Nalaman pa niya mula kina amang Tagatoy at amang Luyong na mas epektibo ang mga fusil dahil nakatutulig at naninindak ang mga putok nito maski nagkubkubli ang mga soldados kaysa sa mga tunod pagkat kinailangang lumabas pa sila sa pinagtataguan para makita lamang ang tinutudla maski delikado ang lumantad habang nagaganap ang sagupaan.
“Ako po . . . si Kumander Tallang! Grupo po kami . . . ng manghihimagsik! At ako po . . . ang namumuno sa grupong ito! Layunin po ng aming grupo . . . ang palayasin sa ating bayan! Ang mga . . . naghaharing dayuhan!” Ano kaya ang naging saloobin ng mga kalalakihang Malauegs ngayong kumpirmado na pangkat ng mga manghihimagsik ang dumalaw sa kanila dahil tiyak na mga katutubo ng Sierra Madre ang nakababatid pa lamang na may ganitong grupo na pala sa kabundukan ng Sierra Madre ang nagsusulong ng pakikibaka laban sa pamahalaang Kastila ng Alcala ngunit lubhang nakababahala naman pagkat pawang mga katutubong binyagan ang mga kasapi nito kaya tiyak na matindi rin ang kanilang naging dahilan. Napaisip nang malalim si Lakay Awallan hanggang sa nasambit niya na nakabuti sana kung kinatipan siya noon pa man ng mga nagsusulong ng kilusan matapos maiparating sa kanya ang kanilang kahilingan upang mapabilang sa kanilang grupo ang mga kalalakihang Malauegs dahil maaaring nagbago pa ang kanyang desisyon kung nakilala agad niya ang kanilang lider. Kung dati nang pinamunuan ni Kumander Tallang ang grupo ng mga kalalakihan habang sinisimulan pa lamang ang pagtatatag sa kilusan ay hindi rin pala puwedeng sisihin niya ang kinikilalang kumander kung bakit hindi siya kusang lumapit sa kanya pagkat maaaring may mga mahahalagang aktibidad nang mga panahong ‘yon ang kanilang grupo ngunit hindi pa rin niya naiwasan ang magtaka nang hindi na sila muling nagpasabi samantalang interesado naman pala sila. Hanggang sa naalaala ni Lakay Awallan ang kanyang ibinigay na kondisyon pagkat posibleng ito ang rason kaya hindi na sila muling nagparating ng paanyaya gayong nais lang naman niya ang manatili pa rin sa bagong komunidad ang mga kalalakihang Malauegs dahil mapapabayaan naman ang kanilang mga pamilya at walang magtatanggol sa kanila sakaling muling magaganap ang pananalakay ng mga soldados ngunit hindi yata nila minarapat ang kanyang kahiligan kaya hindi na sila nagparamdam mula noon. Samatuwid, malinaw ang pakay ng grupo ni Kumander Tallang sa bagong komunidad kung balikan niya ang nagdaang panahon pagkat maaaring ngayon pa lamang nagkaroon sila ng pagkakataon upang makipagkita sa kanya maski halos limot na niya ang tungkol doon dahil sa paniniwala na hindi ito natuloy nang tanggihan niya.ang kanilang paanyaya para himuking sumanib sa kilusan ang mga kalalakihang Malauegs. Subalit muling napaisip si Lakay Awallan kasunod ang pagkunot sa kanyang noo sa halip na ikagagalak ang kanilang pagdating pagkat hindi niya nararamdaman ang katuwiran upang manalig ang tribung Malauegs sa kanilang isinusulong kung binubuo ng sampung miyembro lamang ang grupo nito laban sa malaking hukbo ng pamahalaang Kastila ng Alcala at armado pa ng mga fusil. Bagaman, hindi dapat pangungunahan niya ang naging karanasan ng grupo ni Kumander Tallang dahil hindi rin naman niya batid kung gaano katagal na ang kanilang kilusan mula nang maitatag ito at kung sila man ay napalaban na sa mga soldados ngunit segurado siya na wala nang hihigit pa sa malagim na pangyayaring dumatal sa kanilang lumang komunidad noong inuulan ng apoy ang kanilang mga kubol. Tila tugon sa tanong ng sarili ni Lakay Awallan ay naisaloob naman ni Bag–aw na maaaring nahahati sa maraming pangkat ang grupo ni Kumander Tallang upang mapuntahan nila ang lahat nang tribu ng mga katutubo ng Sierra Madre kaya sampu lamang sila ang dumating sa kanilang bagong komunidad ngunit hindi pa rin niya masabi kung dapat bang magpalasamat sila. Basta walang malinaw na kasagutan ang tanong kung may dulot bang kabutihan para sa mga katutubong Malauegs ang pagkikitang ito kahit biktima rin sila ng pagmamalabis ng pamahalaang Kastila ng Alcala pagkat hindi taglay sa pagdating ng grupo ni Kumander Tallang ang garantiya ng kapayapaan upang panghahawakan nila ito lalo’t lumikha na naman ng panibagong problema ang tungkol sa cedula. Pero naging palagay ng mga kalalakihang Malauegs na maaaring kabilang sa grupo ni Kumander Tallang ang mga nangakaligtas mula sa dating komunidad ng mga katutubong Malauegs ng Calantac dahil wala rin namang nakakilala kung sinu–sino sila ngunit tiyak na hindi nagkamali ang kanilang sapantaha pagkat normal lamang ang maghangad ng paghihiganti ang mga ito. Kunsabagay, hindi lamang mga katutubong Malauegs ng Calantac ang naging biktima sa atrosidad na likha ng pamahalaang Kastila ng Alcala pagkat marami rin ang nawalan ng mga lupain sa kapatagan ng Sierra Madre dahil sa isyu ng titulo hanggang sa buhay na ang naging kabayaran nang umabot sa sukdulan ang pagsisikap para maipaglalaban lamang ang kanilang mga karapatan. Samakatuwid, walang duda na ito ang nag–udyok sa kanilang lahat para sumanib sa itinatag na kilusan ng grupo ni Kumander Tallang pagkat wala namang ibang paraan upang mapapanagot ang pamahalaang Kastila ng Alcala sa mga nagawang kabuktutan nito sa kanila lalo’t marami ang nagbuwis ng buhay habang nagdurusa sa kapighatian ang mga naulila matapos agawin sa kanila ang natitirang pag–asa. Puwes, ang tanong na lamang ngayon ay kung handa na ba si Lakay Awallan upang payagang mapabilang sa kilusan ang mga kalalakihang Malauegs para may magtatanggol sa kanila sakaling lusubin ng mga soldados ang kanilang bagong komunidad pagkat hindi naman lingid sa kanya ang pagiging marahas ng pamahalaang Kastila ng Alcala sa mga katutubo ng Sierra Madre lalo’t seryosong isyu ang ginawag pagsuway nila sa ordinansa na may kaugnayan sa cedula. Samantalang sa tulong ni Kumander Tallang ay malayong magaganap ang pinangangambahan ng mga katutubong Malauegs pagkat seguradong ipagtatanggol naman sila nito basta ipahayag lamang ng mga kalalakihang Malauegs nang bukal sa mga kalooban at sa pahintulot ni Lakay Awallan ang kanilang kahandaan upang sumanib sa kilusan dahil ito ang sanhi kung bakit dinayo pa ng grupo ang tribung Malauegs. Sapagkat mainam na ang maging maagap sila habang kaharap pa nila ang grupo ni Kumander Tallang na nagpahayag ng kahandaan upang ipagtanggol ang mga katutubo ng Sierra Madre kahit sa isip pa lamang nila nagbubudlong ang posibilidad na naghahanda na rin ng kaukulang aksiyon ang pamahalaang Kastila ng Alcala dahil sinuway nila nang walang pakundangan sa magiging epekto ng kanilang desisyon ang ordinansa na nag–uutos sa kanila para kumuha ng cedula. Makatuwiran lamang upang isipin ang lahat nang posibilidad sa panahong nalalagay sa panganib ang kanilang buhay dahil matalino ang kanilang kalaban kaya nagiging madali na lamang sa pamahalaang Kastila ng Alcala ang ipagpalagay na kaya tahasang sinuway nila ang ordinansa tungkol sa cedula pagkat may magtatanggol na pala sa kanila kapag linusob sila ng mga soldados.
ITUTULOY
No responses yet