Maliban sa mga fusil dahil mga soldados lamang ang may tangan ng mga ganitong armas ngunit nagagawan naman ng paraan basta magtagumpay lamang ang misyon sa tulong ng comouflaje upang hindi ito makatawag–pansin sa mga tanod maski maliwanag ang paligid pagkat madalas sa kasukalan sila dumaraan para hindi hantad sa mga kalaban. Sukat sa naging mungkahi ni amang Luyong ay nagpuntahan sa entrada silang lahat para kilalanin ang grupo ng mga kalalakihan kahit may kalayuan pa ang kanilang kinaroroonan ngunit unti–unti nang namamalas ang kanilang mga kasuutan pagkat talagang papunta naman sa bagong komunidad ang kanilang mga lakad kaya nagmanman muna sila. Kanawa–nawa, nagulantang ang mga kalalakihang Malauegs pagkat armado pala ang grupo ng mga kalalakihan samantalang hindi naman uniporme ng soldados ang mga damit nila hanggang sa napaisip sila nang maipagpalagay na maaaring nagkamali lamang sila dahil malinaw na fusil ang tangan ng bawat isa sa halip na mga busog at tunod kaya nagkatinginan sila. Kaagad sinalubong ni amang Tagatoy ang pagdating ni Lakay Awallan sa entrada kasama si Bag–aw upang hingin ang kanyang payo dahil dapat pala paghandaan nila ang pagdating ng grupo ng mga kalalakihan ngayong nalaman nila na armado ng fusil ang bawat isa sa kanila ngunit walang narinig mula sa kanya ang mga kalalakihang Malauegs habang tinatanaw nito ang mga dumarating. Kung talagang hindi mga soldados ang mga dumarating ay naging katanungan naman ng mga kalalakihang Malauegs kung sinu–sino ang grupo ng mga kalalakihan pagkat wala pang dumalaw sa kanila sapul nang mailipat sa pusod ng kagubatan ang kanilang bagong komunidad dahil sa bayan ng Alcala naninirahan mula nang maging mga katutubong binyagan ang kanilang mga kamag–anakan kaya hindi pa nila narating ito. At talagang wala rin silang natatandaan hanggang ngayon na may dumalaw na sa bagong komunidad nila mula sa ibang tribu sa kabundukan ng Sierra Madre sapul nang manirahan sila sa pusod ng kagubatan maliban sa dalawang soldados pagkat imposible rin upang mangyayari ito at lalong hindi katanggap–tanggap ang katuwiran na maaaring grupo ng mga katutubong binyagan sila na sadyang ipinadala upang ipaliwanag sa kanila ang kahalagahan ng cedula dahil hindi ito gagawin ng pamahalaang Kastila ng Alcala. Baka mas kapani–paniwala pang isipin na talagang mga soldados ang dumating upang isagawa ang pananalakay sa bagong komunidad dahil armado ng fusil ang bawat isa sa kanila maski naibando na sa mga katutubong Malauegs ang ordinansa kung tinanggihan naman nila ang pagsunod dito ay may dahilan nga para magiging palaisipan ang kanilang totoong intensiyon. Muling nagkaroon ng pagdududa si Bag–aw maski hindi unipormado ang grupo ng mga kalalakihan nang maisip niya na maaaring linilinlang lamang sila ng pamahalaang Kastila ng Alcala upang hindi sila maghihinala na mga soldados ang dumarating para salakayin ang kanilang bagong komunidad ngunit lalong nalito ang kanyang sarili pagkat wala naman sa kilos nila ang masamang intensiyon habang palapit nang palapit sa entrada ang kanilang paglalakad. Sapagkat naroroon pa rin ang kanyang pagdududa dahil armado ng mga fusil ang grupo ng mga kalalakihan ay nanatili pa rin sa isip niya ang tanong kung ano ba ang talagang pakay nila sa kanilang tribu ngayong kumpirmado na hindi sila mga soldados kahit totoong may mga katutubong erehe ang hindi na rin nagsusuot ng bahag ngunit taliwas naman sa katuwirang ito ang kanyang naging sapantaha. Hanggang sa muling dumako kay Lakay Awallan ang kanilang nagtatanong na tingin dahil mainam na ang paghandaan nila ang pagdating ng grupo ng mga kalalakihan maski makipagtagisan pa sila ng lakas kung kinailangan kaysa katakutan ang nakatutulig na putok ng mga fusil pagkat minsan na rin inagawan sila ng komunidad kaya dapat lamang hindi na mauulit ito sa panahon nila.
“Kilala po ba ninyo . . . ang mga dumarating?! Ha?! Apong Awallan?!” Mariing iling ang naging tugon ni Lakay Awallan sa tanong ni amang Tagatoy maski nalantad na sa paningin nila ang mga hitsura ng grupo ng mga kalalakihan habang palapit nang palapit sa entrada ng bagong komunidad ang paglalakad nila dahil mas naging kapansin–pansin pa sa kanya ang kanilang mga sandata gayong mga soldados lamang ang gumagamit ng mga fusil. Kung kanina pa nagpaalaala sa mga kalalakihang Malauegs ang tungkol sa balak noon ng grupo ng mga katutubo ng Sierra Madre upang magtatag ng kilusan ay ngayon pa lamang ito sumagi sa isip ni Lakay Awallan maski tinanggihan niya ang mapabilang sila rito pagkat hindi pa napaknit sa utak niya ang tigpaw na iniwan ng lumang komunidad kahit mahigit sa dalawampung taon na ang lumipas. Katunayan, hindi na niya matandaan kung gaano katagal na ba ‘yon basta wala na siyang narinig mula noon dahil iniwasan na rin banggitin ng mga kalalakihang Malauegs ang tungkol dito nang malaman nila ang kanyang desisyon pagkat mas gusto pa niya ang manahimik na lamang sa pusod ng kagubatan ang tribung Malauegs upang hindi na nila muling mararamdaman pa ang kasawian. Kahit naging karaniwang paksa na lamang noon ng mga mangangaso ang kuwento na may kaugnayan sa himagsikan sa tuwing nagkakatipun–tipon sila sa kagubatan ay hindi pa rin sila nahikayat sumanib hanggang sa kusa rin ang pagsuba nito ngunit minabuti ni Bag–aw ang manahimik na lamang nang malamang naiparating na ni amang Tagatoy kay Lakay Awallan ang tungkol dito. Naging maingat si Bag–aw sa pagbanggit sa kilusan mula noon sa tuwing nakipag–usap siya kay Lakay Awallan habang nagpapaantok sila sa tangkil para hindi siya masesermunan maski makabubuti sana kung mapabilang sa kilusan ang mga kalalakihang Malauegs upang may mahihingiang tulong sila sakaling mauulit ngayon ang sinapit ng lumang komunidad. Muling nagpalitan ng tingin ang mga kalalakihang Malauegs ngunit walang nangahas magparinig ng kanyang komento pagkat hindi dapat ikatutuwa kung talagang grupo ng manghihimagsik ang dumarating maski totoong nangangailangan sila ng kakampi sanhi ng kanilang problema sa cedula ngunit seguradong pagsisisihan naman nilang lahat ang magiging resulta nito. Segurado, hindi pa batid ng pamahalaang Kastila ng Alcala na may binubuong kilusan ang mga katutubo ng Sierra Madre maski hindi na dapat pagtakhan pa kung pagbabatayan ang mga naging biktima sa ginagawang panunupil nito sa kanila kaya maaaring nangangalap ng mga kasapi ang pakay lamang ng grupo ng mga kalalakihan upang palakasin ang kanilang kakayahan. Subalit posible namang ikapapahamak ng tribung Malauegs kapag natuklasan ng pamahalaang Kastila ng Alcala na sumapi sa mga disidente ang mga kalalakihang Malauegs para may magbibigay ng proteksiyon sa kanila pagkat tiyak ikagugulantang na lamang nila kung biglang maganap ang pananalakay ng mga soldados sa kanilang bagong komunidad dahil sa cedula. Tuloy, hati ang naging reaksiyon ng mga kalalakihang Malauegs nang maipagpauna nila na wala naman palang dapat ikabahala ang kanilang tribu matapos matiyak na hindi mga soldados ang dumarating dahil seguradong kapayapaan ang sadya lamang ng grupo ng mga kalalakihan pagkat mahigit sa sampu lamang sila para tangkain pa nila ang magsagawa ng pananalakay.
ITUTULOY
No responses yet