IKA–35  LABAS

Maipapaliwanag ba niya kung anong kaparaanan ang kanyang ginamit sa pagsusulat ng mga titulo sa loob ng isang linggo lamang sakaling may nagreklamo gayong hindi naman niya namalas ang mga lupain ng mga katutubong Malauegs sa kabundukan ng Sierra Madre?  Subalit bumalik ang agrimensor sa kanyang opisina nang hindi niya datnan si Alcalde ngunit iniwan na ang mga titulo kaya ilang sandali na lamang mula ngayon ay magiging pagmamay–ari na ng pamahalaang Kastila ng Alcala ang malawak na kalupaan ng Sierra Madre nang lingid sa mga katutubong Malauegs.  Segurado, maglulundag sanhi ng sobrang kagalakan si Alcalde kapag dinatnan niya sa mesa ang mga huwad na titulo ngunit papunta pa lamang siya sa munisipyo ng Alcala lulan ng karwahe na minamaneho ni Zafio dahil tinanghali siya nang gising.  Maaaring naging adelantado ang pagpaparamdam ng magandang suwerete kay Señora Mayora pagkat walang drama kaninang madaling–araw nang magising siya para magsimba habang naghihilik pa si Alcalde dahil napagbigyan yata kagabi.  Naturalmente!  Hindi na nagtaka ang sampung muchacha ng residencia ejecutiva lalo na ang mayordoma kung bakit litaw–ngidngid ang ngiti ni Alcalde gayong sinangag at tostadong bakalaw lamang ang kanyang almusal saka uminom ng tsokolateng mapait.  Ngiti na taglay pa rin ni Alcalde kahit nag–iisang pasahero lamang siya ni Zafio na kanina pa naghihimutok ang kalooban kaya apektado ang kislot ng utak kung hindi niya kakayanin ang magtimpi lalo’t punung–puno na ng pasensiya ang sarili niya.  Ayaw alamin ni Zafio kung paanong naatraso ng dalawang buwan ang suweldo niya samantalang kasama naman siya sa nomina ng munisipyo ng Alcala pagkat seguradong nag–aklas na ang mga empleyado kung talagang may katotohanan ang kanyang alegasyon.  Sana, maghunus–dili si Zafio dahil hindi katuwiran ang dalawang buwan na pagkaantala ng kanyang suweldo upang ibangga sa puno ang karwahe pagkat karne ng kabayo lamang ang puwedeng pakinabangan sakaling totohanin niya ang masamang balak.

            Mainit na ang araw nang bumaba sa karwahe si Alcalde pagkat hindi pumayag ang mayordoma na umalis siya kahit hindi pa nag–almusal dahil ito naman ang laging ipinapaalaala ni Señora Mayora na hindi niya dapat makaligtaan.  Minsan, tahasang nasambit ni Señora Mayora na wala siyang ibang pagbubuntunan ng sisi kung magkasakit si Alcalde pagkat priyoridad sa tungkulin ng mayordoma ang pangalagaan ang kalusugan ng kanyang esposo lalo’t madalas ang ir a horas extras nito sa opisina.  Dagdag pa ni Señora Mayora ay kailangan masustansiya ang mga pagkaing ihahain ng mayordoma upang ganahan si Alcalde pagkat nakahihiyang tunay kung mapabalita sa bayan ng Alcala na gutom ang dahilan ng kanyang pagkamatay.  Kung totoong masustansiyang pagkain ang sinangag at ang pritong bakalaw ay huwag nang itanong basta huwag lamang makararating kay Señora Mayora ang masamang balita para hindi matutuloy ang balak niyang makipag–diborsiyo kay Alcalde.  Sapagkat totoo ang tsismis na minamasahe ng mayordoma si Alcalde habang kumakain ng almusal para ubusin nito ang sinangag at pritong bakalaw pagkat ito ang ipinahanda kanina ni Señora Mayora bago siya nagpahatid kay Zafio sa simbahan ng Alcala.  Bukod sa maaliwalas ang mukha ni Alcalde ay masigla rin ang kanyang hakbang habang umaakyat sa hagdanan papunta sa kanyang opisina dahil naging inspirasyon niya ang mga kaganapan kagabi at kaninang umaga sa residencia ejecutiva.  Maaari ba namang malilimutan niya na ngayon ang takdang araw upang isumite ng agrimensor ang mga huwad na titulo dahil ito na lamang ang naging bukambibig niya sa hora feliz nila ni Alferez hanggang sa kanyang panaginip.  Ngunit tiyak na magugulat siya kapag bumungad sa kanya ang mga huwad na titulo na naghihintay na lamang ng kanyang pirma dahil kaninang umaga pa hinatid ng agrimensor ang mga ito sa opisina niya habang wala pa siya.  Tuloy, nasa pintuan ng opisina pa lamang siya ay tanaw na niya ang mga huwad na titulo sa ibabaw ng mesa ngunit nagduda pa rin ang kanyang sarili hanggang sa napatakbo siya upang tiyaking dumating na ang kanyang hinihintay.  Hindi niya napigilan ang humalakhak matapos ang paulit–ulit na pagbibilang niya sa mga huwad na titulo pagkat natalimang ang isip niya nang mangibabaw sa kanyang puso ang kagalakan dahil muling nagtagumpay ang kanyang plano.  Kailangan na bang ituloy ni Señora Mayora ang balak niyang bumili ng sampung baul para muling mauulinigan mamayang gabi ng mayordoma ang kanyang mga halinghing dahil wala pa rin silang anak hanggang ngayon samantalang araw–araw naman siyang nagsisimba sa simbahan ni Santa Filomena.  Bagaman, naihinga lamang ni Alcalde ang tunay na nararamdaman niya dahil ang totoo’y talagang hindi rin naman idinadalangin ni Señora Mayora ang magkaanak na sana sila kundi ang mapadali ang kanyang pagiging biyuda sanhi ng matinding pagngingitngit laban sa mayordoma.  Seguradong nasambot ni Alcalde ang lahat nang biyaya mula sa langit pati ang kapilyuhan niya na magbibigay naman ng malaking problema kung mauna pang magbuntis ang mayordoma kaysa kanyang hermosa esposa.  Matapos iparating ni Zafio ang utos ni Alcalde ay unang dumating si Alferez na dumeretso agad sa estante upang maglabas ng bote ng alak dahil kabisado na niya ang dapat gawin pagdating sa ganitong okasyon.  Naturalmente!  Hindi dapat mawawala sa okasyon si Sarhento Valeriano Guztavo dela Paz pagkat pangkat niya ang nakatuklas ng komunidad ng mga katutubong Malauegs na magbibigay ng malaking kapakinabangan para kay Alcalde kapag naipagbili na sa mga negosyante ang mga huwad na titulo.  Huling dumating si Expedito Monsanto del Solamente ngunit tikom ang kanyang bibig sa tanong kung paano naging posible ang mga imposibleng bagay kaya nagawa niya ang mga huwad na titulo habang kinakamayan siya nang mahigpit ni Sarhento Valeriano Guztavo dela Paz.  Lalong walang natanggap na sagot ang tanong kung paano naging tama ang mga impormasyong nakapaloob sa bawat titulo kung pawang maling palagay ng matalas na imahinasyon ng kanyang isip ang naging batayan lamang niya.  Basta naroroon siya sa opisina ni Alcalde dahil kailangan ang kanyang pirma upang magiging legal na dokumento ang mga huwad na titulo kaya nanatiling tahimik siya habang isinasagawa ang simpleng okasyon ngunit mahalaga.

            Habang isa–isang sinasalinan ni Alferez ng alak ang apat na kopita ay panakaw na tinungga nang tuluy–tuloy ang kanyang tagay nang biglang nang–urali ang pagiging sugapa niya sa vino upang samantalahin ang kaabalahan ni Alcalde sa pagbabasa ng mga huwad na titulo.  At nang malaman niya na produkto ng bansang Morocco ang vino base sa etiketa ay hindi niya naiwasang tunggain ang pangalawang tagay dahil talagang damang–dama niya ang samyo ng alak lalo’t natuon pa kay Alcalde ang pansin nina Sarhento Valeriano Guztavo dela Paz at Expedito Monsanto del Solamente.  Matapos salinan para sa pangatlong tagay ang kanyang kopita ay saka pa lamang siya sumenyas upang kunin nina Sarhento Valeriano Guztavo dela Paz at Expedito Monsanto del Solamente ang kani–kanyang kopita para samantalahin ang pagkakataon habang nahihibang pa sa mga huwad na titulo si Alcalde.  Segurado, hindi magagalit si Alcalde kung maubos man ngayong araw ang rasyon niya na kahapon lamang dumating mula sa palacio del gobernador dahil ganap nang nagkaroon ng katuparan ang kanyang plano pagkaraan ang isang linggo.  Hinugot niya mula sa tintero ang pluma saka sinimulan nang buong ingat ang pagpirma sa mga huwad na titulo na pawis, puyat, gutom at sakit sa ulo ang naging puhunan ni Expedito Monsanto del Solamente para magawa lamang niya ang mga ito.  Palibhasa, lumalangoy sa tuwa ang puso ni Alcalde ay halos ayaw na niyang pansinin ang kanyang tagay pagkat naging priyoridad niya ang pagbabasa sa mga huwad na titulo kahit paulit–ulit na lamang ito kaya tumatagal ang pagpipirma niya.  Anong mga detalye ang dapat pang tiyakin kung pantalikba lamang ang lahat nang mga impormasyong nakapaloob sa bawat huwad na titulo kahit ang mga sukat nito upang maisumite lamang sa takdang araw na kailangan na ang mga ito.  Habang pumipirma sa mga huwad na titulo si Alcalde ay iglap namang naalaala ni Sarhento Valeriano Guztavo dela Paz ang promosyon na kaytagal nang pinanabikan niya sapul nang ipinangako ito sa kanya ngunit tila nakalimutan na ng dalawang opisyal.  Aba!  Nagpipirmahan na lamang ngayon ng mga huwad na titulo ay hindi pa rin nababanggit nina Alcalde at Alferez ang tungkol sa kanyang promosyon na mas mahalaga kaysa isang kopita ng alak dahil tataglayin niya ito habambuhay.  Tuloy, tinungga na lamang ang kanyang kopita hanggang sa napahit ang laman nito saka siya na mismo ang nagsalin ng alak para sa panibagong tagay kahit walang pahintulot mula kay Alcalde dahil sa matinding uyot.  Pero sumiglaw lamang sa kanya si Alcalde pagkat hindi dapat magkamali ang pagpirma nito sa mga huwad na titulo na taliwas sa naging reaksiyon ni Alferez dahil kumunot ang noo nang mapatingin sa kanya.  May dahilan naman kung bakit hindi pa ginalaw ni Alcalde ang kanyang kopita dahil ayaw niyang mapatakan ng alak ang mga huwad na titulo pagkat sumisimbolo ng dugo ang kulay nito na nagbibigay ng masamang babala kaya dapat iwasan.  Bagaman, tahimik pa rin si Expedito Monsanto del Solamente ay naging malikot naman ang kanyang mga mata habang maya’t maya ang lagok niya ng alak dahil mabibilang pa lamang ang mga napirmahan ni Alcalde pagkat masyadong linalatlat nito ang bawat titulo.  Mangyari, labis ng limang titulo ang kanyang ginawa para magkaroon din siya ng mga lupain sa kabundukan ng Sierra Madre kahit hindi pa tiyak kung manatili sa bayan ng Alcala ang kanyang pamilya ngunit puwede naman niyang ipagbili sa mga negosyante ang mga lote.  Naneguro lamang siya para may pakinabang naman ang kanyang paghihirap sa paggawa ng mga huwad na titulo dahil halos ayaw na niyang matulog sa gabi upang matupad lamang niya ang isang linggo na itinakda ni Alcalde.

            Talagang hindi mapalagay ang kalooban ni Expedito Monsanto del Solamente sa tuwing sumusulyap sa kanya si Alcalde dahil sa pag–aakala na maaaring napansin nito ang kanyang isiningit na limang titulo maski taliwas naman yata ito sa totoong sanhi.  Kaya nainom niya nang tuluy–tuloy ang laman ng kopita pagkat malaking kahihiyan kung madiskubre ni Alcalde ang kanyang ginawa dahil ito naman ang magiging rason upang sesantihin siya bilang topografo publico sa bayan ng Alcala kahit napakinabangan pa siya nito.  Sapagkat pare–pareho lamang ang basa ni Alcalde sa mga huwad na titulo ay maaaring hindi na rin niya napuna ang sekreto ng agrimensor dahil ipinahiwatig sa kanyang mga ngiti na kuntento siya lalo’t napapadalas pa ang kanyang pagtango.  Marahil, naging kasayahan na lamang ni Alcalde nang paulit–ulit na pumapasada sa bawat titulo ang kanyang mga mata upang tiyakin na tama ang pagkakasulat sa kanyang pangalan para hindi masayang ang kanyang pagod sa pagpirma.  Kunsabagay, wala namang mali sa baybay ng kanyang pangalan – ALCALDE PROCURADOR NAVIERO DELA ALTEZA – maging ang kanyang katungkulan hanggang sa huling titulo na kanyang pinirmahan pagkat ito ang magpatunay sa legalidad ng mga dokumento maski huwad ang mga impormasyon na mababasa rito.  Pagkatapos, muling ipinaalaala ni Alferez ang tungkol sa kanyang tagay na kanina pa nagmamakaawa para tunggain ngunit kusang tinanggihan niya ito upang tiyakin muna na tama ang kanyang pirma sa ibabaw ng kanyang pangalan sa bawat titulo.  Basta ayaw muna niyang maaabala upang maayos ang kanyang pagbabasa sa mga huwad na titulo gayong maraming ulit nang ginawa niya ito kaya tumagal ang kanyang pagpipirma dahil naging meticuloso siya.  Pero biglang pumalakpak si Alferez dahil hindi niya napigilan ang matuwa matapos ang pagpirma ni Alcalde ngunit muntik namang nabuhusan ng alak ang mga huwad na titulo nang matabig niya ang kopita.  Dahil malinaw pa ang pag–iisip ni Alcalde ay naging maagap ang kanyang mga kamay upang hindi magkaroon ng mantsa ang mga huwad na titulo ngunit tumalas ang tingin niya kay Alferez na pumiksi na lamang.  Tuloy, napilitang tunggain ni Alcalde ang laman ng kanyang kopita maski ayaw pa sana niya kaya hindi muna siya nagpasunod ng pangalawang tagay upang saksihan ang pagpirma naman ni Expedito Monsanto del Solamente sa mga huwad na titulo.

¡Monnzanto! ¡Realmente puede contar contigo!”  Matapos tanggapin ni Expedito Monsanto del Solamente ang pluma mula kay Alcalde ay sinimulan naman niya ang pagpipirma sa mga huwad na titulo ngunit hindi na niya isa–isang binasa pagkat halos kabisado na niya ang mga impormasyong nakapaloob doon.  Ngumiti lamang ang agrimensor nang marinig niya ang pahayag ni Alcalde habang pumipirma siya ngunit hindi siya natuwa pagkat kulang pa ang kanyang isang buwang suweldo bilang kabayaran sa dinanas niyang hirap.  At tikom ang kanyang bibig pagkat punung–puno ng hapis ang damdamin niya dulot ng pagkakasala na labag sa kanyang kalooban dahil tinakot lamang siya upang gawin ang mga huwad na titulo sa loob ng isang linggo.  Subalit huwag naman sanang manginginig ang kanyang kamay habang pinipirmahan ang limang titulo na isiningit niya pagkat nagiging dahilan din kung minsan ang matinding pangangamba upang madaling matatap ang ginagawang pangkukulaw.  Samantala, batid ni Sarhento Valeriano Guztavo dela Paz na wala siyang pipirmahan sa mga huwad na titulo ngunit pumunta pa rin siya sa opisina ni Alcalde pagkat hindi siya puwedeng tumanggi nang ipinatawag siya nito kahit matagal nang naghihimutok ang kanyang kalooban.  Lalo’t hindi man lamang nababanggit ni Alcalde ang kanyang pangalan habang ginaganap ang pirmahan gayong mahalaga rin naman ang naging papel niya sa mga titulong ginawa ng agrimensor upang mawaglit sa isip nito ang papurihan din siya.  Pero mabuti na rin ang huwag nang bigkasin ni Alcalde kung simpleng papuri rin lamang upang hindi lalong masasaktan ang kanyang kalooban dahil mas importante para sa kanya ang promosyon mula nang ipinangako ito sa kanya noon.  Baka nalimutan ni Alcalde na siya ang namuno sa pangkat ng mga soldados upang marating nila ang liblib na bahaging iyon sa kabundukan ng Sierra Madre hanggang sa natuklasan nila ang komunidad ng mga katutubong Malauegs na hindi pa narating ng kahit sinong opisyal ng pamahalaang Kastila ng Alcala.  Dahil sa pagsisikap na magampanan ng kanyang tropa ang misyon ay naibando nila sa mga katutubong Malauegs ang tungkol sa ordinansa ng pamahalaang Kastila ng Alcala matapos tawirin ang maraming ilog at tahakin ang mga mapanganib na bulaos paakyat sa kabundukan ng Sierra Madre.  Puwes, magkaroon naman sana siya ng palabra de honor sa sariling pangako tungkol sa promosyon pagkat hindi simpleng bagay ito upang gamiting dahilan para mahihikayat lamang siyang gampanan ang kanyang utos dahil malinaw na panlilinlang ito.  Hindi niya kailangan ang papuri’t alak kundi ang katuparan ng kanyang pangako upang hindi laging nagtatanong ang sarili niya kung dapat pa bang umasa siya sa promosyon kung hindi naman niya nararamdaman ang pahiwatig nito.  Sapagkat nagsisilbing katibayan ng kanyang kasipagan ang promosyon kaya naisakatuparan niya ang isang maselang misyon ngunit magiging inspirasyon naman niya sa mga susunod na operasyon habang aktibo pa siya sa serbisyo.  Kung tama ang kanyang pagbabalik–tanaw ay lasing noon si Alferez ngunit hindi niya ito nalilimutan pagkat hindi katuwiran kung ano ang naging kalagayan ng opisyal nang bigkasin din nito ang tungkol sa kanyang promosyon.  Kung naparam din kinabukasan ang pangakong ‘yon nang mahimasmasan si Alferez mula sa kanyang kalasingan ay hindi pala dapat panghahawakan ng mga soladados at ng mga guwardiya sibil ang bawat salita na sinasambit ng bibig niya pagkat wala pala siyang pala de honor¡Bien! ¡Tenemos una razon ahora! ¡A sitiar las tierras de los nativos de la Sierra Madre! ¡Esto lo demuestran los titulos de propiedad estatal! ¡En las tierras en las que viven!”  Walang gatol na nasambit ni Alcalde ang pahayag na ‘yon dahil sa sobrang kagalakan niya kahit hindi pa tapos ang pirmahan saka sinalinan ng alak ang kanyang kopita na kanina pa naghihintay upang pansinin niya.  Ngunit napasulyap nang panakaw si Expedito Monsanto del Solamente nang lingid sa kanila pagkat kabilang pala sa mga isiningit niya ang huling titulo kaya hindi na siya nagdalawang–isip pa para pirmahan ito upang sabayan ang pagtungga ni Alcalde sa kanyang kopita.  Nakatakda rin pumirma si Alferez sa mga huwad na titulo dahil siya ang responsable nang iniutos niya sa pangkat ni Sarhento Valeriano Guztavo dela Paz ang mapangahas na misyon upang tuklasin ang katotohanan sa kanyang sapantaha na may naninirahan sa kabundukan ng Sierra Madre.  Kaya nagkaroon din ng partisipasyon sa okasyon si Sarhento Valeriano Guztavo dela Paz maski wala sa mga huwad na titulo ang pangalan niya nang dumating ang turno ni Alferez dahil kailangan alalayan pa siya pagkat namumula na ang kanyang mukha.  Ngayong legal na ang mga huwad na titulo ay tiyak na marami ang magpahayag ng interes upang bumili nito na maaaring nagkakahalaga ng dalawandaang piso ang bawat isa kasama na ang notaryo at anupamang bayarin.  Gayunpaman, ang talagang pangunahing layunin ng pamahalaang Kastila ng Alcala ay gamiting ebidensiya ang mga titulo upang mapapawalang–bisa ang salitang pamana na tanging pinanghahawakan ng mga katutubong Malauegs sa pagmamay–ari sa kanilang mga lupain sa kabundukan ng Sierra Madre nang magkaroon ng dahilan para lisanin ang kanilang komunidad.  Tunay na kahabag–habag ang magiging kalagayan ng mga katutubong Malauegs dahil napaghandaan na ng pamahalaang Kastila ng Alcala ang gagawing hakbang laban sa kanila samantalang hinihintay pa lamang nila ang pahayag ng lupon ng mga matatandang Malauegs pagkat nalimutan na yata ng mga ito ang bumalangkas ng desisyon hanggang ngayon.  Walang duda na pasasalamat ang pakay ni Alcalde nang kamayan niya sina Sarhento Valeriano Guztavo dela Paz na tahimik lamang habang nag–iisip nang malalim at si Expedito Monsanto del Solamente na ngayon pa lamang ngumiti matapos tunggain ang kanyang pangatlong tagay.  Hindi naman sinasadya kung hindi nakamayan ni Alcalde si Alferez dahil nauna ang pagtungga niya sa kopita para sa kanyang panlabinlimang tagay kahit gabi–gabi ang hora feliz nila ni Alcalde na madalas tumatagal hanggang madaling–araw ngunit nananabik pa rin siya ng alak.

ITUTULOY

Tags:

No responses yet

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *