IKA – 200 LABAS

Sakaling ikagagalit ni Lakay Awallan ang kanyang bulong ay aagapan na lamang niya ang tungkod para hindi ito maihahataw sa kanya pagkat mahirap taglayin hanggang sa pagtanda ang masamang salamisim dahil lamang sa binyag ngunit kailangan matapos na ang problema kahit ngayon pa lamang niya gagawin ito lalo’t naghihintay pa ang pangalawang misyon.  Maya–maya, dahan–dahan nang ibinubulong niya sa maikling pananalita kay Lakay Awallan ang kahulugan ng binyag na nais ipagawa niya kay Bag–aw para magkaroon ng pambihirang karanasan ang kanyang mistad ngunit kailangan lamang alamin ang konsentrasyon ng kiliti ng kanyang kaniig pagkat tunay na nagiging kapana–panabik sa unang gabi ang mga halinghing.  Aywan kung nawaglit lamang kay Lakay Awallan ang kanyang tungkod sa halip na hagilapin ito dahil ang kanyang mga mata na kanina pa inaantok ay biglang nanlilisik nang magising habang tinititigan niya si Alba na pailalim naman ang tingin upang bantayan ang kumpas ng kanyang mga kamay ngunit pinapatunayan naman sa kanyang reaksiyon na posibleng hindi nga niya naranasan ang binyag.  Pero nagtatanong pa rin ang sarili ni Alba kung kailangan na bang tumakbo siya dahil maaaring nagkamali lamang ang naging palagay niya nang mawari sa mukha ni Lakay Awallan na nais pa yatang humalakhak nito maski nagulantang kaya dahan–dahang umatras nang dalawang hakbang ang kanyang mga paa upang paghandaan ang anumang kasunod na pangyayari.  Kung tama ang naging hinala ni Alba ay maaaring iniisip ni Lakay Awallan na talaga namang walang dapat ikagagalit si Bag–aw pagkat bahagi ito ng kanilang kultura mula pa sa panahon ng kanilang mga ninuno kaya tule na ang lahat nang mga kalalakihang Malauegs sa bagong komunidad maging ang kanyang nag–iisang apo bilang pagtalima sa kaugaliang ito upang ihanda sila sa naiibang binyag sa kanilang pagkalalaki.  Katunayan, si Lakay Awallan pa ang nagpapakulo ng dahon ng bayabas para panlanggas sa sugat pagkat hindi pa magawang linisin ni Bag–aw ang sariling kabute na posibleng magiging makopa kapag nainpeksiyo dahil limang taon pa lamang siya noon kaya walang duda na natule na ang kanyang apo ngunit biglang kumunot ang kanyang noo nang mapagtanto na lihis pala sa ibig ipahiwatig ni Alba ang pagkaiintindi niya sa binyag.

            “Aba!  Loko ka pala . . .  ha?!  Alba?!  Kahit sino . . . talagang magagalit sa ‘yo!  Kasi . . . !  Kung anu–ano na lang . . .  ang ipinapagawa mo . . . kay Bag–aw!”  Hayun!  Kasamaang palad, napasinghal si Lakay Awallan pagkat malinaw sa kanyang pang–unawa na masama ang nais ipapagawa ni Alba kay Bag–aw kaya narating niya ang pintuan ng tangkil dahil bumilis ang atras ng mga paa niya habang nanginig sa takot ang kanyang kaluluwa upang ihanda ang sarili sa pagtakbo sakaling sunggaban ng matanda ang tungkod.  Kabutihan, nawaglit sa isip ni Alba ang tungkod nang maging priyoridad niya ang umiwas at lalong napabuti nang hindi rin naisip damputin ito ni Lakay Awallan nang mapatayo siya kaya dali–daling lumapit si Bag–aw upang alalayan siya kaya waring naninisi ang sulyap ng binata sa kanyang mistad hanggang sabay pang pumiksi ang dalawa.  Mistulang sinasabi ni Bag–aw na may katuwiran pala ang kanyang pagtatampo habang umiiling naman si Alba na waring humihingi uli ng paumanhin dahil tiyak na lilikha ng malaking balita sa bagong komunidad kung napatay siya ng Punong Sugo pagkat halata sa boses nito ang galit kaya naging dasal na lamang niya na sana hindi makararating kay amang Luyong ang balita.  Sa halip na umuwi na si Alba ngayong nabanggit na niya ang tungkol sa problema nila ni Bag–aw ay nanatili pa rin siya sa labas ng tangkil habang hinihintay ang paghupa ng galit ni Lakay Awallan pagkat kailangan maisakatuparan naman ang pangalawang misyon bago sumapit ang madaling–araw kaya hihintayin na lamang niya ang pasintabi ng matanda para matulog.  Talagang muntik nang humiwalay ang kaluluwa ni Alba dahil animo hukom ang naging asta kanina ni Lakay Awallan kaya naipangako niya sa sarili ang huwag nang gumawa ng kabulastugan para hindi na mauulit ang tampuhan nila ni Bag–aw upang hindi na siya muling magkakaroon ng problema pagkat damay maging ang Punong Sugo kahit ayaw nito.  Hanggang sa napangiti siya dahil pinatunayan lamang sa naging reaksiyon ni Lakay Awallan na may katuwiran pala upang magtampo  sa kanya si Bag–aw ngunit masyado naman yatang matagal ang isang linggo samantalang gusto rin pala nito ang makipag–ayos kaya umiling na lamang siya pagkat siya ang nanghihinayang sa kanilang pinagsamahan kung hindi nila pahahalagahan ito.  Nang biglang bumagsak ang tungkod nang gumalaw ang silyon ay muntik nang matawa si Bag–aw imbes na magulat saka tumingin kay Alba na nagkibit–balikat lamang pagkat mistulang ipinapahiwatig nito na kailangan nang matulog ni Lakay Awallan kung ayaw niyang mapuyat ngunit bumalik din siya sa labas maski inaantok na rin siya matapos muling paupuin ang matanda.  Sapagkat ayaw rin namang iwan ni Bag–aw nang  nag–iisa sa tangkil si Lakay Awallan kung malalim na ang gabi kaya walang kailangan kung mapuyat siya sa paghihintay hanggang sa tunguhin na ng matanda ang silid nito upang magpahinga dahil lumipad na rin ang antok niya maski kailangang gumising siya mamayang madaling–araw para mangangasdo kung hindi mababanggit ni Alba ang pangalawang plano.  Marahil, hindi pa inaantok si Lakay Awallan pagkat itinuloy niya ang pag–uugoy sa silyon gamit ang tungkod na kusang dumapa nang magalit siya kaya naalarma kanina sina Alba at Bag–aw pagkat magiging katawa–tawa naman kung maghuramentado pa siya nang dahil lamang sa biro samantalang siya na rin ang nagsasabi na hindi dapat seryosohin ito.  Hanggang sa nabaling kay Bag–aw ang tingin ni Alba nang magtanong ang sarili niya kung posible kayang kunwari lamang ang ipinamalas na galit ni Lakay Awallan upang hindi lalong sumama ang loob ng kanyang apo kaya naging palagay niya na may katuwiran naman pala dahil tiyak na iisipin naman ng mistad niya na wala na siyang kakampi.  Kunsabagay, talagang mapapahiya si Bag–aw kung maging si Lakay Awallan ay natawa na rin sa biro dahil lalong magiging mailap ang pag–asa upang muling mapagbati ang dalawa kung lumalim pa ang sugat sa puso pagkat higit na mararamdaman ang awa sa sarili kung mismong matanda na nagpalaki sa kanya ay wala na rin pitagan sa damdamin niya kahit totoong hindi niya ikamamatay ang kantiyaw ni Alba.  Minabuti ni Alba ang ihingi na lamang ng paumanhin ang kanyang pagkakamali para mapaglubag ang kalooban ni Lakay Awallan dahil maaaring ito lamang ang hinihintay ng matanda upang magpahinga na ngayong umaayon sa kanya ang pagkakataon na dapat lamang samantalahin pagkat hindi pa bumalik sa loob ng tangkil si Bag–aw kaya maaaring hindi pa siya dinalaw ng antok.

            “Pasensiya na po . . . Apong!  Biro ko lang po . . . ‘yon!  Hindi na po . . . mauulit ito!”  Sapagkat lalong humahaba ang pangaral ni Lakay Awallan kaya nakababahala kung tumagal ito hanggang bukas nang umaga dahil malalaman ng kanyang amang Luyong ang tungkol sa nangyaring tampuhan nila ni Bag–aw at kailangan magtakda na naman siya ng panibagong tipanan kapag naunsiyami ang pangalawang misyon upang mababanggit niya ang tungkol sa dilag maski walang tiyak na araw pagkat mas gusto pa nito ang nangangaso kaysa makipaghuntahan.  Nararapat mang ipagpasalamat ni Alba dahil talagang kailangan din nila si Lakay Awallan upang mamagitan sa kanila ni Bag–aw ngunit napaglilimi niya na kailangan gumawa na rin siya ng paraan kahit paglapastangan ito sa pinakamatanda sa kanilang tribu pagkat posibleng umagahin naman ang kanyang mga pangaral imbes na sambitin ito sa simpleng pananalita.  Aywan kung may pagkakataon pa para mababanggit niya kay Bag–aw ang pangalawang misyon basta wala pang katiyakan habang gising pa si Lakay Awallan ngunit handa namang tanggapin ng kanyang kalooban ang kabiguan sakaling kapusin siya ng panahon kahit totoong nakapanghihinayang dahil mas mahalaga pa rin ang nagkapatawaran sila ng kanyang mistad.  Seguro, idaan na lamang niya sa bulong ang pagbanggit sa dalagang nakilala niya sa ilog upang bukas nang umaga ay siya naman ang ipakikilala niya ngunit sandaling napaisip ang sarili niya dahil paano nga naman kung maulit ang naging reaksiyon kanina ni Lakay Awallan nang malaman nito ang kahulugan ng binyag gayunman dumasig pa rin siya saka pangiting tumingin sa mistad niya.  Basta sumiglaw lamang kay Alba si Bag–aw dahil tinatanong din yata niya ang sarili kung ituloy pa rin ba niya ang pangangaso bukas nang umaga maski puyat siya ngayon ngunit umiling nang mariin ang kanyang ulo nang mapagtanto ang posibilidad na siya naman ang lapain ng mga mababangis na hayop kung maidlip siya sa kagubatan kaya gustuhin man niya ang may kasabay kung hindi naman puwede pagkat ngayon pa lamang sila nagkaayos ng mistad niya.  Kaya malaki ang tsansa na mababanggit pa ni Alba ang pangalawang misyon bago sumapit ang madaling–araw kung naging desisyon naman ni Bag–aw ang magpalipas muna sa pangangaso bukas nang umaga ngunit kailangan lamang magsakripisyo siya habang hindi pa tinutungo ni Lakay Awallan ang silid niya dahil kasabihan na rin ang nagpatotoo na ang matiyaga ay laging pinagpapala.  Pero natuwa siya nang muling dumako kay Lakay Awallan ang paningin niya pagkat sunud–sunod ang kanyang hikab kaya naisaloob niya na maaaring malapit nang antukin ang matanda hanggang sa napakindat siya nang wala sa loob ngunit napangiti naman ang nanahimik na si Bag–aw nang mapansin siya nito habang pinapakinggan ang walang katapusang sermon. 

ITUTULOY

Tags:

No responses yet

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *