IKA – 3  LABAS

Bakasakali itatama niya ang maling kaugalian ng mga katutubong Malauegs ng Calantac upang magkaroon ng katibayan ang pagmamay–ari sa mga luapin na kanilang tinitirhan sa loob ng maraming taon bago nagkaroon ng pamahalaang Kastila ang bayan ng Alcala para mamulat sila sa tamang proseso.

Nakipag–ugnayan muna sa agrimensor si Alferez sa halip na pumunta sa kanyang opisina upang unahin ang lunas ng kanyang nanunuyong lalagukan pagkat hindi puwedeng suwayin si Alcalde dahil lamang hindi siya inalok nito ng inuman.  Sapagkat tiyak na makikinabang din naman siya kapag nagiging positibo ang resulta kaugnay sa gagawin niyang pagsisiyasat sa mga lupain ng mga katutubong Malauegs ng Calantac dahil sayang naman ang kanyang pagod kung wala pala siyang bahagi rito.  Bagaman, maliit lamang ang komunidad ng Calantac ngunit mas angat ang pamumuhay ng mga naninirahan doon kung ikumpara ang mga katutubo sa kabundukan ng Sierra Madre pagkat malaking bentaha ang pagiging kanaik lamang ng kanilang pamayanan ang bayan ng Alcala na limang kilometro ang layo.  Si Lakay Lumbang ang kinikilala na Punong Sugo ng mga katutubong Malauegs sa komunidad ng Calantac bago pa man itinatag ang pamahalaang Kastila ng Alcala ngunit marami–rami na sa kanyang nasasakupan ang nahikayat ng mga prayle upang magpabinyag pagkat hindi rin naman niya hinadlangan ang kanilang kagustuhan.  Sapagkat sa bayan ng Lal–lo nagsisimba noon ang mga katutubong binyagan sa komunidad ng Calantac dahil wala pang sariling simbahan ang bayan ng Fulay kahit naitatag na ang gobierno revolucionario noong 1789 kaya madaling–araw pa lamang ay sinisimulan na nila ang caminata para makadalo lamang sa misa.  Dahil iniluklok noon sa bayan ng Lal–lo ang diosesis ng Nueva Segovia sa panahon ni Obispo Miguel Benavides hanggang sa pinalitan siya ni Obispo Diego de Soria ay obligadong pumunta roon upang dumalo sa misa ang lahat nang mga katutubong binyagan mula sa bayan ng Fulay kahit totoong malaking kaabalahan ito para sa kanila.  Panahon ni Obispo Diego Aduarte nang mailipat sa bayan ng Tuguegarao mula sa bayan ng Lal–lo ang diosesis ng Nueva Segovia noong 1839 makaraan ang pitumpung taon buhat nang maging ganap na bayan ang pueblo Fulay na ang bagong pangalan ay bayan ng Alcala kaya itinayo ng mga prayle ang simbahan ni Santa Filomena para hindi na darayo pa ang mga katutubong binyagan.  Kahit nahahati sa dalawang grupo ang mga katutubong Malauegs ng Calantac ay mapayapa pa rin silang namumuhay pagkat hindi ninais ng mga katutubong binyagan ang humiwalay sila mula sa mga katutubong erehe pagkat maayos naman ang kanilang relasyon.  Bagkus, kinilala pa rin ng mga katutubong binyagan na kanilang Punong Sugo si Lakay Lumbang kahit kabilang siya sa mga nakararami na hindi yumakap sa pananampalataya pagkat wala naman silang nakikitang dahilan upang tuluyang itakwil ang paniniwalang ito.  Manapa, mainam sana kung binyagan ang lahat ng mga katutubong Malauegs ng Calantac pagkat magiging madali na lamang upang pag–aralan nila ang wikang Español para magagawa nila ang makipagtalastasan sa mga banyaga dahil tiyak hindi na sila babalik pa sa nakaraan.  Kasi, hindi natutunan sa magdamagan lamang ang wikang Español lalo’t hindi ito ang nagisnan nilang salita ngunit ang madalas na pagpupunta nila sa bayan ng Alcala ay tiyak na magpaalaala sa kanila sa katotohanan na hindi na sila babalik pa sa dating kaugalian.  Imposible naman na mga banyaga pa ang magkaroon ng interes upang pag–aralan ang katutubong dialekto dahil hindi ito mahalaga para sa kanila pagkat magpatupad sa mga batas ang layunin nila sa bayan ng Alcala nang maisulong ang pagbabago.

Ngayong umaga pa lamang pumunta sa komunidad ng mga katutubong Malauegs ng Calantac si Alferez at ang grimensor na sinabayan ng dalawampung guwardiya sibil sa halip na kahapon pagkat pumunta sa bayan ng Tuguegarao ang huli upang magsumite ng mga kopya ng mga titulo sa palacio del gobernador.  Kaya si Alcalde na rin ang nagtakda upang ipagpabukas na lamang ang misyon ni Alferez para hintayin ang pagbabalik ng agrimensor mula sa bayan ng Tuguegarao pagkat nais niyang tiyakin na masusukat agad ang mga lupain ng mga katutubong Maluegs ng Calantac.  Hindi pa sumisikat ang araw nang magtungo sa komunidad ng Calantac ang grupo ni Alferez sakay ng mga kabayo pagkat nagawa niya ang gumising ng madaling–araw dahil walang naganap na inuman kagabi nang maagang umuwi sa residencia ejecutiva si Alcalde.  Mangyari, ipinagdiwang ng mag–asawa ang ikalimang taon nila sa Pilipinas at ang kanilang aniversario de bodas lalo’t nagkaroon agad ng posisyon bilang kauna–unahang punong–bayan ng Alcala si Alcalde ngunit ipinagdarasal pa lamang nang paluhod ni Señora Mayora sa simbahan ni Santa Filomena ang pangarap nila na magkaroon ng anak.  Pagkaraan ang mahigit kalahating oras ay pumapasok na sa komunidad ng Calantac ang grupo ni Alferez habang palabas sa likuran ng bundok ang araw ngunit ikinagulantang ito ng mga katutubong Malauegs ng Calantac dahil sa paniniwala na linusob na sila ng mga soldados.  Kahit lipos nang pagtataka ang Punong Sugo ng tribung Malauegs sa komunidad ng Calantac at ang mga mandirigma nito ay nagawa pa rin nilang salubungin ang grupo ni Alferez maski wala sa kanilang hinagap na darating sila lalo’t halos kagigising pa lamang nilang lahat.  Mabuti na lamang hindi nagpamalas ng karahasan ang kahit isa sa mga mandirigmang Malauegs ng Calantac ngunit sakmal naman sila ng matinding pangamba pagkat unang pangyayari na dumating si Alferez sa kanilang komunidad kasama ang dalawampung guwardiya sibil.  Nagkatinginan ang mga guwardiya sibil habang minamaliit ang kakayahan ng mga mandirigmang Malauegs ng Calantac pagkat busog at tunod lamang ang mga sandata nila samantalang putok pa lamang ng kanilang mga fusil ay nasisindak na ang mga kalaban.  Pagkakamali lamang ng mga guwardiya sibil nang hamakin ang mga mandirigmang Malauegs ng Calantac dahil hindi nakadepende sa uri ng sandata ang labanan kundi sa liksi at galing ng may tangan nito lalo’t kabisado pa nila ang larangan pagkat dito na sila isinilang.  Malaking kalamangan ng mga mandirigmang Malauegs ng Calantac ang kanilang mga maskuladong katawan dahil banat sila sa mga gawaing bukid ngunit maihalintuld naman sa mga mata ng lawin ang talas ng kanilang mga kaisipan kahit nakayapak lamang sila.  Sapagkat nahasa ang kanilang mga kaisipan sa pakipaghamok sa mga maiilap at makamandag na hayop sanhi ng araw–araw na pangangaso sa kagubatan ay walang duda na magagamit nila ang mga karanasang ito balang araw.

Sapul nang maging Comandante del Ejercito de Tierra ng Alcala si Alferez ay ngayon pa lamang niya narating ang komunidad ng mga katutubong Malauegs ng Calantac dahil nabuhos ang kanyang panahon sa pagmomonitor kaugnay sa operasyon ng mga soldados na madalas isinasagawa sa mga hulo sa bayan ng Alcala.  Siya ang unang bumaba sa kabayo ngunit hindi agad lumapit sa mga katutubong Malauegs ng Calantac na kanina pa gustong malaman ang pakay ng kanyang grupo pagkat pinagtakhan din naman nila ang kanilang maagang pagdating nang walang pasabi.  Marahil, hindi alam ni Alferez na pinamunuan ng Punong Sugo ang mga katutubong Malauegs ng Calantac na naghihintay naman upang batiin niya pagkat malinaw na pagsugabang sa kanilang teritoryo ang pagdating nila dahil pumasok sila nang walang pahintulot.  Dahil sa kanyang senyas ay bumaba na rin sa kabayo ang agrimensor upang tanggapin ang kanyang utos habang naging hudyat naman ito upang palibutan ng mga guwardiya sibil ang mga katutubong Malauegs ng Calantac na lalong nagimbal dahil sa naging pagkikilos nila.  Sapagkat hindi ito nagustuhan ng Punong Sugo ay napasulyap siya sa mga mandirigmang Malauegs ng Calantac pagkat hindi niya mawari kung pakipagkaibigan ang layunin ng grupo ni Alferez ngunit hindi niya puwedeng ipagwalang–bahala ang kanilang mga mapaglilong ngiti.  Walang duda na dehado ang mga mandirigmang Malauegs ng Calantac kapag humantong sa labanan ang pagtatagpong ito ngunit mainam pa rin ang maging handa sila kaya may tumabi na sa kanilang Punong Sugo upang ipagtanggol siya sakaling totoo ang kanilang kutob.  Mas gustuhin pa nila ang mamamatay habang lumalaban kaysa basta na lamang isusuko sa mga banyaga ang kanilang mga sarili kung ito ang pakay nila upang agawin sa marahas na paraan ang kanilang mga lupain.  Tuloy, napangiti na lamang si Alferez pagkat naging masyadong alerto ang mga mandirigmang Malauegs ng Calantac samantalang hindi naman sila naparoon sa kanilang komunidad upang magdeklara ng giyera kundi tuparin ang utos ni Alcalde na may kaugnayan sa titulo.  Hindi ba nila naisip na bumubuga ng mga bala ang mga fusil ng mga guwardiya sibil kontra sa kanilang mga pana upang pangahasan nila ang kumasa dahil lamang sa maling palagay na posibleng ikapahamak pa nila kung magpadalus–dalos sila?  Napailing nang mariin  si Alferez sabay tingin sa mga guwardiya sibil upang tiyakin na wala sa kanila ang magtangkang lumikha ng kaguluhan pagkat kailangan pa mandin ni Alcalde ang resulta mamaya rin sa pagbabalik nila sa munisipyo ng Alcala.  Saka pa lamang siya lumapit kay Lakay Lumbang sabay lahad ng kanyang palad upang iparating ang kanyang pakipagkaibigan ngunit naging matalas pa rin ang pakiramdam ng mga katutubong Malauegs ng Calantac dahil sadyang mahirap ang magtiwala sa mga banyaga.  Samantalang hindi na ibinalik ng mga mandirigmang Malauegs ng Calantac sa kanilang mga talanga ang mga tunod upang magiging madali na lamang para sa kanila ang itukod ito sa mga busog kung magpakita ng masamang kilos kahit ang isang guwardiya sibil lamang.

¡No tengas miedo! ¡No hemos venido a molestarte! ¡Vinimos a su comunuidad por una razon!”  Matapos makipagkamay sa Punong Sugo ay sinimulan agad ni Alferez ang pagpapahayag ng kanilang pakay sa mga katutubong Malauegs ng Calantac ngunit tiyak na mga katutubong binyagan lamang ang nakaiintindi sa kanya dahil sila ang madalas pumupunta sa bayan ng Alcala para magsimba.  Habang malaking katanungan naman kung naintindihan ng mga katutubong erehe si Alferez ngunit may bumulong kay Lakay Lumbang upang maunawaan nito ang kanyang mga sinasabi dahil kabilang pa rin siya sa mga mandirigmang Malauegs sa komunidad ng Calantac kahit binyagan na.  Marahil, sa pamamagitan ng bulong ng katutubong binyagan ay naunawaan ni Lakay Lumbang ang mga sinasabi ni Alferez pagkat nagagawa niya ang tumango paminsan–minsan ngunit seryoso pa rin ang kanyang mukha kahit kinamayan na siya ng opisyal.  Sapagkat naseseguro niya na may iba pang dahilan sa kanilang komunidad ang grupo ni Alferez dahil mahirap salungatin ang ipinapahiwatig ng kanyang damdamin upang balewalain lamang niya ito imbes na panaligan.  Habang matamang pinapakinggan ng mga katutubong Malauegs ng Calantac ang pagsasalita ni Alferez ay ramdam naman ng mga katutubong erehe ang ligalig pagkat wala silang naunawaan kahit simpleng wikang Español man lamang sana.  Sadyang hindi binibigkas ng mga katutubong binyagan sa kanilang komunidad ang napag–aralan nilang mga wikang Español dahil sa madalas na pagpupunta nila sa bayan ng Alcala upang hindi ito pagmumulan ng babag pagkat nakahihigit pa rin ang mga hindi binyagan.  Bagaman, hindi na lingid sa mga katutubong Malauegs ng Calantac ang tungkol sa araw–gabi na pagroronda ng mga guwardiya sibil sa bayan ng Alcala ngunit hanggang sambal lamang ang nararating nila kaya ngayon lamang nangyari na naligaw sila sa kanilang komunidad na nakapagtataka.  May dahilan kung hindi sila mapalagay kahit nilinaw na ni Alferez ang tungkol sa kanilang sadya pagkat may katuwiran din naman upang huwag sila magtitiwala sa kanila dahil hindi nila kabisado ang kanilang pag–uugali.  Lalo’t laging tema sa kanilang mga usapan ang pagiging malupit ng mga guwardiya sibil sa mga katutubo ng Sierra Madre na hindi dapat ipagwalang–bahala pagkat magkapatid sina Lakay Lumbang at Lakay Awallan kahit kanaik lamang sa bayan ng Alcala ang kanilang komunidad ngunit hindi nito maitatago ang katotohanan.  Mismong mga ninuno nila ang laging nagpaalaala na dapat magkaroon sila ng simpatiya sa mga katutubo ng Sierra Madre pagkat parehong dugong Malauegs ang nananalaytay sa kanilang mga ugat kahit magkahiwalay ang mga komunidad nila.  Tiyak na sila–sila rin naman ang magdamayan pagdating ng panahon na kailangan ng isa’t isa ang tulong dahil iisa ang kanilang lahi, pananalig at adhikain kaya walang dahilan upang talikuran ang kanilang mga kapatid.  “!Solo queremos saber! ¡Directamente de ti! ¿Si hay un titulo? ¿Las tierras donde estan tus cabaña? ¡Para tu informacion! ¡El titulo es importante! ¡Asi que es logico que todos lo tengan!”  Kunsabagay, karamihan sa mga wikang Español na natutunan ng mga katutubong binyagan ay may kaugnayan sa relihiyon kaya hindi nakapagtataka kung mamalas sa kanilang reaksiyon ang pagkamangha nang marinig nila ang salitang titulo.  Kung ipinahiwatig sa mga anasan ng mga katutubong binyagan ang kamangmangan nila tungkol sa kahulugan ng titulo ay lalong nabagabag ang mga katutubong erehe pagkat hindi nabanggit kahit kailan ng kanilang mga ninuno ang salitang ito.  Pagkagayon, may posibilidad pala upang mawawalan ng mga lupain ang mga katutubong Malauegs ng Calantac dahil sa problema ng titulo kung ayaw silang tulungan ng pamahalaang Kastila ng Alcala para magkaroon nito kahit ngayon lamang nila nalaman ang kahalagahan nito.  Baka ito ang talagang plano ni Alcalde nang matuklasan niya na hindi pa titulado ang malawak na lupain sa munisipalidad ng Alcala kaya sinisimulan na niya sa komunidad ng Calantac ang pagpapatupad nito upang may pruweba para magpalabas ng batas tungkol dito ang pamahalaang Kastila ng Alcala.  Ngunit papayag ba naman ang mga katutubong Malauegs ng Calantac kung basta na lamang agawin ng pamahalaang Kastila ng Alcala ang kanilang mga lupain dahil lamang wala silang maipapakitang titulo gayong deka–dekada nang naninirahan dito ang kanilang mga ninuno bago pa dumating ang mga banyaga?  Samantalang sa pagkakalikha pa lamang ng mundo ay nagsimula ang pagmamay–ari ng kanilang mga ninuno sa mga lupain na naging pamana naman sa kanila upang hanapan sila ng titulo ng mga banyaga na walang alam sa kasaysayan ng kanilang lahi.  Pero walang narinig si Alferez kahit buntung–hininga mula sa mga katutubong Malauegs ng Calantac pagkat nabaling kay Lakay Lumbang ang kanilang tingin upang pakinggan sana ang kanyang pahayag ngayong hinahanapan sila ng titulo ng pamahalaang Kastila ng Alcala gayong wala sila nito.  Tuloy, lalong  tumibay ang paniniwala niya na may katotohanan ang hinala ni Alcalde na hindi pa titulado ang mga lupain ng mga katutubong Malauegs ng Calantac dahil wala man lamang sa kanila ang nagtangkang pabulaanan ang kanyang pahayag.  Muli niyang binulungan ang agrimensor upang simulan na nito ang pagsusukat ng mga lupain sa komunidad ng mga katutubong Malauegs ng Calantac ngayong nakumpirma niya na wala pala silang katibayan nang pagmamay–ari kahit gaano pa katagal ang paninirahan nila roon.  Nagkatinginan ang mga katutubong Malauegs ng Calantac habang pinagmamasdan nila ang ginagawa ng agrimensor sa tulong ng dalawang guwardiya sibil dahil hindi rin naman nila alam ang kahulugan nito maliban sa umasa na sana para sa kapakanan nila ang layunin ng titulo.

“¿Titulo? ¿Cual es el titulo?”  Maya–maya, isang katutubong binyagan ang humingi ng paglilinaw dahil aminado naman siya na wala sa kanila ang nakababatid kung ano ang titulo pagkat hindi ito naging mahalaga para sa kanila hanggang sa ipinamulat sa kanila ang katotohanan.  Hindi puwedeng ikatuwiran ang kanyang pagiging binyagan pagkat binibigyan–diin ng pagdarasal ang kaligtasan ng kanilang mga kaluluwa na laging ipinapaalaala ng mga prayle kung nais nilang mapunta sa kalangitan.  Kailanman, walang nagbigay ng payo sa kanila tungkol sa kahalagahan ng titulo kaya nakapagtataka nang bigla na lamang sila inobliga upang magkroon nito kahit walang paunang paabiso ang pamahalaang Kastila ng Alcala upang napaghandaan sana nila ito.  Mangyari, nagisnan na nila ang isang kaugalian na walang nag–uutos upang magkaroon sila ng titulo pagkat ibinabase lamang sa sipag ng sinuman ang pagmamay–ari ng lupain para pagyamanin niya ito habang nabubuhay siya.  Wala mang titulo ang kanyang pagiging may–ari sa mga lupain ay sapat nang patunay ang ginawa niyang paglilinang dito upang sa pagpanaw niya ay may mamanahin ang kanyang mga anak kahit walang hawak na katibayan.  Mismong mga ninuno nila ay walang binanggit tungkol sa titulo upang magiging legal ang kanilang pagmamay–ari sa mga lupain maliban sa kanilang mga tagubilin na kailangan tupdin para mapapanatag ang mga kalooban nila.  Samantalang ito ang kanilang tinubuang lupa kaya walang dahilan upang iutos sa kanila ng mga banyaga ang magkaroon ng titulo ang kanilang mga lupain kung hindi naman nila tanto ang kahalagahan nito sa kanilang buhay.

¡Señor! ¿Cual es el titulo? ¿Puedes explicar  . . . for favor? ¡Porque no tenemos eso!”  Mga katutubong binyagan na may alam sa wikang Español ang naging masigasig sa pagtatanong dahil damay rin naman sila kapag kinamkam ng pamahalaang Kastila ng Alcala ang mga lupain sa komunidad ng Calantac pagkat hindi basta maisasalba sa pamamagitan ng mga dasal ang kanilang kapalaran.  Mas katanggap–tanggap pa ang paniniwala na kaloob ni Bathala ang mga lupaing pagmamay–ari nila ngayon kaya hindi sila dapat turuan kung ano ang nararapat para patunayan lamang na sila ang tunay na may karapatan dito.  Hindi sila basta makikinig sa dikta ng mga banyaga dahil hindi nila alam ang totoong kuwento kung paano sila nagkaroon ng mga lupain kahit walang titulo na nagpapatunay sa kanilang pagiging may–ari nito.  Batas ng kanilang mga ninuno ang nagtakda nang manahin nila ang mga lupain na gusto pa yatang agawin dahil wala silang maipakitang titulo ngunit huwag sanang magkamali ang pamahalaang Kastila ng Alcala upang samantalahin ang kanilang kamangmangan.  Hamak man sila sa tingin ngunit hindi rin nila hahayaang manaig ang kanilang masamang intensiyon pagkat seguradong dadanak muna ang dugo sa komunidad ng Calantac kapag nangyari ito dahil marunong din naman silang lumaban.  Palibhasa, walang alam sa wikang Español si Lakay Lumbang ay pinakinggan na lamang niya ang mga katutubong binyagan kahit naroroon ang kagustuhan niya upang magpaliwanag din gamit ang sariling wika kung mawawalan naman ito ng saysay dahil hindi naintindihan ng opisyal.  Wala man siyang naintindihan mula sa mga paliwanag ng mga katutubong binyagan ngunit naseseguro naman niya na may kaugnayan ito sa titulo kaya napapadalas ang tingin niya kay Alferez para pakiramdaman ang reaksiyon nito.

¡Señor! ¿Si el titulo realmente importa?  ¡Seguro! ¡Ya no necesitamos eso!  ¡Porque llevamos mucho tiempo viviendo aqui!  ¡Señor!  ¡De hecho! ¡Nuestros antepasados todavia son duenos de estas tierras! ¡Antes de llegar al pueblo de Alcala!”  Ngayon pa lamang yata napaglilimi ng mga katutubong binyagan na hindi pala sapat ang natuto sila ng wikang Español pagkat marami pa pala ang dapat nilang alamin lalo na ang mga ipinapatupad na batas ng pamahalaang Kastila ng Alcala na kaytagal nilang binalewala dahil sa pananampalataya.  Dahil mas pinagtuunan pa nila ang pagdarasal pagkat masyado silang nananalig sa mga pangaral ng mga prayle gayong may gobyerno pala na kailangan din nilang sundin upang hindi sila magkakaroon ng probema.  Gusto na nilang maniwala na nagkamali pa yata sila nang yakapin ang pananampalataya pagkat hindi pala sila kayang ipagtanggol ng mga dasal na kanilang sinasambit araw–araw sa loob ng simbahan mula sa mapanlilimbong na interes ng pamahalaang Kastila ng Alcala.  Samantalang malinaw naman na pamana ng kanilang mga ninuno ang mga lupain na pinamamahayan nila ngayon kahit totoo na wala silang hawak na titulo upang patunayan ang kanilang pagmamay–ari ngunit mga banyaga lamang sila upang kuwestiyunin ito.  Sapagkat sapat nang katibayan ng kanilang pagmamay–ari sa mga lupain ang mahigit sa libong taon na paninirahan ng kanilang mga ninuno bago ito ipinamana sa kanila kaya maghunus–dili muna ang pamahalaang Kastila ng Alcala kung may masamang balak ito laban sa kanila.  Bagaman, sa sibilisadong lipunan ay laging pinagbabatayan sa pagmamay–ari ng mga lupain ang titulo ay mali pa rin kung basta na lamang ipatutupad ng pamahalaang Kastila ng Alcala ang patakarang ito kahit wala munang ginagawang pagtutuwid sa maling katuwiran ng mga katutubong Malauegs ng Calantac.  Makabubuti pa sana sa pamahalaang Kastila ng Alcala kung itinuro sa mga katutubong Malauegs ng Calantac ang paraan kung paano magkaroon ng titulo ang kanilang mga lupain kahit may taning para sa mga ayaw sumunod sa patakaran upang hindi ito magsasanhi ng kaguluhan.  Kung nakangiti kanina ni Alferez ay tahimik siya ngayon nang mapag–isip niya na lilikha pala ng matinding salaghati kung ipagpilitan pa rin ni Alclde ang kanyang plano dahil sa naging reaksiyon ng mga katutubong Malauegs ng Calantac.

¡Un momento . . . Señor!”  Si Alferez na umakmang susundan ang agrimensor ay bumalik upang harapin ang katutubong binyagan na pumigil sa kanyang pag–alis ngunit biglang ikinasa ng mga guwardiya sibil ang kanilang mga fusil dahil sa pag–aakala na susugurin nito ang opisyal.  Maaaring si Lakay Lumbang ang humikayat sa katutubong binyagan upang hingin ang paliwanag ni Alferez tungkol sa titulo dahil magkatabi sila mula pa kanina pagkat totoo rin naman na maraming katanungan ang nagsasalimbayan sa kanyang utak.  Hindi lamang niya maisatinig dahil naging hadlang para sa kanya ang wikang Español ngunit mainam sana kung masabi niya kay Alferez nang buong linaw ang mga katanungan na nangangailangan ng kasagutan upang hindi sila kakaba–kaba.  Kaya ipinaparaan na lamang niya sa katutubong binyagan ang nais niyang malaman tungkol sa titulo pagkat importante ang maintindihan ng mga katutubong Malauegs ng Calantac ang kahalagahan nito para matanong na rin nila si Alferez kung paano sila magkakaroon nito.  Kailangan samantalahin ang pagkakataon habang kaharap pa nila si Alferez dahil hindi rin siya magtatagal sa komunidad ng Calantac ngayong nalaman niya na wala silang naipakitang titulo pagkat ito lamang ang talagang sadya nila.  Aminado si Lakay Lumbang na wala sa kanilang tribu ang nakababatid kung ano ang titulo kahit ang mga katutubong binyagan na madalas pumupunta sa simbahan ni Santa Filomena kaya kailangan nila ang paliwanag tungkol dito dahil obligado pala ang magkaroon silang lahat nito.  Bakit hindi inalam agad ng mga dating opisyal noon ng gobierno revolucionario kung titulado na ba ang mga lupain sa munisipalidad ng Fulay dahil bahagi sa isinusulong na pagbabago ang pagbibigay kaalaman sa mga mamamayan ang tungkol sa titulo?  Bakit hinayaan muna ng gobierno revolucionario na lumipas ang limampu’t apat na taon hanggang sa naging bayan ng Alcala noong 1843 ang dating pueblo Fulay kung mahalaga naman pala ang titulo kaya naging problema ito sa mga kasalukuyang naninirahan sa komunidad ng Calantac?  Disin, nabahaginan ng kaalaman ang mga katutubong Malauegs ng Calantac kung nagsagawa muna ng impormasyontungkol sa titulo ang pamahalaang Kastila ng Alcala upang mapaglilimi nila ang kahalagahan nito para magkaroon ng proteksiyon ang pagmamay–ari nila sa mga lupain.

ITUTULOY

Tags:

No responses yet

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *