Bagaman, wala namang masama ang pagiging tapat ni Bag–aw sa mga pangaral ni Lakay Awallan lalo’t ito rin naman ang humutok sa kanya kaya lumaking magalang siya dahil ito rin naman ang naging batayan niya sa tuwing gumagawa siya ng desisyon habang mag–isang nangangaso ngunit hindi naman kailangang isangguni pa niya sa matanda ang lahat nang ginagawa niya ngayong may sariling disposisyon na siya. Pero kailangan pa rin maipaalam ni Bag–aw kay Lakay Awallan ang tungkol sa kanyang nararamdaman kay Annayatan upang hindi mabibigla ang matanda dahil may karapatan din naman siya para malaman ang mga nangyayari sa kanyang buhay kaysa laging pinangungunahan ang pagtutol niya pagkat bilang Punong Sugo ay tiyak na mauunawan din niya ang dahilan. Baka kailangan pang ipaalaala kay Bag–aw na si Lakay Awallan ang nag–aruga sa kanya mula nang maging ulila siya nang magkasunod nasawi ang kanyang mga magulang dahil sa pagtatanggol noon sa kanilang lumang komunidad laban sa puwersa ng pamahalaang Kastila kaya may katuwiran pa rin upang alamin niya ang kanyang problema pagkat batid din naman niya ang hangganan ng karapatan niya. Marahil, magbabago rin ang posisyon ni Lakay Awallan kapag dumating ang araw na kailangan nang malaman niya ang lihim ni Bag–aw pagkat doon niya mapagtanto kung bakit nagawang labagin ng binata ang kanyang mahigpit na pagtutol gayong napanindigan na niya ang katuwiran na bata pa siya upang magkaroon ng sariling pamilya kaya obligadong magpaubaya siya maski masakit sa kanyang kalooban para igawad ang basbas niya. Kunsabagay, madaling maghilom ang sugat kung tanggap naman ang dahilan nito pagkat sadyang dumarating sa buhay ng tao ang ganitong hangarin maski humarang pa sa kanya ang maraming soldados ay lalong maghahanap ng paraan ang kanyang puso dahil pag–ibig ang nagbibigay kulay sa kanyang mundo at inspirasyon sa bawat adhikain niya. Baka magiging kasiyahan pa ni Lakay Awallan kung mabiyayaan ng maraming supling si Bag–aw upang lumaganap ang kanilang lahi para sila ang maglalahad ng mga kuwento pagdating ng makabagong panahon tungkol sa naging buhay ng kanilang angkan noong pananakop ng mga dayuhan sa kanilang bayan dahil kailangan maisiwalat ang totoong nangyayari sa kasalukuyan.
“Mista! Huwag mong alalahanin . . . si Apong Awallan! Matanda na siya . . . hindi na niya kaya . . . ang mangabayo! Ha!!!Ha!!!Ha!!!” Kapagdaka, natigil ang paglalakad ng dalawa nang maisip ni Alba na kailan lamang nagkapatawaran silang magmistad makaraan ang halos isang linggong hindi sila nagpansinan dahil sa kantiyaw sabay lingon upang tiyakin na hindi ito ikinagalit ni Bag–aw ngunit talaga yatang sinisuwerte siya pagkat parang naglalakad na papunta sa kubol nina Annayatan ang kaluluwa ng binata. Marahil, magpasaya ang intensiyon lamang ni Alba nang mapagdiskitahan niya ang kanilang Punong Sugo para maibsan naman ang kanilang pagod kung marunong umintindi ang kanyang mistad dahil sa tinagal–tagal nang panahon na sila ang laging magkasama sa pangangaso ay dapat kabisado na ni Bag–aw ang kanyang ugali imbes na seryosohin ang simpleng biro. Seguro, tama ang kutob ni Alba na binalewala lamang ni Bag–aw ang kanyang tinuran ngunit naisip din naman niya na dapat maging seryoso siya pagkat hindi ganoon ang tanong ng binata kung hindi rin lamang kailangan niya ang matinong sagot dahil na rin sa kanyang mga karanasan kaya sa paniniwala niya ay siya lamang ang may karapatang magbigay ng payo. Aminado naman si Bag–aw na talagang malaking impluwensiya sa kanya ang mga naging karanasan ni Alba kaya walaang dahilan upang pagdududahan niya ang kanyang mga payo maski sumimplang ang kanyang diskarte kay Sahing pagkat maihalintulad din naman sa sabong ang pag–aasawa dahil dalawang tandang nga lamang ang naglalaban ngunit mahirap ipaliwanang kung bakit doon pa siya pumusta sa talunan. Pero hindi naman lubusang talunan si Alba maski selosa ang kanyang napangasawa dahil imposibleng magkaroon sila ng limang anak kung hindi rin lamang minahal nila ang isa’t isa lalo’t wala namang perpektong pamilya basta huwag lamang humantong sa paghihiwalay ang madalas na bangayan nila pagkat magbabago rin ang kanilang mga ugali kung matatanda na sila. Seguro, hindi na kailangang alamin pa ni Bag–aw ang totoong ugali ni Annayatan dahil hindi naman pare–pareho ang pag–uugali ng mga kadalagahang Malauegs at malalaman din niya ito habang tumatagal ang panliligaw niya sa dalaga kaya may pagkakataon pa upang umatras siya sakaling tama ang hinala niya maski imposibleng humantong sa ganitong sitwasyon ang kanilang relasyon. Bagaman, totoong mabait si Bag–aw ngunit tiyak na hindi niya hahayaang diktahan ng kanyang mapapangasawa ang lahat nang desisyon niya pagkat kailangang pangalagaan din niya ang imahe ng kanyang pagkatao lalo’t siya pa mandin ang nakatakdang humalili kay Lakay Awallan pagdating ng panahon na hindi na kayang gampanan ng matanda ang mga tungkulin nito. At seguradong hindi puwedeng ipagwalang–bahala na lamang ni Lakay Awallan ang magiging kalagayan ni Bag–aw kung dangal na ng kanilang angkan ang nadudungisan pagkat hindi ito ang pinangarap niya na magiging buhay ng kanyang apo lalo’t ulilang lubos ang binata kaya kalabisan na rin kung maragdagan pa ang pangungulilang taglay niya hanggang ngayon dahil sa kanyang mga yumaong magulang. Seguro, ipanalangin na lamang ni Lakay Awallan na sana magiging maayos ang pagsasama nina Bag–aw at Annayatan sakaling magkatuluyan ang dalawa pagdating ng panahon na kailangan nang hingin nila ang kanyang basbas kaya nararapat lamang isantabi ang nararamdamang kasiphayuan kung nalabag man ito ng kanyang apo dahil siya rin naman ang magkasal sa kanila. Sa patnubay ng mga yumaong magulang ng binata at ang araw–gabing panalangin ni Lakay Awallan ay tiyak na hindi mangyayaring tikisin ng kapalaran ang pagsasama nina Bag–aw at Annayatan kaya malayong matutulad sila sa mag–asawang Alba’t Sahing na wala na yatang katapusang ang pagsusuwatan sa isa’t isa pagkat linalatlat pa ang kanilang mga nakaraan sanhi ng selos. Kung sadyang itinakda ni Bathala ang pagsasama habambuhay nina Bag–aw at Annayatan ay tiyak na hindi rin nito hahayaang mamuhay sa magulong pamilya ang mag–asawa para magiging huwaran sa tribung Malauegs ang dalawa dahil sila ang magiging larawan nina Alawihaw at Dayandang pagkat hindi nagkaroon ng tampuhan kahit minsan ang kanyang mga magulang noong kapanahunan nila.
ITUTULOY
No responses yet