IKA – 207 LABAS

Maski magdulot pa ng eskandalo ang napapadalas na away nilang mag–asawa basta ito ang paraang alam ni Sahing upang patunayan kay Alba ang kanyang tapat na pag–ibig kaya hindi problema kung taun–taon din ang pagbubuntis niya dahil hiyas sa kanyang paningin ang mga anak nila at seguradong masasayang kuwento ang kanilang harayain pagdating ng panahon na matanda na silang mag–asawa.  Sadyang ipinaparinig ni Alba kay Bag–aw ang kuwento tungkol sa kanyang buhay may asawa habang nangangaso sila upang ito ang magsilbing gabay sa pagpili ng babaeng iibigin niya kaya siya ang sumagi agad sa kanyang isip nang magkakilala sila ni Annayatan pagkat wala na yatang balak mag–asawa ang kanyang mistad samantalang dalawampu’t tatlong taon na siya.  Kanina, nang dumating silang mag–amang mula sa ilog ay kaagad binanggit niya kay Sahing ang tungkol kay Annayatan ngunit sinimulan niya sa pamamagitan ng tanong para alamin kung may dating kaibigan siya na ganito ang pangalan upang unahan ang kanyang panganay na mistulang nagbabalak magsumbong kaya may kasunod pang yakapan ang kuwentuhan nilang mag–asawa.  Siyempre, eskandalosa man si Sahing ay tiyak nag–iisip din siya dahil kailangan alamin muna niya ang katotohanan upang hindi iuntog ni Alba sa bato ang kanyang mukha kaya malayong maghuramentado siya kung malayo rin naman ang posibilidad para alihan siya ng selos basta ang tiyak ay naging mapayapa ang magdamag sa bagong komunidad.  Hanggang sa mismong si Bag–aw na ang nagtanong kaya halos malunod sa tuwa si Alba pagkat unti–unti nang lumiliwanag ang pag–asa ng pangalawang misyon basta maging matiyaga lamang siya dahil normal sa isang tao ang umaayaw maski nagpapahiwatig ng matinding kagustuhan ang kanyang damdamin sa pamamagitan ng pagkukunwari para hindi mapapahiya.   “S–Saan naman nakatira si . . .?!  Si . . . A–Annayatan?!  Tama ba ako . . .  mistad?!  Annayatan?!”  Kabutihan, natutop agad ni Alba ang kanyang bibig dahil talagang mapapalakas ang kanyang halakhak kung hindi lamang magsanhi ito ng panibagong tampuhan pagkat may lambing ang pagkakabigkas ni Bag–aw sa tanong kaya madali nang unawain ang nais ipahiwatig maski patuloy na pinaninindigan niya ang pagkukunwari ngunit hindi madaling lansihin ang may malawak nang karanasan sa pag–ibig.  Subalit hindi pa rin niya napigilan ang ngumiti kahit sandali lamang upang hindi iisipin ni Bag–aw na binibigyan niya ng malisyosong kahulugan ang kanyang tanong maski kapuna–puna naman sa kanyang mga pananalita ang interes kaya napapadalas ang paling ng ulo niya para ikubli ang tuwa pagkat siya ang kinikilig dahil sa naging reaksiyon ng mistad niya.  Sana, hindi ganito ang tanong ni Bag–aw kung balewala lamang sa kanya si Annayatan maski halatang nahihiya lamang ipamalas ang kanyang pananabik na makilala ang dalaga kaya gusto nang madaliin ni Alba ang pagsapit ng umaga upang magkita na ang dalawa pagkat ito ang katuparan sa pangalawang misyon para masabing nagtagumpay ito matapos dumaan sa maraming balakid.  Nang magtanong ang kanyang sarili kung gising na ba si Lakay Awallan dahil maaaring nagdarasal na siya  para sa pang–umagang obligasyon ngunit madilim pa ang silid nito kaya hindi siya nabahala pagkat wala pa rin gumagalaw sa kusina upang.ihanda ang kanilang almusal at magpainit ng salabat habang hinihintay ang pagdulog ng mga mangangaso.  Bagkus, ipagpapatuloy pa rin ni Alba ang panghihikayat habang hindi pa tandisang sumasang–ayon si Bag–aw hanggang sa pumayag siya bago magigising si Lakay Awallan para walang bagko ang kanyang plano dahil hindi naman lingid sa kanya ang pagiging malihim niya kaya tiyak na hindi rin niya ipapaalam sa matanda ang napag–usapan nila maliban sa amining nagkasundo na silang dalawa.  Sapat nang nalaman niya na may balak din palang manligaw si Bag–aw ngunit maaaring nagdadalawang–isip lamang siya dahil na rin sa paalaala ni Lakay Awallan na bata pa siya upang magkaroon ng pamilya kaya wala nang dapat ikabahala pagkat talaga palang napapanahon ang plano ni Alba para maisakatuparan ang naitakda na ni Bathala.  Pagkatapos ang kanyang malalim na buntung–hininga ay ramdam niya ang kasiyahan pagkat hindi nasayang ang kanyang pagsisikap kahit magdamag na napuyat siya dahil nagkaroon naman ng positibong resulta ang kanyang misyon ngunit kailangan lamang may mang–uurali kay Bag–aw upang magkaroon siya ng tiwala sa sarili habang nanliligaw.  Kunsabagay, normal lamang ang magkaroon ng pag–aatubnili si Bag–aw dahil hindi pa niya naranasan ang manligaw kaya pag–iigihin na lamang ni Alba ang pagkumbinsi sa kanya upang maitakda mamayang umaga rin ang pagkikita nila ni Annayatan kahit marami ang sumabay sa paglalaba pagkat dito masusubok ang kanyang tapang kung talagang desidido siya.  Tutal, nakaligtaan na rin yata niya ang maligo dahil sa araw–araw na pangangaso samantalang hindi naman siya pamilyadong tao ay puwedeng sumaglit muna siya sa ilog kung wala sa isip niya ang mangangaso pagkat talagang araw ng paglalaba at paligo mamayang umaga ng mga kababaihang Malauegs kaya walang duda na magiging masaya ang tanawin doon.  Si Alba ang kinakalamkam habang naglalaro sa isip niya ang pagtatagpo nina Bag–aw at Annayatan dahil tiyak na lilikha sila ng mapanghalinang eksena pagkat hindi pa nakitang nakipag–usap sa mga kadalagahang Malauegs ang mistad niya mula nang matule maski madali  namang intindihin ang dahilan ngunit tiyak na mag–iiba na ang kanyang hilig mula bukas.  Kaya nararapat lamang ilihim muna nila kay Lakay Awallan ang tungkol sa magaganap na tipanan upang hindi mabulilyaso ang plano hanggang sa dumating ang panahon na kailangan nang mamanhikan si Bag–aw para wala nang dahilan ang pagtutol ng matanda kundi igawad ang kanyang basbas sa araw ng kasal pagkat sa ganitong tagpo naman madalas nagtatapos ang ligawan.  Bukas masusubok ang kagalingan ni Bag–aw sa isang bagay na walang nagturo sa kanya kung paano ito isasagawa upang sa kanyang pag–uwi ay taglay ang tagumpay sa bagong laban ng kanyang buhay basta maging maingat lamang siya habang hindi pa dumarating ang tamang panahon upang malaman ito ni Lakay Awallan dahil minsan nang napatunayan na sadyang mapagbiro ang tadhana.  Aywan kung bakit matindi ang pangingilag niya sa mga kadalagahang Malauegs samantalang wala namang dapat ikabahala dahil handa nang kumikig ang kanyang tahid sakaling mapapasubo siya kaysa makuntento sa pag–iisa ang kanyang sarili kung problema naman ang magiging kahinatnan nito pagkat walang sinuman ang puwedeng dumamay sa kanya habang hinaharap ang mga huling sandali ng kanyang buhay.  Kailangan maitultol sa kanya ang kahalagahan ng pakipaglamuga sa kapwa upang hindi siya magiging kuntento na lamang sa pag–iisa pagkat mali ang katuwiran na taglay niya ang negatibong paniniwala tungkol sa pag–aasawa na ipinunla sa kanyang isip kung maaari namang alamin ang katotohanan tungkol dito para hindi siya patuloy na namumuhay sa kasinungalingan.  Totoong hindi niya basta maikakawas mula sa maling paniniwala ang sarili kung tanggap niya ang lahat nang pangaral ni Lakay Awallan sukdang magdusa pa ang kanyang buhay nang hindi niya namamalayan pagkat naging sunud–sunuran siya sa isang tinig imbes na pakinggan din ang ibang katuwiran para mamulat siya sa katotohanan.

ITUTULOY

Tags:

No responses yet

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *