalaang Kastila ng Alcala para muling guluhin ang mga katutubo ng Sierra Madre.
“Tama ka . . . Bag–aw! Seguro . . . pag–uusapan muna natin . . . ang tungkol sa bagay na ito! Puwes! Magpapatawag ako ng pulong. . . bukas din! Aalamin muna natin . . . ang saloobin ng bawat isa!” Sapagkat nag–iisang matanda sa tribung Malauegs si Lakay Awallan ay tinitiyak niya na laging bahagi sa kanyang mga desisyon ang boses ng mga kalalakihang Malauegs sa halip na isinasantabi niya ang kanilang mga karapatan dahil mas katanggap–tanggap kung marami ang nagpaparating ng mga mungkahi para magiging balido ang pagpapatupad nito pagkat sila rin naman ang apektado. Malaki ang naging epekto sa kanya ang iniwang aral ng nakaraan kaya binibigyan niya ng pagpapahalaga ngayon ang kanilang mga katungkulan bilang tagapagtanggol ng kanilang tribu pagkat sila ang higit naaapektuhan sa problema gaya ng nangyari noon nang lumabis ang ginawang paglilinay ng lupon ng mga matatandang Malauegs sa isyu tungkol sa buwis at amilyaramyento. Puwes, nararapat lamang na magiging katanggap–tanggap sa kanila ang bawat desisyon niya upang lubos ang kanilang suporta rito dahil tiyak na mawawala ang kanilang tiwala sa Punong Sugo kung dumating ang punto na pagdududahan na nila ang kanyang kakayahan pagkat sadyang hindi naiiwasan ang pagkakamali habang tumatanda ang tao kahit gaano pa siya kagaling. Unang pulong ng mga katutubong Malauegs sapul nang maitatag sa pusod ng kagubatan ang kanilang bagong komunidad kung matuloy ito bukas nang umaga dahil naniniwala si Lakay Awallan na kailangan mapakinggan muna niya ang kanilang mga mungkahi kaysa basta na lamang magpapalabas siya ng desisyon pagkat tiyak na ikabibigla lamang nila ito kung walang pagsangguni muna mula sa kanila. Naging batayan niya ang katuwiran na mas malawak ang kanilang pananaw dahil sila ang madalas bumababa sa bayan ng Alcala kaya hindi mapasusubalian ang katotohanan na mas batid nila ang tunay na sitwasyon sa kasalukuyan kaysa kanya na naturingang Punong Sugo ngunit limitado lamang sa kanilang komunidad ang nararating ng kanyang mga paa hanggang ngayon. Sapagkat tulad ng buwis at amilyaramyento ay hindi rin simpleng suliranin ang obligahin sila upang magkaroon ng cedula ang bawat isa sa kanila lalo’t nagparamdam na ng pagtutol kanina ang mga kababaihang Malauegs habang nagpapaliwanag ang giya ng dalawang soldados dahil maaaring sandaling nawaglit sa kanila ang matinding kasawian na dinanas nilang lahat noon sanhi ng pagsuway sa ordinansa ng pamahalaang Kastila ng Alcala. Subalit magiging problema naman nila ang pera kahit gustuhin pa nila ang tumalima sa kautusan ng pamahalaang Kastila ng Alcala para maiiwasan lamang ang kapahamakan lalo’t araw ng palengke sa bayan ng Alcala bukas ay tiyak nagkalat sa mga lansangan ang maraming guwardiya sibil upang harangin ang mga walang cedula kaya malaking kawalan kung iuutos ni Lakay Awallan ang pagpapaliban muna sa paglalako ng mga gulay. Samakatuwid, talagang kailangan matuloy ang binabalak na pulong ni Lakay Awallan upang mapag–uusapan nila ang problem dahil batid naman nila na hindi dapat matigil ang paglalako ng mga gulay kaya puwedeng mga kababaihang Malauegs muna ang kumuha ng cedula pagkat sila ang laging bumababa sa bayan ng Alcala lalo’t araw ng palengke bukas maski sa susunod na lamang ang mga may kamag–anak sa bayan sa halip na sabay–sabay sila pagkat pamamasyal lamang ang talagang sadya ng iba.
“Hayaan n’yo po . . . Apong! Ako na po mismo . . . ang magparating kina amang Luyong . . . at amang Tagatoy . . . tungkol po sa pulong bukas!” Hanggang sa nabaling ang pansin ni Bag–aw kina amang Tagatoy at amang Luyong dahil ngayon pa lamang dumating ang kanilang grupo mula sa pangangaso ngunit tumuloy muna silang lahat sa kusina dala ang kanilang mga huli pagkat kanina pa naghihintay sa kanila ang hapunan na sadyang inihanda ng mga kababaihang Malauegs para may konsuwelo naman ang kanilang pagod ayon sa bilin ni Lakay Awallan. Kumaway pa sina amang Tagatoy at amang Luyong upang ipaalam ang kanilang pagdating pagkat kasiyahan ni Lakay Awallan ang makita sila na ligtas mula sa maghapong pangangaso dahil hindi pa rin maiaalis sa kanilang mga pamilya ang pag–aaalala habang hinihintay ang kanilang pag–uwi maski hirati na sila sa ganitong klase ng buhay mula pa noon. Seguro, magpapahinga muna bukas ang mga kalalakihang Malauegs pagkat inabot ng dilim ang kanilang pangangaso ngunit tiyak na hindi matutuloy ang mga nagbabalak bumaba sa bayan ng Alcala dahil sa pulong na ipapatawag ni Lakay Awallan upang talakayin ang ordinansa ng pamahalaang Kastila ng Alcala lalo’t malaking halaga ang kailanganin nila para kumuha ng cedula silang lahat. Hindi na sumunod sina Lakay Awallan at Bag–aw upang sumabay sa kanila pagkat kanina pa hinatid ang kanilang hapunan para hindi na rin maglalakad pa papunta sa kusina ang Punong Sugo dahil madilim na at mahalaga ang paksa na tinatalakay nila kaya hindi dapat maaabala ang kanilang pag–uusap upang paghandaan ang pulong na gaganapin bukas nang umaga. Habang ikinagagalak naman ng mga kababaihang Malauegs ang pagdating ng grupo pagkat sumbabay ng bawat isa sa kanila ang mga biyaya na sa kagubatan lamang natatagpuan dahil laging pinagpapala ni Bathala ang kanilang kasipagan kahit hindi araw–araw ngumingiti sa kanila ang suwerte gaya nang naranasan kanina ni Bag–aw kaya napaaga ang uwi niya sa komunidad. Tiyak na magiging masagana ang hapag ng mga katutubong Malauegs sa loob ng dalawang linggo kung hindi na maglalaan ang mga kababaihang Malauegs para ibenta sa araw ng palengke sa bayan ng Alcala na madalas nilang ginagawa dahil dagdag din ito sa kinikita nila mula sa paglalako ng mga gulay pagkat kailangan nila ang kumuha ng cedula. Malaking ginhawa naman ang hatid nito sa mga kalalakihang Malauegs dahil seguradong magtatagal nang mahigit sa dalawang linggo ang kanilang pahinga lalo’t nagsisimula na rin ang tag–ulan pagkat bihira lamang lumalabas sa mga lungga ang mga hayop kapag laging masama ang panahon sanhi ng matinding lamig sa kagubatan ngunit magkakaroon naman ng pulong bukas ang tribung Malauegs kaya huwag na nilang balakin ang dumalo sa araw ng palengke sa bayan ng Alcala. Marahil, sobrang kapaguran ang sanhi nang hindi na sumaglit pa sa tangkil sina amang Luyong at amang Tagatoy na taliwas sa lagi nilang ginagawa mula sa pangangaso pagkat tumuloy na sila sa kani–kanyang kubol matapos kumain ng hapunan dahil maaaring naisaloob nila na gabi na rin upang abalahin pa sila ngunit mainam sana kung dumaan muna sila kay Lakay Awallan para naiparating agad sa kanila ang tungkol sa cedu
ITUTULOY
No responses yet