IKA – 21  LABAS

Sapagkat hindi nila naintindihan ang wikang Español na ginamit sa pagpapatupad sa ordinansa ng pamahalaang Kastila ng Alcala ay walang duda na habambuhay nilang pagsisisihan ang pagkakamali habang pinagdurusahan ito hanggang sa kanilang huling hininga.  Diyata, tama pala si Lakay Awallan nang magpadala siya ng mga sugo sa bayan ng Alcala upang hingin ang tulong ng mga katutubong binyagan dahil lalong nalinawan ang kanilang mga isipan na tigmak ng agam–agam kaya magdamag na hindi napanatag ang kanilang mga kalooban.  Dahil kapahamakan pala ang kahahantungan nilang lahat kung hindi pinahalagahan ni Lakay Awallan ang kanilang kapakanan pagkat totoo naman na walang sinuman sa kanila ang nakaiintindi sa nilalaman sa ordinansa ng pamahalaang Kastila ng Alcala.  Kunsabagay, ang tanong kung paano maiiwasan ng mga katutubong Malauegs ang masamang epekto sa ordinansa ng pamahalaang Kastila ng Alcala ay hindi pa humikayat sa mga kalalakihang Malauegs upang hingin ang paglilinaw ni Lakay Awallan pagkat hindi siya dapat abalahin lalo’t nagsisimula pa lamang ang pagsasalita niya.  Maaga pa upang iparating ang kanilang mga saloobin dahil kailangan marinig muna nila ang paliwanag ni Lakay Awallan tungkol sa ordinansa ng pamahalaang Kastila ng Alcala pagkat mahalagang malaman din nila kung ano ang posisyon niya kaugnay sa isyung ito.  Bagaman, malinaw sa pahayag ni Lakay Awallan ang pahiwatig na tinututulan niya ang ordinansa ng pamahalaang Kastila ng Alcala kung pansinin lamang nila ang kanyang nanginginig na boses habang sinisikap sikilin ang galit sa puso niya upang ilihim ang kanyang totoong nararamdaman.  Kabilang siya sa grupo ng mga tumututol dahil naniniwala siya na mas malamang ang posibilidad na aabusuhin lamang sila pagkat hindi garantiya ang pagsunod sa ordinansa upang hindi na magpapalabas ng bagong batas ang pamahalaang Kastila ng Alcala.  Kahit suportado siya ni Lakay Lanubo dahil talaga namang wala rin katiyakan upang hindi na sila guguluhin pa ng pamahalaang Kastila ng Alcala ngunit hindi lamang sa kanyang balikat nakaatang ang responsibilidad sa paglikha ng desisyon kahit siya pa ang Punong Sugo ng tribung Malauegs.  Katunayan, maraming matatandang Malauegs ang pabor sa ordinansa ng pamahalaang Kastila ng Alcala kaysa bilang ng mga tumututol pagkat segurado na magiging dahilan lamang ang kanilang pagsuway upang mauulit ang sinapit ng mga katutubong Malauegs ng Calantac kahit ayaw nilang mangyayari ito sa kanila.  Marahil, maaaring natangay lamang si Lakay Awallan ng matinding salaghati kaya ganito ang kanyang naging pambungad na pananalita dahil ngayon lamang hindi nagkakasundo ang mga matatandang Malauegs kung kailan dapat nagkakakaisa sila.  Inaasahan pa mandin niya na magkakatulad ang kanilang pananaw sa isyu dahil malinaw naman na paniniil lamang ang layunin ng pamahalaang Kastila ng Alcala nang ipag–utos nito ang pagpapataw ng buwis sa kanilang mga panindang gulay.  Talagang hindi madalumat ng kanyang isip kung bakit pumapayag ang karamihan sa mga miyembro ng lupon ng mga matatandang Malauegs kung magiging pahirap lamang para sa kanila ang pagbabayad ng limang taon na pagkakautang nila sa amilyaramyento.  Dahil lalo silang malulunod sa kumunoy ng kahirapan kung pikit–matang sundin nila ang ordinansa ng pamahalaang Kastila ng Alcala pagkat kailangan magsakripisyo ang lahat maging ang mga bata kahit magsanhi pa ito upang mamamatay silang lahat sa gutom.  “Marahil . . . batid na ng  ilan sa inyo!  Ang .tungkol sa buwis . . . at amilyaramyento!  Gayunpaman . . . !  Nais ko pa rin ipaalam . . . ang tungkol dito!  Para . . . sa mga hindi pa nakababatid!  Kung . . .  ako ang tanungin ninyo!  Nakabuti pa rin habang may panahon pa tayo . . . ngayong nalaman na natin!  Ang kahulugan sa buwis . . . at sa amilyaramyento!  Kahit hindi ninyo . . . nanaisin pang marinig . . . ang epekto nito sa atin!  Tandaan ninyo . . . nilikha ang batas upang sundin ng mga mamamayan!  Oo!  Ngunit . . . sa tanong . . . kung sang–ayon ba ako?!  Puwes!  Nakadepende sa inyo . . . ang posisyon ko!  Dahil . . . sa inyo pa rin manggagaling ang desisyon!  Bakit?!  Sapagkat kayo . . . ang direktang maapektuhn nito!  Dahil . . . may mga pamilya kayo!”  Yamang nangangailangan ng maraming araw upang makabuo ng iisang desisyon ang lupon ng mga matatandang Malauegs kahit wala pa rin kaseguruhan kung magkasundo na sila dahil naging matigas ang paninindigan ng mga sumasang–ayon sa ordinansa ng pamahalaang Kastila ng Alcala.  Maaaring naisaloob ni Lakay Awallan na mabuti pa ang hikayatin na rin niyang mag–isip ng solusyon ang mga katutubong Malauegs para sa agarang kalutasan ng kanilang problema dahil sila naman ang direktang maapektuhan balang araw sa ordinansa ng pamahalaang Kastila ng Alcala.  Seguro, hindi nagustuhan ng mga matatandang Malauegs ang katuwiran ni Lakay Awallan pagkat nagbulungan sila ngunit nararapat lamang ang sisihin sila kung ito ang naging sapantaha nila dahil pinairal sa kanilang damdamin ang takot kaysa manindgan sila.  Maliban kay Lakay Lanubo na ninais pang pansinin nito ang reaksiyon ng mga kalalakihang Malauegs kaugnay sa mga pahayag ni Lakay Awallan upang malaman ang kanilang damdamin dahil kailangan nila ang manindigan kahit masadlak pa sila sa kapahamakan.  Kung naging palagay ng mga katutubong Malauegs na hindi pabor sa kanila ang naging desisyon ng lupon ng mga matatandang Malauegs ay hindi nararapat ipagdamdam ang katotohanan dahil talagang kailangan nila ang magkaisa ngayong nalalagay sa kagipitan ang kanilang buhay.  Lalo’t hindi puwedeng balewalain ang pahiwatig ni Lakay Awallan kung nais nilang malampasan ang problema upang bumalik sa normal ang kanilang pamumuhay na nadulingas buhat nang unang dumating sa komunidad nila ang mga soldados.  Bakas sa mga mukha ng mga katutubong Malauegs ang matinding pag–aalala maski hindi pa binabanggit ni Lakay Awallan ang epekto sa kanila ng ordinansa ng pamahalaang Kastila ng Alcala pagkat nagpaparamdam na sa isip nila ang maaaring mangyari sa mga darating na araw.  Totoong nakausap ng ilang kalalakihang Malauegs sina Nangalinan at Bacagan ngunit hindi naman nila naipaliwanag nang mabuti ang tungkol sa buwis at amilyaramyento pagkat nagmamadali rin silang bumalik sa kubol upang magpahinga sa pahintulot ni Lakay Awallan.  Basta ang pagkaiintindi nila ay may babayarang buwis at amilyaramyento ngunit hindi na ipinaliwanag ng dalawa ang dahilan kaya nasambit nila na pabigat lamang pala ang ordinansa ng pamahalaang Kastila ng Alcala habang kumakain sila ng almusal.  Kisap–matang nagpaalaala naman kay Alawihaw ang usap–usapan kanina ng mga kalalakihang Malauegs sa hapag tungkol sa ordinansa ng pamahalaang Kastila ng Alcala ngunit gustuhin mang kumpirmahin niya ang kuwento nila ay kaabalahan lamang kung gisingin pa niya sina Nangalinan at Bacagan.  Tuloy, naisaloob niya na maaaring may katuwiran ang mga kalalakihang Malauegs kung pagbasehan niya ang pahayag ni Lakay Awallan dahil halata ang pagtutol niya sa ordinansa ng pamahalaang Kastila ng Alcala kahit hindi pa niya tahasang inaamin ito ngunit matingkad na ang pruweba.  Kaya natanong niya ang sarili kung tutol din ba sa ordinansa ng pamahalaang Kastila ng Alcala ang lupon ng mga matatandang Malauegs ngayong malinaw na sa kanilang lahat ang posisyon ni Lakay Awallan ngunit pumiksi lamang siya imbes na alamin ang dahilan kung bakit nagtagal sila sa loob ng sagradong kubol.  Dahil sa panghihikayat ng kanyang sarili ay hindi siya nag–atubiling lumapit kay Lakay Awallan upang alamin ang naging posisyon ng mga matatandang Malauegs kaugnay sa kanilang problema dahil mahalaga ito para sa mga may pamilya.  “Ayon sa paliwanag . . . ng kapatid ni Nangalinan!  Isang uri ng bayarin . . . ang buwis!  Tungkulin ng bawat mamamayan ng Alcala . . . ang pagbabayad sa buwis!  Tinatawag na buwis . . . ang bawat halaga na ikinakaltas . . . mula sa ating napagbebentahan!  Kahit mga gulay lamang . . . ang ating inilalako . . . sa bayan ng Alcala!  Puwes . . . !  Huwag na ninyong itatanong . . . kung magkano ang ipinapataw na buwis . . . mula sa pagtitinda ng mga gulay!  Basta ang tiyak . . . makaaapekto ito sa ating kabuhayan!  Tumutukoy naman sa bayarin . . . sa lupa . . . ang amilyaramyento!  Oo!  Mga lupain na pagmamay–ari natin . . . at mga lupain na kinatitirikan . . . ng ating mga kubol!  Binabayaran ang amilyaramyento . . . tuwing katapusan ng taon!  Magkano?  Depende ito . . . sa lawak ng lupain na pagmamay–ari . . . ng bawat isa sa atin!”  Kapagdaka, umiral ang nakatutulig na katahimikan nang malaman ng mga katutubong Malauegs ang masamang epekto sa kanila sa ordinansa ng pamahalaang Kastila ng Alcala dahil mistulang unti–unting pinapatay sila nito kung pag–interesan din maging ang karampot na kabuhayan nila.  Talagang nagluksa ang Sierra Madre dahil buhay pa man ang mga katutubong Maluegs ay pinatay na sila ng ordinansa ng pamahalaang Kastila ng Alcala ngunit hindi nila hahayaaang humantong sa hukay ang kanilang katalunan dahil may karapatan sila na dapat ipaglaban.  Paminsan–minsan, binabasag ng mga hinagpis ng mga kababaihang Malauegs ang katahimikan habang sumasabay ang malalim na buntung–hininga ng mga kalalakihang Malauegs ngunit tungkulin din naman ni Lakay Awallan ang ibahagi sa kanila ang impormasyong tinanggap niya mula kina Nagalinan at Bacagan.  Dahil tiyak na malalaman din ng mga katutubong Malauegs kung ilihim niya ang tungkol sa buwis at amilyaramyento ay lalong lulubha ang kanilang problema pagkat posibleng ito pa ang magiging dahilan upang magkaroon ng kani–kanilang pangkat ang tribung Malauegs sanhi ng hindi pagkauunawaaan.  Baka lalong magkawatak–watak ang tribung Malauegs dahil inilihim niya ang dapat nilang malaman sabay bunton ng paninisi sa lupon ng mga matatandang Malauegs sa halip na nagkakaisa sila pagdating ng araw na kailangan harapin nila ang katotohanan kahit ano pa ang mangyari.  Aywan kung nagdalamhati rin ang kalikasan dahil natakot sumalipadpad sa kalawakan ang mga ibon habang lumikha naman ng tangad ang waring nabalahong mundo ngunit hindi ang alulos ng mga ilog sa kabundukan ng Sierra Madre.  Hanggang sa naligalig ang lupon ng mga matatandang Malauegs pagkat lumikha ng ingay ang bulungan ng mga katutubong Malauegs kaya tila naninisi pa ang tingin nila kay Lakay Awallan nang maipagpalagay nila na maaaring nagdulot lamang ng tigatig sa kanila ang kanyang pahayag.  Sino bang katutubong Malauegs ang hindi nangangamba sa sitwasyon ngayon kung posibleng ikamamatay pala niya ang ordinansa na nais ipatupad ng pamahalaang Kastila ng Alcala kahit tumalima pa siya rito dahil ang pagkain na isusubo na lamang sa bibig nila ay aagawin pa?  Kulang pa ba ang nakokolektang buwis mula sa mga negosyante sa bayan ng Alcala upang ang kaunting halaga na dapat ibibili na lamang nila ng mga pagkain ay pag–iinteresan pa ng pamahalaang Kastila ng Alcala sa halip na tulungan sana sila upang mabago naman ang buhay nila?  Mali naman yata ang ipantay sila sa mga malalaking negosyante sa bayan ng Alcala dahil hindi naman araw–araw ang paglalako nila ng mga gulay upang ipatupad din sa kanila ng pamahalaang Kastila ng Alcala ang obligasyon na hindi nila kayang tuparin kahit sikapin pa nila.  Samantalang may sariling puwesto sa pamilihan ng Alcala ang mga comprador na pinaglalatagan ng kanilang mga paninda kahit sa araw ng palengke lamang sila dumarating sa bayan ng Alcala ngunit malaki naman ang kanilang napagbebentahan.  Kung walang permanenteng puwesto sa pamilihan ng Alcala ang mga kababaihang Malauegs na naglalako ng mga gulay sa bayan ng Alcala ay may sariling tindahan naman ang mga minorista kaya malaki ang kanilang bentaha dahil nagagawa nila ang magtinda kahit hindi araw ng tiyangge.  Muling lumukob sa mga katutubong Malauegs ang katahimikan nang wala sa kanila ang nagtangkang magtanong kay Lakay Awallan kung ano ang naging desisyon naman ng lupon ng mga matatandang Malauegs maliban sa napatitig lamang sila sa kanya na itinuloy ang pagpapaliwanag.  Kunsabagay, mabuti na ang huwag na lamang nilang itanong dahil mismong lupon ng mga matatandang Malauegs ay hindi rin nagkakasundo pagkat ngayon pa nagkasalungat ang kanilang pananaw kung kailan kailangan nila ang magkaisa para magabayan ang mga katutubong Malauegs.  “Kanina . . . habang pinapakinggan ko ang paliwanag ni Nangalinan . . . sumagi sa isip ko!  Mabuti pa pala . . . kung hindi na lamang natin inalam . . . ang kahulugan sa buwis . . . at amilyaramyento!  Para may dahilan tayo . . . upang huwag sumunod!  Seguro . . . !  Ganoon din ang iniisip ninyo . . . ngayon!  Ngunit dapat nating tandaan . . . hindi dahilan ating kamangmangan . . . upang hindi tayo sisingilin ng pamahalaan!  Maski . . . sa kabundukan ng Sierra Madre . . . tayo naninirahan!  Dahil kabilang pa rin tayo . . . sa mga mamamayan ng Alcala!  Puwes . . . obligado tayo upang sumunod sa ordinansa!  Sapagkat . . . ito ang utos ng batas!”  Habang tumatagal ang pagsasalita ni Lakay Awallan ay lalong lumilinaw sa pang–unawa ni Alawihaw ang posisyon nito sa ordinansa ng pamahalaang Kastila ng Alcala ngunit hindi puwedeng isantabi niya ang totoong nararamdaman ng kanyang amang.  Nasasalamin sa mukha ni Lakay Awallan ang matinding pagdaramdam kahit sinisikap niyang labanan ito habang nagsasalita upang hindi magdulot ng balais sa mga katutubong Malauegs ngunit hindi ito naikubli sa mga mata ni Alawihaw.  Kahit tahimik ang mga katutubong Malauegs habang pinapakinggan nila si Lakay Awallan ngunit walang nakababatid kung ano ang tumatakbo sa kanilang isipan dahil ang malinaw pa lamang sa ngayon ay tinututulan nila ang ordinansa ng pamahalaang Kastila ng Alcala.  Aywan kung nakatulong ang paliwanag ni Lakay Awallan dahil mawawalan din ng saysay ito kung sila mismo ang ayaw tumalima sa ordinansa ng pamahalaang Kastila ng Alcala kahit magiging dahilan pa ito upang parusahan sila habang ikinukulong.  Marahil, posibleng naiba ang sitwasyon kung sinimulan sa bayan ng Alcala ang pagbabando sa ordinansa ng pamahalaang Kastila ng Alcala pagkat hindi na magiging problema ito ng mga katutubong Malauegs dahil tiyak na pag–uusapan ng mga katutubong binyagan ang kahulugan ng buwis at amilyaramyento.  Gayunpaman, wala pa rin katiyakan kung magbago ang paninindigan nila sa halip na ikatuwiran ang kanilang kamangmangan sa wikang Español kaya hindi nila naintindihan ang ordinansa ng pamahalaang Kastila ng Alcala para magkaroon lamang ng dahilan ang kanilang pagtutol.  Pero mas malinaw ang posibilidad na nakagawa sila ng marahas na aksiyon kahit napapaligiran pa sila ng mga soldados kung naintindihan lamang nila ang wikang Español dahil seguradong agad–agad tinutulan na nila ang ordinansa ng pamahalaang Kastila ng Alcala.  Hindi rin nila maintindihan kung bakit umabot pa hanggang sa kanilang komunidad ang pagbabando ng mga soldados sa ordinansa ng pamahalaang Kastila ng Alcala samantalang kaylayo na nila mula sa kabayanan upang pag–aksayahan pa ng panahon.  Kunsabagay, si Lakay Awallan na rin ang nagsasabi na obligado silang sumunod sa mga ipinapatupad na ordinansa ng pamahalaang Kastila ng Alcala dahil saklaw sila nito maski labag sa kanilang mga kalooban pagkat kabilang pa rin sila sa mga mamamayan ng Alcala kahit sa kabundukan ng Siera Madre sila naninirahan.  Utos ng pamahalaang Kastila ng Alcala na hindi dapat suwayin kahit kabalintunaan sa nagisnan nilang batas na kahit nakasulat lamang ito sa kanilang mga puso ay taimtim namang sinusunod nila pagkat mahalaga ang mga salita ng mga taong marangal.  Kahit walang papel ang nagpapatunay sa legalidad ng mga bagay na mayroon sila ay mahalaga pa rin ang respeto sa karapatan ng bawat isa para mapapanatili ang kapayapaan sa tribu na tanging iniwan ng kanilang mga ninuno“Kung . . . !  May nabuo na bang desisyon . . . ang lupon ng mga matatanda?!  Tahasan kong sinasabi sa inyo . . . wala pa!  Oo!  Sapagkat talagang mahirap . . . ang gumawa ng desisyon!  Kailangan pag–isipang mabuti . . . ang bagay na ito!  Dahil nakataya rito . . . ang kinabukasan ng bawat isa sa atin . . . kinabukasan ng inyong mga anak!  Kaya . . . hindi dapat apurahin . . . ang paggawa ng desisyon!”  Pagkatapos ang mahabang paliwanag ni Lakay Awallan ay huminga muna siya saka binalingan si Alawihaw na ngayon pa lamang niya napansin ang paglapit nito sa kanya ngunit tumango lamang siya nang magsalubong ang mga paningin nila.  Nahiwatigan niya ang tanong sa mga mata ni Alawihaw ngunit mamaya na lamang niya papansinin pagkat hindi niya mapiho ang anasan ng mga katutubong Malauegs matapos ipagtapat niya sa kanila na hindi pa nagpalabas ng desisyon ang lupon ng mga matatandang Malauegs.  Aywan kung ikinagalit nila ang malaman na wala pang desisyon ang lupon ng mga matatandang Malauegs kaugnay sa ordinansa ng pamahalaang Kastila ng Alcala dahil hindi rin niya tiyak ang kahulugan ng kanilang reaksiyon lalo’t wala pang nagparinig ng kanyang saloobin.  Lalong hindi niya mawari kung nangangahulugan ng pagtutol sa ordinansa ng pamahalaang Kastila ng Alcala ang kanilang ipinamalas ngunit ramdam niya ang pangamba kaya napasulyap siya sa lupon ng mga matatandang Malauegs upang alamin kung ano naman ang kanilang reaksiyon.  Nagkatinginan ang mga matatandang Malauegs ngayong malinaw na sa kanila na hindi pala naging katanggap–tanggap sa mga katutubong Malauegs ang ordinansa ng pamahalaang Kastila ng Alcala kahit posibleng ikapapahamak nilang lahat ang pagsuway rito dahil wala rin namang ipinagkaiba sakaling sumang–ayon sila.  Hindi lamang matiyak kung nagbago rin ang posisyon ng mga matatandang Malauegs na sumusuporta sa ordinansa ng pamahalaang Kastila ng Alcala ngayong namalas nila ang totoong damdamin ng mga katutubong Maluegs na ang karamihan sa kanila ay mga anak din nila at mga pamilyado.  Maya–maya, muling bumalik sa loob ng sagradong kubol ang mga matatandang Malauegs maliban kina Lakay Awallan at Lakay Lanubo na sadyang nagpaiwan sa labas habang kasalukuyan pa lamang ang pulong dahil kailangan marinig din nila ang panig ng mga katutubong Malauegs pagkat ito ang layunin ng pag–uusap ngayon.  Aywan kung naging sapat na ang nasaksihan ng mga matatandang Malauegs upang magagawa nila ang bumalangkas ng desisyon sa buong magdamag na pumapanig sa kagustuhan ng mga katutubong Malauegs kahit mauulit pa sa kanila ang naging kapalaran ng mga katutubong Malauegs ng Calantac.  Sana, sa kanilang muling pagharap bukas sa pulong ay maipapahayag na nila ang desisyon na kahapon pa nais marinig ng mga katutubong Malauegs kahit salungat ito sa kanilang kagustuhan dahil higit na masusunod ang boses ng nakararami.  Huwag na nilang hintayin na gumawa ng marahas na hakbang ang mga kalalakihang Malauegs kahit labag sa alituntunin ng kanilang tribu pagkat posibleng mangyayari ito kung hindi nila madaliin ang pagpapalabas sa desisyon.  Yamang hindi nila nagagampanan ang tungkulin upang bumalangkas ng mga desisyon sa panahon ng  kagipitan sanhi ng kanilang katandaan ay makabubuti pa ang panghimasukan na lamang ito ng mga kalalakihang Malauegs.

ITUTULOY

Tags:

No responses yet

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *