IKA – 14  LABAS

Napabuntung–hininga naman si Sarhento Valeriano Guztavo dela Paz nang mamalas ang reaksiyon nina Alcalde at Alferez pagkat wala na rin kabuluhan kung mangatuwiran pa siya dahil hindi na niya puwedeng baguhin pa ang kanilang paniniwala kahit masama ang loob niya.  Talagang magpapaalam na sana siya kung hindi lamang muling nagtanong si Alferez saka lumapit pa sabay bantil sa balikat niya ngunit sumiglaw lamang siya dahil hindi niya ikinatuwa ang pag–ayon nito kay Alcalde.  Imbes na ipinagtanggol sana siya dahil isinakatuparan ng kanyang pangkat ang misyon kahit walang basbas mula kay Alcalde kaya posible palang itatanggi rin ni Alferez kung nagkataong napalaban sila sa mga katutubo sa kabundukan ng Sierra Madre.

            “¡Espere un momento . . . Sargento! ¿Que quieres decir? ¿Eh? ¡Necesito tu explicacion! ¡Si . . . Sargento!”  Palibhasa, desisyon lamang ni Alferez nang magpadala siya ng misyon sa kabundukan ng Sierra Madre ay posibleng kasuhan siya ng insubordinacion ni Alcalde pagkat binalewala niya ang basbas nito kaya seguradong mapapadali ang pagtatapon sa kanya pabalik sa bansang España.  Ayaw rin naman niyang makompromiso ang sarili dahil tiyak na lilitisin siya ng tribunal militar kung tuluyan nang mawala ang tiwala sa kanya ni Alcalde pagkat walong soldados lamang ang ipinadala niya sa maselang misyon.  Kaagad hiningi niya ang paliwanag sa pagbabakasakali na may nakaligtaan lamang banggitin si Sarhento Guztavo Valerio dela Paz sa kanyang ulat para malinawan silang dalawa ni Alcalde kaya nawaglit na sa isip niya ang kopita na naghihintay upang tunggain niya.  Hindi niya pinagdududahan ang ulat ni Sarhento Guztavo Valerio dela Paz kundi nagtataka lamang siya kung bakit wala silang nakilala kahit isa sa mga naninirahan sa komunidad dahil normal nang kaganapan ang may sumasalubong upang kilalanin sila.  Kunsabagay, alam niya na ito ang unang pangyayari na naging kuwestiyonable ang ulat ni Sarhento Guztavo Valerio dela Paz ngunit puwede namang kumpirmahin sa mga miyembro ng kanyang pangkat ang katotohanan kung ayaw pa rin maniwala ni Alcalde.  Ipinaubaya niya ang misyon kahit lingid kay Alcalde pagkat lubos ang kanyang tiwala kay Sarhento Guztavo Valerio dela Paz dahil siya na ang dinatnan niya bilang Sargento Primero del Ejercito de Alcala kaya hindi rin niya basta masisisi siya kung kulang ng importanteng detalye ang kanyang despues del informe de operacion.  Sapat na ang nagsumite siya ng ulat pagkat ito ang nagpapatunay na nagampanan nila ang misyon kahit gaano pa kahirap ang pagsasakatuparan nito lalo’t kabundukan ng Sierra Madre ang kanilang pinasok na lubhang peligroso dahil walo lamang sila.

            “¡Porque . . . Teniente! ¡Nadie nos saludo! ¡Cuando lleguemos alla! ¡Esa es la verdad! ¡Si . . . Señor!”  Lingid kina Alferez at Alcalde ay talagang naging ugali na ng mga katutubo ng Sierra Madre ang magtago para sa kanilang kaligtasan sa tuwing may naliligaw sa kanilang komunidad lalo na kung walang abog ang pagdating ng mga ito.  Ginagawa nila ito kahit mga kapwa katutubo pa ang dumarating lalo na noong mga panahon na naging problema ng bawat tribu ang teritoryo dahil humahantong sa madalas na pananalakay ang matinding hidwaan.  Kaya hindi kataka–taka kung nagmamadaling lumikas sa yungib ang mga katutubong Malauegs dahil nagdulot ng pangamba sa kanilang lahat ang biglang pagdating ng mga soldados sa komunidad nila lalo’t armado pa ng mga fusil kahit walo lamang sila.  Bagaman, ganito rin ang nakikita nila sa mga guwardiya sibil sa tuwing bumababa sila sa bayan ng Alcala ngunit iba pa rin ang naging pakiramdam nila nang biglang dumating sa kanilang teritoryo ang mga soldados nang halos kasisilang pa lamang ang araw.  Samakatuwid, normal na reaksiyon din mula kay Alferez ang magtaka kung bakit walang sumalubong kahit isang katutubo sa pangkat ni Sarhento Valeriano Guztavo dela Paz nang dumating sila sa komunidad dahil hindi niya mismo nasaksihan ang aktuwal na kaganapan.  Lalong hindi importante kung panghawakan pa rin ni Alcalde ang maling palagay dahil hindi nanaisin ng mga mangangaso ang pumasok sa pusod ng kagubatan pagkat posibleng ikapapahamak nila ang kapangahasan.  Dahil hindi kabisado ni Sarhento Valeriano Guztavo dela Paz ang pag–uugali ng mga katutubong Malauegs ay hindi rin niya lubos maintindihan kung bakit walang lumantad hanggang sa kanilang paglisan kahit malakas ang kanyang kutob na sila ang namamahay sa komunidad.  Naging katuwiran na lamang niya na maaaring nagtago ang mga katutubong Malauegs dahil sa takot nang mamalas ang kanilang mga armas ngunit segurado naman siya na may nagmamatyag sa kanila habang naroroon sila sa komunidad.  Kung tandisang umiling si Alcalde pagkat natanim na sa isip niya ang negatibong palagay ay napaisip naman si Alferez habang inaarok ang dahilan kung bakit walang lumantad kahit isang katutubo man lamang.  Ngunit sinisikap pa rin unawain ni Alferez si Sarhento Valeriano Guztavo dela Paz dahil siya ang higit nakababatid sa damdamin ng mga soldados sa tuwing isinasakatuparan ang kanilang misyon pagkat laging nalalagay sa panganib ang buhay nila.  Maya–maya, marahang bantil mula sa kanya ang humimok kay Sarhento Valeriano Guztavo dela Paz upang ituloy ang pagsasalaysay pagkat naniniwala siya na may dahilan kung bakit walang sumalubong nang dumating sa komunidad ng mga katutubong Malauegs ang pangkat nito.  Upang mapawi ang pagdududa ni Alcalde ay tumalima sa kahilingan ni Alferez si Sarhento Valeriano Guztavo dela Paz pagkat gusto na rin niyang matapos ang pag–uusap para makalabas na siya sa opisina dahil mistulang isinalang siya sa pugon.  “¡Pero estoy asegurado . . . Teniente! ¡Alguien vive alli! ¡Porque hay fuego en la estufa! ¡Significado! ¡Quizas esten cocinando!  ¡Antes de que llegaramos!”  Baka ito ang impormasyon na hindi nabanggit ni Sarhento Valeriano Guztavo dela Paz sa kanyang ulat ngunit wala nang dahilan para magduda pa sina Alcalde at Alferez ngayong may pulidong katibayan na siya upang panindigan pa rin ang kanyang katuwiran.  Pagkatapos, huminga nang malalim ang Sargento Primero upang ihanda ang sarili sa mga tanong sakaling ayaw pa rin maniwala ni Alcalde ngunit hindi naman siya nababahala pagkat papatunayan mismo ng bawat miyembro ng kanyang pangkat ang ulat.  Sana, huwag nang ipagpilitan pa ni Alcalde ang kanyang katuwiran kung walo na sila ang nagpapatunay sa katotohanan ng ulat dahil tiyak mawawala lamang ang respeto nila sa kanya pagkat malinaw na wala siyang tiwala sa kanila.  Katunayan, makahulugan para sa kanila ang misyon pagkat ito ang naging daan upang matuklasan nila ang komunidad ng mga katutubo sa kabundukan ng Sierra Madre kaya hindi nila ito malilimutan kahit wala na sila sa serbisyo balang araw.  Kung hindi lamang masyadong malayo mula sa bayan ng Alcala ang komunidad ng mga katutubong Malauegs ay seguradong nagtagal pa sila roon pagkat talagang ikinamangha nila ang malaman na puwede naman pala mamuhay sa kabundukan ng Sierra Madre ang tao nang walang agam–agam.  Kung hindi rin lamang sila nagmamadaling lumisan ay seguradong nahintay pa nila ang kanilang paglantad dahil talagang gusto nila ang makipagkilala upang mangalap ng mahalagang impormasyon tungkol sa kanila.  Ngunit mahalaga rin naman ang kaligtasan nilang walo lalo’t wala namang kaseguruhan ang kanilang paghihintay kaya minabuti nila ang bumalik na lamang sa bayan ng Alcala habang maliwanag pa kaysa magtagal sila roon.  Tuloy, inihuhudyat na ang alas–doce ng hating–gabi nang dumating sila sa munisipyo ng Alcala pagkat kailangan tawirin nila ang maraming ilog na lalong nagpahirap sa kanilang pagbabagtas ngunit kasinungalingan ang sabihin na bigo ang kanilang misyon.  May pagsisisi si Sarhento Valeriano Guztavo dela Paz nang maisip na mabuti pa kung naghintay na lamang siya sa opisina ni Alferez dahil hindi mawari kung pinakinggan nito ang kanyang paliwanag pagkat abala sa pagsasalin ng alak sa kopita ang opisyal.  Lalo na si Alcalde pagkat bumalik na ang kondisyon ng kanyang katawan matapos siyang pawisan ay tiyak na ang magdamagang hora feliz kahit hindi pa siya nag–almusl dahil kay Señora Mayora na naging karinyosa kung kailan tumatanda.  Sana, mapansin nina Alcalde at Alferez si Sarhento Valeriano Guztavo dela Paz dahil wala na rin alak ang kopita na tangan niya ngunit mabuti kung dumulas ito sa kanyang kamay nang matigil muna ang kanilang pagtungga para palabasin na siya sa opisina.

            ¿Como puedes estar seguro? ¿Eh? ¿Sargento? ¡Quizas los cazadores tambien crearon fuego!”  Baka kailangan ipaalaala pa kay Alferez na iniutos niya sa pangkat ni Sarhento Valeriano Guztavo dela Paz ang pagsasagawa ng misyon sa kabundukan ng Sierra Madre kahit walang basbas ito mula kay Alcalde kaya tungkulin niya ang suportahan ang Sarhento Primero kaysa hanapan ng kamalian ang isinumite na despues del informe de operacion nito.  Sapagkat magiging sukab siya sa paningin ng mga soldados dahil seguradong ikasasama lamang ng kanyang mga subalterno ang pagsunod sa kanyang mando kung hindi naman pala niya magagawang panindigan ang sariling utos.  Talagang nakapagtataka rin kung bakit nagpadala siya ng misyon sa kabundukan ng Sierra Madre samantalang mapa lamang ang kanyang pinagbatayan nang walang pagsaalang–alang sa panganib na posibleng susuungin ng mga soldados lalo’t walo lamang sila.  Marahil, nagbakasakali lamang siya kung inilihim man niya kay Alcalde ang tungkol sa misyon ng pangkat ni Sarhento Valeriano Guztavo dela Paz dahil hindi siya umaasa ng positibong resulta pagkat hindi naman niya tiyak ang magiging kahinatnan nito.  Mistulang hindi rin sumagi sa isip ni Alcalde ang problema na hatid ng misyon kung napaengkuwentro ang walong soldados lalo’t walang basbas ito mula sa kanya pagkat hindi man lamang niya tinangka ang magtanong.  Pagkatapos, dali–daling tinungga ni Alferez ang natitirang alak sa kanyang kopita saka sumulyap siya kay Alcalde ngunit wala sa kanya ang tingin dahil isinasalin pa lamang sa kopita nito ang huling patak ng bote.  Hindi pa rin tumingin sa kanya si Alcalde pagkat patungo sa estante ang kanyang hakbang para maglabas ng pangatlong bote ng alak upang huwag matigil kahit sandali ang inuman lalo’t nasa kondisyon na ang kanyang sarili.  Narating na ni Alcalde ang estante nang lumingon siya pagkat kanina pa pala hinihintay niya ang tugon sa tanong ni Alferez ngunit hindi tiyak kung napansin ito ni Sarhento Valeriano Guztavo dela Paz dahil tila iniisip pa yata ang kanyang magiging sagot.  Malinaw sa tanong ni Alferez na talagang hindi niya inaasahan ang positibong resulta sa misyon kaya limitado lamang sa walong soldados ang pangkat ni Sarhento Valeriano Guztavo dela Paz pagkat malayo ang posibilidad upang mapapalaban sila.

            “¡Porque . . . Teniente! ¡Por las cabañas! ¡Si! ¡Porque dentro de las cabañas hay muchas cosas! ¡Cuando buscamos! ¡Si!”  Kapagdaka, nanlaki ang mga mata ni Alferez nang marinig ang hindi mapasubaliang ebidensiya na nagpapatunay na talagang narating nang hindi inaasahan ng pangkat ni Sarhento Valeriano Guztavo dela Paz ang komunidad ng mga katutubong Malauegs noong isinagawa nila ang misyon sa kabundukan ng Sierra Madre.  Ipagpalagay nang mga kagamitan ng mga mangangaso ang nakita ng mga soldados sa loob ng mga kubol ay lalong hindi naging katanggsp–tanggap ang katuwirang ito pagkat walang dahilan kung pangangaso lamang ang sadya nila sa kabundukan ng Sierra Madre.  Matapos mapagtanto ni Alferez na talagang imposible ang magkaroon ng mga gamit sa loob ng mga kubol kung walang naninirahan sa komunidad ay saka pa lamang siya napatango ngunit nanatiling pormal si Sarhento Valeriano Guztavo dela Paz.  Tuloy, madaling nagkaroon ng kahulugan kay Alferez kung bakit hindi humarap ang mga katutubong Malauegs nang dumating sa kanilang komunidad ang mga soldados ngunit hindi na siya nag–aksaya ng panahon upang isipin ang dahilan.  Dahil hindi puwedeng balewalain ang natuklasan ng mga soldados sa kabundukan ng Sierra Madre pagkat malaking tulong ito para sa susunod na hakbang ng pamahalaang Kastila ng Alcala lalo’t magiging madali na lamang para sa kanila ang bumalik doon kung iutos ni Alcalde.  Dumalas ang tango ni Alferez sanhi ng sobrang kagalakan pagkat tama pala ang kanyang naging desisyon nang iutos niya sa pangkat ni Sarhento Valeriano Guztavo dela Paz ang isang misyon upang tuklasin ang pook na sa mapa lamang niya napansin.  Baka pangunahan pa niya ang pagbabalik ng pangkat ni Sarhento Valeriano Guztavo dela Paz upang marating din niya ang komunidad ng mga katutubong Malauegs kahit kailanganin ang buong tropa para matiyak ang kanyang kaligtasan kung pinaghandaan din nila ang kanilang pagdating.  Kabalintunaan naman ang naging reaksiyon ni Sarhento Valeriano Guztavo dela Paz pagkat talagang hindi niya magawa ang ngumiti dahil naapektuhan ang kanyang kumpiyansa nang sinang–ayunan ni Alferez ang katuwiran ni Alcalde imbes na itinaguyod niya ang moral ng mga subordinado pagkat ito ang pangunahing tungkulin niya.

            ¿Cabaña? ¿Cosas? ¿Dentro de las cabañas?”  Nagitla si Alcalde nang makumpirma sa paliwanag ni Sarhento Valeriano Guztavo dela Paz na talagang may naninirahan sa mga kubol sa gitna ng kabundukan ng Sierra Madre na taliwas sa kanyang naging palagay na pahingahan lamang ng mga mangangaso ang mga ito.  Biglang natigil ang pag–inom niya ng alak dahil talagang nakamamangha rin isipin na sa kabundukan ng Sierra Madre pala naninirahan ang mga katutubo na madalas bumababa sa bayan ng Alcala upang maglako ng kanilang mga paninda lalo na sa araw ng palengke.  Dahan–dahang inilalapag sa mesa ang kanyang kopita kahit may natitira pang alak habang naniniyak ang tingin niya kay Sarhento Valeriano Guztavo dela Paz na naglalakbay yata pabalik sa komunidad ng mga katutubong Malauegs ang isip pagkat napapadalas ang pagkurap sa mga mata nito.  Talagang hindi madalumat ni Alcala kung bakit ginusto pa rin ng mga katutubong Malauegs ang manirahan sa kabundukan ng Sierra Madre kahit napapaligiran sila ng mga mababangis na hayop sa kagubatan gayong mas ligtas pamahayan ang lambak dahil malayo sa panganib.  Hanggang sa gumuhit ang umis sa kanyang mga labi ngunit hindi ito nakaalpas mula sa matalas na mga mata ni Alferez maski isinabay pa niya ang pagtungga upang ubusin ang natitirang alak sa kanyang kopita.  Subalit ayaw naman niyang aminin na isang pagkakamali nang pagdudahan niya ang ulat ni Sarhento Valeriano Guztavo dela Paz pagkat kailangan din niyang tiyakin ang katotohanan sa kuwento upang mamalas niya ang totoong larawan ng pangyayari.  Ngayong naituwid na ang kanyang maling palagay na sa kapatagan lamang naninirahan ang mga katutubo ng Sierra Madre ay hindi na magiging problema ang pagpapatupad sa batas na may kinalaman sa titulo kaya muli siyang napangiti.  Kung matamlay kanina ang kanyang katawan sanhi ng puyat dahil sa mahabang biyahe kahapon ay masigla na ngayon ang kanyang pakiramdam lalo’t ramdam ng nangangating mga palad niya ang senyales ng suwerte.  Napapadalas ang tagay niya na waring sinasabayan ang masiglang daloy ng kanyang dugo kahit kape lamang ang laman ng tiyan niya ngunit babawi na lamang siya sa pananghalian mamaya kung padalhan siya ni Señora Mayora ng pagkain.  Walang problema kung ngayon lamang ipinagtapat ni Alferez ang tungkol sa misyon kahit walang basbas mula sa kanya pagkat naging daan naman ito upang matuklasan ng mga soldados ang komunidad ng mga katutubong Malauegs sa kabundukan ng Sierra Madre.  Napapangiti na lamang si Alferez habang minamasdan niya si Alcalde na tuwang–tuwa matapos kumpirmahin ni Sarhento Valeriano Guztavo dela Paz ang tungkol sa kanilang natuklasan pagkat taliwas kanina na muntik nang mag–umpugan ang kanyang mga kilay dahil sa pagdududa.  Tuloy, napapadalas din ang pagbubukas ni Alcalde ng estante pagkat agad nasasaid ang laman ng bawat bote na inilalapag niya sa mesa ngunit hindi siya nababahala dahil dala niya sa pag–uwi kahapon ang kanyang rasyon mula sa palacio del gobernador.  Kunsabagay, panlimang bote pa lamang ang inilapag niya sa mesa dahil nabalam ang kanyang kondisyon nang manghina kanina ang katawan niya ngunit maaga pa ang alas–diez ng umaga upang matapos agad ang kanilang hora feliz.  Hanggang madaling–araw ang huling hora feliz nina Alcalde at Alferez bago sila dumalo sa miting na ginanap sa palacio del gobernador pagkat hindi na sila natulog habang hinihintay ang oras ng pag–alis nila papunta sa bayan ng Tuguegarao ngunit naidlip din sila sa loob ng karwahe.  Kaya hindi panghihinayangan ni Alcalde kahit maubos ang nakaimbak na alak sa kanyang estante pagkat matagal din nagpahinga ang kanyang lalamunan dahil pitong araw ba naman sila sa palacio del gobernaador na tubig lamang ang iniinom.  Pagkatapos, paghihinalaan pa siya ni Señora Mayora na may kalaguyo kahit ipinagdarasal niya na sana magkatotoo para may dahilan upang hiwalayan niya ang matanda na ayaw matulog sa gabi maski hindi na siya makagulapay sanhi ng kalasingan.  Kasi, pangarap ni Señora Mayora ang magkaanak sila ng kambal samantalang halos magkalasug–lasog na ang kanyang mga kasu–kasuan dahil sa rayuma kaya ayaw niyang mag–ulam ng dinuguan ng laman–loob ng usa ngunit ito naman ang pilit inihahain sa kanya ng mayordoma.  ¡Que barbaridad!  “¡Por que! ¡Alguien vive alli! ¿Se entero que? ¿Eh? ¿Tenienter? ¡Cabañas! ¡Bien hecho! ¡Asombroso!”  Napangiti si Alferez kahit may ibinubulong ang kanyang sarili pagkat hindi naman siya bingi upang hindi marinig si Sarhento Valeriano Guztavo dela Paz dahil mas malapit siya sa kanya ngunit tumango na lamang siya para tumagal ang kanilang inuman.  Nagkibit–balikat lamang siya sa halip na sumagot pa pagkat hindi niya ikinatuwa ang tanong ni Alcalde ngunit nahuhulaan naman niya kung ano ang naglalaro sa isip nito ngayong natuklasan na ng pangkat ni Sarhento Valeriano Guztavo dela Paz ang komunidad ng mga katutubo ng Sierra Madre.  Kung pinag–interesan ni Alcalde ang dating maliit na komunidad ng mga katutubong Malauegs ng Calantac ay hindi na siya dapat magtaka kung ganito rin ang binabalak nito sa malawak na kalupaan ng Sierra Madre basta ihahanda na lamang niya ang tropa para sa susunod na misyon.  Baka naipagpalagay lamang ni Alcalde na wala sa sinasabi ni Sarhento Valeriano Guztavo dela Paz ang pansin ni Alferez pagkat napapadalas ang kanyang pagsasalin ng alak sa kopita dahil hindi rin natigil ang pagtungga niya kahit laway lamang ang pulutan.  Dapat mang ikagalak ni Sarhento Valeriano Guztavo dela Paz ang papuri ngunit hindi pa rin niya magawa ang ngumiti pagkat tila hindi kayang ipagkaloob ng kanyang mga jefe ang promosyon niya samantalang sila naman ang may pakinabang sa kanilang tagumpay.  Marahil, naisip ni Alcalde na kulang ang papuri dahil lumapit pa siya upang kamayan si Sarhento Valeriano Guztavo dela Paz saka sinalinan niya ng alak ang kopita nito na kanina pa walang laman ngunit ngayon lamang niya nalaman kung hindi pa siya tumayo.  Dumako ang tingin ni Alferez kay Sarhento Valeriano Guztavo dela Paz na nakatikas–pahinga pa rin ngunit hindi tiyak kung may laman pa ang hawak niyang kopita dahil posibleng naramdaman na rin niya ang uhaw pagkat maalinsangan ang panahon.  Basta hinihintay na lamang niya ang utos mula kay Alferez para pabalikin na siya sa kuwartel upang magpahinga pagkat wala nang dahilan ang magtagal pa siya sa opisina ni Alcalde dahil naisumite na niya ang despues del informe de operacion.  Pero nakalimutan na yata siya nina Alcalde at Alferez pagkat hindi na siya pinapansin buhat nang makumpirma nila ang kanyang ulat ngunit ayaw rin niya magpaalam hanggang hindi pa nila sinasabi sa kanya.  Hanggang sa dumako sa bintana ang kanyang mga mata kaya ninais niya ang pumunta muna roon upang magpahangin dahil pinapawisan ang katawan niya kaysa nagmimistulang tuod siya sa harapan ng dalawang opisyal.  Talagang papunta na sa bintana ang kanyang hakbang nang pigilin ito ng tanong mula kay Alferez na tila hindi pa kuntento sa mga ebidensiya na inilahad niya samantalang iniisip na yata nila ang susunod na hakbang.

            “¡Sargento! ¿Cuanto mide el cabañas? ¿Eh? ¡Quizas solo sea un lugar de descanso para los cazadores! ¡La cabaña a la que te refieres! ¿Incapaz?”  Marahil, nais lamang maneguro ni Alferez nang dumiklap sa isip niya ang tanong maski malayo ang posibilidad nito ngunit mabuti na ang matiyak niya dahil hindi naman lingid sa kanya ang nagaganap na himagsikan sa lalawigan ng Ilocos Sur.  Baka kuta ng mga disidente ang natuklasang komunidad ng pangkat ni Sarhento Valeriano Guztavo dela Paz pagkat naging masigasig sa pagsusulong ng rebolusyon ang manghihimagsik sa probinsiya ng Ilocos Sur laban sa pamahalaang Kastila kaya posibleng mangyayari rin ito sa bayan ng Alcala kung hindi maagapan.  Sapagkat may posibilidad upang magtatag din ng kilusan ang mga katutubong Malauegs ng Calantac nang lingid sa pamahalaang Kastila ng Alcala upang ipaghiganti ang dinanas nilang kaapihan nang agawin ang kanilang mga lupain na humantong sa pagkamatay ng kanilang Punong Sugo.  Subalit tuusin mang maigi ni Alferez ang lahat nang posibilidad ay talagang wala rin siyang malirip na palatandaan upang mangyari ito dahil posible lamang ang kilusan sa bayan ng Alcala kung pangunahan ng mga binyagan.  Disin, napalaban na ang pangkat ni Sarhento Valeriano Guztavo dela Paz kung talagang kuta ng mga disidente ang kanilang natuklasan dahil seguradong sasamantalahin nila ang pagkakataon pagkat hindi basta makahihingi ng refuerzo ang walong soldados.  At imposible rin kung hindi pa alam ni Alferez na may kilusan nang gumagalaw sa bayan ng Alcala pagkat siya ang dapat unang nakababatid dahil kailangan sa pagbabalangkas ng plano ang nakalap na mga informe de inteligencia ng mga contra–espionaje ng kanyang tropa.  Inilapag muna ni Sarhento Valeriano Guztavo dela Paz sa mesa ang kopita pagkat gumaan na ang hawak niya rito ngunit papunta pa lamang sa estante si Alcalde upang maglabas ng bote ng alak dahil mistulang umiinom lamang ng tubig si Alferez sa bawat tagay.

            ¿Que pasa . . . Teniente? ¡Ah! !Probablemente tambien unos treinta! ¡Si!  ¡Si mi numero es correcto!”  Tuloy, naisaloob ni Sarhento Valeriano Guztavo dela Paz na tama lamang pala na hindi siya nagsinungaling pagkat inaasahan na niya ang ganitong tanong mula kina Alferez at Alcalde ngunit hindi siya nabahala dahil talagang binilang din niya ang mga kubol.  Dahil talagang magtataka ang sinuman kung bakit nagkaroon ng maraming kubol sa kabundukaan ng Sierra Madre kung pahingahan lamang ng mga mangangaso ang gamit ng mga iyon kaya naging kakuruan niya na may mga naninirahan doon kahit nagtatago sila.  Mabilis naglakbay pabalik sa komunidad ng mga katutubong Malauegs ang kanyang alaala upang tiyakin na tama ang pagkakabilang niya sa mga kubol upang maiwasan ang panibagong pagdududa mula sa dalawang opisyal.  Nagbilang din naman ang mga kasama niya sa misyon habang isa–isang pinapasok nila ang mga kubol sa pagbabakasali na may nagtatago sa loob dahil naging palaisipan din para sa kanila kung bakit wala silang dinatnan sa komunidad.  Ngunit lingid sa mga soldados ay mahigit sa isandaang mga katutubong Malauegs ang naninirahan sa tatlumpung kubol dahil sila ang pinakamalaking tribu ng mga katutubo sa kabundukan ng Sierra Madre kaya pinangingilagan sila ng mga mandirigmang kalalakihan mula sa ibang teritoryo.  Sinasakop ng kanilang komunidad ang malawak na kalupaan ng Sierra Madre ngunit posibleng pag–interesan din ito ng pamahalaang Kastila ng Alcala kung pagbatayan ang pangyayaring nagaganap sa kasalukuyan dahil pamana lamang ang pinanghahawakan nilang katibayan.  Sana, sa tulong ng mga dasal ng lupon ng mga matatandang Malauegs ay hindi magkatotoo ang kanilang pinangangambahan pagkat tiyak na magiging madugo ang magaganap na labanan sa pagitan ng mga mandirigmang Malauegs at ng mga soldados lalo’t handa naman sila sakaling balakin ng pamahalaang Kastila ng Alcala ang magpadala ng tropa.

ITUTULOY

Tags:

No responses yet

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *