ANG ALAMAT NI BAG–AW
ni
RAMON VELOS PADRILANAN
(MAY–AKDA)
31 January 2014
PAGLILINAW AT PAALAALA
Ang mga pangalan ng mga tauhan at ang mga pook na binabanggit sa nobelang: “ANG ALAMAT NI BAG-AW” ay pawang kathang–isip lamang ng may akda. Anuman ang pagkakatulad sa mga pangalan at mga pook ay nagkataon lamang at hindi sinasadya.
Maliban ang pahapyaw na pagtalakay sa kasaysayan ng bayan ng Alcala at ng lalawigan ng Cagayan dahil masusing sinaliksik at sinuri ng may akda ang katotohanan tungkol dito sa pamamagitan ng GOOGLE.
Bukod pa ang kahalagahan upang banggitin ang kaugnayan ng dalawang bayan [Alcala at Tuguegarao] sa nobelang: ANG ALAMAT NI BAG–AW noong panahon ng Kastila sa lalawigan ng Cagayan.
Nagpapasalamat naman ang may akda sa MERRIAM WEBSTER’S SPANISH–ENGLISH/ ENGLISH-SPANISH DICTIONARY. Lalung-lalo na kay REVEREND LEO JAMES ENLISH [C.Ss.R.] ang may akda ng TAGALOG–ENGLISH DICTIONARY. Karamihan sa mga salitang Tagalog na matutunghayan sa nobelang: “ANG ALAMAT NI BAG-AW” ay halaw mula sa kanyang TAGALOG-ENGLISH DICTIONARY.
Mahigpit na ipinagbabawal ng may akda ang pagsasapelikula sa: “ANG ALAMAT NI BAG-AW” o pagsasadula sa alinmang bahagi ng nobela. At pagsipi sa alinmang pahina sa bawat kabanata ng nobelang: “ANG ALAMAT NI BAG-AW” upang gamitin sa anumang layunin nang walang pahintulot mula sa kanya. Mahigpit din ipinagbabawal ang anumang kaparaanan sa paglilimbag upang magkaroon ng sariling kopya ang sinuman ngunit posibleng malabag naman ang karapatan ng may akda.
Dapat malaman ng lahat na isang krimen ang plehiyo [plagiarism] ayon sa isinasaad sa batas. Kaya huwag sanang pangangahasan ng sinuman ang maglimbag ng nakaw na akda upang palabasin na kanyang OBRA MAESTRA ang: “ANG ALAMAT NI BAG-AW”.
Dumaan sa malalimang pagbabalangkas na gumugol ng maraming taon [mula 31 January 2014] ang nobelang: “ANG ALAMAT NI BAG-AW” dahil sa layuning mapaganda at magiging kapana–panabik ang bawat kabanata ng istorya bago ito inilathala.
Lubos na nagpapasalamat at gumaglang.
RAMON VELOS PADRILANAN
MAY AKDA
TRANSLATIONS
[SPANISH – TAGALOG]
“¡Buenas tardes . . . querido Obispo! ¡Y feliz fiesta del Señor San Pedro! ¡Muchas gracias por aceptar mi invitacion! ¡Por favor entra . . . !”
[Magandang tanghali po . . . mahal na obispo! At . . . maligayang kapistahan po ni Señor San Pedro! Maraming salamat dahil pinaunlakan po ninyo . . . ang aking imbitasyon! Tuloy po kayo . . . !]
“A todos pido dispensa! Si sabes mi llegada . . . Goberador!”
[Sa inyong lahat . . . humihingi ako ng dispensa! Kung nabalam . . . ang pagdating ko . . . Gobernador?!]
“¡Eso no es nada . . . querido Obispo! ¡Lo importante . . . es que vengas!”
[Walang anuman po ‘yon . . . mahal na obispo! Ang importante . . . dumating po kayo!]
“¡Mi queridos invitados . . . aplaudamos al Obispo Diego Eleuterio de Soria Aduarte! ¡Porque acepto nuestra invitacion! ¡Es un honor . . . para todos nosotros! ¡Si! ¡Incluso solo una vez al ano! Si nos visita su majestad el Obispo Diego Eleuterio de Soria Aduarte! ¡Causa de su problema!
[Mga minamahal kong panauhin . . . palakpakan natin . . . si Obispo Diego Eleuterio de Soria Aduarte! Sapagkat pinaunlakan niya . . . ang ating paanyaya! Isang karangalan ito . . . para sa ating lahat! Oo! Kahit . . . minsan lang sa isang taon! Kung dalawin tayo ng kanyang kabunyian . . . Obispo Diego Eleuterio de Soria Aduarte! Sanhi ng kanyang kaabalahan!]
“!Feliz cumpleaños este año . . . Gobernador! ¡Muchos han venido a felicitarte! ¡Feliz cumpleaños . . . Gobernador!”
[Masaya ang kaarawan mo ngayong taon . . . Gobernador! Marami ang dumating . . . upang batiin ka! Maligayang kaarawan . . . Gobernador!]
“¡Queridos invitados . . . la mesa esta lista! ¡Vamos! ¡Compartamos lo que preparamos . . . para la fiesta del Señor San Pedro!”
[Mga minamahal kong panauhin . . . handa na ang mesa! Halikayo! Pagsaluhan natin . . . ang aming inihanda . . . para sa kapistahan ni Señor San Pedro!]
“Muchas gracias . . . Gobernador!”
[Maraming salamat . . . Gobernador!]
“¡Ofrezcamos primero una oracion . . . al Señor! ¡Como gracias a el! ¡Por las bendiciones . . . que tenemos aqui frente a nosotros! ¡Y . . . al Señor San Pedro . . . cuya fiesta celebramos . . . hoy! !En el nombre del Padre . . . !”
[Mag–alay muna tayo ng dasal . . . sa Panginoon! Bilang . . . pasasalamat natin sa kanya! Dahil sa mga biyayang naririto . . . sa ating harapan! At . . . kay Señor San Pedro na ipinagdiriwang natin ngayon . . . ang kanyang kapistahan! Sa ngalan ng Ama . . . !]
. “¡Señor . . bendiga las bendiciones que estan aqui ante nosotros! ¡Para que . . . la gracia que posee sea agradable . . . a nuestros cuerpos!”
[Panginoon . . . basbasan po ninyo ang mga biyayang naririto . . . sa aming harapan! Upang magiging kalugud–lugod . . . sa aming mga katawan . . . ang grasyang taglay nito!]
“¡Te damos gracias por Cristo . . . uestro Señor!”
[Nagpapasalamat kami sa ‘yo . . . sa pamamagitan ni Kristo . . . ang aming Panginoon!]
“¡Amen!”
“¡Oh! . . . Alcalde! ¿Por que no has venido con nosotros todavia? ¿Hay algun problema? ¿Eh?” [O . . . Alcalde! Bakit hindi ka pa sumabay sa amin . . . may problema ba . . . ha?!]
“¡Sin . . Gobernador! ¡Teniente y yo estabamos hablando! ¡Si!”
[W–Wala . . . Gobernador! Nag–uusap lang kami ni Teniente. . . Oo!]
“¡Oh! ¿Como hablamos . . . eh? ¿Alcalde? ¿Estas listo? ¿Eh?”
[O! Paano . . . ang napag–usapan natin . . . ha?! Acalde?! Handa ka na ba. . . ha?!]
“¡Si . . . Gobernador! ¡Si! ¡Verdad . . . aqui estan los titulos! ¡Leelo! Para creerme! ¡Alla!”
[Oo . . . Gobernador! Oo! Katunayan . . . heto na ang mga titulo! Basahin n’yo . . . para maniwala kayo sa akin! Hayan!]
“¡Mmm . . . bien! ¡Ven y que comience la subasta! ¡Date prisa . . . Alcalde!”
[Hmmm . . . mabuti naman! Halika . . . upang masimulan na ang subastahan! Dalian mo . . . Alcalde!]
“¡Eres una falta de respeto . . . queridos invitados! ¡Discuple . . . si perturbo tu preocupacion!”
[Mawalang galang na lamang . . . mga minamahal kong panauhin! Ipagpaumanhin ninyo . . . kung nagambala ko ang inyong kaabalahan!]
“¡Lo estoy sosteniendo ahora . . . los titulos de los terrenos ubicados . . . en el municipio de Alcala! ¡El gobierno de Alcala esta listo . . . para subastar estos titulos! ¡Y como te prometi! ¡Por supuesto que eres una prioridad . . . si quieres tener un terreno alli! ¡Porque el gobierno de Alcala . . . construira la civioizacion alli! ¡Con tu ayuda!”
[Hawak ko ngayon . . . ang mga titulo sa mga lupain na matatagpuan . . . sa munisipalidad ng Alcala! Handang isubasta ng pamahalaan ng Alcala . . . ang mga titulong ito! At. . . tulad ng ipinangako ko inyo! Siyempre priyoridad kayo . . . kung nais ninyong magkaroon ng lupain doon! Sapagkat itatayo ng pamahalaan ng Alcala . . . ang sibilisasyon doon . . . sa tulong ninyo!]
“¡Pretendo tener una hacienda . . . en las llanuras de la Sierra Madre! ¡Entonces necesito un terreno amplio. . . Gobernador Nepomuceno!”
[Balak ko sana . . . ang magkaroon ng hacienda roon! Kaya malawak na lupain . . . ang kailanganin ko . . . Gobernador Nepomuceno!]
“¡Seguro . . . apto para construir hacienda . . . este titulo! ¡Don Flavio! ¡La superficie de este terreno es de veinte hectareas . . . leelo!”
[Seguro . . . nababagay pagtayuan ng hacienda . . . ang titulong ito! Don Flavio! Dalawampung ektarya ang lawak ng lupaing ito . . . basahin mo!]
“¿Es apto para hacer arrozales . . . las tierras alli? ¿Eh? ¿Gobernador Nepomuceno?!”
[Angkop ba upang gawing palayan . . . ang mga lupain doon?! Ha?! Gobernador Nepomuceno?!]
“¡Si . . . camaradas! Incluso otros cultivos! ¡Tambien se aplica a los terrenos cubiertos por este titulo! ¡Consiguelo . . . camaradas!
[Oo . . . compadre! Maging . . . ang iba pang pananim! Angkop din . . . sa lupaing saklaw ng titulong ito! Kunin mo na . . . compadre!]
“Nuestros planes de grupo . . . construir una capilla en las llanuras de la Sierra Madre! Para el Senor San Jose!”
[Balak ng aming grupo . . . ang magpatayo ng kapilya roon! Gobernador! Para . . . kay Señor San Jose!]
“¡Por que! ¡Tu plan es bueno . . . querido Obispo! ¡Puwes . . . continuare mi plan! ¡Comprar terrenos en las llanuras de la Sierra Madre! ¡Para mi . . . hermosa esposa!”
[Aba! Maganda po ang plano ninyo . . . mahal na Obispo! Puwes! Itutuloy ko na rin . . . ang balak ko! Upang bumili ng lupa roon . . . para sa aking hermosa esposa!]
“¡Si! ¡Para que no sea un problema para el . . . la adoracion! ¡Cuando alli habia . . . una capilla! ¡No preguntaste . . querido Obispo! ¡Mi marido es religioso . . . si! ¡La Princesa Imurung tiene la costumbre . . . de escuchar la misa . . . todos los dias! ¡Si!”
[Oo! Upang hindi na magiging problema pa niya . . . ang pagsisimba! Kapag . . . nagkaroon na ng kapilya roon! Hindi po ninyo naitatanong! . . . mahal na obispo! Relihiyosa po ang aking esposa . . . opo! Nakaugalian na po . . . ni Prinsesa Imurung! Ang makinig sa misa . . . araw–araw! Opo!]
“¿Te refieres a . . . Gobernador del Prado? ¿Mantengase alejado de Batanes . . . su esposa? ¿Esta bien . . . mi entendimiento? ¿Eh?”
[Ibig mong sabihin . . . Gobernador del Prado?! Ilalayo mo sa Batanes . . . ang ‘yong hermosa esposa?! Tama ba . . . ang pagkakaintindi ko?! Ha?!]
“¿Por que? ¿Eh?”
[Bakit naman . . . huh?!]
“¡Tienes razon . . . Gobernador Nepomuceno! ¡Gobernador Marasigan! ¡Para que el estado de animo de la Princesa Imurung . . . . sea pacifico! ¡La unica mujer . . . en mi vida! ¡Batanes debe estar asaltando! ¡Y . . . todos ustedes lo saben! ¿No lo es?”
[Tama kayo . . . Gobernador Nepomuceno! Gobernador Marasigan! Para . . . magiging matiwasay naman ang kalooban ni Prinsesa Imurung! Ang nag–iisang babae . . . sa aking buhay! Mangyari . . . laging binabagyo ang Batanes! At . . . alam ninyong lahat ‘yan! Hindi ba?!”
“¡Se nos hace dificil . . . a cruzar Cagayan! ¡Cuando el clima es malo! ¡El oceano esta demasiado agitado! ¡Y . . . tampoco me quedare mucho tiempo . . . en la provincia de Batanes!”
[Nagiging mahirap sa amin . . . ang tumawid ng Cagayan! Kapag . . . masama ang panahon! Masyadong maalon . . . ang karagatan! At hindi rin naman ako magtatagal . . . sa probinsiya ng Batanes!]
“¡Pooh! El terreno en este titulo es perfecto . . . para usted y su esposo! ¡Gobernador del Prado! ¡Cerca del rio! ¡Si! ¡Cruza ese rio . . . la tierra en el titulo de Obispo Aduarte! ¡Asi sera facil . . . para tu amada esposa ir a la iglesia! ¡Incluso todos los dias! ¡Aqui!”
[Puwes! Tamang–tama sa inyong mag–asawa . . . ang lupain sa titulong ito . . . Gobernador del Prado! Malapit pa sa ilog . . . Oo! Tawid ng ilog na ‘yan . . . ang lupa sa titulo ni Obispo Aduarte! Kaya magiging madali na lamang . . . sa mahal mong esposa ang magsimba . . . araw–araw! Aqui!]
“¡Solo un momento . . . Gobernador Nepomuceno! ¿Como es nuestra seguridad alli? ¿Lo que quiero decir es . . . para el fraile destinado alli?”
[Sandali lang . . . Gobernador Nepomuceno! Paano ang . . . seguridad namin doon?! Ang ibig kong sabihin . . . para sa prayle na madedestino roon?!]
“¡Eso es lo que estoy pensando yo tambien . . . Gobernador Nepomuceno! ¡Los nativos podrian molestarnos! ¡Debe haber soldados en la zona! ¡Para cuidarnos!”
[’Yan din ang iniisip ko . . . Gobernador Nepomuceno! Baka . . . guluhin kami ng mga katutubo! Dapat . . . may mga soldados doon upang bantayan kami! Habang . . . hindi pa namin naisasaayos ang lahat!]
“¡Los soldados asignados alli seran permanentes! ¡Si! ¡Hasta que la civilizacion se establezca en ese lugar! ¡A veces . . . tambien visitare las llanuras de la Sierra Madre! ¡Para conocer el estado de seguridad alli!”
[Magiging permanente . . . ang mga soldados na itatalaga roon! Oo . . . hanggang sa maitatag ang sibilisasyon! Paminsan–minsan . . . . dadalawin ko rin ang pook na ‘yon! Upang alamin . . . ang estado ng seguridad doon!]
“No te preocupes! Mañana tambien . . . arrancara el gobierno de Alcala . . . la construccion del destacamento de tropas en las llanuras de la Sierra Madre! Porque es necesario . . . para darte proteccion! Si! Ademas de tus posesiones!”
[Huwag kayo mag–aalala! Bukas din . . . sisimulan ng pamahalaang Kastila ng Alcala . . . ang konstruksiyon ng cuartel general . . . sa lugar na ‘yon! Sapagkat kailangan ito . . . upang bigyan kayo ng proteksiyon! Oo! Pati na rin . . . ang inyong mga ari–arian!]
“¿Como pagar el titulo . . . eh? ¿Gobernador Nepomuceno?”
[Paano ang bayaran nito . . . ha?! Gobernador Nepomuceno?!]
“¡Solo cincuenta pesos . . . el metro cuadrado! ¡Don Flavio! ¡El pago puede retrasarse! ¡Simplemente no excedas una semana! ¡Si!”
[Basta . . . cincuenta pesos cada metro cuadrado . . . Don Flavio! Maaaring mahuhuli na muna ang bayad . . . huwag lamang lalampas ng isang linggo!]
“¡Pero los titulos se los pueden llevar a casa! ¡Despues de todo . . . tienen notario! ¡Solo necesitas estar dado de alta en el . . . tasador municipal de Alcala! ¡Los titulos!”
[Pero . . . puwede nang iuwi . . . ang mga titulo! Tutal . . . may notaryo na ang mga ‘yan! Kailangan lamang . . . maiparehistro ninyo! Sa tasador municipal ng Alcala . . . ang mga titulong hawak ninyo!”
“¡Realmente es tu culpa! ¡San . . . tienes los titulos vendidos! ¡Si tan solo me hubieras incluido! ¿Cual es la razon? ¿Entonces te niegas a aceptarme? ¿Eh? ¡Mientras que todos los años . . . asistimos los dos al cumpleaños del Gobernador de Cagayan! ¿Porque me hiciste esto ahora? ¡Seguro . . . que tienes un amante! ¡Y estuvo contigo antes en el palacio del gobernador! ¡No mientas porque yo tambien descubrire la verdad por Zafio! ¡Si!”
[Talagang . . . kasalanan mo ito! Sana . . . nakubra mo na ang pinagbentahan sa mga titulo! Kung . . . isinama mo lang ako! Ano ba ang dahilan . . . kaya tumanggi kang isama ako?! Ha?! Samantalang . . . taun–taon naman! Dalawa tayo . . . ang dumadalo sa kaarawan ng Gobernador ng Cagayan! Bakit nagawa mo ito . . . sa akin ngayon?! Seguro . . . may kalaguyo ka! At siya ang kasama mo kanina . . . sa palacio del gobernador! Huwag kang magsisinungaling . . . dahil malalaman ko rin kay Zafio . . . ang totoo!]
No responses yet