IKA – 13  LABAS

            “¡Eres . . . Sargento! ¡Vamos!  ¡Acercate!”  Muntik na palang maunsiyami ang minimithing promosyon ni Sarhento Valeriano Guztavo dela Paz kung hindi siya naging pursigido sa paghahanap kay Alferez pagkat nawala na rin pala sa isip nito ang tungkol sa misyon na isinagawa ng kanyang pangkat sa kabundukan ng Sierra  Madre.  Gayunpaman, hindi na dapat pagtakhan ang pagiging makalimutin ni Alferez pagkat manhid na ang kanyang utak dahil sa gabi–gabing laklak ng alak kaya normal na lamang kung hindi na rin niya matatandaan balang araw ang kanyang pangalan.  Dali–daling sinaluno niya si Sarhento Valeriano Guztavo dela Paz nang mag–atubili pang humakbang ang kanyang mga paa upang pumasok sa opisina dahil hindi naman mahirap unawain ang naging reaksiyon ni Alcalde na tila hindi ikinatuwa ang kanyang pagdating.  Pero hindi na lamang ito pinansin ng Sargento Primero dahil hindi naman si Alcalde ang kanyang sadya kundi si Alferez na ibinalik pa ang kanyang masiglang saludo saka dinala siya nito malapit sa mesa na wala pang nakatikas–pahinga na bote ng alak.  Tuloy, nagtatanong ang kanyang sarili kung tama ba upang isipin niya na hindi alam ni Alcalde ang tungkol sa isinagawa nilang misyon sa kabundukan ng Sierra Madre dahil pinapatunayan ito ng kanyang mismong reaksiyon hanggang sa napasulyap siya kay Alferez.  Pinilit na lamang niya ang ngumiti kahit balewala para kay Alcalde ang kanyang pagdating pagkat si Alferez naman ang talagang sadya niya upang isumite ang kanyang ulat kaugnay sa isinagawa nilang misyon sa kabundukan ng Sierra Madre.  May dahilan kung nakaligtaan mang banggitin ni Alferez kay Alcalde ang tungkol sa misyon ng pangkat ni Sarhento Valeriano Guztavo dela Paz habang naroroon sila sa palacio del gobernador sa bayan ng Tuguegarao pagkat nabuhos sa miting na tumagal ng isang linggo ang kanyang atensiyon.  At mismong reaksiyon kanina ni Alferez ang nagsasabi na talagang nawaglit na rin sa isip niya ang tungkol sa misyon ng pangkat ni Sarhento Valeriano Guztavo dela Paz dahil isang linggo ba naman na hindi nadiligan ng alak ang kanyang utak habang naroroon siya sa palacio del gobernador.  Kaya nagpapasalamat siya nang mismong si Sarhento Valeriano Guztavo dela Paz na ang gumawa ng paraan upang makipagkita sa kanya ngunit umaasa siya na sana maganda ang naging resulta ng kanilang misyon para hindi magagalit si Alcalde.  Sapagkat ngayon pa lamang niya babanggitin ang tungkol sa misyon kay Alcalde na nagtatanong pa rin ang tingin habang dahan–dahang tinutungo ang mesa ngunit naghihintay naman ng paliwanag mula sa kanya.   ¿Que tal tu mision? ¿El domingo pasado? ¿Eh? ¿Sargento?!”  Lalong kumunot ang noo ni Alcalde pagkat naging priyoridad pa rin ni Alferez ang resulta ng misyon ng pangkat ni Sarhento Valeriano Guztavo dela Paz imbes ipinagtapat agad sa kanya ang tungkol dito dahil kanina pa nababaghan ang kanyang sarili.  Seguro, dahil sa sobrang tuwa ni Alferez ay naging interesado agad siya sa resulta ng misyon lalo’t tangan ni Sarhento Valeriano Guztavo dela Paz ang ulat na gusto na yatang mabasa niya ang nilalaman nito para siya mismo ang magparating kay Alcalde na napapailing lamang.  Samakatuwid, mali ang naging palagay ni Sarhento Valeriano Guztavo dela Paz pagkat malinaw na si Alferez ang may utos sa pangkat niya upang isagawa ang misyon sa kabundukan ng Sierra Madre ngunit hindi naman maipaliwanag ang dahilan kung bakit hindi nito hiningi ang pahintulot ni Alcalde.  Aywan kung madalas gumagawa ng sariling desisyon si Alferez dahil sa kanyang katungkulan bilang un Comandante del Ejercito de Alcala kahit walang basbas ito mula kay Alcalde pagkat pinangahasan pa rin niya ang magpadala ng misyon sa kabundukan ng Sierra Madre maski delikado.  Kunsabagay, madali na lamang para sa kanya ang magpaliwanag kay Alcalde kahit hindi pa sinisimulan ang kanilang hora feliz ngunit nakapagtataka naman kung bakit napaaga pa rin ang kanilang gising gayong ramdam pa nila ang puyat kagabi.  Basta pansin sa kanyang tanong ang pananabik na marinig ang ulat ni Sarhento Valeriano Guztavo dela Paz pagkat noong nakaraang linggo pa niya hinihintay ito kung hindi lamang siya pumunta sa bayan ng Tuguegarao para dumalo sa mahalagang miting kasama si Alcalde.  Gustuhin man niya ang tumanggi upang imonitor ang ginagawang misyon ng pangkat ni Sarhento Valeriano Guztavo dela Paz ay hindi puwede pagkat isinabay na rin sa miting ng mga punong–bayan sa lalawigan ng Cagayan ang komperensiya naman ng mga itinalagang Alferez sa iba’t ibang bayan.  Ginanap sa palacio del gobernador ang miting na tumagal ng isang linggo dahil pinagsalita ni Gobernador Don Vicente Eriberto Cachuela Nepomuceno ang bawat punong–bayan sa lalawigan ng Cagayan upang mabigyan ng agarang solusyon ang kani–kanilang mga problema pagkat labis niyang ikinabahala ang nagaganap na himagsikan sa probinsiya ng Ilocos Sur.  May kaugnayan sa isinasagawang ronda ng mga guwardiya sibil para sa seguridad sa bayan ng Alcala ang naging talumpati ni Alcalde Procurador Naviero dela Alteza ngunit iniwasan niyang banggitin ang tungkol sa titulo dahil sa layuning ilihim ito pagkat siya lamang ang nagpapatupad nito sa mga katutubo ng Sierra Madre.  Habang ang Comandante de Central Comandancia del Ejercito ang naging tagapagsalita naman sa komperensiya ng mga itinalagang Alferez sa mga bayan ng probinsiya ng Cagayan ngunit may kaugnayan din sa lumulubhang sitwasyon sa lalawigan ng Ilocos Sur ang kanyang mahalagang mensahe para sa kanilang lahat.  Naturalmente!  Ipinahayag ni Teniente Teomatico Gaviola de Pared na wala pang grupo ng manghihimagsik ang kumikilos sa bayan ng Alcala kahit may banto ito ng kasinungalingan pagkat hindi niya kayang banggitin ang tungkol sa tribung Malauegs ng Calantac na inagawan ng mga lupain ng pamahalaang Kastila ng Alcala dahil sa isyu ng titulo.  Sapagkat hindi pa niya napaglilimi sa ngayon ang masamang epekto nito sa pamahalaang Kastila ng Alcala dahil ang alam lamang niyang obligasyon ay ang pagiging tapat kay Alcalde kahit maraming katutubo ng Sierrra Madre ang nagdurusa dahil sa mapaniil na batas.  Walang duda na mismong mga biktima ang magbuklud–bulod kapag sumagad na ang kanilang pagtitimpi upang naisin na lamang ang magrebelde balang araw para ipaghiganti ang ginawang pambubusabos sa kanila ng pamahalaang Kastila ng Alcala kahit ikamamatay pa nila ito.

            “¡Ah! !Una comunidad! ¡Si Teniente! ¡Que encontramos! ¡En el bosque dela Sierra Madre! ¡Y eso creo! ¡Alguien vive alli!”  Bago sumagot si Sarhento Valeriano Guztavo dela Paz ay ipinasa muna niya kay Alferez ang ulat na isang linggo rin niyang isinulat ang banghay para tiyaking nakapaloob ang lahat nang mga detalye pagkat nakasalalay roon ang kanyang promosyon.  Inilarawan niya sa ulat kung gaano kadelikado ang maglakad habang binabaybay nila ang mga kalugay at tawirin ang mga ilog kahit posibleng ikamamatay nila ang malakas na agos hanggang sa narating nila ang komunidad ng mga katutubong Malauegs sa kabundukan ng Sierra Madre.  Sapagkat hindi naman nila alam kung anong tribu ang namumuhay roon ay hindi niya tiniyak sa ulat na komunidad ng mga katutubong Malauegs ang natuklasan nila basta pinatunayan lamang niya na positibo ang resulta ng kanilang misyon.  Kahit binabasa na ni Alferez ang ulat ay pamaya–maya pa rin ang tingin niya kay Sarhento Valeriano Guztavo dela Paz habang unti–unti namang nagkakaroon ng ideya si Alcalde nang mapakinggan niya ang kanyang salaysay ngunit nanlaki lamang ang mga mata niya imbes na matuwa.  Dahil sa ipinamalas na reaksiyon ni Alcalde ay nagkaroon ng katotohanan ang paniniwala na walang basbas mula sa kanya ang misyon na ipinadala ni Alferez sa kabundukan ng Sierra Madre kaya makatuwiran lamang kung sumama ang kanyang loob.  Lalo’t waring inilihim pa ni Alferez ang misyon dahil wala siyang binanggit tungkol dito kung hindi pa dumating sa kanyang opisina si Sarhento Valeriano Guztavo dela Paz upang magsumite ng despues del informe de operacion samantalang isang linggong nanatili sila sa palacio del gobernador dahil sa dinaluhang miting.  Bagaman, hindi na dapat nagbigay ng informe militar si Sarhento Valeriano Guztavo dela Paz pagkat nakasaad na sa kanyang ulat ang mga detalye na nais malaman ni Alferez ngunit itinuloy pa rin niya ang paglalahad dahil kailangan magkaroon ng pag–asa ang kanyang promosyon.  Pagkatapos basahin ni Alfererz ang ulat ay tumayo siya upang kamayan si Sarhento Valeriano Guztavo dela Paz na kanina pa naglalaro sa utak niya ang promosyon bilang pabuya sa kanyang dinanas na hirap para maisakatuparan lamang ang misyon nila.  Subalit naging matamlay ang pagtanggap ni Alcalde sa ulat mula kay Alferez dahil wala na rin saysay para basahin pa niya ito pagkat narinig na niya ang informe militar ni Sarhento Valeriano Guztavo dela Paz ngunit tinapunan pa rin niya ng tingin ito maski pahapyaw.  Nagtatanong naman ang sulyap ni Alferez kay Alcalde matapos basahin nito ang ulat ni Sarhento Valeriano Guztavo dela Paz habang tinutungo ng kanyang mabagal na hakbang ang upuan pagkat hindi pa nadadaluyan ng pampasigla ang lalagukan niya.  Kahit ngayon pa lamang nalaman ni Alcalde na nagpadala pala ng misyon sa kabundukan ng Sierra Madre si Alferez ay nagsawalang–kibo lamang siya ngunit mariin ang iling niya na ikinabahala naman ni Sarhento Valeriano Guztavo dela Paz dahil posibleng madidiskaril ang kanyang promosyon.  Sa pagkaiintindi ni Alferez ay pinagdududahan ni Alcalde ang ulat lalo na ang tungkol sa mga katutubong naninirahan sa kabundukan ng Sierra Madre ngunit hindi nakapagtataka ang ganitong reaksiyon dahil nagmula siya sa progresibong bansa.  Seguro, ang naging katuwiran ni Alcalde ay imposible para sa mga katutubo ang mamuhay sa kagubatan ng Sierra Madre dahil madalas silang bumababa sa bayan ng Alcala kaya nangangahulugan na malapit lamang ang kanilang komunidad na taliwas sa ulat ni Sarhento Valeriano Guztavo dela Paz.  Paano nagagawa ng mga katutubo ng Sierra Madre ang magparoo’t parito sa bayan ng Alcala nang walang anuman lamang ang layo ng kanilang komunidad bukod pa ang panganib dulot ng mga mababangis na hayop upang naisin pa rin nila ang mamuhay roon?  Lingid kay Alcalde ay bihasang maglakad sa kabundukan ng Sierra Madre ang mga katutubong Malauegs kahit nakayapak lamang sila dahil kailangan iakma sa kapaligiran ang kanilang mga sarili pagkat ito ang kanilang nakagisnan buhay na hindi kayang baguhin ng dasal.

            ¿En realidad? ¿Eh?”  Diyata, hindi pa rin kumbinsido si Alcalde kahit nabanggit na ni Sarhento Valeriano Guztavo dela Paz ang ebidensiya na nagpapatunay sa kanilang natuklasan upang maniwala siya bukod pa ang ulat na hawak pa rin niya sa halip na ibalik ito kay Alferez.  Marahil, naisaloob niya na maaaring pahingahan lamang ng mga mangangaso ang sinasabing komunidad sa ulat ni Sarhento Valeriano Guztavo dela Paz dahil may mga gabi na gusto nila ang matulog na lamang sa kagubatan para hindi na maragdagan ang kanilang pagod.  Pero subra–sobra naman yata ang dami ng kubol upang magiging pahingahan lamang ito ng mga mangangaso na tiyak marami na ang tatlo ngunit hindi na tinangkang pumakli ni Sarhento Valeriano Guztavo dela Paz upang hayaan sa sariling paniniwala si Alcalde.  Normal na lamang kung hindi naging katanggap–tanggap para sa kanya ang ulat pagkat hindi siya ang mismong nakatuklas sa komunidad ng mga katutubong Malauegs ngunit lalong malayo ang posibilidad upang mararating niya ang kabundukan ng Sierra Madre bago siya bumalik sa bansang España.  Sapagkat pinanindigan na niya ang katuwiran na imposible para sa anumang tribu ang manirahan sa kabundukan ng Sierra Madre dahil limitado lamang ang mga bagay na kailangang–kailangan upang mabubuhay sila bukod pa ang kondisyon sa paligid na dapat din isaalang–alang nila.  Nagkibit–balikat lamang si Alferez saka dahan–dahang tinungo niya ang estante nang hindi na niya mahintay ang utos ni Alcalde pagkat hindi kabilang sa mga inihain na pagkain sa bupe ang alak habang ginaganap ang kumperensiya sa palacio del gobernador pa mandin.  Tuloy, isang linggo na nag–ayuno siya ng alak ngunit panay naman ang pagtatanong ng kanyang sarili kung bakit mistulang nakaligtaan ni Gobernador Don Vicente Eriberto Cachuela Nepomuceno ang kulang sa ginaganap na kumperensiya gayong boratsero rin naman siya.  Sadyang sinabayan niya ng umis ang paglapag ng bote ng alak sa mesa dahil hindi niya mawari kung ikinagalit ni Alcalde ang kanyang ginawa basta sumulyap lamang sa kanya ang pormal nitong mukha nang bumalik siya sa upuan.  Seguro, talagang hindi na natiis ni Alcalde ang uhaw pagkat naglabas siya ng tatlong kopita mula sa gaveta ng kanyang mesa dahil isang linggo rin na hindi siya tumikim ng alak nang dumalo sila sa miting na ginanap sa palacio del gobernador.  Naturalmente!  Hindi tinanggihan ni Sarhento Valeriano Guztavo dela Paz ang alok ni Alcalde dahil masama ang umaayaw sa grasya lalo’t espesyal ang alak na galing pa ng bansang Mehiko para hindi maapektuhan ang inaasam niyang promosyon kahit wala pa siyang naririnig na pangako.  Pakiwari ni Alferez ay dumulas lamang sa kanyang lalamunan ang unang tagay pagkat hindi man lamang niya naramdaman ang sigid ng alak dahil sa sobrang pananabik ngunit hindi na lamang siya pinansin ni Alcalde.  Nang mismong siya na ang nagsalin sa kanyang kopita upang magpasunod ng pangalawang tagay ngunit ninamnam muna niya ang lasa ng alak hanggang sa dahang–dahang dumaloy ito sa kanyang lalagukan imbes na madaliin ang pagtungga.  Ahhh!!!  Parang gusto niyang magpasunod uli ng tagay para masulit ang pitong araw na pag–aayuno niya ngunit naunahan lamang siya ni Alcalde na nagsasalin naman ng alak sa kanyang kopita dahil sa kaparehong katuwiran.  ¿Es verdad? ¿Alguien vive ahi? ¿Estas seguro de lo que pensabas? ¿Eh? ¿Sargento?”  Pagkatapos inumin ni Alcalde ang kanyang tagay ay nagpasunod siya ng makahulugang tanong upang tiyakin ang katotohanan sa ulat lalo’t wala namang naipakita na anumang katibayan si Sarhento Valeriano Guztavo dela Paz upang paniwalaan niya ito.  Nanatili pa rin sa kanyang isip ang pagdududa pagkat hindi sapat ang mga inilalahad sa ulat kung pagbabasehan naman niya ang tribu ng mga katutubong Malauegs ng Calantac dahil sa kapatagan ng Sierra Madre lamang natagpuan ang kanilang dating komunidad.  Sa halip, muling pinasadahan ng tingin ang despues del informe de operacion ni Sarhento Valeriano Guztavo dela Paz na isinalaysay sa sampung talata ngunit itinigil din niya ang pagbabasa nang biglang nanghina ang kanyang katawan samantalang tatlong tagay pa lamang ang kanyang nainom.  Palibhasa, pinilit lamang niya ang uminom kahit wala sa kondisyon ang kanyang sarili ay madaling tumalab sa kanya ang alak dahil ramdam pa niya ang puyat na pinalubha ng gutom dahil nagkape lamang siya bago umalis sa residencia ejecutiva.  Kahit praktisado siya sa pag–inom ng alak kung ramdam pa rin niya ang matinding kapaguran sanhi ng magdamag na biyahe ay talagang bibigay ang kanyang katawan dahil malalim na ang gabi nang matapos ang miting sa palacio del gobernador.  Subalit kailangan niya ang umuwi agad sa bayan ng Alcala kahit puwede siyang matulog sa bayan ng Tuguegaro pagkat seguradong nakasalansan na sa mesa ang mga dokumento na naghihintay sa kanyang pirma dahil isang linggo na wala siya sa opisina.  Lalo’t madaling–araw na rin siyang naidlip dahil sukat ba namang nagdeklara ng giyera si Señora Mayora pagkat hinintay pala nito ang kanyang pagdating mula sa bayan ng Tuguegarao kahit hating–gabi na para makipagtuos lamang sa kanya sanhi nang walang batayang isyu.  Mangyari, naghinala si Señora Mayora na hindi miting ng mga Alcalde ang dinaluhan ng kanyang esposo sa palacio del gobernador ngunit hindi man lamang ba niya natanong ang sarili kung posible kayang magkaroon ng isang linggong kasayahan habang may maskara ang mga nagsasayaw.  Sapagkat hindi raw puwedeng pasubalian ang instintos maternales ni Señora Mayora na may kerida si Alcalde ngunit kutob lamang ‘yon ng kanyang pusong menopausia maski madalas siyang dumadalo sa misa para mabawasan ang kanyang mga kasalanan.  Tuloy, naging kapansin–pansin ang kanyang pagiging selosa na lalong sumisidhi habang tumatagal ang pagsasama nila ni Alcalde pagkat ultimo ang mga muchacha sa residencia ejecutiva na pawang mga katutubong binyagan ay pinagsususpetsahan na rin niya.  Samantalang mukhang kontrabida naman si Alcalde upang ipagpalagay ni Señora Mayora na marami ang nagkakandarapa sa kanya gayong siya lamang ang nagkaroon ng interes upang pakasalan ang lalaking ipinaglihi sa rhino.  Kunsabagay, hindi nakapagtataka kung wala pang anak hanggang ngayon ang mag–asawa pagkat mas mahaba pa ang oras ng pananatili ni Alcalde sa kanyang opisina kaysa umuwi sa residencia ejecutiva dahil hindi rin naman siya makatulog agad.  Walang duda na ito rin ang dahilan kung bakit hindi pinapatulan ng kura paroko ng Alcala si Señora Mayora kahit araw–araw siyang dumadalo sa misa dahil seguradong mas pag–uusapan pa sa bayan ng Alcala ang nilikhang eskandalo nila kaysa kanyang sermon sa pulpito.  Gusto pa sana ni Alcalde ang matulog hanggang tanghali para mabawi ang kanyang puyat at pagod ay inagahan na lamang niya ang pagpasok sa opisina ngayong araw kahit hindi nag–almusal para malayo siya kay Señora Mayora.  Sa halip na sabihin kay Alferez ang kanyang nararamdaman ay sinarili na lamang niya ito pagkat tiyak na sisisihin lamang siya ni Señora Mayora kung umuwi siya ng residencia ejecutiva upang magpahinga imbes na painumin ng gamot at hayaang matulog.

            “¡Sargento! ¿Conociste a las personas que viven alli? ¿Eh?”  Minabuti ni Alferez ang magpasunod ng tanong upang mapalis ang pagdududa ni Alcalde na pinawisan ng malagkit nang manumbalik ang dating pakiramdam matapos manghina ang katawan nito sanhi ng gutom.  Aywan kung bakit ganito ang tanong ni Alferez maski malinaw sa ulat ni Sarhento Valeriano Guztavo dela Paz na walang humarap sa kanilang pagdating sa komunidad pagkat sadyang nagtago ang mga katutubong Malauegs dahil sa takot nang matanaw nila ang kanilang pagdating.  Hindi rin niya masisisi kung pinagdudahan ni Alcalde ang ulat ni Sarhento Valeriano Guztavo dela Paz dahil hindi nabanggit doon kung anong tribu ang naninirahan sa komunidad na kanilang natuklasan para magiging kapani–paniwala na narating ng kanyang pangkat ang kabundukan ng Sierra Madre.  Ngunit ipagpalagay nang hindi kumpleto ang ulat ay naging katuwiran pa rin ni Sarhento Valeriano Guztavo dela Paz na dapat paniwalaan ito nina Alcalde at Alferez pagkat inilahad lamang niya kung ano ang dinatnan ng kanyang pangkat sa komunidad.  Dapat magpasalamat pa sila pagkat sinikap marating ng kanyang pangkat ang kabundukan ng Sierrra Madre hanggang sa natuklasan nila ang komunidad ng mga katutubong Malauegs maski mistulang nananangan sila sa kalawit ni kamatayan habang namamaybay sa mga kalugay.  Marahil, higit pa sa dating komunidad ng mga katutubong Malauegs ng Calantac ang inaasahan nina Alcalde at Alferez upang matiyak kung anong tribu ang naninirahan doon dahil hindi naman lingid sa dalawa na maraming bayan ang sumasakop sa kabundukan ng Sierra Madre.  Lalo’t taliwas pala sa haka–haka nila na sa kapatagan ng Sierra Madre lamang natatagpuan ang komunidad ng mga katutubo dahil magiging mahirap para sa kanila ang manirahan sa kagubatan pagkat masyado nang malayo ito mula sa kabayanan.  Pagkatapos, muling binalingan ni Alferez ang panlimang tagay na iniwan niya sa mesa kanina nang tumayo siya upang tanungin si Sarhento Valeriano Guztavo dela Paz saka tinungga niya nang tuluy–tuloy ang alak sa kopita hanggang sa nasaid ang laman nito.

            “¡N-No Teniente!”  Mabuti na lamang kaagad dumaloy sa lalamunan ni Alferez ang alak pagkat bumara sana ito kung napasabay sa sagot ni Sarhento Valeriano Guztavo dela Paz ang kanyang pagtungga ngunit humahangos naman siya habang inilalapag sa mesa ang kopita.  Marahil, naneguro na lamang si Sarhento Valeriano Guztavo dela Paz upang hindi makompromiso ang kanyang ulat maski maapektuhan pa ang inaasam niyang promosyon kaysa magsisinungaling siya na seguradong malalaman din naman nina Alferez at Alcalde.  Walang pagdadalawang–isip na inamin niya ang totoo dahil tanungin man ni Alferez ang bawat miyembro ng kanyang pangkat ay tiyak na ganoon din ang magiging tugon nila pagkat pare–pareho silang dumanas nang hirap para maisakatuparan lamang ang misyon.  Hindi bale nang magretiro siya sa ranggong Sarhento kaysa magsisinungaling dahil seguradong itatanong din nina Alferez at Alcalde kung sinu–sino ang mga nakilala nila sa komunidad lalo na ang pinuno ng tribu.  Sa halip na tumingin siya sa nang–uusig na mga mata ni Alferez ay yumuko siya pagkat tuluyan nang isinantabi niya ang hinahangad na promosyon matapos mapagtanto na talagang malabo na ang katuparan nito.  Tuloy, nalaman niya na kaunti pa lamang ang nabawas sa kanyang kopita pagkat wala naman sa pag–iinom ang kanyang pansin dahil tumitikim lamang siya ng alak kung may okasyon para sa pakikisama sa mga kapwa soldados.  Ibinunton na lamang sa kopita ang kanyang kaba pagkat mahirap labanan ang samyo ng alak kahit ayaw na sana niya ngunit naisip naman niya na dapat may pakinabang din ang kanyang pagod maski isang tagay lamang.  Kasi, nagmistulang tigre sa paningin niya si Alcalde nang biglang tumayo sabay hampas nang malakas sa kanyang mesa kaya napasabay na rin ang pagtungga niya hanggang sa tuluyan nang nasaid ang laman ng kopita.  Dahil sa lakas nang pagkahampas ni Alcalde sa mesa ay muntik nang matapon ang alak pagkat gumalaw ang kopita na sinasalinan ni Alferez ngunit naging maagap naman siya maski ikinagulantang ang ginawa nito.

            ¿Q-Que? ¿P-Por que? ¡Supongo que eso es imposible! ¿Eh? ¿Sargento?”  Seguro, nabigla lamang ang katawan ni Alcalde dahil isang linggo rin natigil ang pag–inom niya ng alak ngunit bumalik din ang kanyang dating pakiramdam dapwa tumaas naman ang alta presyon niya nang marinig ang sagot ni Sarhento Valeriano Guztavo dela Paz.  Sapagkat nabigyan ni Alcalde ng salungat na kahulugan ang sagot ni Sarhento Valeriano Guztavo dela Paz dahil imposible upang paniwalaan niya na hindi nalaman ng grupo nito kung anong tribu ang namumuhay sa kabundukan ng Sierra Madre kung talagang mayroon.  Talagang maniniwala na sana siya matapos mapaglilimi na hindi maglalakas–loob si Sarhento Valeriano Guztavo dela Paz upang magsumite ng ulat kung hindi rin lamang totoo ngunit lalong tumibay ang hinala niya nang marinig ang tugon nito kaya uminit ang kanyang ulo.  Pero hindi rin niya tahasang sinasabi na pawang kasinungalingan lamang ang nilalaman ng ulat ni Sarhento Valeriano Guztavo dela Paz pagkat maaaring totoo na tinupad nila ang misyon ngunit posibleng sa kapatagan ng Sierra Madre lamang isinagawa ito upang iwasan ang disgrasya.  Basta ipinapahiwatig ng kanyang mukha na hindi naging katanggap–tanggap para sa kanya ang ulat na ngayon pa lamang niya ibinalik kay Alferez matapos makitaan ng maraming katanungan na hindi naman maipaliwanag ni Sarhento Valeriano Guztavo dela Paz.  Kahit pahagis nang ibinalik ni Alcalde ang ulat ay hindi kumibo si Alferez pagkat naging katanungan din niya kung bakit hindi nakilala ng pangkat ni Sarhento Valeriano Guztavo dela Paz ang mga katutubong naninirahan sa komunidad na natuklasan nila.  Nagkibit–balikat na lamang si Alferez pagkat tama naman ang katuwiran ni Alcalde na dapat detalyado ang despues del informe de operacion dahil importante ito para sa pagbabalangkas ng susunod na plano ngunit nakalimutan yata ito ni Sarhento Valeriano Guztavo dela Paz dahil sa promosyon.

ITUTULOY

Tags:

No responses yet

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *