Naging dalangin na lamang nilang lahat kay Bathala na huwag na sanang magbibiro uli ang tadhana upang tuluy–tuloy ang pagdatal ng mga biyaya sa kanilang buhay pagkat malaking tulong ito para sa kanila na nagsisimula pa lamang bumangon mula sa matinding pagdurusa dahil wala nang magpapahayag tungkol sa kasaysayan ng tribung Malauegs kung maging silang nabubuhay ngayon ay maglalaho na rin sa kalupaan ng Sierra Madre.
“Apong Awallan . . . dinalhan ko po kayo ng gatas ng kambing! Ito po!” Napilitang bumangon si Lakay Awallan maski mabigat ang katawan niya pagkat madaling–araw na nang matulog siya kung hindi pa inako ni Assassi ang pagpapatulog kay Bag–aw dahil nabahala sila nang maging balisa ang sanggol ngunit malalim na ang gabi upang gisingin pa si Naga para magpasuso lamang sa kanya kaya pinakuluang tubig ang ipinainom na lamang nila sa kanya habang sinasabayan ng oyayi nang mahikayat umidlip. Kasi, kahit si Assassi na ang nagpapatulog kay Bag–aw ay gising pa rin si Lakay Awallan pagkat hindi naman napapalagay ang kanyang kalooban hanggang sa kusang tumahan din ang sanggol nang mapagod siya sa pag–iiyak ngunit madaling–araw na yata ‘yon dahil naririnig na nila ang tilaok ng mga labuyo at ang anasan ng mga kababaihang Malauegs mula sa kusina. Dahan–dahang tinungo ni Lakay Awallan ang pintuan upang harapin si Luyong na siya pala ang tumatawag mula sa labas ng kubol kahit nagambala nito ang kanyang tulog ngunit aywan kung nagawa pa rin niya ang magdasal kaninang madaling–araw nang sumagi agad sa kanyng isip ang tanong na ito dahil hindi na rin niya matandaan sanhi ng puyat. Dalawang tukil na parehong puno ng gatas ang walang pag–aatubiling tinanggap niya mula kay Luyong na naghihintay sa tangkil maski naging dahilan ito upang maantala ang pangangaso niya ngunit tutuloy pa rin siya kahit mataas na ang araw dahil tiyak na hinihintay pa rin siya ng grupo ni Tagatoy pagkat naipangako na niya ang sumunod sa kanila. Dahil talagang naging obligasyon na ng sarili ni Luyong ang ipaghanda muna ng gatas sa tuwing umaga sina Lawug at Bag–aw bago siya pumapasok sa kagubatan upang mangangaso pagkat wala namang dapat ikabahala kung tanghaliin siya dahil may grupo naman na naghihintay sa kanya kaya kahit laging inaabot ng gabi ang kanilang uwi ay masaya pa rin sila. Tamang–tama sa paggising mamaya ni Bag–aw ay puwede nang ipainom sa kanya ang gatas dahil napakuluan na yata ito dapwa hindi pa rin magawa ni Lakay Awallan ang ngumiti pagkat kalabisan na ang ginagawang pagtulong ng mag–asawang Luyong at Naga para sa apo niya ngunit totoo rin nman na talagang kailangan din niya ang tulong nila kaya hindi niya puwedeng tanggihan ito. Hanggang pasasalamat ang laging binibigkas na lamang niya at dasal upang basbasan sila ni Bathala para mananatiling malakas ang kanilang mga katwan pagkat sa ganitong paraan lamang maibabalik niya ang kanilang kabutihang–loob kaysa hahayaang mamatay sa gutom ang kanyang apo dahil pinairal niya sa sarili ang hiya ay tiyak na isusumpa siya nina Alawihaw at Dayandang. Isang inahing kambing ang nahuli ni Luyong sa pangangaso noong isang araw ngunit inalagaan na lamang niya ito imbes na katayin dahil hindi puwedeng kunan ng gatas ang dalawang kubaw pagkat sayang naman ang maraming pakinabang na maibibigay ng dalawang bagong silang na potro kung maapektuhan ang paglaki ng mga ito. Nagkataon namang naalaala niya ang kanilang bunso na si Lawug pagkat naging abala ang mga kababaihang Malauegs sa kanilang mga pananim kaya kulang ang panahon ni Naga upang magpasuso sa kanya kahit totoong kumakain na ang anak niya ngunit naghahanap pa rin siya ng gatas. dahil hindi pa siya naaawat ng kanyang inang. Naisip din niya na magagawa na ng kanyang anak na si Alba ang magsuga nang hindi nag–aalala silang mag–asawa dahil hindi naman kailangan ipastol sa labas ng komunidad ang kambing ngunit nag–iwan pa rin sila ng mahigpit na bilin dahil madaling malimutan ng kanyang panganay ang obligasyon kapag napapasali na siya sa laro. Kaya pinagtuunan ng mga kababaihang Malauegs ang pagtatanim ng mga gulay para ibenta kahit obligadong maglakad sila ng kalahating araw upang marating ang bayan ng Alcala ngunit agahan na lamang nila ang pag–alis para mahahabol pa nila ang araw ng palengke dahil may basbas na mula kay Lakay Awallan ang kanilang plano pagkat sila rin ang higit na maapektuhan kung magpatangay sila sa takot basta mag–iingat na lamang sila. Hindi naging problema nila ang pandilig maski mainit ang panahon dahil talagang tiniyak din naman ng mga kalalakihang Malauegs na dapat malapit sa ilog ang kanilang komunidad bilang pagtalima sa instruksiyon ng kanilang Punong Sugo upang hindi na magiging mahirap ang pagkukunan ng inumin at magiging madali na lamang sa kanila ang sumaglit doon para maligo kahit sa gabi. Subalit hindi pa masisimulan ng mga kalalakihang Malauegs ang pagtatanim ng palay dahil hinihintay pa lamang nila ang tag–ulan pagkat tigang ang lupa sanhi ng matinding init sa tag–araw ngunit may nakalaang binhi na mula sa mga palay na inani noong gabi bago nilisan nila ang yungib kaya nabuhos una sa pangangaso ang kanilang pansin. Tuloy, mga lamang–lupa, mga gulay at karne ang kinakain nila dahil matagal nang hindi dumadalo sa araw ng palengke ng Alcala ang mga kababaihang Malauegs mula noong huling araw nila sa dating komunidad ngunit isasabay na lamang nila sa paglalako ng mga gulay ang pagbili ng bigas kaya marami na ang nagpahayag upang samahan sila na hindi naman dapat pagtakhan pagkat sabik nang makipagkomustahan ang mga may kamag–anak sa bayan ng Alcala.
“Aba . . . umaga na pala!” Gabi–gabi, lumilipat sa kubol ni Lakay Awallan si Naga upang pasusuhin si Bag–aw at makipagkuwentuhan naman ang sadya ni Luyong habang linalambing niya ang sanggol ngunit hindi ito nangyari kagabi pagkat parehong pagod ang mag–asawa nang dumating sila sa kubol mula sa trabaho gayon man hindi ito gaanong ikinabahala ni Lakay Awallan dahil tumitikim na rin ng pagkain ang kanyang apo kahit pakunti–kunti ay sapat na para mabusog siya. Mangyari, malalim na ang gabi nang umuwi ang mga kababaihang Malauegs galing sa tumana dahil sinamantala nila ang liwanag ng buwan para maraming gulay ang mailako nila sa bayan ng Alcala habang pagod naman si Luyong pagkat sinagad na kahapon ng kanilang grupo ang pangangaso upang magpahinga muna ngayon kaya maagang natulog silang mag–anak. Gumawa na lamang ng paraan si Lakay Awallan sa tulong ni Assassi para may maipapakain sila kay Bag–aw kaysa hintayin pa si Naga nang malaman nila kay Alba na gagabihin ang kanyang inang mula sa tumana kasama ang mga kababaihang Malauegs pagkat hindi na rin tama ang mang–abala pa sila dahil hindi naman niya obligasyon upang pasusuhin ang sanggol kahit hapung–hapo na siya sa maghapong pagtatanim. Dinurog na mga prutas na pinitas ni Assassi ang ipinakain nila kay Bag–aw nang hindi na nila mahintay si Naga ngunit hindi yata nabusog ang sanggol pagkat nagising siya kahit hating–gabi na dahil mistulang naghahanap ng kanyang inang ang iyak niya kaya ayaw tumahan maski anong hele ang ginagawa nila hanggang sumayaw pa ang binatilyo para aliwin siya. Tuloy, napuyat silang dalawa pagkat tumagal ang pag–uugoy niya kay Bag–aw hanggang sumapit ang madaling–araw nang makatulugan na ng sanggol ang pag–iiyak ngunit hindi rin agad pumikit ang kanyang mga mata dahil tiniyak muna niya na mahimbing na ang tulog nito saka sinimulan na rin niya ang pagdarasal upang samantalahin ang pagkakataon. Napansin niya na laging nagigising si Bag–aw sa tuwing sumasapit ang hating–gabi kahit ayaw niyang paniwalaan ang sariling palagay na may nararamdaman ang sanggol ngunit naging pakiusap pa rin niya na sana itigil na ni Dayandang ang paggambala sa kanyang anak kung totoo ang naging hinala niya pagkat silang dalawa ni Assassi ang nahihirapan para patahanin lamang ang apo niya. Kung laging mahimbing ang tulog ng bunso ni Luyong kahit hindi siya napasuso ni Naga ay dahil kumakain na siya samantalang iba ang naging kalagayan ngayon ni Bag–aw pagkat wala na si Dayandang na taliwas noong magkatabing natutulog silang mag–inang kaya madali lamang para sa kanya ang magsuso kapag nagugutom sa gabi. Mabuti na lamang ginising ni Luyong si Lakay Awallan dahil hindi na pala niya matandaan kung nagdasal siya kaninang madaling–araw ngunit gagawin na lamang niya ito mamaya pagkatapos ang pag–uusap nilang dalawa habang mahimbing pa ang tulog ng kanyang apo upang ipakiusap na rin kay Bathala ang pagkalooban sana ng karagdagang lakas ang kanyang katawan para lumawig pa ang kanyang buhay nang magampanan pa niya ang pagpapalaki kay Bag–aw. Marahil, walang balak sumama sa pangangaso ni Assassi dahil naghihilik pa siya sa tabi ni Bag–aw sa halip na gumising nang maaga ngunit naunawaan naman ni Lakay Awallan ang sanhi pagkat parehong pinuyat sila ng kanyang apo kaninang madaling–araw ngunit balak din niya na ituloy ang pagtulog lalo’t napapadalas ang pagpupuyat niya. Dahil sumasabay na rin siya sa mga kalalakihang Malauegs pagkat nawili siya sa pangangaso mula nang makahuli siya ng baboy–ramo hanggang sa naging libangan na rin niya ito ngunit hinayaan na lamang siya ni Lakay Awallan para mahasa ang kanyang kakayahan dahil obligadong gagawin niya ito pagdating ng araw na may sariling pamilya na siya. Naging katuwiran na lamang ni Lakay Awallan ay nararapat lamang na maagang matutunan ni Assassi ang pagsisikap upang may alam na siya sa buhay kung naisin na niya ang humiwalay sa kanyang poder pagkat magkakaroon din siya ng sariling pamilya balang araw kahit wala pa sa isip niya ang pag–aasawa ngayon ngunit biglang naramdaman ng Punong Sugo ang lungkot nang magbalik sa kanyang alaala ang mga tagpo na mahirap iwaglit dahil sa mga sakripisyo na ipinamalas ng binatilyo lalo na noong nag–asawa si Alwihaw hanggng sa yungib. “Bakit nag–abala ka pa . . . ha?! Luyong?! Ipinainom mo na lang sana kay Lawug . . . ang gatas na ‘yan!” Pahiwatig ng pagtanggi ngunit hindi naman kayang bigkasin ng mga labi ni Lakay Awallan maski nagkukubli sa puso niya ang matinding hiya dahil totoong malaking kaabalahan ang maglaan pa ng gatas para kay Bag–aw si Luyong kaya pikit–matang tinatanggap na lamang niya ang inaalok na tulong nito na may kasamang pangako na tataglayin niya ito hanggang sa dako pa roon na sadyang inilaan ni Bathala para sa kanya. Sapagkat nababalam lamang ang pangangaso niya dahil naging priyoridad niya ang kalusugan ng dalawang bata sa halip na sumasabay siya sa grupo ni Tagatoy na madaling–araw pa lamang ay pumapasok na sila sa kagubatan ngunit lalong napatunayan ngayon ni Lakay Awallan ang kasabihang – hindi naghihintay ng anumang kabayaran ang ginagawa na nagbibigay ng kasiyahan sa sarili pagkat sapat na ang malaman na pinapahalagahan ito ng kanyang kapwa. Baka damdamin naman ni Luyong kung tahasang tanggihan niya ang pagmamagandang–loob nito dahil talagang kalabisan na rin ang ginagawa ng mag–asawa para kay Bag–aw ngunit wala naman siyang kakayahan upang gawin ang mga bagay na ito nang mag–isa lalo’t laging nagpaalaala ang kanyang naging katanungan noon kung paano niya gagampanan ang mga obligasyon na iniwan nina Alawihaw at Dayandang. Lalong hindi niya itinatanggi na totoong nahihirapan siya sa pag–aalaga kay Bag–aw kahit katuwang pa niya si Assassi pagkat madalas nawawaglit sa isip niya ang tungkulin ng Punong Sugo sanhi ng gabi–gabing puyat ngunit nagpasasalamat pa rin siya dahil talagang kailangan niya ang kanilang tulong maski hindi niya hayagang sinasabi ito ngunit segurado naman siya na ramdam ng mag–asawa ang tunay na saloobin niya. Sapagkat hindi na taglay ng edad niya ngayon ang lakas na mayroon siya noong sanggol pa lamang si Alawihaw kaya nakayanin niya ang pag–aaruga sa kanya kahit maliit pa lamang siya noong namatay ang kanyang inang at walang banyaga na bagabag ang dulot nang dumating sila sa bayan ng Alcala hanggang sa isinilang si Bag–aw upang ipaalam lamang yata na siya pala ang itinakda ng tadhana para alagaan siya. Kunsabagay, hindi naman habambuhay na magiging depende sila sa mag–asawang Luyong at Naga upang mabahala siya dahil tiyak na si Bag–aw naman ang magpamalas ng kabutihan sa kanila kapag kaya na niya ang tumayo sa sariling mga paa kahit matagal pa para isipin na ngayon ang tungkol dito pagkat hindi nila tangan ang kinabukasan na posibleng magpabago sa iginuhit ng tadhana.
ITUTULOY
No responses yet