Malinaw sa huling pahayag ni Bag–aw na hindi lubos ang pagtutol niya sa ordinansa ng pamahalaang Kastila ng Alcala sa halip pumapayag siya basta ang mga bumababa sa bayan ng Alcala ang dapat lamang kumuha ng cedula dahil talagang kailanganin ito ng mga kababaihang Malauegs upang maiiwasan ang ginagawang panghahahras sa kanila ng mga guwardiya sibil. Naghintay pa ng ilang sandali si Lakay Awallan sa pagbabakasakali na may nagnanais pang magpahayag ng kanyang saloobin ngunit tumatak yata sa mga kaisipan ng mga katutubong Malauegs ang mga salita ni Bag–aw pagkat tahimik pa rin sila dahil talaga namang nakasalalay sa kanilang magiging desisyon ang kinabukasan ng tribung Malauegs kung pairalin ang kapusukan ng kanilang mga damdamin. Dahil wala nang nagtaas ng kamay upang magsalita ay tinapos na rin ni Lakay Awallan ang pulong matapos maisaloob na wala nang dahilan upang pahabain pa ito maski hindi pa siya nagpahayag ng desisyon pagkat kailangan pag–usapan pa nang masinsinan ang kanilang problema dahil hindi na naman sila nagkasundo kahit hanggang bukas na lamang ang taning para kumuha sila ng cedula. Marahil, sapat na ang pahayag ni Bag–aw upang mapag–aralang mabuti nila ang masamang epekto at ang kainaman sa pagkakaroon ng cedula pagkat magmumula rin naman sa kanila ang suhestiyon ngayong batid na nila ang kanyang posisyon kaya maghihintay na lamang siya kung hilingin nila ang magtakda uli siya ng pulong ngunit dapat may desisyon na sila para hindi magtagal ang kanilang problema. Sapagkat hindi maaaring ikonsidera ang mga nagkakaibang dahilan kung bakit tinututulan nila ang pagkakaroon ng cedula kung ibinase lamang sa nagngangalit ng damdamin ang katuwiran dahil hindi ito magbibigay ng makabuluhang desisyon kaya hindi pa puwedeng magpahayag siya ng pinal na kautusan hanggang hindi sila nagkaroon ng iisang tinig na magsisilbing gabay nila. Kunsabagay, may ideya na sila matapos mapakinggan ang pahayag ni Bag–aw ngunit nararapat pa rin arukin nang mabuti upang mapagtanto nila ang nais ipahiwatig niya dahil malinaw naman na may kaugnayan sa nakaraang pangyayari ang kahulugan nito kaya nag–iwan siya ng mahalagang paalaala para sa iilan na naging saksi mismo nang maganap ito. Ramdam ni Lakay Awallang ang lungkot pagkat natapos ang pulong na walang napagkasunduan ang mga katutubong Malauegs kaya muling naalaala niya ang nakaraan hanggang sa napailing siya dahil wala na rin katuturan kung paulit–ulit na lamang ang pagbabalik–tanaw niya rito kung hindi naman ito nag–iwan ng leksiyon ngayong nalaman niya na hindi pala mahalaga ang kaligtasan para sa kanila. Lalong naging mariiin ang kanyang pag–iling nang maisip ang tanong kung posible bang mauulit ang pananalakay sa kanila ng mga soldados kung suwayin na naman nila ang ordinansa ng pamahalaang Kastila ng Al;cala dahil malaki ang posibilidad upang mangyayari ito lalo’t hanggang bukas na lamang ang taning para magkaroon ng cedula ang mga mamamayan ng Alcala. Samantalang maraming beses nang napatunayan kung gaano kahigpit magpatupad sa ordinansa ang pamahalaang Kastila ng Alcala dahil may sariling puwersa ito na puwedeng atasan anumang sandali upang parusahan ang sinumang tumatanggi na magkaroon ng cedula at ito ang ayaw niyang mangyayari pagkat minsan nang nawalan sila ng komunidad. Seguro, may katuwiran kung mga kababaihang Malauegs muna ang kumuha ng cedula dahil sila naman ang laging bumababa sa bayan ng Alcala kaysa balewalain nila ang utos ng pamahalaang Kastila ng Alcala kung malaking problema ang magiging kapalit naman nito pagkat hindi dahilan ang layo ng kabundukan ng Sierra Madre mula sa munisipyo ng Alcala lalo’t naabisuhan na sila ng dalawang soldados. Kung buwis at amilyaramyento ang dahilan noong sinalakay ng mga soldados ang lumang komunidad ay tiyak cedula naman ang magiging sanhi ngayon upang iutos ng pamahalaang Kastila ng Alcala ang paglusob sa bagong komunidad kahit naririto sila sa pusod ng kagubatan kaya huwag na nilang hintayin upang mangyayari pa ito kung puwede namang iwasan.
Aba! Tanghali na pala nang hindi man lamang namalayan ng mga katutubong Malauegs pagkat naging mainit ang talakayan tungkol sa cedula kahit hindi nila napagkasunduan kung dapat bang panindigan nila ang huwag sundin ang ordinansa ng pamahalaang Kastila ng Alcala maski magdulot ito ng kahamakan sa mga laging bumababa sa bayan ng Alcala dahil tiyak na ito ang hahanapin agad sa kanila ng mga guwardiya sibil. Bukod sa mga inihaw na pagil ay linagang libay ang ulam din nila sa pananghalian kaya nahikayat tikman ni Lakay Awallan ang isang hiwa na bigay sa kanya ni Bag–aw dahil hindi na pala naglaan ng ilang tahada ang mga kababaihang Malauegs para ibenta sana sa bayan ng Alcala pagkat kahapon pa umalis ang mga nakatakdang maglalako ng mga gulay ngayong araw ng palengke. Ginawang panulak naman ni Bag–aw ang sabaw ng tinolang papaw sa nilagang gabi na kinakain niya ngunit malambot na ang karne pagkat magdamag na pinakuluan nang sabay ang libay, ang pagil at ang papaw dahil batid ng mga kababaihang Malauegs na susop ng oras ang pagluluto ng mga pagkain kung simulan nila ang paghahanda nito pagkatapos ang pulong. Paminsan–minsan, nag–uulam din sila ng inihaw na isda maski napapangiwi sila sa maanghang na sawsawan ngunit hindi ito kabilang sa mga ulam nila ngayon dahil walang lumusong sa ilog sanhi ng pulong kahit kaninang umaga pa dapat ahunin ang pandaw na tatlong araw nang inilatag sa lungib gayon man walang dapat ikabahala sa baha pagkat tag–init ngayon. Hindi nagiging mahirap para sa mga katutubong Malauegs ang paghahanap ng mga pagkain dahil sagana sa mga isdang tabang ang ilog habang nagsasalimbayan naman sa kalawakan ang mga dambuhalang ibon at naglipana sa kalupaan ang maiilap na mga hayop ngunit kailangan lamang ang sipag upang magkaroon nito ang kanilang hapag sa tuwing kumakain sila. Naging kaaya–aya pa sa kanilang pag–uugali ang pagiging masinop sa mga biyaya na labis sa kanilang mga pangangailangan dahil batid nila na may bukas pa na dapat paghandaan kaya pinagpapala sila ni Bathala pagkat hindi sila naging suwail kahit minsan nang maranasan nila ang matinding pagsubok sa kanilang buhay sa halip pinili nila ang manahimik sa pusod ng kagubatan. Naging kalugud–lugod ang labis na pagpapahalaga nila sa kalikasan lalo’t hindi naman lingid sa kanila na sa kagubatan lamang nahahanap ang mga pagkain na kailangan nila sa araw–araw habang sa malayong kabihasnan lamang natatagpuan ang mga kakulangan sa kabundukan ng Sierra Madre ngunit ramdam naman nila ang kasayahan sa simpleng pamumuhay maski salat sila sa maraming bagay. Pagkatapos ang pananghalian ng mga katutubong Malauegs ay si Bag–aw ang sumabay kay Lakay Awallan pauwi sa kanilang kubol dahil nauna nang umalis si amang Assassi upang sumaglit sa kagubatan habang may araw pa pagkat hindi niya nakagawian ang magpahinga sa tanghali kaya nabuhos sa pangangaso ang kanyang atensiyon kahit sa mga araw na dapat nagpapahinga rin siya. Kunsabagay, wala rin namang daratnan sa kubol nila na waring namamanglaw kung walang namamahay roon sa araw dahil tiyak hindi pa dumating si Ulep mula sa bayan ng Alcala kaya maaaring hinahanapan na lamang niya nang mapagbabalingan ang kanyang isip para hindi nalulungkot ang kanyang sarili pagkat ayaw rin naman niya ang makipaghuntahan sa kahit kanino mula nang mabiyudo siya. Kabalintunaan kay Lakay Awallan dahil naghihilik na siya sa silyon pagkat naging ugali na rin niya ang natutulog pagkatapos ang pananghalian lalo na sa mga araw na nag–iisa lamang siya sa kubol ngunit matagal na ang isang oras basta napalipas lamang niya ang antok upang paghandaan ang dasal sa takip–silim habang hinihintay niya ang pagdating ni Bag–aw mula sa pangangaso.
Mahimbing na ang tulog ni Lakay Awallan nang tumuloy sa gulod si Bag–aw na malimit ginagawa niya upang magpahangin habang nagpapalipas ng antok kapag lumiliban muna siya sa pangangaso sanhi ng sobrang puyat at pagod pagkat hindi rin siya maiidlip kung sa kubol magpahinga dahil naghihilik na ang Punong Sugo nang lumabas siya sa tangkil. Mangyari, may mga araw na nahihiling din ni Lakay Awallan ang magpahinga naman si Bag–aw pagkat walang dahilan upang magiging masigasig siya sa pangangaso dahil binata pa siya samantalang nag–uunahang bumaba sa bayan ng Alcala kung araw ng palengke ang kanyang mga mistad sa halip na sila ang dapat nagsisikap para sa pangangailangan ng kanilang mga pamilya. Tamang–tama ang lilim sa ibabaw ng malapad na bato ngunit hindi kaagad nahiga si Bag–aw pagkat masama ang natutulog nang busog dahil talagang napasarap din ang kain niya sa nilagang gabi kahit isang hiwa ng inihaw na pagil ang inulam lamang niya ngunit naparami naman ang higop niya sa sabaw ng nilagang libay kaya nilibang muna niya ang sarili habang minamalas ang kapatagan. Minabuti niya ang makinig sa payo ni Lakay Awallan pagkat hindi raw pinapapasok sa paraiso nang walang sukdulang kapayapaan ang kaluluwa nang sinumang namatay sanhi ng bangungot dahil totoo rin naman na namumukod ang kanyang katangian bukod pa sa puspos ng maraming karanasan ang sarili kaya siya ang itinalagang Punong Sugo ng tribung Malauegs kapalit ni amang Bangkuwang Kunsabagay, talagang kailangan sundin ito kahit may kasamang pananakot ang bilin pagkat bangungot na sa kanya ang problema na hatid ng dalawang soldados maski dilat ang kanyang mga mata ngayong tiyak na ang posibilidad upang mauulit ang kasaysayan na isinulat sa dugo ang bawat yugto dahil kulang pala ang mahigit sa dalawampung taon para magkaroon ng pangwakas na talata ang huling kabanata. Hanggang sa nasambit niya na talaga yatang wala nang ligtas na pook sa kabundukang ng Sierra Madre para pagsulingan ang tribung Malauegs ngayong natuklasan na naman ng mga soldados ang kanilang bagong komunidad sa pusod ng kagubatan pagkat nagkamali pala sila nang maipagpalagay na wala nang dahilan upang muling magagambala pa ang kanilang pananahimik dahil wala nang pag–iinteresan pa sa kanila ang pamahalaang Kastila ng Alcala. Mahigit sa dalawampung taon din silang namuhay nang mapayapa sa pusod ng kagubatan dahil talagang pinagsikapan din naman nila para panatilihin sa paniniwala ng pamahalaang Kastila ng Alcala na tuluyan nang naglaho sa kabundukan ng Sierra Madre ang tribung Malauegs pagkat seguaradong hindi na nila kakayanin ang lumaban kung maulit pa ang pangyayari. Talagang hindi madalumat sa isip ni Bag–aw kung paano natunton nang ganoon kadali ng dalawang soldados ang kanilang bagong komunidad pagkat masyado nang malayo ito mula sa bayan ng Alcala kahit katutubong binyagan pa ang naging giya nila kung imposible pa rin para malaman niya kung saang bahagi sa kabundukan ng Sierra Madre lumipat ang tribung Malauegs dahil tiyak matagal nang naninirahan sa bayan ng Alcala ang taong ito.
ITUTULOY
No responses yet