Pagkatapos, naging mungkahi na lamang ni Alba na tanungin ni Bag–aw ang sarili ngayong dumating na sa kanya ang hinihintay na pagkakataon pagkat hindi na ngumingiti ang binata kaya naging seryoso na rin ang tugon niya dahil totoo naman na siya lamang ang puwedeng magbigay ng makabuluhang payo base na rin sa mga naging karanasan niya. Kunsabagay, depende pa rin kay Bag–aw dahil siya rin naman ang masunod kung talagang gusto na niya ang mag–asawa kaya simpleng pagpapaalam lamang ang layunin ng kanyang paghingi ng payo upang pahalagahan ang naitulong sa kanya ni Alba pagkat hindi puwedeng itatwa ang katotohanan na hindi sana nakilala niya si Annayatan kung hindi gumawa ng paraan ang kanyang mistad. “Basta . . . mistad! Ang isipin mo muna . . . sa ngayon! Ha?! Makapag–asawa ka na . . . ! Tignan mo ako . . . may sarili nang pamilya! At . . . may limang anak! Pang–anim nga pala . . . ang ipinagbubuntis ni Sahing! He!!He!!He!!” Sa sobrang pagmamayabang ni Alba sa naging buhay may asawa niya ay nagpasunod pa siya ng kindat samantalang hindi na lingid kay Bag–aw na mistulang nasadlak siya sa impiyerno maski itanggi pa niya ito kung naging katibayan naman ang gabi–gabing bangayan nilang mag–asawa kaya si inang Naga na ang nahihiya dahil halos araw–araw rin ipinapatawag sila ni Lakay Awallan.Naging katanggap–tanggap naman kay Bag–aw ang katuwiran ni Alba pagkat totoong hahantong din sa pag–aasawa ang mithiin niya kay Annayatan basta huwag lamang magkaroon ng balakid ang panliligaw niya sa dalaga dahil hindi itinuro sa kanya kung paano tanggapin ang kabiguan upang hindi magiging masakit damhin ng kanyang puso ang kirot. Masama, pagkat sumabay sa panahon pa mandin ng rebolusyon ang pangarap ni Bag–aw na mapangasawa si Annayatan sanhi ng isinusulong na pagbabago kaya seguradong maaapektuhan nito ang kanilang pagsasama dahil obligadong ipagtatanggol niya ang bagong komunidad bilang isa sa mga mandirigmang Malauegs maski mangyayari rin sa kanya ang sinapit noon ng kanyang amang Alawihaw. At panahon din ng pagpapalaganap ng pananampalataya na pilit ipinupunla ng mga dayuhan sa utak ng mga katutubo lalo na sa mga nanatiling erehe dahil kailangan ito ng sibilisadong pamayanan kaya nagpapatupad ng maraming batas ang pamahalaang Kastila ng Alcala upang sanayin sa makabagong pamumuhay ang mga mamamayan ng Alcala sa halip na sariling kaugalian ang patuloy na itinataguyod nila. Katunayan, hindi pa nalulutas ng mga katutubong Malauegs ang problema tungkol sa cedula dahil walang maisip na solusyon si Lakay Awallan lalo’t nanatiling hati ang kanilang mga katuwiran maski ikapapahamak pa nila ang pagtutol sa ordinansa na nag–oobliga sa kanila upang magkaroon nito samantalang ito ang laging hinahanap ng mga guwardiya sibil sa bayan ng Alcala. Sana, huwag naman ipahintulot ni Bathala na mauulit ang ginawang pananalakay ng mga soldados sa lumang komunidad pagkat hindi katuwiran ang pagiging handa ng mga kalalakihang Malauegs sakaling mangyayari ito dahil sadyang mapanlinlang ang pamahalaang Kastila ng Alcala kaya marami ang nasawi noong itinaon sa hating–gabi ang kanilang operasyon kung kailan tulog ang mga katutubong Malauegs. Aywan kung bakit hindi naisip agad nina Alba at Bag–aw ang kasalukuyang sitwasyon upang walang pagsisisihan sakaling mauulit ang nakaraan lalo’t natunton na ng mga soldados ang bagong komunidad ngunit totoo rin yata ang kasabihan na walang pinipiling panahon ang pag–ibig basta tumibok ang puso ay handang harapin nito maging ang kamatayan dahil kailangang tuparin ang pangako na laging binibigkas ng bibig. Mangyari mang salakayin ng mga soldados ang bagong komunidad ay magiging lubos ang kumpiyansa ni Bag–aw sa sarili niya bilang isa sa mga mandirigmang Malauegs pagkat walang pamilya ang umaagaw sa konsentrasyon niya habang nagaganap ang labanan maliban kay Lakay Awallan ngunit marami naman ang puwedeng tumulong sa kanya dahil hindi maaaring pababayaan na lamasng nila ang Punong Sugo. Nakapagtataka rin naman kung bakit ginusto ni Alba ang mag–asawa agad samantalang may malay na siya noong linusob ng mga soldados ang kanilang lumang komunidad ngunit umiling lamang si Bag–aw nang pumasok sa isip niya ang katanungang ito matapos maisaloob na hindi naman yata parating nababatay sa kasalukuyang sitwasyon ang lahat kundi sa balani ng kapalaran. Kaya may katuwiran kung limiing maigi na sala sa panahon nang makilala ni Bag–aw si Annayatan maski sabihin pang sa gulang na dalawampu’t tatlong taon ay talagang kailangan na niya ang mag–asawa dahil siya na lamang ang binata sa mga kaedad niya ngunit hindi naman paligsahan ang pagkakaroon ng pamilya upang humabol siya para sabayan sila. Subalit huli na yata para bigyan niya ng priyoridad ang kasalukuyang sitwasyon upang hindi magiging problema niya sa hinaharap ang pagkakaroon ng pamilya dahil may tamang panahon ang pag–aasawa ngunit naikopromiso na niya ang sarili kaya nararapat lamang tuparan ito para hindi mapupuluan ang kanyang pagkatao lalo’t apo siya ng Punong Sugo.
“Balak ko sana . . . mistad! Ang magbukod . . . Oo! Kapag nagsasama na kami . . . ni Annayatan! Papayag kaya . . . si Apong Awallan? Ha?! Mistad?!” Mula nang makilala ni Bag–aw si Annayatan ay nagsalimbayan sa utak niya ang maraming plano gayong kahapon lamang naganap ito samantalang hungkag ang isip niya habang natutulog nang mahimbing sanhi nang dinanas na kapaguran sa maghapong pangangaso noong hindi pa natutong umibig ang kanyang puso kaya naging katawa–tawa ang kanyang mga tanong pagkat nauuna pa ang paghahanda kaysa isipin ang magiging hantungan ng kanyang pamimintuho dahil mamayang gabi pa lamang magsisimula ang kanyang pakipagsapalaran kung kalugdan siya ng tadhana. Ipagpalagay nang may katotohanan ang haka–haka na sadyang itinakda ni Bathala ang magkatuluyan sila ni Annayatan ngunit hindi pa rin dapat panghahawakan ang ganitong katuwiran dahil posibleng magbabago ang guhit ng tadhana kung dumating ang matinding pagsubok para tiyakin ang kanyang katapatan kaya naroroon ang balaksila upang humantong sa kabiguan ang lahat pagkat hindi niya kinayang batahin ang mga sakripisyo. Gayunpaman, walang masama sa pagiging maagap ngunit kailangan maging handa rin ang sarili niya sa magiging kahinatnan ng kanyang plano maski sa palagay ni Lakay Awallan ay makabubuti sa kanila ang bumukod dahil ano pa ang saysay ng pagtutol kung desisyon din naman niya ang masunod kaya walang dapat ipangamba pagkat tiyak na mauunawaan din ng matanda ang kanyang kalagayan.
ITUTULOY
No responses yet