IKA – 143 LABAS

Upang malaman niya kung sino ang sang–ayon at ang tutol magkaroon ng cedula kahit kinokonsidera niya ang kahalagahan nito para sa mga kababaihang Malauegs bilang proteksiyon sa kanilang mga sarili maski kagabi pa bumaba ang grupo na nakatakda maglako ng mga gulay ngayong araw ng palengke sa bayan ng Alcala pagkat hindi dapat matigil ang hanapbuhay na tanging inaasahan nila.  Maya–maya, lumakad na papunta sa hapag si Lakay Awallan dahil siya na lamang ang hinihintay upang masisimulan na ang almusal ngunit hindi pa yata gising si Bag–aw pagkat si amang Assassi ang sumabay sa kanya kahit bihira rin kung dumalaw sa kanya ang huli lalo’t nasa dulo ng komunidad ang kubol nito kasama ang anak na mas gusto pa ang bumaba sa bayan ng Alcala kaysa pumirmi sa kaniloang kubol.  Mula nang mag–asawa si amang Assassi hanggang sa nabiyudo na lamang siya ay naging mailap na ang loob niya sa kapwa kung hindi pa kailangan ang dumalo siya sa pulong na ipinatawag ni Lakay Awallan dahil buhos din sa pangangaso ang kanyang panahon sa halip na makisalamuha sa mga kalalakihang Malauegs para umiwas sa gulo pagkat laging nagiging paksa sa usapan ang kanyang kaisa–isang anak na nagbibigay ng problema sa kanilang komunidad.  Maagang naulila ang nag–iisang anak ni amang Assassi na kilala sa pangalang Ulep nang mamatay ang kanyang inang Massissit sanhi ng panganganak na labis namang ipinagluluksa hanggang ngayon ng kanyang amang ngunit naapektuhan siya nang magbago ang pananaw nito sa buhay kaya hindi rin puwedeng sisihin kung naging madalas ang punta niya sa bayan ng Alcala pagkat ito ang paraang alam niya upang libangin ang sarili kaysa maiwang nag–iisa sa kubol.  Malayo pa lamang si Lakay Awallan ay nag–uunahan nang lumapit sa kanya ang mga kabataang Malauegs upang magmano pagkat madalang din ang araw na dumudulog siya sa almusal dahil hinahatiran na lamang siya ng pagkain imbes na hinahayaan pang maglakad siya papunta sa hapag lalo na kung walang sumasabay sa kanya para alalayan siya.  Tumayo rin sina amang Tagatoy at amang Luyong upang ihatid si Lakay Awallan sa kanyang puwesto ngunit si amang Assassi pa rin ang katabi niya pagkat hindi naman nakapagtataka kung tulog pa hanggang ngayon si Bag–aw dahil napuyat siya sa paghihintay ng antok kaya naglaan na lamang ng pagkain para sa kanya ang mga kababaihang Malauegs sa kahilingan na rin ng Punong Sugo.  Pagkatapos, isa–isang tinungo nila ang batya na laging inihahanda ng mga kababaihang Malauegs para maghugas muna ng mga kamay bago humawak sa pagkain maliban kay Lakay Awallan pagkat si amang Assassi na ang tumayo upang magkadlo ng tubig gamit ang hungot na paghinawan niya dahil talagang kamayan lamang habang kumakain sila.  Siyempre, dapat madasalan muna ni Lakay Awallan ang mga pagkain para magiging kalugud–lugod sa kanilang mga katawan ang taglay na grasya nito lalo’t kailangan nila ang kumain nang marami dahil tiyak na magtatagal hanggang mamayang tanghali ang pulong kung marami ang magpahayag ng kanilang mga saloobin ngunit katanungan naman kung kayanin ba ni Bag–aw ang dumalo sa miting pagkat mahimbing pa rin ang tulog niya.  Masaya ang tanawin habang sabay–sabay na kumakain ang mga katutubong Malauegs dahil hindi naman ibinabatay sa uri ng pagkain ang kaginhawaan kundi ang kahalagahan nito sa kanilang mga buhay maski salat sila sa mga bagay na sa bayan ng Alcala lamang natatagpuan pagkat pangangaso at pagtatanim ng mga gulay ang ikinabubuhay lamang nila sa kabundukan ng Sierra Madre.  Walang duda na nabusog silang lahat pagkat naging masagana ang kanilang almusal lalo’t karne ng papaw, inihaw at dinuguan mula sa pagil ang ulam nila dahil sa kasipagan naman ng mga kalalakihang Malauegs kahit totoong maingay ngunit ito naman ang nagpapasaya sa kanila kaya napapangiti si Lakay Awallan habang ninanamnam niya ang kaldo mula sa pinalalambot na karne ng libay.  Seguro, mamayang tanghali pa ihahain ng mga kababaihang Malauegs ang karne ng libay dahil tuluy–tuloy pa rin ang pagpapakulo nila rito hanggang sa matapos ang pulong pagkat sa hapag na rin ito gaganapin upang wala nang babalik pa sa kani–kanilang mga kubol para matapos din ngayong araw ang pagtatalakay nila tungkol sa cedula na naging dahilan ng puyat ni Bag–aw.  Baka hindi na naman titikim ng pagkain mamayang pananghalian si Lakay Awallan kung kuntento na siya sa sabaw ngayon pagkat ito ang madalas ginagawa niya dahil mas mahalaga para sa kanya ang mga kabataang Malauegs kaya naging pangako niya sa sarili na walang kailangan ang magsakripisyo siya basta huwag lamang mararanasan nila ang gutom.  Kagalakan ng kanyang puso ang nakikitang masaya sila habang pinagsasaluhan ang mga biyaya ng kalikasan kahit paulit–ulit na lamang ang kanilang kinakain ngunit naniniwala siya na mapapalad pa rin silang namumuhay sa kabundukan ng Sierra Madre pagkat hindi nawawalan ng pagkain ang kanilang hapag kaysa mga naninirahan sa bayan ng Alcala dahil binibili ang lahat nang mga pangangailangan nila.  Pero lagi namang may inilalaan para sa kanya ang mga naaatasan sa kusina upang may maihahain sila sakaling maghahanap siya ng pagkain dahil sila naman ang mananagot kung may nangyaring masama sa kanya kapag binalewala nila ang mahigpit na bilin ng magkapatid na amang Tagatoy at amang Luyong pagkat nag–iisang matanda na lamang siya sa tribung Malauegs.  Sa awa naman ni Bathala ay hindi pa naratay sanhi ng anumang karamdaman si Lakay Awallan kahit salabat lamang ang iniinom niya sa tuwing umaga pagkatapos ang kanyang dasal sa madaling–araw ngunit hindi naman puwedeng ipagkaila ang katotohanan na humihina na rin ang kanyang katawan dahil sa katandaan na hindi puwedeng pigilin.

             Marahil, unti–unti nang nawawala ang gana ni Lakay Awallan sa pagkain habang tumatanda siya dahil ilang subo lamang ay tila busog na siya lalo na kung nauna ang paghigop niya sa mainit na salabat samantalang wala namang nakukuhang sustansiya mula sa pinakuluang luya ang kanyang katawan kaya tinitiyak naman ni Bag–aw na laging may mga prutas ang kanilang kubol upang may makakain siya kapag nagparamdam sa kanya ang gutom.  Katunayan, kagabi lamang naging masigla si Lakay Awallan habang kumakain dahil sa sabaw ng papaw ngunit hindi sa lahat nang pagkakataon ay ganito ang ulam na pinagsasaluhan nila sa hapag pagkat lubhang delikado ang kagubatan kung masama ang panahon kaya walang kalalakihang Malauegs ang nangangahas mangangaso hanggang sa muling kumalma ang panahon.  Pagtalima na rin sa mahigpit na bilin ni Lakay Awallan dahil marami–raming kalalakihang Malauegs din ang hindi na nakauwi noong naroroon pa sa lumang komunidad ang tribung Malauegs matapos pangahasan nila ang pumasok sa kagubatan para mangangaso maski kalakasan ang bagyo kaya ipinapairal pa rin niya ang patakarang ito hanggang ngayon kahit naging katuwiran pa nila na ilang sandali lang naman ang itinatagal ng masamang panahon.  Nararapat lamang na laging malusog ang katawan ni Lakay Awallan pagkat sa kanya humuhugot ng lakas at inspirasyon ang mga katutubong Malauegs partikular ang mga kalalakihang Malauegs dahil nakasalalay sa kanya ang katatagan ng tribung Malauegs bilang Punong Sugo kaya kailangan pangalagaan nila ang kanyang kalagayan.  Ipinamamalas sa pagkatao ng Punong Sugo ang tunay na kalagayan ng tribung Malauegs pagkat siya ang pundasyon na hindi dapat gumuho sa hampas ng matinding pagsubok dahil siya ang larawan ng tagumpay at kabiguan, kasayahan at kalungkutan ng mga katutubong Malauegs habang namumuhay sila sa kabundukan ng Sierra Madre.  Siya ang gabay ng mga katutubong Malauegs sa pamamagitan ng pagpapalabas ng mga kautusan para sa kabutihan nilang lahat kaya sinusunod nila ito nang buong katapatan lalo na sa panahon ng kagipitan pagkat itinuturing nila na batas ang bawat salita ng Punong Sugo dahil sa paniniwala na siya ang pinili ni Bathala upang pamumunuan ang kanilang tribu.  Sapagkat naniniwala ang mga katutubong Malauegs na mga salita mula kay Bathala ang binibigkas ng kanilang Punong Sugo kaya walang naglalakas–loob upang suwayin ang kanyang kapasyahan maski ang subuking kuwestiyunin man lamang ito dahil tiyak na hindi rin sila ipapahamak nito.  Bagaman, hindi pa nila nararanasan ang kagipitan magbuhat nang lumipat sila sa pusod ng kagubatan ngunit posibleng mangyayari na ito ngayong natuklasan na ang kanilang bagong komunidad makaraan ang mahigit sa dalawampung taon na pagtatago kaya tiyak hindi na naman magkakaroon ng kapayapaan ang kanilang mga kalooban dahil muling gagambalain ng balais ang kanilang pagtulog sa gabi.  Talagang nakapanlulumo nang mawalan ng saysay ang kanilang pagsisikap para panatilihin sana sa paniniwala ng pamahalaang Kastila ng Alcala na wala nang tribung Malauegs ang namumuhay pa sa kabundukan ng Sierra Madre matapos sapitin nila ang malagim na pangyayari sa lumang komunidad upang hindi na sila muling guguluhin pa ng mga soldados.  Naging kaugalian na ng tribung Malauegs ang sabay–sabay kumakain sa iisang hapag upang nakikita ni Lakay Awallan kung sino ang wala para magiging madali na lamang sa kanya ang alamin kung bakit hindi siya dumulog sa pagkain kaysa balewalain ang kanyang hindi pagdalo maliban na lamang kung nangangaso siya ay talagang malinaw ang dahilan kung bakit hindi siya sumalo sa kanila.  Kahit minana lamang nila ang kaugalian na sama–samang kumakain sa isang hapag ngunit ipinagpatuloy pa rin nila ito dahil nagbibigay ng sigla ang makasalo nila ang Punong Sugo lalo’t binabasbasan muna niya ang mga pagkain upang tiyaking magiging katanggap–tanggap ito sa kanilang mga katawan pagkat walang pagamutan sa kagubatan ng Sierra Madre kung magkasakit sila.  Halimbawa ang almusal kaninang umaga pagkat marami ang nagsilapit sa hapag para pagsaluhan ang inihandang agahan ng mga kababaihang Malauegs matapos basbasan ni Lakay Awallan ang mga pagkain upang pasalamatan si Bathala pagkat siya ang may kaloob sa mga biyayang ito kaya ramdam ng bawat isa ang walang–kahulilip na kasiyahan sa tuwing sinusubuan ang kanyang sarili habang sinasabayan ng mga kuwentuhan, halakhakan at tuksuhan na lalong nagpapasarap sa mga pagkain hanggang sa kusang umaayaw na lamang sila dahil sa sobrang kabusugan.  Tuloy, pansamantalang nawawaglit sa mga kaisipan ng mga katutubong Malauegs ang kanilang mga problema tulad ng cedula habang kumakain sila pagkat laging sagana sa iba’t ibang ulam ang kanilang hapag sanhi ng kasipagan ng mga kalalakihang Malauegs dahil isinasabay nila ang pangangaso sa paglabas ng mga gutom na hayop mula sa mga lungga sa tuwing lumilipas ang bagyo sa kabundukan ng Sierra Madre.

            “Nagsimula na ba . . . ang pulong?!”  Seguro, naging mahimbng pa rin ang tulog ni Bag–aw kahit madaling–araw na nang matulog siya kaya maliwanag na ang paligid nang bumangon siya hanggang sa nasambit niya na maaaring siya na lamang ang wala sa pulong pagkat nauulinigan niya ang ingay mula sa hapag gayong siya mismo ang nagmungkahi kay Lakay Awallan upang gawin ito ngayong umaga.

ITUTLOY

Tags:

No responses yet

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *