IKA – 118 LABAS

Napangiti naman si Gobernador Don Vicente Eriberto Cachuela Nepomuceno habang naglalaro sa kanyang isip ang magiging kaparte niya mula sa mapagbebentahan sa mga huwad na titulo dahil nataon pa sa kanyang kaarawan ang pagsapit ng suwerte samantalang pagpapakain lamang sa mga panauhin ang naging puhunan niya sa gaganaping subastahan kaya hindi baleng naging hapunan na ang pananghalian saka muling binalingan niya si Alcalde upag kamayan nang mahigpit.  Aywan kung namalas ni Alferez ang kindat ni Alcalde dahil nagpalingus–lingos siya upang maghanap ng puwesto kahit alam niya na okupado na ang dalawang mesa hanggang sa dahan–dahang humakbang ang kanyang mga paa palayo kay Gobernador Don Vicente Eriberto Cachuela Nepomuceno ngunit hindi siya lumabas sa komedor pagkat kumaway ang kanyang naging compinche sa entrenamiento militar.  Dumeretso siya sa pangalawang mesa kung saan naroroon ang kanyang mga kapwa Alferez upang hanapan ng lunas ang kanyang gutom dahil nagtataka rin siya kung bakit ngayon pa naging matindi ang kagustuhan niyang matikman ang handa ng may kaarawan ngunit hindi na niya pinag–interesan ang nag–iisang hiwa sa bandehado pagkat mas masarap pa rin ang alak na kaagad tinanggap niya mula sa serbidor. 

            Aywan kung napansin ng mga panauhin ang magkasunod na pagpasok sa komedor nina Gobernador Don Vicente Eriberto Cachuela Nepomuceno, Alcalde at Alferez pagkat tama pala ang katuwiran ng una na tiyak madilim na kung hintayin pang matapos ang kainan dahil abala pa rin sila sa pagsubo para mabawi ang pagkabalam sa komida nang mahigit sa tatlong oras at dapat samantalahin ang grasya lalo’t taunan lamang kung dumating sa kanilang buhay ang ganitong oportunidad upang naisin pa rin nila ang bumalik sa palacio del gobernador el año siguiente.  Subalit iniwasan na lamang niya ang mag–isip ng anupaman pagkat puwede rin sisihin ang kanyang sarili dahil pinagsabay niya ang tatlong okasyon samantalang wala sanang isyu na posibleng pag–uusapan kung sa bisperas ginanap ang kanyang kaarawan at ang subastahan sa mga huwad na titulo at kinabukasan ang handaan para naman sa kapistahan ni Señor San Pedro .  Subalit pangiti–ngiti lamang si Gobernador Don Vicente Eriberto Cachuela Nepomuceno habang naghihintay na kusang mabaling sa kanya ang pansin ng mga panauhin ngunit tila wala man lamang nagtaka kung bakit tumayo siya sa pagitan ng dalawang mesa habang kumakain pa sila kaya nabahala ang hitsura ni Alcalde hanggang sa napatingin ang nagtatanong na mga maya niya sa may kaarawan.  Maya–maya, sinadya na ng Gobernador ng Cagayan ang tumikhim nang tatlong beses nang mabaling lamang sa kanya ang kanilang pansin pagkat kailangan masimulan na ang subastahan sa mga huwad na titulo para malaman niya kung sino sa kanila ang talagang desidido pa rin bumili sa mga lupain sa kapatagan ng Sierra Madre matapos dumanas ng tatlong oras na gutom dahil posibleng ito ang magiging sanhi upang magbago ang kanilang desisyon.  Bagaman, marami ang nagpahayag ng interes upang bumili sa mga huwad na titulo noong nakipag–uganayan pa lamang siya sa kanila ngunit malay ba niya kung nagbago na pala ang kanilang desisyon makaraan ang mahigit sa tatlong buwan dahil sa problema sa seguridad sa kabundukan ng Sierra Madre lalo’t may kalayuan ito mula sa bayan ng Alcala ayon sa paliwnag ni Alcalde kaya hindi magiging kataka–taka kung nagkaroon sila ng agam–agam.  Subalit pinanghahawakan pa rin niya ang katuparan sa kanilang pangako maski totoo na matatagpuan sa kapatagan ng Sierra Madre ang mga lupain na nais ipagbibili ng pamahalaang Kastila ng Alcala ngunit sa huling pagkikita nila ni Alcalde noong nanggaling ng Maynila ang huli ay napag–usapan na nila ang tungkol sa pagtatayo ng mga destacamento de tropas sa mga ubicacion estrategica.  Upang bigyan ng solusyon ang problema ng seguridad dahil kailangang tiyakin ng pamahalaang Kastila ng Alcala na may proteksiyon ang mga negosyo nila para magiging palagay naman ang kanilang mga kalooban at nang mahikayat din bumili ng mga lupain sa kapatagan ng Sierra Madre ang marami pang negosyante pagkat balak ni Alcalde ang magtatag ng bagong bayan na siya ang magiging kauna–unahang punong–bayan.  Seguro, gusto lamang inumin ni Obispo Diego Eleuterio de Soria Aduarte ang alak sa kanyang kopita ngunit husto namang naalaala niya ang tungkol sa magaganap na bentahan sa mga huwad na titulo nang matanaw niya ang mga doumento na hawak ni Gobernador Don Vicente Eriberto Cachuela Nepomuceno habang kinakausap nito ang hindi niya kilala na si Alcalde kaya matapos tunggain ang laman ng kanyang baso ay inilapag muna niya sa pinggan ang kutsara’t tinidor.  Saka pinunasan ng panyodemano ang kanyang bibig nang mapansin niya na waring naghihintay ang Gobernador ng Cagayan para tumingin sana sa kanya kahit saglit ang mga panauhin kaya natitiyak niya na may gustong ipahayag ang may kaarawan kaugnay sa gaganaping bentahan sa mga huwad na titulo pagkat sandaling nawaglit din sa kanyang isip ang totoong sadya niya sa palacio del gobernador dahil talaga namang napasarap sa katakam–takam na mga putahe ang kanyang sarili.  Sukat sa ginawa niya ay napatingin na rin kay Gobernador Don Vicente Eriberto Cachuela Nepomuceno ang lahat para pakinggan ang kanyang pahayag maski napilitan lamang sila dahil sinamantala na rin niya ang pagkakataon nang mabaling sa kanya ang mga mata nila pagkat hindi dapat maipagpaliban ang bentahan sa mga huwad na titulo kaya isang kamarera ang kanyang binulungan kanina upang itigil muna nila ang paghahain sa mga pagkain.  Mangyari, sa pakiwari ng mga kamarera ay parang isusunod na rin ng mga panauhin ang kanilang magiging almusal bukas ngunit kailan pa mauumpisahan ang subastahan sa mga huwad na titulo kung wala na palang balak tumayo ang lahat maski sandat na ang kanilang mga tiyan kaya kailangn sundin nila ang utos ng Gobernador ng Cagayan kahit kaabalahan ang dulot nito sa kanila.

            ¡Eres una falta de respeto . . . queridos invitados! ¡Discuple . . . si perturbo tu preocupacion!”  Aba!  Lalong hindi makapapayag si Gobernador Don Vicente Eriberto Cachuela Nepomuceno kung hindi siya makabenta ng kahit isang titulo man lamang hanggang sa paglubog ng araw dahil malaking pagkakamali kung ipagtabuyan pa niya ang pagdating ng suwerte pagkat maaaring hindi na siya ang Gobernador sa lalawigan ng Cagayan sa susunod na taon kaya nararapat lamang samantalahin niya ang pagkakataong ito.  Segurado, hanggang langit ang pagsisisi niya habang lulan ng galyon pabalik ng bansang España pagkat pinairal niya ang pagiging tapat sa tungkulin kaya maghanap man ng pasalubong ang kanyang limang anak ay pitaka na walang laman kahit kusing ang ipakita niya sa kanila maski kahihiyan ang dulot nito dahil walang dalang magandang alaala ang kanyang pagreretiro.  Kaya masagana ang kanyang handa ngayong taon para walang rason upang tumanggi ang mga negosyante dahil kahihiyan din naman kung bawiin pa ang kanilang mga pangako kapag sinimulan na niya ang pagbebenta sa mga huwad na titulo lalo na ang mga nanggaling pa sa lalawigan ng Bulacan pagkat sayang din ang iginugol nilang panahon sa mahabang biyahe kung magbago pa ang kanilang desisyon gayong ito naman ang talagang pakay nila.  Samakatuwid, mababawi rin ang kanyang malaking gastos nang maisip niya ang isabay sa mahalagang okasyon ang subastahan sa mga huwad na titulo upang hindi pansin na ito ang talagang layunin niya para matupad ang kanyang plano ngunit alam na rin ito ni Alcalde dahil siya mismo ang humiling ng tulong kaya ipinagkaloob niya ito nang walang pagdadalawang–isip.  Katunayan, noong binanggit sa kanya ni Alcalde ang tungkol sa mga huwad na titulo ay iniisip pa lamang niya kung kailan itatakda ang bentahan nito dahil inaalam pa lamang niya kung sinu–sinong mga negosyante ang dapat alukin hanggang sa naalaala niya ang mga kaibigan niya sa lalawigan ng Bulacan dahil anim na buwan din naging Gobernador ng Bulacan siya kaya sila ang unang tinanong niya kung gusto nilang magkaroon ng lupain sa kapatagan ng Sierra Madre.  Hanggang sa dumami pa ang mga nagpahayag ng kagustuhan upang magkaroon din ng lupain sa kapatagan ng Sierra Madre mula nang malaman nila na may ibinebentang titulo ang pamahalaang Kastila ng Alcala kaya sadyang itinakda niya sa kapistahan ni Señor San Pedro ang subastahan nito pagkat sayang din naman ang magiging pakinabang niya rito maski sumabay pa ito sa kanyang kaarawan para minsanan na lamang ang handa.  Sapagkat marami ang mga nagpahayag ng interes upang magkaroon ng mga lupain sa kapatagan ng Sierra Madre kahit hindi pa niya hawak noon ang mga huwad na titulo na inaalok niya ay umaasa pa rin siya na hindi nagbago ang kanilang desisyon kahit nasa isip niya ang pagdududa makaraan ang mahigit sa tatlong buwan na paghihintay sa takdang araw ng bentahan.  Saka pa lamang inilapag ng mga honroso ang mga kutsara’t tinidor na hawak nila ngunit hindi pa rin nila napigilan ang tumungga ng alak upang pawiin ang sunok dahil sa dami ng kinain nila at pinunasan ng panyodemano ang latak ng mantika sa kanilang mga labi habang inihahanda naman ni Gobernador Don Vicente Eriberto Cachuela Nepomuceno ang mga huwad na titulo matapos basahin ang ilan dito.  Marahil, hindi pa batid ng mga damas malvadas ang tungkol sa gaganaping bentahan sa mga huwad na titulo dahil kumunot ang mga noo nila nang makita ang mga dokumento na hawak ni Gobernador Don Vicente Eriberto Cachuela Nepomuceno habang nagpapaliwanag siya ngunit may dulot namang kabutihan ito pagkat natahimik ang lahat nang matigil ang kanilang mapag–aglahing kuwentuhan na parating patungkol kay Prinsesa Imurung.  Kagyat umiral ang katahimikan nang hindi kumibot ang kanilang mga bibig sa halip na magiging masigla dahil busog sila ngunit inaamin din naman nila na talagang hindi madalumat ng kanilang malabnaw na utak ang sanhi kung bakit inabala ang kanilang komida lalo’t sinisimulan na rin ng mga kamarera ang pag–uurong sa mga pagkain sa mesa para tiyakin na mabibigyan ng pansin ng mga panauhin ang paliwang ng Gobernador ng Cagayan.

ITUTULOY

Tags:

No responses yet

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *