. Katunayan, mas magaan pa ang loob niya kay Bag–aw kaysa kanyang kapatid na si Lawug pagkat naranasan nila ang hirap habang ginagalugad ang mapanganib na kagubatan ng Sierra Madre hanggang sa naging katanungan na lamang niya kung bakit mistulang binalewala ng kanyang mistad ang mga kuwento ng kanilang pagkakaibigan na nagbibigay ng magandang alaala. Nasubaybayan niya ang ang paglaki ni Bag–aw mula pa sa lumang komunidad hanggang sa lumikas sila sa pusod ng kagubatan kaya siya ang naging tagapagtanggol kapag may nang–aapi sa kanya lalo’t naging bukambibig sa bagong komunidad ang pagiging kambal nila ni Lawug pagkat halos mga magulang na niya ang nag–aruga sa kanya dahil sa awa nila kay Lakay Awallan. At hindi pa rin nawawala sa kanyang puso ang damdaming ‘yon kahit ngayong may pamilya na siya pagkat sila lang naman ni Bag–aw ang nagkakaintindihan kaya masakit isipin na ang lahat nang ito ay nawalan nang saysay dahil lamang sa tampuhan gayong puwede namang pag–usapan kung ninais lamang ng kanyang mistad ngunit mas ginusto pa nito ang umiwas at manahimik. Kapag si Bag–aw ang kanyang kausap ay nasasambit niya ang mga problema nilang mag–asawa nang walang pagdadalawang–isip dahil alam niya na nauunawaan ng kanyang mistad ang nararamdaman niya maski binata pa lamang siya ngunit may katuturan naman ang payo kahit mahirap paniwalaan na sadyang nagmana siya sa kanilang Punong Sugo. Basta palagay ang kanyang loob sa tuwing ipinaparating niya kay Bag–aw ang mga problema na hindi niya kayang banggitin sa kanyang mga magulang kaya masaya siya habang magkasama silang dalawa sa pangangaso pagkat napapawi ang lahat nang alalahanin niya ngunit hindi naman siya nababahala kung malaman nang lahat ang mga karaingan niya sa buhay dahil masyadong malihim ang kanyang mistad upang mangyayari ito. Naging katanungan na lamang ng kanyang sarili kung paano pa niya malalaman ang mga hinaing ni Bag–aw kahit kasalanan pa niya ang pagiging mailap ng kanyang mistad dahil hindi naman intensiyon niya na saktan ang damdamin nito pagkat magpatawa ang tanging nais lamang niya upang malimutan ang mga problema niya kaya pumiksi na lamang siya. Walang tigil sa pag-iisip ng paraan ang kanyang sarili para maibabalik lamang ang mabuting samahan nila ni Bag–aw pagkat nawalan siya ng kapatid na tanging nakauunawa sa kalagayan niya dahil hindi na lingid ng kanyang mistad ang mga problema niya sa buhay kaya maraming gabi na basta nagigising na lamang siya habang nagtatanong kung mapatawad pa ba siya ng kanyang kinakapatid. Hanggang sa naging dalangin niya na sana muling masisilayan niya ang ngiti ni Bag–aw ngunit hindi naman umayon sa kanyang dasal ang pagkakataon na dumating kaninang umaga sa hapag dahil mistulang bulag ang mga mata ng kanyang mistad kahit magkatapat sila habang kumakain kaya naisaloob niya na maaaring hindi pa ito ang panahon para magkabati sila.
Pero tiyak na magbabago na ang lahat ngayong nakahanap na siya ng paraan dahil talagang desidido na rin siya upang wakasan ang tampuhan nila ni Bag–aw maski malaman pa ito ni Lakay Awallan basta huwag lamang pumalya para si Sahing na lamang ang magiging problema niya pagkat tanggap naman niya na talagang habambuhay nang tataglayin niya ang pagiging selosa ng kanyang asawa. Sana, hindi lalong masamain ni Bag–aw ang naisip na paraan ni Alba upang hindi mawawalan nang saysay ang kanyang pagsisikap sa halip na tuluy–tuloy na ang pagbabati nilang dalawa pagkat malaking insulto kapag nalaman niya na siya pa talaga ang naghanap ng dalaga para ligawan niya dahil lumalabas na torpe ang kanyang mistad kaya takot manligaw.
Nakatayo sa labas ng tangkil si Bag–aw pagkat talagang maalinsangan ang panahon kahit gabi na ngunit nakatingin siya sa loob dahil naroroon ang kanyang kausap kaya tama ang naging palagay ni Alba na malamang maghapong natulog kanina ang mistad niya upang samantalahin ang araw ng kanyang pahinga hanggang sa naging dalangin niya na sana may kahinatnan ang kanyang plano. Seguro, kanina pa naisagawa ni Lakay Awallan ang pagdarasal para sa takip–silim dahil mistulang kuntento na ang kanyang sarili sa silyon habang kinakausap siya ni Bag–aw pagkat naging ugali na nila ang magpaantok sa tangkil pagkatapos ang hapunan kaya madalas sila na lamang ang gising hanggang hating –gabi lalo na kung naging masigla ang palitan ng kanilang mga kuru–kuro. Aywan kung sinimulan nang isagawa ni Alba ang kanyang plano pagkat wala pa namang gumagalaw sa dilim maski mahirap malasin kung kakulay rin niya ang gabi ngunit kailangan kumilos na siya bago pa pumasok sa loob ng kubol si Bag–aw upang matulog dahil tiyak gigising na naman siya mamayang madaling-araw para mangangaso kaya huwag idahilan ang kanyang bunso kung hindi pa tulog. Saka pa lamang ba lalabas ng kubol si Alba kung kailan wala nang tao sa tangkil dahil ang maya’t mayang paghihikab ni Lakay Awallan ay hudyat na gusto na niyang matulog maski maalinsangan ang panahon pagkat lalo yatang napadali ang pagparamdam ng antok habang iniuugoy niya ang inuupuang silyon gamit ang tungkod maski ayaw pa sana niya. Subalit kailangan samantalahin ni Lakay Awallan ang pagkakataon dahil madalang lamang ang gabi kung mag–usap sila ni Bag–aw ngunit ikinatuwa naman ito ni Alba nang bumungad sa kanyang paglabas sa kubol ang mag–apong habang nag–uusap sila kahit madilim ang kapaligiran ngunit natatanglawan naman ng gasera ang tangkil kaya napapangiti siya dahil tiyak na maaabutan pa niya ang kanyang mistad. Sapagkat natatanaw lamang niya mula sa labas sina Lakay Awallan at Bag–aw ay hindi niya alam kung ano ang kanilang pinag–uusapan ngunit ito naman ang nagbigay sa kanya ng pagkakataon dahil kanina pa pala nagmamasid sa dalawa ang kanyang mga mata habang kumukuha ng tiyempo para lumapit sa kanila matapos maipangako sa sarili na kailangan maayos ngayong gabi rin ang problema nila pagkat siya ang lubhang naaapektuhan maski itigtig niya ito kung ayaw naman maglubay sa kanyang isip kaya naglalaro na sa isip niya ang magiging reaksiyon ng kanyang mistad kapag biglang tumambad na lamang siya sa harapan nila.
Naisaloob niya na maaaring tapos na ang panggabing panalangin ni Lakay Awallan pagkat kampante na sa pagkakasandal sa silyon ang matanda habang nakipag–usap kay Bag–aw na naroroon pa rin sa labas ng tangkil ngunit paglukob pa lamang ng dilim ay sinimulan na niya ang palihim na pagmamatyag sa kanilang kubol saka dahan–dahang humakbang ang kanyang mga paa nang buong tiwala dahil patay ang buwan kaya walang mga bata sa labas. Kanina pa kumukuha ng tiyempo si Alba habang gumigilid sa mga kubol upang hindi siya mapapansin sakaling mapatingin sa labas sina Lakay Awallan at Bag–aw dahil malaking tulong din naman ang kaitiman niya ngunit ayaw pa rin magkumpiyansa ang sarili niya para hindi nila mamalayan ang pagdating niya pagkat matalas ang pakiramdam ng mistad niya kaya nagiging madali na lamang sa kanya para matunton ang mga hayop na nangungubli sa kasukalan. Dapat hindi magkakaroon ng anumang pagkakataon upang kumaripas sa loob ng kubol si Bag–aw dahil wala nang kasunod kapag pumalya pa ngayon ang kanyang plano kaya maya’t maya ang dalangin niya na sana maisasagawa niya ito para magkabati na sila at nang mabanggit din niya ang tungkol sa dalagang Malauegs na nakilala niya sa ilog kaninang tanghali lamang. Pero hindi naiwasan ni Alba ang magpasalamat pagkat hindi naabala ang kanyang plano nang maging kalmado si Sahing kahit naging problema niya ang pagpatulog kay bunso kaya natagalan ang kanyang paglabas sa kubol ngunit talagang desidido na rin siya upang kausapin ngayong gabi si Bag–aw dahil hindi nagbibigay ng mabuting ehemplo ang hindi nila pagkakaunawaan samantalang parehong mga katutubong Malauegs naman sila. Bahala na kung masamain ni Bag–aw ang kanyang kapangahasan basta huwag lamang magpapatuloy ang kanilang tampuhan dahil posibleng humantong ito sa matindng samaan ng loob na tataglayin naman nila habang buhay pagkat ramdam na rin ng kanyang kalooban ang labis na hinanakit nang bigyan niya ng masamang kahulugan ang kanyang biro. Hindi problema kung malaman ni Lakay Awallan ang tampuhan nila ni Bag–aw kaysa marinig pa niya mula sa iba ang tungkol dito ay tiyak na mananagot sila dahil inilihim nila ang kanilang problema kaya mas mabuti kung malaman niya ito upang siya mismo ang mamagitan sa kanilang dalawa para pagbatiin sila.pagkat paglapastangan na rin kung tumanggi pa ang kanyang mistad gayong siya na ang may utos. Lalong hindi siya papayag kung hindi niya makamtan ang kapatawaran ni Bag–aw dahil ito ang magiging hudyat upang muling sumigla ang kanilang pagkakaibigan kahit maging siya man ay mapangaralan din ni Lakay Awallan pagkat importanteng mababanggit niya ang tungkol sa dalaga para mabaling naman sa ibang aktibidad ang pansin ng kanyang mistad
“M–Magandang gabi po . . . Apong!” Talagang hindi nagkamali ang naging paglalarawan kanina ni Alba sa posibleng reaksiyon ni Bag–aw kapag nagtagpo na sila dahil kitang–kita kung paano nahambal ang kanyang mistad nang malingunan niya ang kanyang biglang pagsulpot mula sa dilim pagkat daig pa niya ang nakakita ng multo samantalang pareho lang naman ang kanilang kutis kaya mahigpit ang kanyang pigil sa sarili upang hindi siya mapahalakhak nang malakas.
ITUTULOY
No responses yet