IKA–247 LABAS

‘Yon naman ang pagkakamaling walang kapatawaran kung bakit naantala ang dating niya sa tipanan kaya muntik nang magalit si Bag–aw kung hindi lamang ipinairal sa damdamin nito ang pagtitimpi upang huwag nang mauulit pa ang kanilang tampuhan na tumagal nang isang linggo pagkat may batik yata ng kontrobersiya ang tsaleko na bigay ni amang Luyong.  Pero hindi man lamang kumurap ang mga mata ni Bag–aw habang sinasalubong nito ng tingin ang kanyang paglapit ngunit hindi rin niya tiyak kung talagang nagagalit ang binata sanhi ng mga nababanggit na kadahilanan para mabahala siya dahil dapat kanina pa niya ipinaramdam ito kung tama ang kanyang suspetsa kaya binalewala na lamang niya ito.  Nang maalaala niya si Annayatan dahil posibleng ito ang nais tanungin sa kanya ni Bag–aw ngunit nagkakilala na sila kaya napaisip siya kung anong tanong ang gustong iparating pa sa kanya ng binata pagkat inaamin naman niya na talagang hindi na niya pinag–interesang alamin pa kung sinu–sino ang mga magulang ng dalaga basta naging sapat na sa kanya nang malaman ang pangalan ng dilag na siya ang pakay nila ngayong gabi.  Nang manlaki ang mga mata ni Alba pagkat may isang impormasyon ang hindi pa pala nababanggit niya kay Bag–aw kaya tumining ang kanyang kalooban nang maalaala ang tungkol dito dahil walang duda na ito ang gustong alamin ng binata ngunit ito naman ang importanteng bagay na hindi dapat kinakaligtaan lalo’t walang mapagtatanungan sakaling maligaw sila.  Sapagkat halos naririnig na niya ang tanong ay napangiti siya nang madatnan si Bag–aw na sadyang huminto para hintayin lamang siya ngunit daig pa ng binata ang hinambalos ng mabigat na problema dahil masyadong seryoso ang mukha nito kaya hindi niya nagawa ag magpatawa upang maibsan sana ang pagod nila pagkat malinaw na naparam ang sigla ng kanyang mistad matapos ang kanilang walang humpay na paglalakad.  Walang pangingiming ipinarating ni Bag–aw ang kanyag katanungan ngayong dumating na ang pagkakataon upang mapalis sa dibdib niya ang pag–aalala matapos ang tatlong beses na humilagpos ito sa kanyang utak kaya halatang galit siya dahil mabigat ang kanyang pananalita ngunit kalmado lamang si Alba sa halip na magpatangay sa nararamdamang pagod.

            “Sandali lang . . . mistad!  Talaga bang alam mo na . . . ang tinitirhan nina Annayatan?!  Ha?!  Hindi kaya . . . naliligaw na tayo?!”  Hindi na ikinagulat ni Alba ang tanong ni Bag–aw dahil talagang napaknit din sa isip niya upang ipabatid sa binata ang tungkol sa impormasyong ito ngunit sa tantiya naman niya ay malapit–lapit na rin sila mula sa tinitirhan ng pamilya ni Annayatan hanggang sa napatingala siya kaya napanatag ang kalooban nang mapagmasdan ang mabagal na paglalakbay ng buwan sa kalangitan.  Kunsabagay, hindi na bago kay Alba ang ganitong problema kaya ito ang dahilan kung bakit palihim na bumalik agad siya sa ilog matapos iuwi ang kanyang mga anak pagkat naging priyoridad niya ang sundan si Annayatan hanggang sa tinitirhabn nito para hindi na sila magtatanong pa lalo’t gabi dahil malalayo ang agwat ng mga kubol sa labas ng komunidad.  Upang hindi iisipin na nagpapanggap lamang na mga katutubo sila ngunit mga soldados pala kaya naging maingat siya lalo’t hindi pa niya kabisado ang pook dahil halos lahat nang naging kasintahan niya ay naninirahan din sa bagong komunidad kaya hindi niya nagawang takasan ang pagbubuntis ni Sahing maski hindi pa sila kasal noon pagkat naging segurista rin naman ang babae.  Hindi rin naman masisisi si Bg–aw kung naging priyoridad pa rin niya ang kanilang kaligtasan dahil hindi sila nagdala ng anumang pananggalang sa sarili maski walang mahihingan ng tulong kung tumambad na lamang sa harapan nila ang panganib pagkat masyadong mainit ngayon sa mga katutubo ng Sierra Madre ang mga soldados ng pamahalaang Kastila ng Alcala.  Sana, bukas pa ang bintana kapag dumating sa kubol nina Annayatan ang magmistad pagkat  nangangahulugan ng kamalasan kung naunsiyami ang unang gabi ng panliligaw ayon sa paniniwala ng mga kalalakihang Malauegs maski umiismid lamang ang mga kababaihang Malauegs sa tuwing naririnig nila ang katuwirang ito ngunit mainam pa rin ang maneguro.  Tumango nang marahan si Alba maski salungat dito ang naging reaksiyon ni Bag–aw dahil malinaw na may pagdududa pa rin yata ang kalooban ng binata pagkat kumunot ang noo nito habang napapaisip ngunit hindi na niya pinahalagahan pa ito para maabutan pa nila si Annayatan kaya siya na ang nauuna sa paglalakad upang tiyaking hindi sila maliligaw.  Sapagkat mahirap din naman kung basta na lamang maniniwala si Bag–aw samantalang sa ilog lamang nangyari ang pagtatagpo nina Alba at Annayatan kaya hindi niya lubos madalumat kung paano ba nalaman ng kanyang mistad ang tinitirhan nina Annayatan pagkat ayaw rin sang–ayunan ng sarili niya ang katuwiran na posibleng hinatid muna nito ang dalaga.  Pero ayaw rin tanggapin ni Bag–aw ang sariling palagay na maaaring inuwi muna ni Alba ang kanyang mga anak matapos maligo dahil hindi naman puwedeng iwan na lamang sila sa ilog kaya mahirap isipin na sadyang bumalik siya upang sundan lamang si Annayatan hanggang sa tinitirhan nito samantalang hindi siya basta lumalabas maski may pagkakataon na dapat samantalahin niya.  Baka umagahin sila sa paghahanap pa lamang ng tinitirhan nina Annayatan kaya muling tinanong ni Bag–aw si Alba para tiyakin na hindi sila naliligaw dahil mahirap ang maghanap sa gabi maski maliwanag ang buwan hanggang sa masasayang lamang ang kanilang pagsisikap lalo na sa panig ng binata pagkat ito ang unang gabi ng panliligaw niya.  Kunsabagay, walang dapat ikabahala si Bag–aw dahil naging madali lamang para kay Alba ang makipagkilala kay Annayatan kahit unang pagkikita pa lamang nila kaya hindi rin dapat pagtakhan kung kumpleto ang impormasyong nakuha niya mula sa dalaga pagkat madiskarte siya gamit ang mga naging karanasan niya sa panlligaw.  Siyempre, dapat lamang tangan nila ang lahat nang impormasyon na kailanganin nila para magiging madali na lamang tuntunin ang tinitirhan nina Annayatan pagkat segurado rin naman na sasabayan niya si Bag–aw ngayong gabi dahil tiyak na mararamdaman ng binata ang paulik–ulik kung hindi niya magabayan lalo na kung marami pala ang magiging karibal nito.

ITUTULOY

Tags:

No responses yet

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *